Homepage/She's a Secret Mafia Queen ( Season 4 )/
CHAPTER 335
Darylle's Point of View
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napansin ko naman agad na parang nasa isang kwarto ako na sobrang aliwalas, na para bang..
Teka! Nasa langit na ba ako?
"Moo," dinig kong tawag sakin ni..
"M-Moo?" Mahinang patanong na tono kong tawag rin sa kanya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tono na tanong niya sakin.
Pero teka, panaginip lang ba yung nangyari na yun sakin? Dinig na dinig ko kasi ang boses ng kapatid kong si Daria bago ako tuluyang mawalan ng ulirat dahil sa naging tama ng baril sakin.
"Moo, I think I hear Daria's voice last night." Wala sa sariling sabi ko kay Andriana, napansin ko naman na natigilan siya.
"I think you're dreaming, Moo." Pilit na ngiting sabi ni Andriana sakin.
"You think?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, I know how much you miss your little sister." Sagot niya sakin.
Panaginip lang ba talaga yung nangyari na yun?
Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung boses ni Daria, na para bang nag-eecho pa rin sa mga tainga ko ang napakalamig na tono niyang boses.
Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa asawa kong si Andriana patungkol sa sinabi niyang panaginip lang ang boses ni Daria na nag-eecho sa isip at tainga ko. Hindi lang talaga mawala sa isip ko dahil kung panaginip nga 'yon ay parang sobrang totoo sakin na narinig ko talaga ang boses niya no'ng gabi baka pa man ako mawalan ng malay.
"Are you hungry moo?" Biglang tanong ng asawa ko sakin, nilingon ko naman siya.
Bahagya akong tumango, "Yes moo, I'm a little bit hungry."
"Wait lang moo ah, aayusin ko lang 'yong kakainin mo." Ngiting sabi niya sakin, tumango na lamang ako bilang sagot.
Tumayo na mula sa pagkakaupo si Andriana sa tabi ng hospital bed ko at nagtungo sa isang mesa kung saan nandoon nakapatong ang mga prutas at pagkain.
Maya-maya pa'y inihain na sakin ni Andriana ang isang mainit na congee (Lugaw). Kakabili niya lang siguro nito mainit pa kasi hanggang ngayon e.
"By the way moo, your parents is on the way to go here. Alalang-alala sina mommy at daddy sayo nang malaman nila ang nangyari kagabi. Kaagad ring pina-imbestiga ni mommy ang tungkol sa nangyari kagabi." Kwentong sabi niya sakin.
Alam naman na ni Andriana ang tungkol sa pagiging Mafia ng pamilya ko. Sanay naman na siya sa mga delikadong nangyayari sa buhay namin.
Actually my mother trained her on how to used a gun or any deadly weapon. Pero hindi ako pumayag na maging isa siya sa mga babaeng mag-eensayo sa Emperyo para maging kabilang sa organisasyon na kinabibilangan namin. Okay na sakin na ako na lang at ang pamilya ko ang kabilang sa Emperyo wag lang siya dahil ayoko sa bandang huli ay malagay sa panganib ang buhay niya.
Alam ko kasi sa sarili ko kung paano ang mga nagiging ensayo sa Emperyo lalo na kung ang babae ang sasabak sa ensayo sa loob ng Emperyo. Kaya kahit na gusto ni Andriana na mag-ensayo doon ay hindi ako pumayag dahil ayos naman na sakin ang training na ginawa sa kanya ni mommy para kung sakaling wala ako sa tabi niya ay kaya niyang maipagtanggol ang sarili niya sa kapahamakan.
Matapos kong kumain ay agad namang iniligpit ni Andriana ang pinagkainan ko. Nagpasalamat naman ako sa ginagawa niyang pag-aasikaso sakin.
Makalipas ang sampung minuto ay natigilan at napatingin kami ni Andriana sa pintuan ng may bahagyang kumatok.
"Son." Nag-aalalang boses na tawag sakin ni daddy.
"Oh dad?" Gulat kong sabi sa kanya. Napansin ko naman agad na wala si mommy. "Where's mom—?"
"I'm here, son." Nagmamadaling pumasok na sabi ni mommy. "Are you okay now?" Tanong niya sakin.
"Yes mom." Mabilis kong sagot na sabi sa kanya.
Naupo naman siya sa gilid ng hospital bed ko.
"I don't know who's behind this incident, my investigation on this problem is being processed. But I have a suspect on this matter, and I hope she's not the reason why you lying here in a hospital."
"S-She?" Tanong ko kay mommy. So babae ang mastermind ng nangyari sakin kagabi.
"Yeah." Sagot na sabi sakin ni mommy.
"Is it my ex?" Tanong ko ulit.
"Maybe." Seryosong sagot ulit na sabi ni mommy.
Tsk ang hirap mag-isip ng mag-isip.
Imbes na ang babae lang minsan ang nai-stress sa buhay nila, ako naman mukhang mai-stress na sa kakaisip kung totoo ba 'yong kay Daria then iniisip ko rin kung sino ang mastermind ng nangyari sakin kagabi.
Hays, mababaliw na ako kakaisip.
"Gusto mo ng apple wife?" Biglang singit na tanong ni daddy kay mommy.
"I'm not hungry hubby." Sagot ni mommy sa kanya.
"You sure?" Paniniguradong sabing tanong ni daddy.
"Yeah, hundred percent sure."
"Ahm okay."
Makalipas ang dalawang oras ay napagpasyahan na nina mommy at daddy na umuwi. Sinabi rin sakin ni mommy na bukas ay makakalabas na ako ng hospital dahil hindi ako maaaring magtagal dito dahil baka balikan ako ng taong gumawa sakin nito kung bakit nandito ako ngayon sa hospital.
Napansin ko naman na nakatulog na si Andriana sa sofa na mayroon dito sa loob ng hospital room ko. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga para lagyan siya ng comforter dahil medyo malamig dito sa loob.
Wala naman ng nakakabit na dextrose sakin kaya pwede na akong tumayo tayo atsaka para sakin ay hindi naman ganon kalala ang sugat na natamo ko kagabi.
Matapos kong malagyan ng comforter si Andriana ay naglakad naman ako patungo sa bintana para sumilip. Hindi ko naman masyadong iniinda ang sugat ko dahil hindi naman na masyadong makirot.
Bahagya akong sumilip sa bintana mula dito ay kitang kita ko ang mga naglalakihang mga building at sobrang liwanag na ilaw na nagmumula sa mga building na malapit dito, kahit ang mga sasakyan ay kitang kita ko mula dito.
Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang boses ng kapatid kong si Daria. Hindi ko alam kung totoo nga ba 'yon o sadyang guni-guni ko lang ang boses na nag-eecho pa rin hanggang ngayon mula sa mga tainga ko.
Namimiss ko lang siguro ang kambal kong 'yon kaya hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang lumipas ay naaalala ko pa rin ang boses niya.
Kalahating oras lang akong tumayo mula sa bintana. Matapos non ay nagtungo na ulit ako sa hospital bed ko para mahiga at makapagpahinga.
.......
K I N A B U K A S A N
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mahihinang boses. Naimulat ko naman ang mga mata ko ng dahan dahan para tingnan kung sino ang mga taong nag-uusap usap.
"Gising ka na pala moo?" Ngiting bungad na sabing tanong ng asawa kong si Andriana.
"Eat your breakfast first son, after that we will go home." Sabi naman ni mommy.
Bahagya naman tumango kay mommy. Kaagad naman akong inalalayan ni Andriana para makatayo mula sa pagkakahiga. Inalalayan niya rin ako para magtungo sa CR para asikasuhin ko ang sarili, you know the morning rituals.
Matapos kong mag-asikaso ng sarili ko at makakain ng agahan ay inalalayan ulit ako ni Andriana para makapagbihis. Lumabas na muna sina mommy at daddy mula sa kwarto para makapagbihis ako.
Sa wakas at makakalabas na rin ako ngayon ng hospital. Hindi man ako nagtagal dito pero para sakin ay ayaw na ayaw kong nagtatagal sa ganitong lugar. Parang lalo lang kasi akong magkakasakit kapag nagtatagal ako sa ganitong lugar e.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (173)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
May chapter pa po ba to? San po ang continues? Please 😔
29d
0Ang gandaa kaya please po pa update sa next chapter huhuhu
23/09
0pls pa update nmn Ang Ganda Ng story kaso bitin
15/08
0Tingnan Lahat