CHAPTER 331

Sinunod ko naman ang sinabi sakin nang mommy kong si Eliza kung saan banda ako daraan papasok sa secret underground na mayro'n ang penthouse. Sa totoo lang ay ngayon ko lang nalaman na may secret underground pala sa ilalim ng penthouse. Alam kaya nina daddy at kuya ang tungkol sa bagay na 'to?
Oh, by the way, I'm back. Its me, the one and only Daria Keisha Angeles-Monteverde also known in the Emperial as Aesera Yin. Ako ang taong hinahanap ng mga taga-Emperyo ngayon, na tumakas sa puder ni Raizo Knight also known as Kenjie Yin. Isinunod ang apelyido ko kay Raizo sa Emperyo na 'Yin' dahil na rin sa kagustuhan niya.
Tumakas ako mula sa puder niya dahil purgang-purga na ako sa mahigpit niyang pagbabantay sakin. Bawat galaw at kilos na gagawin ko sa loob o labas man ay kailangang alam niya, na halos wala na akong kalayaan.
Sa nakalipas na ilang taon mula ng magising ako sa pagkaka-comatose ng dahil sa aksidenteng nangyari sakin ay marami ng nagbago.
Una, makalipas ang isang taon mula ng magising ako at bumuti na ang kalusugan at ang kaisipan ko ay napagpasyahan nang taga Emperyo na sumabak ako sa isang ensayo bilang isang tunay na Mafia assassins ng Emperyo. Sa Emperyo ako dinala at ginamot matapos kong hindi na magising mula sa pagkakatulog ng halos isa't kalahating taon dahil sa aksidenteng ginawa sakin ni Aisha, na ex-girlfriend nang kapatid kong si Darylle.
Pangalawa, sa nakalipas na dalawang taong paghihirap at matinding sakit na dinanas ko sa kamay ng Master Trainor kong si Gavin Cloude Shin, na naging trainor rin ni mommy nu'ng mga panahon na nagti-training pa siya bago maipasa ang posisyon na maging leader ng buong Mafia. Sobra-sobra ang sakit at paghihirap na dinanas ko sa kamay niya nang umpisahan niya akong i-training lalo na nu'ng ibitin niya akong patiwarik sa isang puno sa dark forest habang nilalatigo. At matapos niya akong hampasin ng isang daan at limampo't limang latigo sa katawan habang nakabitin ng patiwarik ay iniwan niya na lang akong basta-basta habang nakasabit pa. Natatandaan ko pa ang mga salitang sinabi niya sakin nu'ng araw na 'yon..
'Kung gusto mo pang mabuhay at makalabas sa delikadong lugar na 'to ay isipin mo na ngayon kung paano kang makakawala mula sa pagkakatali ko sa mga paa mo. Ginusto mo ang bagay na 'to kaya ikaw rin mismo ang gumawa ng paraan para makawala mula dyan sa pagkakabitin ko sayo. Adios.'
Kahit na nanghihina at nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa katawan ay pinilit ko pa ring makawala mula sa pagkakabitin sa puno na ginawa ni Master Shin sakin. Marami akong mga katakot-takot na training pang ginawa kasama si Master Shin kaya kahit na mahuli ako ng mga taga-Emperyo at parusahan ay wala na akong mararamdaman pang sakit dahil manhid na ang buong katawan ko sa lahat ng sakit na naranasan ko.
Iyon ang training kong kahit kailan ay hinding-hindi ko makakalimutan dahil sobra-sobra talaga ang paghihirap na naranasan ko sa training na 'yon. Kapag naaalala ko ang bagay na 'yon ay hindi ko mapigilang maiyukom ang mga palad ko sa sobrang galit na nararamdaman ko magpasa-hanggang ngayon.
Sa nakalipas rin na taon ay nasa likuran lang ako ng pamilya ko na patagong nagmamatyag at nagbabantay sa kanilang lahat lalo na sa kapatid kong si kuya Darylle. Nu'ng minsan nga na mapasyal siya sa Emperyo noon ay agad na sinabi sakin ni Yuri ang tungkol sa bagay na 'yon. Tuwang-tuwa ako ng masilayan ko ang kuya ko kahit na sa malayo lang.
Ang totoo nyan ay hindi alam nina kuya't daddy na buhay pa ako, si mommy lang ang nakakaalam sa pamilya ko na buhay pa ako hanggang ngayon. Pinalabas ni mommy na patay na ako para malaman nang taong gumawa kung bakit naaksidente ako na nagtagumpay siya sa ginawa niyang 'yon sakin.
Pwes, kung inaakala niya na nagtagumpay siya sa ginawa niyang pagsagasa sakin para mapatay ako ay nagkakamali siya dahil heto ako ngayon buhay na buhay at handa ng maningil sa utang na ginawa niya. Ang akala niya ba'y hindi ko alam na nandito na rin ulit siya sa Pilipinas para umpisahan ang masamang balak niya sa kapatid ko at sa asawa nitong si Andriana.
Well, nagkakamali siya dahil kung noon ay matindi siyang magtago. Ngayon, kahit na saan pa man siyang bansa o sulok ng mundo magtago ay makikita't malalaman ko agad sa isang pitik ko lang.
....
"A-Anak," gulat akong napasulyap sa babaeng pababa ng hagdan dito sa secret underground.
Nangingilid naman ang mga mata ko na napatakbo patungo sa kanya. "Mommy," hindi ko na napigilan ang hindi maiyak habang nakayakap sa kanya. "I miss you so much, mommy."
"I miss you so much also, Daria." Naiiyak na ring sabi ni mommy sakin habang yakap-yakap niya ako sa mga bisig niya. "How are you?" tanong niya.
"I'm definitely fine, mommy." sagot ko sa kanya at bahagyang humiwalay mula sa pagkakayakap niya.
Hinawakan niya naman ang magkabilang pisngi ko at bahagya akong tinitigan. "You look so thin, and stress." Malungkot na tono niyang sabi sakin.
Napailing naman ako ng bahagya. "Kasama 'to sa pagma-matured ko mommy. Don't worry about me, sanay na ako sa ganitong itsura ko."
"Pero hindi sakin," seryosong sabi niya sakin. "Ang laki ng ibinagsak ng katawan mo sa nakalipas na limang taon. Nakikita man kita mula sa malayo pero hindi ko aakalain na ganito kang kapayat sa malapitan. Ibang-iba ang postura mo noon sa ngayon, ibang-ibang talaga." Nai-iling na sabi ni mommy sakin.
Inaya ko na muna siya sa isang couch na nandito para maupo dahil kung nakatayo kaming mag-uusap na dalawa ay baka mangalay kaming pareho.
Naupo naman kami. Hindi mabitawan ni mommy ang kamay ko sa sobrang pagkamiss niya sakin at pag-aalala na rin.
"Alam mo ba na hina-hunting ka ng Emperyo dahil sa ginawa mong pagtakas sa puder ni Raizo?" Biglang tanong ni mommy sakin, tumango naman ako sa kanya. "At alam mo rin siguro ang parusang kakaharapin mo kapag ang mismong taga-Emperyo ang nakakita't nakahuli sayo?" Tumango naman ako at bahagyang napaiwas ng tingin sa kanya.
Napasandal naman ako ng bahagya sa couch at bahagyang tumingala sa itaas ng kisame. Ang totoo nyan kaya ako nagpakita kay mommy ay para hingiin ang tulong niya at ang approval niyang hantingin ko si Aisha.
"Mommy," bahagya kong tawag sa kanya at humarap sa gawi niya.
"Hmm?"
"I want your approval." Seryoso kong tonong sabi sa kanya.
"Approval for what?" Tanong niya sakin.
"Approval to hunting a person behind the accident that I got." Madiin na galit kong sagot sa kanya.
"But you clearly know the punishment of what action you will do, especially when you want to kill her."
Hindi naman agad ako nakasagot sa sinabi niyang 'yon sakin dahil ang parusahang sinasabi niya sakin kapag nakapatay ako ng tao na wala namang kinalaman sa Mafia ay parusang kamatayan ang kahahantungan ko.
"I just want to hunting her and torture her not to kill her. Then after that I will bring her to Emperial to received her fateful punishment." Seryoso kong sabi at bahagyang ngumisi.
"Paano kung sa pangto-torture na gagawin mo ay mapatay mo siya? Huh? Anong gagawin mo?" Seryosong tanong ni mommy sakin.
Bahagya naman akong tumayo at naglakad-lakad kunwari habang tinitingnan ang mga malalaking paintings at picture na nandito sa secret underground.
"I told you, mommy, that I will not going to kill her. I just want to torture her, hindi ako gagamit ng kahit na anumang dahas para patayin siya. Not physically torture, because I will use an emotionally torture hanggang sa siya na mismo ang pumatay sa sarili niya." Sarkastikong wikang sabi ko sa kanya.
"I also need the approval of the highest minister in Emperial, you know who's the person that I'm talking about."
"The person you're talking is Minister Raiko, right?" tanong ko.
"Yes, he is." sagot ni mommy sakin. "Wait for a while, I will call him." Bahagya naman akong tumango sa kanya.
Nag-dial naman siya mula sa cellphone niyang hawak at maya-maya pa'y.. "Its me," bungad ni mommy sa taong kausap niya mula sa kabilang linya. Ibinaba niya naman ang cellphone niya sa lamesa at pinindot ang loudspeaker button, sinadya niyang gawin 'yon para marinig ko ang pag-uusapan nilang dalawa.
(Yes, Sapphire. Is there a problem?) tanong ni Minister Raiko mula sa kabilang linya.
"Aesera is here, she show herself to me."
(That's good to hear. And if you hear this, Aesera Yin.. I just want to remind you that please don't do any action that you will regret. You clearly know the punishment which you will get when you do the first thing you said to Cloude Shin after your training with him.) Napaiwas naman ako ng tingin kay mommy matapos sabihin ni Minister Raiko ang tungkol sa bagay na napag-usapan namin ni Master Shin.
Ang bagay kasi na sinasabi ni Minister Raiko, na napag-usapan namin ng Master kong si Cloude Shin ay kapag natapos na ang training ko sa Emperyo at nakalabas na ako, yun bang malayang-malaya na ay hahantingin ko ang taong naging dahilan kung bakit ako naaksidente at papatayin ko siya para maghiganti.
Napalunok naman ako ng bahagya kong sulyapan si mommy na masama ang tingin sakin.
Naubo namang kunwari si mommy. "By the way, tinawagan kita para hingin ang approval mo."
(Approval for what?) tanong ni Minister Raiko kay mommy.
"Approval to hunting a person." sagot naman ni mommy sa kanya.
(Who?) tanong niya kay mommy.
"The person behind Daria's accident, five years ago." sagot ni mommy sa kanya.
(Okay, I approved that. But.. don't you ever kill her. Bring her here in the Emperial and we will punish her according to our laws and also her laws.)
"All right." Sabi na lang ni mommy. "I will hang up this call. Thanks and bye." Ibinaba na ni mommy ang naging pag-uusap nila ni Minister Raiko sa cellphone.
"Thanks, mom." Ngiting sabi ko sa kanya dahil nagawan niya ng paraan ang pangha-hunting na gagawin ko kay Aisha.
"No worries. If you have any problem to share with me, just say it." Ngiti ring sabi ni mommy ni mommy sakin.
"Ahm, mom.." bahagyang sabi ko. "Please don't tell to kuya and daddy that I'm still alive."
"Why?" takang tanong ni mommy.
"Basta po mommy, ayaw ko na munang malaman nila na buhay pa ako hanggang ngayon. Para hindi po sila mag-isip at mag-alala sakin kapag may gagawin akong delikado na pwedeng ikapahamak ko." sagot ko na lang na sabi kay mommy.
"Its that your decision?" tanong niyang muli.
Tumango naman ako. "Yes, mommy."
"Okay, if that's your decision I will respect it." ngiting sabi ni mommy sakin kaya naman napangiti na lang ako.
"Thanks, mom. By the way.." I paused for seconds to get the paper of my address inside the pocket of my jacket, and I barely handed it to her. "That's my exact address where I lived now, I also put my phone number there. So, if you want to visit me just give me a call first to know that you're coming." I said to my mother.
"Okay, I will. Don't worry, if I have a clear schedule this weekend I will visit you there."
"All right, mommy."
"Uuwi ka na ba?" tanong ni mommy sakin.
Tumango naman ako. "Yes, mommy. Why?" balik kong sagot na tanong sa kanya.
"Gusto mo bang ihatid na kita?"
Umiling naman ako. "Hindi na mommy, baka makahalata sina kuya't daddy e."
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Tsk." ungot niya. "Okay sige, mag-iingat ka sa pag-uwi mo. Tawagan mo agad ako o itext para alam kong safe kang nakauwi, okay?"
"Yes, mommy. Don't worry dahil hindi na ako ang dating Daria na nakasama niyo noon, kaya ko na pong ipagtanggol ang sarili ko sa mga taong gustong manakit sakin."
Bahagya naman siyang natawa. "Nagbago man ang ugali mo ay ikaw pa rin ang nag-iisang anak kong babae. Ay wait, dalawa na pala kayong anak ko na babae."
"I know." Ngiti kong sabi sa kanya dahil alam ko na kung sino ang taong tinutukoy niya, na walang iba kun'di ang asawa ng kapatid ko na si Andriana.
"I'll go first, mommy." Sabi ko sa kanya.
Pero bago pa man ako tumalikod ay binigyan ko na muna ng isang mahigpit na yakap si mommy.
"I love you, mommy." Ngiting sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko pa rin siya.
Hinaplos-haplos niya naman ang likod ko. "I love you so much, my baby Daria. I hope na makasama ka na namin ulit nang kuya't daddy mo."
"Soon mommy, soon..." ngiti kong sabi na lang at humiwalay na mula sa pagkakayakap ko sa kanya.
Tumango naman siya sakin at sumenyas na umalis na ako kaya naman tinanguan ko na lang rin siya at bahagyang ngumiti.

Komento sa Aklat (173)

  • avatar
    Johvey

    May chapter pa po ba to? San po ang continues? Please 😔

    29d

      0
  • avatar
    UmandamLency

    Ang gandaa kaya please po pa update sa next chapter huhuhu

    23/09

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    pls pa update nmn Ang Ganda Ng story kaso bitin

    15/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata