logo text

IKA-LABING APAT NA SULYAP

ANG MASAKIT NA KATOTOHANAN
Hindi namin tinulugan ng Kuya Jigs si Ate Elena. Maging ang pagkalasing nito ay 'di naging hadlang upang mapigilan ang 'di pagpikit ng kanyang mga mata. Naka- upo lamang siya sa tabi ng kama at hawak-hawak ang kamay ng kanyang asawang tulog pa.
Nakikita ko na ito ang magandang pagkakataon upang masabi sa kanya ang lahat. Lumapit ako sa kama at umupo rin sa tabi ng Ate Elena.
"Kuya...mahal mo ba talaga ang Ate ko?"  aking tanong.
Sumulyap siya sa akin at..
"Oo Luisa..mahal ko siyang talaga.."  sagot niya.
"Mas mahal mo ba siya.."
"Kaysa kay Maggie?"
Napatingin na siyang tuluyan sa akin. At..
"Bakit mo ako tinatanong niyan?" 
"May bumulong kasi sa akin..na maging hanggang ngayon ay siya pa rin ang gusto ng puso mo.."  aking sagot.
Hindi siya nakakibo sa aking sinabi. Tunay naman kasing sa akin ay may nagsabi. Ibinulong sa akin ng aking lola na kaya raw ganito ang nangyayari sa Ate Elena ay malungkot ito, at 'yun ang isang nakitang lakas ng loob ng kaluluwa ni Jing na pumasok sa kanya, mas madali niya tuloy itong nasasakop dahil sa tindi ng emosyon nito at 'yun rin ang humihigop ng lahat ng atensyon ng kaluluwang nagnanais bumalik, dahil sa nakikita nitong posibilidad na siya ay mapagbigyan. At sumakto ring siya ay nagdadalang-tao,at doon sa bata niya nais ipasa ang kanyang sarili.
"May bumulong rin sa akin na ikaw lamang ang magiging solusyon sa lahat.."  muling sabi ko.
Ang sabi rin ng lola ay siya ang dapat kumausap sa kanyang kapatid. Dahil syiya ang gustong makasama nito kung kaya at pilit niyang binibigyang buhay ang kanyang yumaong sarili.
Hindi na halos talaga makapagsalita ang Kuya Jigs. Nakain na yata ang kanyang dila.
Jigs' POV
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng aking narinig. Kanino naman kaya nalaman ni Luisa ang mga ito. Tunay ngang napakatalinghaga ng batang ito. At ang sinabi niyang nangyari sa aking kapatid at kay Maggie?
Saan niya kaya nalaman ang lahat ng 'yon..
Natatakot akong malaman nila ang totoo..Natatakot akong malaman nilang..
Hindi ko totoong mahal si Elena, at tanging pagtakas lamang sa nakaraan ang aking dahilan, ngunit alam kong mali rin talaga ako, pinakialaman ko kasi siya at dahil sa probinsyana ay madali ko siyang nakuha sa mga pangako, nahulog din siya sa akin. Naaawa ako sa kanyang mga sinasapit ngayon..Ito na yata ang ganti sa akin ng kapalaran..maging ang anak ay 'di ako mapagbibigyan. Ngunit gusto ko magkaroon ng pamilya, gusto ko maipadama sa kanila ang aking 'di nadama sa aking mga magulang na kami ay iniwanan na lamang.
Kung sana sa totoong babaeng aking mahal ko ibubuhos ang lahat ay 'di sana ganito kagulo ang isip ko.
Elena's POV
Hu-hu..
Asaan ako?
Jigs? Mahal ko? Asaan ka?
Bakit ako nakaupo sa isang madilim na sulok na ito? Tila ako ay nakabilanggo at nag iisa lamang.
Elena!
Huh?!  nakita ko ang aking mga magulang ngunit sila ay palisan.
I--inay! Itay!
Inay! Itay! Saan kayo pupunta????!!!! Huwag niyo akong iwan dito!! Ayoko mag-isa dito!!
Panay ang aking sigaw ngunit walang nakikinig. Pamilyar sa akin ang dilim na ito dahil nanggaling na ako rito dati.
Mama!
Huh?!
Isang batang babae ang tumawag sa akin ng mama. Naalala kong bigla na ako ay nagdadalang-tao pala, ngunit..Ngunit bakit walang laman ang aking tiyan?!
Mama!
Muling tawag ng bata sa akin.
A--anak?? Ikaw ba ang anak ko??
Aking tanong sa kanya. Ngunit imbes na ako ay kanyang sagutin ay siya ay biglang tumakbo na tila may kinatakutan. Kitang-kita ko ang pagkubli niya sa isang madilim ring sulok, takip-takip ang kanyang mukha habang nakabaluktot. Tila siya ay takot na takot.
Mamaaa!!
Ang muling sigaw niys.
Huh?! Anak??!!!
Nang akin na siyang lalapitan upang sagipin ay siyang sulpot ng isang tapik sa aking balikat mula sa likuran.
Huh?!
Pagharap ko ay isang dalagang maganda ang aking nakita. Singkit ang kanyang mga mata na nakangiti pa sa akin. At nang aking ibalik ang tingin sa batang babaeng namamaluktot sa takot ay wala na ito.
Huh?! Asaan ka na?! Anak???!!
Muli akong tinapik ng dalagang nasa aking likuran at sinabing..
Paalam ina..
Huh?! Si--sino ka?!
At pagtapos noon...ay wala na akong makita..
***
"Elena...Elena?? Ano'ng nangyayari sa'yo?!"  sigaw ni Jigs habang ginigising ang nanginginig na si Elena.
"Luisa!!! Buksan mo ang gate!!"
Ang kanyang natatarantang  sigaw habang buhat buhat ang nanginginig pang si Ate Elena.
Nagmamadali naman akong lumabas at agad na kinabig ang  pinto. Hindi na namin nagawang isarado pa ang bahay sa pagkataranta at agad na pinaharurot ang kotse ni Kuya Jigs.
Wala kaming magagawa kung'di ang itakbo na siyang talaga sa ospital.
***
PANININGIL
"Pare! Kanina ko pa nakikitang may sumusunod sa akin!"  ang sabi ng isang lalaking takot na takot sa kausap niya sa telepono.
Tumabi muna itong sandali sa gilid ng kalye dahil sa tila may inaabangan ito.
"Tang ina pre! Tutusukin ko agad ito kapag lumapit sa akin eh!"  muling sabi nito sa kanyang kausap.
Maya-maya pa ay pinatay niya na ang telepono. Isinuksok sa kanyang bulsa at tumingin muna sa kaliwat-kanan bago pumasok sa isang eskinita.
Marahan pa siyang lumalakad na tila may maingat na hinahanap.
"Patay kang bata ka sa akin! Bubutasin ko ang lalamunan mo!"  kanyang bulong habang marahan lumalakad. Panay pa ang singhot nito sa hawak niyang matalas na balisong.
Nang makitang may paggalaw sa tabi ng isang basurahan ay minadali nito ang paglakad.
"Hmp!"  ngunit wala naman siyang nakita.
"Magaling ka ha! Gusto mo ng taguan!"  muling bulong nito.
Naisipan na nitong bumalik sa kanyang paglakad papalabas ng eskinita. Habang lakad papalabas ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad naman nyang hinugot ito sa bulsa at tiningnan.
"Number lang? Sino kaya ito?"
At kanyang sinagot.
" O p're?!"
" P're? "
Ngunit walang sumasagot. Isa pang ulit na kanyang salita at..
Biglang sumagitsit ang linya ng telepono kasabay ang isang boses na 'di niya masyadong maintindihan.
"P're?! Tang ina choppy ka?! Ano 'yung sinasabi mo?!"  kanyang tanong.
At ang sagot naman ng nasa kabilang linya ay..
Masakit pa ba ang betlog mo?
"Ano? Betlog?! Betlog ka rin!"  kanyang sagot.
At muli..
Masakit ba ang tadyak ko?
Siguro ay nakaramdam na ng kakaiba kung kaya at 'di na nakasagot pang muli. At ang isa pang naisip niya ay, bakit babae ang kausap niya sa kabilang linya at tinatanong kung masakit ba ang tadyak niya.
"Huh?!"  nabitiwan nito ang cellphone.
Tila may sumagi sa kanyang ala-ala na ikinagulat niya.
"Babae? Si--sino 'yun?!"
Biglang nagkurapan ang mga ilaw ng poste sa eskinita dahilan upang magdilim-liwanag ang paligid.
"Huh?!"
Kada pikit at dilat ng mga ilaw ay may tila isang imahe siyang naaaninag na palapit sa kanya.
Isang kurap pa.
"Huh?!"
At sa huling kurap ay..
"Aah!! Aah!!"
Tumambad sa kanyang harapan ang isang babaeng duguan na nakalagay pa sa sako at may lubid pa sa kanyang leeg.
"Aaaaaah!!"
Ang kanyang sigaw habang lumalakad nang papaatras sa kanyang nakikita.
At sa huling pagkurap pa ng mga ilaw ay..
Masakit ba ang tadyak ko? Kumpara sa ginawa mo?
Ang tanong ng babaeng nakasako sa kanya. Kitang-kita niya kung sino ang babaeng ito at..
"Ah! Aaaaaaaaaaaahhhh!!!!!"
Ang kanyang mahabang sigaw kasabay nang pagkaripas niya ng takbo papalabas sa eskenita. At pagdating sa dulo ay..
Skreeeeeeecccchhhh!!!! Tsag! Tsagag!
Tumilapon ang katawan ng lalake sa isang poste ng ilaw. Nahagip ng isang jeep ang tumatakbong ito. Basag ang kanyang ulo at bali-bali ang mga buto. Patay agad ang lalaki sa tindi nang pagkakabundol rito.
Habang siya ay pinagkakaguluhan ng mga tao ay may isang nilalang namang natutuwa pa sa nangyari rito.
Ang kaluluwa ng pinaslang nilang si Maggie. Nagbalik siya upang ang oras nila ay tuldukan na.
***
ANG SUMUNOD
Nagwawala ang isang lalaki at panay ang mura sa lahat ng kanyang kasama sa bahay.
"Sinabi nang tingnan niyo kung sino 'yun eh! Tang ina pagsisisipain ko kayo diyan!"  sigaw nito sa kanyang kapatid na babae.
"Kuya wala naman talagang patay 'dun sa basurahan! Walang babaeng nakasako!"  pasigaw na sagot rin ng kapatid niya.
Nagkakatinginan ang buong pamilya. Halos tatlong araw na palang ganoon ang kanilang kuya. Nag-aalala na sila dahil baka raw ito ay nababaliw na dahil baka nasobrahan na sa kakadroga.
Ngunit iyon ang akala nila.
Kasalukuyang tinitingnan ng lalaki ang mga taong nakapaligid sa kanya nang biglang may umagaw sa atensyon nito.
"Huh?!"
Isang sakong nakatayo sa sulok na likuran ng kanilang pinto ang nabalingan niya ng tingin. Hinawi nito ang mga nakaharang sa kanyang daraanan at unti-unting lumakad papalapit sa sako.
"Kuya! Ano ba'ng nangyayari sa'yo?"
Marahan pa rin itong lumalakad papalapit. At nang marating ang sako ay dahan-dahang sinilip ang nasa loob nito at laking gulat niya nang..
"Huh! Hah!!"
Makitang may babaeng laman ang sako at nakatingin pa sa kanya pagsilip rito.
"Ah! Aah! Sabi ko sa inyo eh! Papatayin kita! Papatayin kitaaa!!"
Ang kanyang sigaw sabay takbo sa kanilang kusina at dampot ng matalas na kutsilyo.
"Kuya!"
Pagbalik nito ay agad na pinagsasaksak ang pinaniniwalaang sakong may lamang babae.
Tsak! Tsak! Tsak!
"Kuyaaaaaaa!!!"
Nang matapos na ang kanyang pagwasiwas sa matalas na kutsilyong hawak niya ay..
"Agh! Aarrk!!"
"Anaak!! Bakit mo nagawa 'yan???!!!"
Ang kanya palang sarili ang kanyang pinagsasaksak at wala talagang sako na naroon sa likuran ng kanilang pintuan.
Halos mawakwak niya ang sariling tiyan sa ginawa niyang pagwasiwas ng kutsilyo. Maging ang kanyang pamilya ay talagang nagtaka sa kanyang ginawa at inakalang siya talaga ay nababaliw na.
Habang nakahandusay na sa lapag ay siya pa rin turo nito. Turo siya nang turo sa bukod tanging siya lamang ang nakakakita.
Bago pa man pumikit ang kanyang mga mata ay nakita niya pang muli ang babaeng laman ng  sakong sinasabi niya.
Si Maggie.
Nakatingin lamang ito sa kanya at sinabing..
Masarap ba ako?
Lalong nanigas ang katawan ng lalaki sa kanyang narinig na sinabi ni Maggie.
At ang kanyang huling nabigkas ay..
"Pa--patay ka na ah! Pa--patay ka na!"
Bago tuluyang malagutan ng kanyang hininga.
***
AT MULI
Humahapay sa kalasingan ang isang lalaking mukhang galing pa sa bahay aliwan. May akbay pa itong dalawang babae at panay ang kanilang halikan.
"Hihi!"  panay pang hagikgik ng isa sa mga babaeng kanyang akbay.
"Bigyan mo kami ng pamasahe pauwi ha pogi?! Hihi!"  malanding sabi pa ng isa.
"Ta--- hik! Tayna! Gusto mo! hik! Bilan pa kita ng kotse eh! hik! hik!"  ngongo nang sagot nito kasabay ang paglabas ng kanyang matabang wallet na umaapaw pa ang mga lamang pera.
Tuwang-tuwa naman ang dalawa niyang kasama.
Ang 'di naman alam ng lalake ay may nakasunod palang dalawang lalaki sa kanila. Nilingon ito ng isa niyang kaakbay na babae at sumenyas rito. Magkakasama pala silang apat.
Panay pa rin ang paligo niya ng halik sa dalawang akbay- akbay, ngunit..
"Huh?! Um!"
Bigla nitong itinulak ang isang akbay niya, tila nagulat sa kanyang nakita.
"Aray ko! Bakit kuya?!"  tanong pa nito.
"Ikaw?!"  gulat na sagot naman ng lalaki.
At pagtingin niya pa rin sa isang naka-angkla sa kanya ay..
"Huh?! Agh!"
Kanya rin itong itinulak.
Naalarma naman ang dalawang lalaking nakasunod sa kanila dahil sa kanyang ginawang pagtulak sa dalawang babae.
Ipinikit dilat niya ang kanyang dalawang mata upang masilayang mabuti ang kanyang inaaninag. Ngunit..
Sa sumunod na pagpikit ng kanyang mga mata at pagdilat nito ay naliwanagan niyang mabuti ang kanyang gustong makita.
"Aaah! Aaah! Lumayo kayo sa akin!!"
Ang kanyang sigaw habang lumalakad papaatras. Kung bakit?
Ang dalawang babaeng kanina lamang ay akbay niya ay ngayo'y si Maggie na pareho. Dalawang Maggie na nakatayo sa loob ng sako at may lubid pa sa leeg ang kanyang nakikita. At..
Nag-enjoy ka ba sa kaibigan ko?
Ang magkasabay pang tanong nito sa kanya.
"Agh! Aaah!! Lumayo ka!" kanyang muling sigaw.
Mas naalarma naman ang dalawang lalaki sa likuran nila kung kaya at tumakbo na ang mga ito dahil nakikitang itinutulak niya ang dalawang babae at panay na ang sigaw pa.
"Ano ba kuya?!"  angil ng isa.
Sumensyas naman ang isang babae at nang makalapit ang dalawang lalaki ay agad nilang kinapitan sa leeg ang lalaking panay ang sigaw at palag na rin.
"Um! Hah! Um!!" panay palag nito.
At nang mapatingin pa siya sa dalawang may hawak sa kanya ay muli niyang nakita ang duguang mukha ni Maggie.
"Aah! Agh!"  kanyang paulit-ulit na palag. Ngunit..
"Tapusin niyo na 'yan! Masyado umiingay eh!"  ang sabi ng isang babae.
Kitang-kita ng lalake na ang nagsalita noon ay si Maggie.
"Ah! Patay ka na ah! Patay ka na!!"  a sigaw nito.
Sandali pang palag at  pagsigaw ay..
Shiiik!
Walang habas na ginilitan ng leeg ng lalaking may hawak sa kanya ito.
"Aark! Aark!"  hawak-hawak ang kanyang laslas na lalamunan habang panay naman ang kapkap ng mga lalake sa kanyang katawan. Hanggang sa bumagsak na ito sa kalye.
Dilat ang mata at nakanganga pa itong bumagsak. Nakatuon pa rin ang kanyang mga tingin sa babaeng tanging mata niya lamang ang nakakakita.
At maging sa kanyang pagpikit, ay nagkatitigan pa sila.
Pagtapos makuha ang lahat sa kanya ay inihagis ang kanyang katawan sa mga itim na plastik sa basurahang nakatambak sa eskinita.
Ang kanyang kalibugan rin ang pumatay sa kanya.
Halos lahat ay nasingil na ni Maggie, bukod lamang sa isang taong utak ng lahat. At 'yun ang kanya namang isusunod.
June_Thirteen

Komento sa Aklat (90)

  • avatar
    SimbulanArriane

    Unique story

    09/04

      0
  • avatar
    Rovie-joy L. Pinkian

    first horror story na nabasa ko dito super ganda deserved ng author ng 5 star ⭐

    06/12

      0
  • avatar
    Nans Lyn

    nice story

    16/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata