Homepage/Love At first Sight (Book-1)/
Kabanata 9: Kalimutan
Kalimutan
Dinidilaan ang labi habang mabilis na na naglalakad hinahanap siya. Nasa parking area na ako ngayon, parang magnanakaw na sinisipat ang bawat sasakyang nakikita.. pero ano nga ba ang kulay ng sasakyan niya? Mamahalin ba, bago, o makabagong modelo? Wala akong ideya dahil hindi ko naman naitanong ito sa kanya at nakakahiya na kung pati kulay ng kanyang sasakyan ay aalamin ko pa..
Hinihingal akong huminto sa gitna ng parking. Tahimik at tanging ihip lamang ng mabining hangin ang maririnig. Nawawalan na ako ng pag-asa na makita siya. Saang parte naman ng university ko hahanapin ang lalaking iyon? Napasandal ako sa kulay itim na Ferrari. Makintab ito at halatang bago. Kapag nagasgasan ko panigurado mahal ang ibabayad ko!
Nagulantang ako ng malakas itong bumusina. Halos mabitawan ko pa ang bitbit na paper bag. Hindi na ito gaanong mainit kumpara kanina.
Inayos ko ang malaking salamin sa mga mata dahil pakiramdam ko tumabingi na ito sa labis na gulat. Umalis ako mula sa pagkakasandal dito. Tumabi at nagbigay ng daan sa taong nasa loob ng sasakyan...
Ngunit nakapagtataka dahil minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin umaalis ang sasakyan. Nanatili ito sa puwesto ako naman nasa tabi nito. Umaasang makikita pa rin siya para makahingi ng patawad.
Patawad?
May nagawa ba akong kasalanan dito? E, umiiwas lang naman ako sa gulo. Puntahan ko kaya sa bilyaran? Nagkaroon ako bigla ng pag-asa.. baka nga naroon?
Bitbit pa rin ang dalawang paper bag ng nagmamadaling umalis sa lugar. Sa pagharap upang makaalis, hindi ko inaasahan ang pagkakabunggo ng katawan sa matitigas na dibdib ng kung sino. Sa kalampahan, natumba ako, bumagsak ang puwetan sa semento! Muling bumusina ang sasakyang sinandalan kanina. Sapo ko pa rin ang pang-upo ko ng dinampot ang dalawang paper bag na hawak. Mabuti na lamang at maayos na nakasara ang mga ito. Walang natapon mula sa loob nito.
"Stop it!" Sigaw ng taong nakabangga ko. Pamilyar na pamilyar sa akin ang boses nito!
Nagkukumahog akong tumayo at mabilis na tinapunan ng tingin ang taong nakabangga!
Blangko ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Ni hindi nga ako tinatapunan ng tingin. Mas nagbigay reaksiyon pa sa taong nasa loob ng sasakyang malakas na bumubusina.
"S-Santillan..." May nginig sa boses ng sulyapan ko siya.
"Anong kailangan mo?" Matigas at matatag ang kanyang mukha. Hindi ko makita ang mapang-asar niyang kilos. Sa ngayon, malamig ang kanyang trato at tila pa benabalewala ang presensiya ko.
Gusto ko sanang lumapit pero nag-aalangan ako. Natatakot...
"Amm.." Kagat ang labi ng pinapasadahan siya ng tingin. Nakatali na ulit ang mahaba niyang buhok. Nag-ayos ba siya noong umalis kanina?
"Kainin natin 'to?" Pilit ang ngiti upang makumbinsi ito. Inangat din sa ere ang dalawang paper bag na bitbit. Subalit, hindi yata tumalab ang pakiusap, dahil tinalikuran niya lang ako.
Taranta akong sumunod sa kanya, kaya lang natigil saglit sa pagpapa-andar ng sasakyang sinasandalan kanina. Mabilis ang pagpapatakbo ng tao sa loob nito sinabayan pa ang malakas na busina na halos ikabingi ko na.
Hinanap ng aking mga mata ang malaking bulto ni Santillan. Sa 'di-kalayuan ay natanawan kong patungo ito sa malaking building. May klase kaya ito? Hindi ba't may klase din ako na dapat kong daluhan? Paano kong malaman ito ng guidance councilor... mapaparusahan na ba ako ng tuluyan?
Lakad-takbo na ang ginagawa ko. Nasa ikalawang palapag na si Santillan! Nakakapagod siyang sundan! Hinihingal na ako ng makarating sa ikalawang palapag. Mahigpit ang hawak sa railings ng hagdan.
Lumiko ulit siya at hindi ko na nasundan ng tanaw dahil nakihalo na sa ibang estudyante. Inayos ko ang malaking salamin na medyo nanlalabo na. Saglit ko muna itong hinubad at pinunasan ito sa laylayan ng puting long-sleeves. Natataranta at baka tuluyan na siyang mawala sa paningin!
Tuwid akong tumayo, mas malaki na ang kumpiyansa dahil malinaw na ulit ang daang nakikita. Nagsimula akong maglakad. Tinatahak ang daan kung saan siya lumiko. Maingay at malawak na pasilyo ang aking nabungaran, puro pa kalalakihan ang nakikita ko...
Sabay-sabay akong pinagtitinginan.. napapalunok, ngunit pursigido talaga na mahanap siya..
"Amm.. si.. S-Santillan?" Nanginginig ang boses. Iniisip na baka pagtawanan lang.
Lahat yata natigil sa ginagawa. Nagtataka kung bakit ako naririto. Puro ito mga kalalakihan. Anong departamento ba itong napasukan?
Natigil ako sa paghakbang. Ang dalawang paper bag ay nagusot na. Malamig na rin siguro ang pagkaing nasa loob. Hindi ko pa nasisilip kung ano ang nasa loob nito. Ngayon ko lamang napagtanto, malaking bagay na itong pagbili niya ng pagkain.. Kasi, wala naman sa hitsura niya iyong pagiging mapagbigay, hindi ba?
Sa pagod, yumuko ako at pumikit. Ni hindi ko man lang na appreciate? Sino bang hindi magagalit? Sinabihan ko pang mas palagay ang loob ko kay Hilton kung ito ang kasama...
Bumuntong-hininga ako sa harapan ng karamihan. Hindi alam kung ang lahat ba ng naririto ay nakikilala siya o kung hindi man, ay ka-klase niya.
"Pakisabi hinahanap ko siya..."
Bagsak ang balikat na nakikiusap sa mga taong ngayon lang naman nakita.
May klase sila, ngunit hindi pa dumadating ang professor na magtuturo. Nadatnan kong nagbubulungan ang mga ito ngunit hindi rin naman gaanong malakas ang boses ng mga 'to. Nagulat pa nga sila sa biglaang pagpapakita ko sa kanila.
"Bakit mo naman hinahanap?" Sumilip siya saglit sa aking likod. Nangingiti pati na rin ang ibang kasamahan.
Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko pinagkakatuwaan lang ulit ako. Nag-iinit na ang pisngi at kahit hindi ko man makita, ramdam kong pinamumulahan na.
"K-kasi..." Naglulumikot ang mga mata at nahihiya na sa paninitig nila. "K-kasi kakainin namin ito.." Inangat ko ulit ang dalawang paper bag. "...pero wala naman siya aalis na lang ako.."
"Tsk..." Agad akong nabuhayan ng loob ng marinig ang pamilyar na boses. Dahil nakatalikod agaran ang pagharap. And then, I saw him...
Kumalabog ng malakas ang puso ko. Halos pigil na rin ang paghinga ko. Nasa harapan ko na siya at tila naestatwa na. Parang ayaw ko ng gumalaw sa kinatatayuan. Nababato-balani na sa kanyang kagwapuhan...
"Suko ka na?" Tinataasan niya ako ng kilay, pero humahakbang naman upang tuluyan pang makalapit.
Hindi ako nagsalita, nanatili lang nakatitig sa kanya. Pumikit ako ng maramdaman ang malaking palad niya na pinapahiran ang aking noo. Pawis na pawis pala ako?
"Sa susunod ako lang dapat ang uunahin mo..."
Sa lakas ng kalabog ng dibdib parang matutunaw na ako. Muli akong pumikit dahil nahihiya sa lakas ng hiyawan ng mga nakakarinig.
"L.Q.?" Nanunuksong tanong noong lalaking napagtanungan ko kanina.
Nagkibit-balikat lamang si Santillan. Hinatak na ako para lisanin ang lugar. Nagpatianod na ako, hinding-hindi na makikipagtalo.
May hagdan pa ulit kaming nadaanan. May mga nakakasalubong pero iniignora lamang niya ang mga ito. Ako ang tumatango sa pagbati ng ilan. Magkahawak-kamay kami kaya marahil nagtataka ang nakararami. He was holding my hand gently. Malaki at mainit ang kanyang palad. Ito ang unang beses na nakaranas ako ng ganito. Na may humahawak sa kamay ko. Dapat ba maging masaya ako? Paano kung ang lahat ng ito ay bahagi lang ng aming proyekto? Na kapag natapos na namin ito ay bibitawan na rin niya ako?
Sumalubong ang malakas na hampas ng hangin. Dahil nakalugay ang mahabang buhok sumabog ito sa aking mukha. Nahihiya pa ng hawiin ang mga nakakalat sa mukha. I heard him chuckled, subalit nakihawi na rin. Nailang ako sa kanyang ginawa.. sasawayin dapat siya pero...
"Kahit pagsuklay ng buhok kinakaligtaan mo?" Nakangiti pa siya habang sinasabi ito.
Buhaghag na nga ang bawat hibla at mahirap ng ihiwalay sa iba. Paano, pawis na pawis ako. Nakalimutan ko na talagang suklayan ang buhok lalo pa at inaway pa ni Victoria.
"Dito tayo." Iginaya niya ako sa isang sementadong upuan. Kasya ang tatlong katao sa haba nito. Malilim din kahit na mataas na ang araw.
Nasa roof top kami. Takot ako sa matataas na lugar.. pero nandito naman si Santillan at alam kong hindi niya ako pababayaan.
"Gutom na gutom na ako pero ipinagpalit mo lang ako kay Hilton?"
Ngumuso ako at inirapan siya. Nasa kamay na niya ang dalawang paper bag na dala-dala.
"Malamig na... okay lang ba?"
Napatitig ako sa mukha niya. Barumbado, maloko at hindi pa nagseseryoso sa pag-aaral ito, subalit bakit pakiramdam ko mabuti naman siyang tao?
Napadako ang aking paningin sa kilay niyang may hikaw. Hindi naman ito masyadong kalakihan.. napapansin lang talaga, dahil bihira lang makakita ng lalaking may hikaw sa itaas ng kilay.
"Hindi ba yan masakit?" Nahinto siya sa pagkalkal ng mga pagkaing nasa loob ng paper bag.
"Masakit ang alin?" Titig na titig siya sa akin. Ako, sa sobrang kabado kaagad na nag-iwas ng paningin.
Napatingala ako sa maliwanag na kalangitan. Nakakasilaw ang sinag ng araw.
"'Yang hikaw sa kilay mo. Hindi masakit?" Nakangiwi pa ako noong titigan ang hikaw na nakalapat sa kanyang kilay.
"Ito?" Aniyang benabalewala ang katanungan ko. "Mas masakit kapag ka sinusungitan mo ako..." Tinaas-baba pa niya ang mga kilay niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Napanguso pa sa pang-aasar niya.
"Parang temang..." Nag-iwas ako ng tingin dahil napapaso na ng sariling pisngi. Nag-iinit kasi ito ng sobra at baka pinamumulahan na.
"Yung totoo?" Bumuntong-hininga siya at napatingin sa kawalan. Naging seryoso at napakalalim ng bawat paghinga...
Silence streched out. I can almost hear the calmness of the air. Sing-init ng buga ng araw ang bawat haplos nito sa aking balat.
"Mas masarap gawin ang mga bagay na ipinagbabawal. Mas mabibigyang halaga ang bawat araw na nagdaraan." Hindi siya nakatitig pero ramdam kong may pinagdadaanan siya. "And if I were you..." Mas lalo siyang nagseryoso. Kinabahan naman ako. "Huwag mo akong gugustuhin..."
Lumunok ako ng makipagtitigan siya sa akin. Mas lalong naging marahas ang buga ng hangin.
"...dahil nasa maling tao ka.." Kumurap ako at sa muling pagmulat ng mga mata humaplos na ang kamay niya sa aking pisngi..
I gulped, but didn't looked away. Matapang ko siyang tinitigan at kung mali man, makikipagsabayan...
"Paano kung nagkabaliktad ng sitwasyon? Alam kong imposible.. pero paano kung ikaw ang magkagusto.. Makakaya mo bang kontrolin ito?" Itinapat ko ang hintuturo sa kanyang matigas na dibdib...
He licked his lower lip and held my finger...
"Mas mabuting kalimutan na lang kaysa ang masaktan..."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
a lot of moral in this
25/04/2025
0I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo
26/03/2025
0a obra é boa
17/03/2025
0Tingnan Lahat