Kabanata 13: Migraine

Migraine
Papalubog na ang araw ng marating namin ang kinaroroonan ng kanyang magarang sasakyan. It's a red sports car. The car is new. Sa kintab nito, pupuwede nang manalamin dito. Napatingala ako sa kulay kahel ng langit. Ang marahang galaw ng mga ulap ay sinusundan ng tanaw. Napukaw lang ng pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Get in." Nagkatitigan kami.
Pero dahil sa hindi ko matagalan ang kanyang titig. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Humigpit din lalo ang pagkakayakap sa mga bitbit na aklat. Naiilang ako dahil ramdam ko ang pagsunod niya sa bawat galaw ko.
Alanganin akong pumasok sa loob ng magarang sasakyan. Nakakapanibago dahil ito ang unang beses na may nag-alok sa akin. Pero hindi ang makasakay sa magarang sasakyan katulad nito.. maraming sasakyan si Papa.. bago pa man nangyari ang aksidente. Naibenta lang, upang masagip pareho, ang kaso...
"Tell me your place."
Nakapasok na pala 'to sa loob ni hindi ko man lang namalayan.. Pero teka.. ihahatid niya ba ako sa amin? Kamuntik akong mapaahon sa malambot na upuan. Hindi na maisalarawan ang loob ng kanyang magarang sasakyan. Kung ihahatid niya ako magkikita sila ng tita ko. Madaldal iyon at medyo straight forward din. Bukod pa roon masyado ring revealing ang paraan ng pananamit. Minsan nga, tee-shirts at underwear lang ang suot kapag ka pinagbubuksan ako ng pinto.
Siya at si Tita Marideth magkakaharap? Naku, hindi magandang ideya.
"Amm.." Bumuntong-hininga kasabay ng pagbundol ng kaba.
Hindi pa naman umaandar ang sasakyan. Ang kanyang mga kamay ay nasa manibela hinihintay ang lugar kung saan ako ihahatid.
"Lily.." Bored na ang boses. Mas lalo lang dinagsa ng kaba.
"Baka.. puwede.." I licked my lower lip. "Sa ibang araw mo na lang ako ihatid?"
Akmang bubuksan ko ang pintuan ng kanyang sasakyan pero sa malas hindi ko ito mabuksan.. ini-lock niya ba ang pintuan?
Napabuntong-hininga ako.
"Isaac.. please.." Inayos ko pa ang tumabinging salamin. "N-next time siguro puwede na.. baka kasi magkagulatan kayo ni Tita-"
But.. he just cut me off. Agresibo ang titig. Halatang naiinip.
"Your place," Napapikit ako. Ayaw ng makipagtalo.
"Makati. Pero pakiusap lang, kapag naroon si Tita Deth sa bahay, puwede bang huwag mo na lang siyang papatulan-" Instead of answering, he cut me off again.. jerk!
"Easy.. hindi kita ihahatid sa loob ng bahay niyo okay? Huwag kang umasa na mangyayari 'yun. Wala akong balak na makipag-meet sinuman sa pamilya mo.. "
Sinamaan ko siya ng tingin. Pagkatapos niyang nakawin ang first kiss ko? Sa halip na patulan ang mga sinabi nanahimik na lamang at isinandig ang katawan sa malambot na upuan. This car is new. Pinasadahan ko ng tingin ang loob nito, ang steering wheel, ang dashboard, even the gear stick, nangingintab pareho.
Ramdam ko ang kanyang sulyap ng tumatakbo na ang sasakyan. Hindi ko siya pinansin ni hindi ko na tatapunan ng tingin! Mas mabuting sa labas na lang ng bintana ang tingin!
"You're too quiet.."
Bahala ka diyan! Manigas ka! Mapapanis laway mo!
"Talk to me!" Nagmamakaawa na ba siya?
Umirap ako sa kawalan bago napilitang lingunin ang busangot na mukha ng gwapong mama.
"Ano naman ang sasabihin ko?" Pairap kong saad.
"Anything.. " Kibit-balikat niya bago muling pinaikot ang manibela. Red light kasi.
Anything?
"Naka-ilang girlfriends ka na?" Napa-cross arms ako. Sige nga titingnan ko kung sasagutin niya ba.
Tinapunan niya ako ng tingin bago ibinalik sa kalsada ang pansin. "I lost count."
Ang yabang! Singhal ko sa isip.
Parang tinamad na akong segundahan pa ang tanong..
"...But, I'm just playing around you know.. " Nagkibit-balikat pa siya ulit. "Sa dami ng puwede mong itanong bakit 'yun pa?" May multo ng ngisi sa kanyang labi. "Gusto mo rin bang itanong kung sinong first girlfriend ko? O kung sino ang unang babaeng naikama ko..?" Tuluyan ng sumilay ang ngisi..
Pinilit ko siyang abutin para sana hampasin, ang kaso bago ko pa man magawa ang binabalak gawin mabilis na siyang nakaiwas sabay iling at ngisi na rin.
"Kadiri ka!" Sabay irap. "Alam mo, kung manliligaw ka sa akin, babastedin kaagad kita.. at isa pa hindi ikaw ang tipo ko noh?"
Mas lalo pa siyang humalakhak.  Imbes na magalit, nangiti pa ako. Ewan ko, siguro dahil hindi naman totoo iyong sinabi ko? Hindi ko alam. Pero... totoo naman kasing hindi siya ang tipo ko... kaso lang-
"You're staring too much again." His jaw clenched while maneuvering the steering wheel. Napalunok ako dahil nahuli na naman. Bakit ba nalalaman niya sa tuwing mapapatulala ako sa gwapong mukha niya?
"If you're attracted it's okay, but I'm telling you.. don't fall in love--" Sensiro siya pero alam kong sa huling pangungusap  papakawalan ang halakhak.
"Hindi kita gusto. Hindi ikaw ang tipo ko.." Hindi ko siya magawang titigan dahil bigla na lang dumaloy sa kaisipan ang naging halikan!
"Don't worry the feeling is mutual. But I'm warning you, don't you ever fall in love with me.. Ayaw kong masaktan ka.. looking at you.. you're too fragile.. mahihirapan kang kalimutan ako. Masyado kang mahina.."
May kung ano sa boses niya na nais ipahiwatig pero hindi ko na binigyan ng kahulugan dahil iritado na at gusto na lang bumaba!
"Ang yabang mo no? Masyadong bilib sa sarili. Akala mo naman lahat ng babae magkakagusto sayo.. well, ibahin mo ako at huwag mo akong isasali sa listahan mo." He glanced at me. His brows furrowed.
Ako naman patuloy lang sa pagrereklamo sa kahabaan ng traffic. But Isaac remained quiet.. hindi naman siguro dahil sa mga pambabara ko. For sure, hindi naman 'yan maapektuhan sa mga sinabi ko right?
"Dito na ako.." Sakto namang huminto ang kanyang sasakyan.
Madilim na ang paligid. Iilang ilaw sa poste ang nagbibigay ng liwanag ngayon. Ngayon ko lang din naisip na nasa squatters area pala kami, ibig sabihin maraming mata ang makikiusyoso. Kainis! Ba't pa kasi ako pumayag magpahatid sa antipatikong 'to?
"I-unlock mo na para makalabas na ako.."
Then, I heard a click sound. Binuksan na niya siguro.
"Salamat sa paghatid.."
Nagkatitigan kami. Tumatambol ng husto ang dibdib. Pigilan ko man, hindi ko maawat ang mga matang nakikipagtagisan ng titig sa kanya. This man is really beautiful. Naligaw lang sa maling lugar.
His eyes drifted on my lips and then, back to my eyes again. Napalunok ako sa pag-pa-palpitate ulit ng dibdib! Dahil naiilang na, tomotodo na rin ng labis ang kaba, hindi ko na napigilan..
"M-may d-dumi ba ako sa mukha?" Napaayos ako ng suot na salamin. Hindi naman tabangi. Nenenerbiyos lang.
"You're not my type," Umigting ang kanyang panga. Humigpit din ang hawak sa manibela.
"But.." Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya. "I think.." Mariin niyang ipinikit ang mga mata sabay hawak sa ulo. Isinandal na rin ito sa upuan.
"Fuck.." Mas lalo na ring mahigpit ang hawak sa steering wheel ng sasakyan. Sa nakikita parang nahihirapan na talaga siya. "Not now.." Mahinang usal.
"Anong nangyayari? Ayos ka lang?"
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nag-aalala ako dahil bakas sa mukha niya ang iniindang sakit.
"Fucking migraine.. can you call Hilton.. please."
Tanaw ko sa dashboard ang kanyang telepono. Mabilisan ang kilos. Kaagad ko itong kinuha at..
"Anong password?" Halos taranta na at gusto na siyang lapitan. Ramdam ko ang paghihirap niya.
Gaano na ba kalala ang migraine niya? Wala akong ideya kasi hindi ko naman naranasan kung anong sintomas, pero sa nakikita ko hirap na hirap siya at nagpipigil lang.
I saw Hilton's name.. I dialed his number but no one's answering. Panay ang sulyap ko sa nakapikit pa ring si Isaac sapo ang ulo at parang gusto pa yatang i-untog ito sa semento.
"Walang sumasagot.." Garalgal ang boses dahil tuluyan ng nilulukuban ng kaba. "Isaac.. masakit na masakit ba?" I bit my lower lip.
"Try again.." Mariin ang pakiusap.
Tinawagan ko ulit, nanalangin na sana sa pagkakataong ito, ay sasagutin na ni Hilton ang tawag..
"Dude.." Nakaramdam ng ginhawa ng marinig ang pamilyar na boses. Naibuga ko ang naipong hangin sa baga.
"Hilton!" Halos mangiyak-ngiyak na.. "Puntahan mo si Isaac dito.." I'm shaking now literally.
Napasulyap ulit sa direksiyon ni Isaac. Hindi na maipinta ang mukha dahil siguro mas lumalala pa ang sakit!
"I'm not going to die yet.. it's just a migraine.."
Pinapakalma pa ako, na dapat sana ako iyong may nararapat na gawin. Pagkatapos kong sabihin kay Hilton kung saan kami naroon pinatay ko na ang tawag. Disgusto siya ng lapitan ko. Hindi alam kung saan siya hahawakan.
"Masakit pa rin?" Mas lalo lamang siyang pumikit.
"I'm fine. I'll see my doctor and.." Umungol siya. Naipikit ko ang mga mata dahil nakikita ko ang paghihirap niya. Wala ng pakialam ng hawakan siya sa kanyang braso.
"Baka hindi na migraine yan a?" Tears form in my eyes.
Dahil sa takot siguro. Nag-aalala? Hindi ko alam pero ang makita siyang nahihirapan ay para na rin akong pinaparusahan.
"Go home.. your aunt is waiting for you.. "
Umiling ako..
"Ayoko, dito lang ako.. hindi kita iiwanan dito.."
Slowly, he open his eyes.. his gazed makes me want to cry.. dahil kahit na nahihirapan sa sitwasyon pinipilit pa rin na mahanap ang aking tanaw kahit nasa kanyang harapan lang naman.
"I.. I.. w-want you to go home now!"
Bakit ba gusto niya akong umalis? E, sa ayaw ko nga!
"I said go home!"
Ilang pulgada na lang ang agwat namin pero bakit parang hindi niya ako makita? Bakit parang...
"Kapag hindi ka pa lumabas hinding-hindi na ako makikipag-cooperate sa term paper project-"
Ang daya!
Kung isa ito sa mga kahinaan niya at nahihiya lang siya dahil nasasaksihan ko.. bakit kailangan niya pa akong ipagtulukan? Wala naman akong pagsasabihan..
"I mean it, go out now!" Napatalon ako sa lakas ng kanyang sigaw..
"Puwede ba mamaya na lang pag ka dating ni Hilton.. baka kasi.."
"Stubborn ehh?"
Bakit ganyan siya? Natural na ba iyong pagiging masungit niya? Nasasaktan na nga, nahihirapan, nakukuha pang magalit?
Sunod-sunod na katok ang naulingan. Ng pumihit sa bintana ng sasakyan nasilayan ko ang nag-aalalang mukha ni Hilton. This is too much for his migraine. Agarang pumasok si Hilton at may iniabot kay Isaac, sa bilis ng kanyang kilos hindi ko nasundan ng tingin kung ano ang bagay na ibinigay niya sa kaibigan.
"Hilton is here now. Go home!" Nakakuyom ang kanyang kamao at hula ko naroon ang bagay na iniabot ni Hilton. "Lily.. I said-" Taranta akong lumabas ng sasakyan. Iniwasan ang mga titig ni Hilton. Tatalikod na sana pero...
"Mag-iingat kayo.." Tinanguan ako ni Hilton.
"... Magpahinga ka Isaac.. " Hindi niya ako nilingon. Nanatili na lang na nakasandal ang ulo sa upuan, pikit ang mga mata, kuyom pa rin ang kamao.
"He's fine Lily.. it's just his migraine.." Si Hilton.
Kanina ng matanawan ko siyang sunod-sunod ang katok sa bintana ng sasakyan halata ko ang pagmamadali sa kanyang galaw. Natataranta, nag-aalala..
"Go home.." Kahit nakapikit ramdam niyang nasa tabi pa rin ako, nakatanaw sa kanya.
Muli akong tinanguan ni Hilton. Nagpapahiwatig ng pag-sang-ayon sa kaibigan. I sighed. Tuluyan ng tumalikod sa kanila. Ngunit, baon ang kaba at pag-aalala sa kanya...

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    robiatohsekki

    a lot of moral in this

    25/04/2025

      0
  • avatar
    Jhonjhon Castro

    I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo

    26/03/2025

      0
  • avatar
    SouzaWellington

    a obra é boa

    17/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata