CHAPTER 334

Daria's Point of View
(Sorry kuya..)
Gustuhin ko mang magpakita at lapitan siya'y di ko magawa. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ngayon, kung paano niyang hanapin ang taong nakita niya kanina na walang iba kun'di ako.
Kailangan kong maging mas maingat sa ngayon dahil sigurado akong malalama't malalaman ni Kuya Darylle na buhay pa ako. Sigurado rin ako na naguguluhan na siya sa sinabi ni Maxine kanina kaya nagawa niya akong sundan para alamin kung totoo nga ba ang sinabi ni Maxine.
Kilalang-kilala ko ang kapatid ko sa mga ganitong bagay at sitwasyon. Hangga't hindi niya nakikita at napapatunayan ay hindi siya basta-bastang naniniwala pero sa sinabi kasi ni Maxine kanina ay bahagya siyang nagdalawang-isip dahil kilala niya naman si Maxine at kahit kailan hindi pa nagkamali si Maxine sa nakikita niyang tao o ano pa man 'yon.
Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papaalis. Maghahanap na muna ako ng lugar dito sa loob ng amusement park na walang ganong tao na tumatambay para magpahinga.
Naglagay na rin ako ng itim na facemask para wala talagang makakilala sakin na mga tao dito. Baka kasi may makakita na naman sakin na kilala ako pero hindi ko naman kilala, 'yon bang mga nakakakilala sakin noon kahit na hindi ko naman sila kilala.
Matapos kong mahanap ng lugar na parang garden ay naupo ako sa bermuda grass, sa likod rin ng isang puno. Medyo maliwanag sa lugar na 'to pero walang ganong tao na nagpupunta.
Napasandal na lang ako sa puno at naglagay ng earphone sa tainga para makinig ng sounds na makakapagpa-relax ng isip ko.
Sa kalagitnaan ng pakikinig ko ay may bigla na lang akong narinig na isang malakas na putok kaya naman dali-dali kong tinanggal ang earphone ko sa tainga. Napansin ko namang nagkakagulo na ang lahat ng tao at panay hiyawan na ang naririnig ko.
Shit, anong nangyayari?
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at agad na isinukbit ang bag ko sa likuran. Nagpalinga-linga ako sa paligid ko at kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko kung paanong magsitakbuhan ang mga tao dahil sa malakas na pagputok.
Ang sinasabi kong putok na narinig ko ay hindi sa fireworks nanggaling kundi sa isang forty five caliber na baril.
Bigla namang nakaramdam ng sakit ang tagiliran ko. Hindi ko maintindihan pero sobrang sakit at bigla akong kinabahan ng sobra.
Shit!
Dali-dali naman akong tumakbo para hanapin ang mga kaibigan ko at ang kapatid ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, na para bang may nangyaring masama sa kakambal ko.
Lakad-takbo ang ginawa ko para mahanap sila dahil hindi mapanatag ang loob ko hangga't di ko masigurado na nasa mabuting lagay sila, na walang nangyaring masama.
Sa ginagawa kong pakikipag-siksikan sa mga tao ay nakarinig akong muli ng tatlong beses na putok kaya naman sinundan ko ang putok na yun kung saan nagmumula.
Maya-maya pa'y nakarating na ako sa lugar kung saan ko narinig ang putok. Nakita ko na marami ng taong nag-uumpukan, na para bang may pinapalibutan silang tao.
Dali-dali naman agad akong nagtungo sa gawing yun para makita ang pinag-uumpukan ng mga taong 'yon.
"Excuse me." Bahagyang sabi ko sa mga taong dinaraanan ko.
At pagdating ko sa harapan...
"Kuya?"
Wala sa sariling sabi ko nang makita ko ang kakambal kong kapatid na nakahiga sa sementong sahig habang may dugo ang kanang tagiliran niya.
Hindi ako nag-atubiling lumapit sa kinaroroonan ng kapatid ko. Wala na akong pakialam kahit na makita pa ako ng mga kaibigan namin na buhay pa. Ang mahalaga ngayon ay matulungan ko ang kapatid ko sa sitwasyon niya.
Dali-dali akong lumapit sa kinaroroonan ni kuya Darylle at bahagyang lumuhod.
"Kuya.." mahinang tawag ko sa kanya at bahagyang tinapik ang pisngi niya pero no response.
"Ate Keisha?"
"Keisha?"
Gulat na tawag sakin ng mga kaibigan ko ng makita nila ako.
Bahagya ko naman silang hindi pinansin. Ibinaba ko agad ang bag ko para kunin sa loob nito ang lagi kong dala na emergency kit.
"Take his head down." Malamig na tono kong sabi kay Andriana.
Dahan-dahan namang ibinaba ni Andriana ang ulo ng kapatid ko sa sahig. Iniabot ko sa kanya ang isang towel at sumenyas na ilagay 'yon sa ilalim ng ulo ni Kuya Darylle para maging unan.
Bahagya kong ini-angat ang polo shirt ng kapatid ko. Nagsuot ako ng hand gloves at nagbuhos ng alcohol sa kamay. Kailangan kong matanggal ang bala sa katawan ng kapatid ko para makaiwas siya sa peligro.
Dati ay takot ako na makakita ng kahit na anumang dugo sa katawan pero ngayon hindi na dahil nasanay ako sa Emperyo, na araw-araw makakita ng dugo.
Tinurukan ko na muna ang kapatid ko ng anesthesia kung saang parte ng katawan niya siya tinamaan.
"Pwede bang sa hos..." hindi na natapos ni Andriana ang sasabihin niya ng magsalita ako.
"He's getting to a coma if you wait the ambulance to go here." Seryosong sabi ko sa kanya. "Don't worry because I know what I'm doing."
Matapos ko siyang turukan ng anesthesia ay napatingin ako sa wrist watch ko at naghintay ng dalawang minuto para tumalab ang tinurok kong anesthesia.
"I need a sealed mineral water and also a clean bowl." Lingon kong sabi sa mga kaibigan ko. "Get me what I need now to save him."
Hindi na sila nag-atubiling maghanap ng kailangan ko at wala pang isang minuto ng iniabot sakin ni Kaleb ang mga kailangan ko.
Binuhusan ko na muna ang buong tyan ng kapatid ko ng mineral water bago ko simulan ang pagtanggal sa katawan niya ng bala.
And after a minutes...
Matapos kong mabigyan ng paunang lunas ang kapatid ko at pagtanggal ng bala sa katawan niya ay ang pagdating ng ambulansya. Dali-dali ko namang iniligpit ang mga gamit ko at inilagay 'yon sa bag.
Aalis na sana ako ng bahagya akong lumingon sa mga kaibigan ko at tiningnan ko sila ng malamig na tingin.
"All of you wasn't see me here tonight. Don't you ever tell to anyone, especially to my brother that all of you knew that I'm still alive." Malamig kong sabi sa kanilang lahat at tinalikuran na sila.
Dali-dali akong umalis doon bago pa man makarating ang mga medical personel. Hindi na ako nag atubili pang lumingon sa kanila.
Matapos kong makaalis at makalabas ng amusement park ay agad akong pumara ng taxi para bumalik sa nirerentahan kong apartment. Sigurado naman ako na wala na ang mga taong 'yon kanina.
Sinulyapan ko ng bahagya ang wrist watch ko at past twelve midnight na pala. Nakasakay na pala ako ngayon sa taxi medyo nag-stretch naman ako ng katawan at ulo para maless ang mga sumasakit sa katawan ko.
I hope na maging okay ang kalagayan ni Kuya Darylle. Ayaw ko man siyang iwanan sa gano'ng sitwasyon niya kanina pero hindi ako maaaring magtagal pa ro'n dahil ramdam kong may nagmamasid na ibang tao sa paligid ko.
Sa kalagitnaan ng byahe ko pabalik sa nirerentahan kong apartment ay bahagya na lamang nag-vibrate ang cellphone kong hawak.
Bahagya akong napapikit ng makita kong rumehistro sa cellphone screen ko ang pangalan ng aking ina.
Ilang segundo pa ang aking hinintay bago ko tuluyang sagutin ang naging tawag niya.
"Mommy," medyo kabado kong tawag sa kanya sa kabilang linya.
"Where are you?" Bungad niyang tanong. "Are you okay?"
"Yeah, I'm okay but.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"I know, I'm on the way to the hospital right now." Seryosong tono na may pag-aalala sa boses niya.
"Please take care of him, mommy." Sagot kong sabi sa kanya. "And please talk to my friends that they never see me on that place tonight." Pakiusap ko pang sabi sa aking ina.
"I will, don't worry about that." Sagot sakin ni mommy.
"Thank you mommy. So, I'll hang up this call." Sabi ko na lamang sa kanya.
"Please taking care of yourself, Daria. No one will protect you even if you can protect yourself." Paalalang sabi ni mommy sakin.
"Yes mommy, I will. Thank you for always reminding my safety." Matapos kong sabihin yan ay ibinaba ko na ang naging tawag ni mommy sakin.
Makaraan ng isang oras ay nakarating na rin ako sa lugar kung saan ako tumutuloy at nangungupahan.
Bago pa man ako bumaba sa taxi ay nagpalinga-linga na muna ako sa buong paligid ko kung may mga tao ba o sasakyan na kakaibang umaaligid sa lugar kung saan ako malapit na nanunuluyan, nang wala naman akong mapansin ay tsaka ako tuluyang bumaba sa taxi. Syempre binayaran ko na muna ang bill ko sa taxi bago ako bumaba.
Naglakad na ako sa eskinita papasok sa looban kung nasaan ang building apartment na nirerentahan ko.
Sa bawat hakbang ko sa paglalakad ay nakikiramdam ako sa paligid. Kailangan na maging alerto sa bawat oras para makaiwas na rin sa kapahamakan.
Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag-isip patungkol sa nalaman na nang mga kaibigan ko na buhay ako. Gustuhin ko mang magtago pero tadhana na yata ang gumagawa ng paraan para malaman nila ang katotohanan na humihinga pa ako at buhay na buhay.

Komento sa Aklat (173)

  • avatar
    Johvey

    May chapter pa po ba to? San po ang continues? Please 😔

    29d

      0
  • avatar
    UmandamLency

    Ang gandaa kaya please po pa update sa next chapter huhuhu

    23/09

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    pls pa update nmn Ang Ganda Ng story kaso bitin

    15/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata