Homepage/NAKATAGONG MATA NI LUISA/
IKA-LABING LIMANG SULYAP
MAAGANG PAGLISAN
Pagdating sa ospital ay agad na isinugod si Ate Elena sa emergency. Hindi ko makuhang tumingin sa kanya dahil natatakot ako sa mga maaring mangyari. Pareho lamang kami ng Kuya Jigs na nakaupo at naghihintay lamang sa kalalabasan ng lahat. At :di rin nagtagal ay lumabas na ang isa sa mga doktor. Ang doktor na kaibigan ni Kuya Jigs at ang nangangalaga sa pagbubuntis ng Ate Elena.
"Pare, we really need to pull out the child.." agad na sabi nito.
Napatayo ang Kuya Jigs sa gulat.
"Huh?! Pero pare...mag-aanim na buwan pa lang 'yan, 'di pa nga yata halos eh.." kanyang sagot.
Nagulat ako sa kanyang sinabi, dahil sa 'di niya alam ang eksaktong bilang ng tiyan ng asawa niya, pero alam ko na ito ay limang buwan na.
"We need to take the risk, kapag 'di natin ginawa 'yun ay dalawa pa silang mawawala! " seryosong sagot ng doktor.
Walang kibo ang Kuya Jigs. Mas lalo namang wala ako puwedeng imungkahi dahil sa 'di ko rin alam ang mangyayari at nang marinig ko ang sinabi ng doktor na parehong mawawala ay 'di na ako makapagsalita. Lumayo ako sa kanila upang 'di marinig ang mga pag- uusapan pa.
Sa aking paglakad papalayo ay may napansin akong isang babaeng marungis na pumasok sa isa sa mga kuwartong naroon. Binura ko sa aking isip na iyon ay isang kaluluwa dahil wala ako sa kondisyong makipag- usap ngayon. Sandali pa at narinig kong nagpaalam na ang doktor, agad akong lumapit kay Kuya Jigs.
"Kuya..ano daw po ang gagawin nila?" aking tanong.
Naupo ang Kuya Jigs at..
"Pinapipili nila ako Luisa... Si Elena raw ba o ang bata?" sagot niya.
"Ano'ng sinabi mo? At sino ang pinili mo?" tanong kong muli.
Yumuko siya. Hinawakan ang kanyang batok at..
"Wala akong binitawan sa kanila Luisa, pumayag na akong ilabas nang pilit ang bata upang masagip silang pareho.."
Napasandal ako sa pader at napadausdos paupo.
"Haah....sana maging maayos na ang Ate Elena.." aking dasal.
***
Alas-tres ng madaling araw.
Ginising na lamang ako ng Kuya Jigs sa aking pagkakatulog na nakaupo dahil sa kanyang ibabalita.
"Kuya! Kamusta na si Ate Lena?!" agad kong tanong.
Naupo siya sa aking tabi.
"Nailabas na ang bata Luisa...babae ang anak namin...pero..pero ang Ate Elena mo ay nasa coma..Agh!" kanyang yuko sabay hikbi.
Coma?
Ang alam kong ibig sabihin noon ay tulog ang kanyang katawan dahil sa wala ang kanyang diwa..tama ba? Ngunit..bakit nagkaganoon siya?
Sa aking pagkabigla ay pinuntahan at sinilip ko siya.
"Hah!" napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang kanyang itsura. Nakanganga siya habang may tubong nakasalpak sa kanyang bibig.
Napaiyak ako sa awa. Hindi ako talagang sanay na makita siyang ganyan, si Ate Elenang napakatibay ay naroon ngauon! Inalis ko na ang akin tingin sa kanya at muling lumapit kay Kuya Jigs na umiiyak na pala.
"Kuya..gusto ko po sanang makita ang anak niyo.asaan po siya?"
Tumingin ang Kuya Jigs at agad tumayo upang aming puntahan.
Pumasok kami sa isang kuwarto na puro nakailaw ang mga bata. Ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng ganito. Tatlong bata ang aming nilampasan at bago pa man kami makarating kung asaan pala si baby ay..
"Kuya! Kuya!" hablot ko sa kanyang damit na nangangatog pa.
"Luisa bakit?!"
Ang dahilan kasi ay kitang-kita ko na agad ang kaluluwa ng kanyang kapatid na si Jing. Nakatayo ito at nakabantay sa bagong silang nilang anak at nakangisi pang nakatingin sa amin. Ngunit sandali lang at binawi niya ring agad, isang matalim na tingin ang kanyang ibinaling sa akin.
"Luisa bakit?"
Ang muling tanong ng Kuya Jigs. Pagpaling nang tingin ko sa kanya at pagbalik sa bata ay wala na si Jing.
"Wa--wala po.." akin na lang pasinungaling.
Nnag makalapit na kami at makita ko ang munting sanggol ay natuwa ako. May konting awa dahil kalahati lang daw talaga ang tiyansa o wala pa nga na mabuhay. Naisip ko tuloy na napakalupit ng kanilang kapalaran. Kalahati na nga lang ngunit 'di pa pinagbigyang makita man lamang at mayakap ng Ate Elena, sapagkat siya ay naroon ngayon at naglalakbay na ang diwa. Ngunit,bigla ring pumasok sa aking isip na..
Bakit nakalabas na ang bata ngunit si Jing ay naroon pa.. Hindi ba at ang bagong buhay ang nais niya?
Andrea's POV
Hindi ako makatulog.
May mga kaluluwang umiiyak at sinisigaw sa akin ang pangalan ng aking alagang si Elena. Alam kong may 'di tama, ramdam ko ang balitang ibinubulong ng hangin sa akin.
Kailangan kong maglakbay upang sa kanila ay makarating...sana ay 'di pa huli ang lahat..
Elena's POV
Luisa! Luisa!
Bakit 'di niya ako marinig! Nakikita ko silang magkasama ni Jigs at nag-uusap ngunit bakit 'di nila ako napapansin...samantalang ako ay nakatayo lamang sa kanilang likuran?
Bakit tila...ako ay isang hangin lamang?
***
Nang matapos naming tingnan ang bata ay agad rin kaming bumalik sa kung asaan ang Ate Elena. Napansin kong sa aming pagkakatayo ay tila may malamig na hanging bumubulong sa aking likuran ngunit nang ito naman ay aking lingunin ay wala lang. Maging aking mga balahibo at paa ay nanlalamig. Sino kaya ang aking kasama?
Naupo na muna kami. Lutang ang aming mga isip dahil sa nangyayari. Maya-maya lamang ay may napansin akong isang babaeng mahaba ang buhok at maganda ang bihis. Palinga-linga ito na tila may hinahanap. Nang matapat siya sa amin ay nakiupo na muna.
"Nakakapagod.." sambit niya sabay harap sa amin at ngumiti.
Nginitian ko na lamang din siya upang 'di naman nakakahiya. Ngunit..
"Wala namang mangyayari kung iiyak na lang kayo at magmumukmok.." sabi niya.
Napatingin pa kaming sabay sa kanya. At muli ay..
"Bakit 'di niyo umpisahang kausapin sila.. 'di pa naman huli ang lahat, nariyan lamang sila sa paligid at atensyon lamang ang gusto nila.." muli nitong banggit.
Hindi namin maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin, 'di ko rin naman makita kung siya ba ay isang kaluluwa. Ngunit..
"Buksan mo ang puso mo..papasukin mo kung sino ang may gustong pumasok...nang sa gayon ay maging maayos ang lahat... 'Wag mong pabayaang mabuhay ka sa nakaraan..dahil kahit pa anong gawing balik ay 'di na talaga maaari...malay mo..ikaw lang talaga ang makasagip sa kanya.."
Ang kanyang mga tinuran bago tumayo sa kanyang upuan.
Nakatingin lang kami sa kanya habang naglalakad papalayo. Pinagmamasdan kong mabuti kung siya ba ay maglalaho na lamang bigla.
"Sino 'yun?" tanong ng Kuya Jigs. At ang sagot ko naman ay..
"Kung sino man 'yun Kuya ay siguradong tinutulungan ka lang niya.."
Napatingin sa akin ang Kuya Jigs at..
"Luisa...napakaraming kakaibang bagay ang mga nararanasan ko ngayon at 'di ko alam kung bakit..masyadong magulo ang utak ko, naghahalo ang emosyon ko sa mga panahong ito.." kanyang malungkot na saad.
Napayuko na lamang ako. Alam kong 'di niya kinakaya ang lahat, nahihirapan siya dahil wala siyang ibang pamilya na maari niyang hingan ng tulong at pagkunan ng lakas ng loob. Kitang-kita sa kanyang itsura ang sobrang lungkot at bigat ng damdamin sa kanyang mga pasanin.
***
Kinabukasan ng umaga ay nagdesisyon muna kaming umuwi. Naalala kasi naming bukas na bukas pala ang bahay ng iniwan namin ito.
Sumilip muna kami kay baby at kay Ate Elena, ibinilin niya sa kanyang kaibigan ang mga ito at sinabing babalik ring agad.
Sa aming paglakad ay may nakasalubong kami, isang pamilyar na mukha.
"Pare! Ano'ng ginagawa niyo rito? Sino ang pasyente mo?" tanong nito.
Nanlaki ang aking mga mata at maging ako ay napanganga.
"Jake! Yung asawa ko, nanganak na.." sagot ng Kuya Jigs.
"Talaga?! Congrats pare!" sagot nito.
Napansin niya sigurong may ibig sabihin ang aking mga titig sa kanya. At sandali pa ay napansin kong may sinisilip siya sa aking likuran.
Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat, at ramdam ko rin ang malamig na hanging nasa aking likod. Napako ang tingin niyang bigla sa akin.
"May..." kanyang utal na sambit.
Tila may gusto siyang ituro sa akin.
Nang biglang..
"Jake!" tapik ni Kuya Jigs.
"Jake!" at isa pa muling tapik.
Tila wala sa sarili at nagulat pa siya.
"Pare?!" sagot nito.
"Mauna na kame..." sabi ni Kuya Jigs.
Hindi naman kumibo si Jake at nakanganga pa ring nakatingin sa amin kahit na amin na siyang nalampasan. Nilingon ko pa siya bago kami tuluyang lumiko sa may pasilyo.
At kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat pa rin. Ano kaya ang kanyang nakita na biglang ipinagbago ng kilos nya?
Jake's POV
Namalikmata ba ako?!
Bakit nakita ko si Maggie sa katauhan ng batang 'yun?! Maging ang kanyang tingin sa akin ay matalim ng ako ay kanyang lingunin?! Ano 'tong nangyayari?!
Nababaliw na rin ba ako tulad ng kaibigan kong sinaksak ang kanyang sarili?!
Hindi! Matagal na ring nangyari 'yun at sana noon pa ako nakakita ng mga multo nila kung totoo..
Matawagan nga si Rico..
***
Habang palakad kami papuntang parking lot ay naisipan kong magtanong kay Kuya Jigs.
"Kuya..bakit parang 'di kayo close ng lalake?" sabi ko.
"Ah! 'Yun? Si Jake? Nagkaron na rin kasi kami minsan nang alitan noon dahil binastos niya si Maggie." sagot niya sa akin.
"Maggie?"
Sandali siyang natigilan sa aking nasambit.
"Ano mo ba si Maggie Kuya?" muli kong tanong.
Natigil siya sa pagbukas ng kotse at..
"Saka na lang natin pag-usapan 'yun Luisa...masyado pang maraming nangyayari ngayon eh.." sagot niya..
Ngunit..
Walang mangyayari kung pilit kang mabubuhay sa nakaraan Jigs..
"Huh?! Luisa?!" gulat na sambit niya.
"Bakit po?!" akin namang sagot.
"Ba--bakit...bakit nag-iba ang boses mo?!" muling gulat na sambit niya.
"Ako? Hindi naman ah!" nagtatakang sagot ko rin.
Nagulat ako sa kanyang sinabing nag-iba raw ang boses ko ngunit 'di naman talaga. Umiling na lamang ang tila gulat pa ring Kuya Jigs at nagtuloy na kami sa pagsakay sa kotse.
***
Pagdating namin sa bahay ay damang-dama ko ang bigat ng paligid. Tila may kung anong nakadagan sa bahay na aming tinitirahan. Natatandaan ko ang ganitong pakiramdam nang minsang isama ako ng aking ina sa kanyang pagtaboy sa kaluluwang nakikipisan. Naalala ko ring bigla na madalas mayroong may sakit at maging ang problema sa kabuhayan ay dala rin nila. Iyon ang tinatanawag ni inay na mga kaluluwang 'di palakaibigan. Maya-maya pa ay tinawag ako ng Kuya Jigs.
"Luisa! Nakita mo ba 'yung phone ko? Nasa kuwarto ko lang iniwan 'yun eh, pero imposible namang may nagnakaw kasi...kasi, dapat inuna na nila 'yung mga gamit 'di ba? Saan kaya napunta 'yun?!" napapakamot pang sabi niya.
Maging ang kanyang cellphone ay 'di na rin makita. Ano ba talaga ang nangyayari dito.
Agad na kaming naglinis ng bahay at nag-asikaso muna dahil mukhang matagal ang ipipirmi namin sa ospital.
Nag-aalala talaga ako. Ilang araw kong 'di nakakausap ang aking ina. Kamusta na kaya sila?
Nasa kalagitnaan kami nang pagliligpit ng biglang may bumusinang sasakyan sa aming harapan. At kasunod ang pagtawag at pagkalabog sa aming gate.
"Tao po! Tao po!"
Sino kaya ang mga 'yon?
June_ThirteenI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (90)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Unique story
09/04
0first horror story na nabasa ko dito super ganda deserved ng author ng 5 star ⭐
06/12
0nice story
16/05/2025
0Tingnan Lahat