logo text

IKA- LABING WALONG SULYAP

ANG HANGGANAN
Ilang oras lamang ang aming binyahe. Sa tulong ni Jing ay natunton namin ang isang tila abandonadong pabrika na nasa dulo na ng isang putol na kalye. Kitang-kita ko ang itsura ng pabrikang ito dahil ito ang lugar kung saan ako pumasok at sa isang lagusan nauwe.
Isa-isa kaming bumaba ng sasakyan. Mabigat ang hakbang ni Kuya Jigs dahil sa 'di niya inasahang dito pala matatagpuan ang kanyang kapatid.
"Luisa.."  kanyang hawak sa aking kamay.
Ramdam ko ang kirot sa kanyang mga tingin.
"Halika na Kuya..doon daw tayo..sabi niya.."
Mas lalong humigpit ang mga hawak niya sa aking kamay.
Huminga siya nang malalim sabay..
"Mahal kong kapatid...nandito na ako.."  kanyang sambit kasabay ang pangingilid ng kanyang mga luha.
At marahan naming binagtas ang marumi at mabahong lugar. Wala kang makikitang maayos na daanan dahil sirang-sira na ang pabrika. At 'di rin nakakapagtakang walang makakaalam o makaka-amoy man lamang sa sisingaw na mabahong amoy ng nabubulok na bangkay dahil sa walang nakapaligid na bahay dito.
Ilang bakanteng kuwartong giba-giba na ang aming dinaanan. Habang papalapit ay siyang mas patindi pa ang kapit ni Kuya Jigs sa akin. Ngunit biglang..
"Huhu..Mga walang'ya sila! Paano nila nasikmurang magtapon ng isang tao rito sa lugar na ito!"
Napaupong bigla si Kuya Jigs na humagulgol na. Hindi niya na napigilan pa ang kanyang damdamin.
"Halika na Kuya...malapit na tayo.."  aking sabi sabay alalay sa kanya.
Tumayo siya sa pagkakaupo.
Ilang lakad pa at ramdam ko na kung nasaan siya, at..
"Ayun!"
Aking turo sa isang malapad na sementadong sahig na natatabunan na ng mga bulok na yero at kahoy. Agad tumakbo ang tatlong lalake.
"Ano 'to?! Poso negro yata ito Luisa!"  sabi ng Kuya Yuki.
"Paano natin 'to bubuksan! Eh sinemento ng makapal!"
"Talagang pinlano ang paggawa nito!"
"Mga hayup na 'yun! Pweh!"  galit na salita nito.
"Humingi tayo ng tulong pare! 'Di natin kayang buksan 'to!"  mungkahi ni Lance.
Kumapa si Kuya Jigs sa kanyang mga bulsa, ang alam kasi namin ay kanina pa namin 'di makita ang kanyang cellphone. Hindi niya kasi matandaan kung saan niya ito inilagay. Ngunit..
"Luisa!"
Ang kanyang tawag sa akin habang ipinakikita ang cellphone.
Napangiti naman ako, sadyang minsan ay 'di maipaliwanag ang mga nangyayari.
Agad siyang dumayal at tinawagan ang isang kaibigan. Ngunit 'di pa man siya nakakapindot ay bigla itong tumunog dahil may tumatawag.
Ang kanyang kaibigang doktor.
"Huh?! Parang awa niyo na! Gawin niyo lahat ng makakaya nyo!"  kanyang sigaw sa kausap.
Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat. Sigurado akong 'di magandang balita ang hatid nito.
At nang matapos ang kanilang usapan ay..
"Luisa! Kailangan kong pumunta ng ospital!"
"Ang Ate Elena mo raw nagpa-flatline!"
"Ho?!"  gulat na gulat ako sa kanyang sinabi. Tila gusto agad tumulo ng mga luha ko.
Biglang naiba ang plano. Gustong bumalik ng Kuya Jigs sa ospital.
"Luisa! Tatawagan ko ang kaibigan ko upang makatulong! Iiwan ko muna kayo rito at sandali lang at babalik ako agad!"
Nagmamadaling sabi nito habang tumatakbo na papalabas.
"Jing...hintayin mo ang Kuya..babalik ako.."  bulong nito habang papalabas na sa pabrika.
Nagkatinginan kaming tatlong naiwan roon. Paggawi ng aking mga mata sa aking likuran ay..
"Maraming salamat Luisa.."  sabi ni Jing.
"Hihintayin ko ang Kuya dahil siya na ang magiging kasama ko.."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ano'ng ibig mong sabihin Jing?!"  tanong ko.
Ngumiti ito sa akin at..
"Makakauwi na si Elena dahil kay Kuya.."
Hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi ngunit dahil na rin sa aking naramdamang kaba ay agad akong tumakbo pasunod kay Kuya Jigs upang habulin siya.
"Kuya!!"
Ngunit nakalayo na ito. Gapuranggot na lamang ang aking natatanaw sa kanyang sasakyang minamaneho.
"Hah! Hah! Kuya Jigs..bumalik ka.."
"Dahil kung hinde..."
"Mamamatay ka.."
Napaluhod na lamang ako nang biglang mangatog ang aking mga tuhod. Ang akala ko ay ayos na ang lahat ngunit tila pinlano rin ito ni Jing.
Jigs' POV
Diyos ko po, 'di ko na alam ang gagawin ko..
Ano bang nangyayari sa buhay ko..
( dahil sa taranta ay harurot ang pagmamaneho niya )
Sana makarating agad si Primo sa kanila nang mabuksan na agad ang poso negro..
Kawawa naman ang kapatid ko..
( nakatuon ang kanyang tingin sa kalasada nang may biglang nagsalita sa likuran niya )
Hindi na ako magiging kawawa kuya..
Huh?!
Jing?!
Nagulat ako nang lingunin ko ang boses na aking narinig. Nakita ko ang aking kapatid na nakaupo sa backseat at may laslas pa ang leeg.
Aah!!
Sa aking pagkabigla ay nawalan ako ng kontrol sa aking manibela at..
Aaah!!
Pilit kong iniiwas ang aking sasakyan sa isang malaking truck ng semento ngunit..
Aaah!!!
Skreeeeeeecccchhhhh!!!
Elena's POV
Huh?!
Jigs?!
Ikaw ba 'yan?!
Boses ng asawa ko ang aking naririnig..
Agad akong tumayo sa sulok na pinagkakaupuan. Nagkaroon akong bigla ng lakas ng loob na kanina lamang ay pinanghihinaan.
Jigs?!
Haha!
Hintayin mo ako!
Luisa's POV
Tumutulo ang aking mga luha.
Kinukurot ang aking damdamin habang isa-isang inilalabas ang mga kalansay ni Jing.
Ngunit alam ko ring masaya na siya ngayon dahil sa matatahimik na siya.
Ngunit ako rin ay nagtataka kung bakit wala pa ang Kuya Jigs..ang sabi niya ay sandali lamang siya..
Eto na naman ang aking kaba..
Jigs' POV
Aah..
Elenaaa..
Habang unti-unti ng sumasabog ang aking dibdib dahil sa kawalan ng hanging ihihinga ay paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ng aking asawa.
Elenaaa..
Patawarin mo ako..
Elenaaa..
Mahal kita...
Unti-unti nang dumidilim ang aking paningin..
Sasabog na ang aking baga..
Bago pa ako tuluyang nilamon ng tubig ay akin pang muling nabanggit..
Elenaa..
Umuwi ka na..
Elena's POV
Ayan na ang liwanag...
Naririnig ko na ang paulit-ulit na tawag sa akin ni Jigs..
Mahal ko..
Nariyan na ako..
SA OSPITAL
Nagpapalakpakan ang mga nurse dahil sa ginawang pagsagip kay Elena.
"Good job guys! Good job!" sabi ng kaibigang doktor ni Jigs.
Naisalba nila ang buhay ni Elena.
Na ang ibig sabihin ay..
Nakauwi na siya.
Andrea and Maggie's POV
Natigilan ako sa paglalakad.
"Bakit po?"  tanong ni Maggie.
"Hanggang dito na lang ako..."
Nalungkot bigla ang kanyang mukha nang sinabi ko iyon.
" 'Wag kang mag alala..dito na ang daan para sa inyo.."  aking sabi kay Maggie.
Lumiwanag bigla ang mukha niya.
"Sa inyo?"  tanong ni Maggie.
"Hintayin mo ang mga kaibigan mo..iiwan ko ang kandilang ito para maging ilaw mo sa pag-hihintay sa kanila.."
"At pagtapos noon ay..makikita niyo na kung saan talaga kayo pupunta.."
Aking lahad kay Maggie. Nakita kong naging masaya ang kanyang mukha sa aking sinabi. Masakit sa aking gawin ito ngunit may nangangailangang talaga. Ang kandilang ito ang aking gabay pabalik sa aking katawan ngunit 'di ko naman matitiis na pabayaan silang nasa dilim pa.
Marahan na akong lumakad papalayo sa kanya. Tatahakin ko ang napakadilim na daang 'di ko alam ang pupuntahan. Matanda na rin naman ako at alam kong ang lahat ay talagang paparating na sa hangganan at alam ko ring nasa mabuti na ang aking mga mahal sa buhay.
Nahanap na ni Elena ang daang pauwi dahil sa tulong ng kanyang asawa. At si Luisa naman ay mas humuhusay pa. Ang aking mga alagang sina Abel at Sonia ay ang magiging magkabiyak pagdating ng araw. Alam kong ang lahat ay magiging masaya..
Oras na siguro upang ako ay magpahinga na..
Carlito mahal ko..
Hihintayin na lamang kita..
Luisa's POV
Nakuha na lahat at naiayos na ang mga kalansay ni Jing. Naghihintay pa rin kami kay Kuya Jigs.
Maya-maya lamang ay..
"Luisa.."
Isang malamig na boses ang tumawag sa akin. At nang akin itong lingunin ay..
"Kuya Jigs?"  nagulat ako sa aking nakita.
"Luisa..nakauwi na si Elena.."  kanyang turan.
Napahawak ako sa aking mukha.
"Ahump!"
Alam kong isang kaluluwa na lamang ang aking kausap.
"Waa..Aaah.."  napahagulgol na lamang ako sa sobrang lungkot.
Lumapit ang  Kuya Yuki at ako'y niyapos na lamang.
"Luisa.."
"Sunduin mo na si Maggie.." huling banggit niya.
Tumango na lamang ako. 'Di ako makapagsalita sa sobrang kirot ng damdamin ko. Ganito pala ang pakiramdam ng inay, kapag ang mga mahal sa buhay ay nakikita at ikaw ang unang nakakaalam na sila ay wala na..
Biglang pumasok sa isip ko ang aking ina..
Nasaan na kaya siya?
***
Pagtapos namin kay Jing ay agad naman kaming nagtungo sa lugar kung nasaan si Maggie. 'Di ko inaasahang sa dagat rin nalagutan ng hininga si Kuya Jigs. Sa dagat rin na ilang kilometro lamang ang layo sa pinagtapunan kay Maggie. Sa dagat na madalas nilang tanawin na sila ay magkasama at nag-iibigan pa.
May mga kasama na kaming pulis. Naireport na ring lahat ang mga taong may gawa nito. Sa tulong ng mga kaluluwa nila at sa pamamagitan ko ay naibigay ko ang lahat ng impormasyon. Ngunit wala naman na silang hahabulin pa.
Habang tinitingnan ko ang pag-ahon sa nakasakasong kalansay ni Maggie ay 'di ko talaga mapigilang lumuha. Nakasemento pala ang timbang ipinanglubog sa sako kung asaan siya inilagay.
"Grabe! It's been a year pero wala man lang nakaalam o nakapagreport na may ganitong pangyayari dito!"  sabi ng isang pulis.
Nagkakagulo ang mga taong nakiki-usyoso. Maging mga media ay marami na. Ang ilan ay sa akin pa nga lumalapit at nais pa akong kausapin kung paano ko raw nalaman ang lahat. Mabuti na lamang at naroon ang Kuya Yuki, agad kaming sumakay na sa kotse niya upang makaiwas sa gulo nila.
Nakahinga na ako ng maluwag. Ang bangkay kasi ni Kuya Jigs ay nakuha ring agad pagtapos nang pangyayari. Magpapahinga na muna kami at babalik kay Ate Elena upang kamustahin siya.
"Haay...salamat sa Diyos at tapos na..matatahimik na rin sila.." 
Ang sumunod sa aking isip ay ang aking ina.
Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
Jigs' POV
Elena..mahal ko..
Sana mapatawad mo ako sa mga bagay na nailihim ko sa iyo..
( marahan niyang hinahaplos ang mukha ng natutulog na si Elena )
Hindi ko na nakuhang magpaalam pa sa iyo ngunit alam kong maiintindihan mo iyon..
Ingatan mo ang iyong sarili pati na rin ang ating anak kung siya ba ay papalaring mabuhay pa..
Gumising ka na Elena..
Maraming nagmamahal na naghihintay sa'yo..
Elena's POV
Jigs?!
Nakikita ko ang aking asawa ngunit malayo siya..
Saan ka pupunta?!
Aking muling sigaw, ngunit nakatingin lamang siya sa akin. Pilit akong lumalapit sa kanya ngunit mas lumalayo pa siya, at naintindihan ko na lamang sa huli ang kanyang sinasabing..
Gumising ka na Elena..
***
Bago kami umuwi ay dumaan muna kami ng ospital. Kakamustahin muna namin ang Ate Elena. Hindi ko inaasahang sa aking pagdating ay dalawang klaseng balita ang bubungad sa akin.
Agad akong sinalubong ng doktor na kaibigan ni Kuya Jigs.
"Luisa? Asan ang Kuya Jigs mo?"  agad niyang tanong sa akin.
Tingin lang muna ang aking isinagot sa kanya. At muli ay..
"I have a good and bad news for him Luisa..I really need to talk to him.."
At napilitan na akong sumagot.
"Wala na po ang Kuya Jigs..nadisgrasya po siya.."
Napakunot ang noo ng kanyang kaibigan. Tila siya ay 'di mapilitang maniwala sa kanyang narinig. Ang kaibigan niyang kahapon lamang ay kausap niya ay wala na dahil patay na.
"My God! Alam mo bang isang nurse rin ang namatay dito kanina lang! Tumalon siya sa bintana! Gosh! At ngayon you are telling me that Jigs is dead!"  may gigil na turan niya.
Niyakap na lang ako ng Kuya Yuki.
Ang doktor naman ay pumasok na sa kuwarto niya na sapo-sapo pa ang noo.
Naupo na muna kami sa silyang bakal. Sa aking pagkakasandal ay unti-unting naipipikit ko ang aking mga mata. At sandali pa ay..
Tulungan mo ako..
"Huh?!"  nagulat ako sa isang boses ng lalaki na bumulong sa kanang tenga ko.
"Luisa baket?"  tanong ni Kuya Yuki.
"May..may lalaking bumulong sa akin...ang sabi niya.."  sasabihin ko na sana ng bigla itong sumulpot sa harap ng aking mukha at..
Tulungan mo ako!
"Aah!!"
Napasigaw ako talaga sa sobrang gulat. Sapagkat ang lalaking nanghihingi sa akin ng tulong ay ang nurse na si Jake. Basag ang kalahati ng kanyang mukha at puro dugo ang buong katawan. Ang kanyang kanang mata ay pisak pa at nakaluwa.
"Aah!! Aaah!!"  muling sigaw ko.
Halos maglabasan ang mga tao sa kuwarto. Ngunit 'di ko maiwasan ang mapasigaw sa takot. At naisip kong bigla ang sinabi ng doktor na kaibigan ni Kuya Jigs na may nurse daw na tumalon sa bintana.
At ngayon ko nalaman, na siya pala iyon.
June_Thirteen

Komento sa Aklat (90)

  • avatar
    SimbulanArriane

    Unique story

    09/04

      0
  • avatar
    Rovie-joy L. Pinkian

    first horror story na nabasa ko dito super ganda deserved ng author ng 5 star ⭐

    06/12

      0
  • avatar
    Nans Lyn

    nice story

    16/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata