Homepage/NAKATAGONG MATA NI LUISA/
IKA-LABING ANIM NA SULYAP
ANG MGA DATING KAIBIGAN
"Tao po! Tao po!"
Isang boses ng lalaki ang aking narinig.
"Dito ba sa'tin 'yun Luisa?" tanong ng Kuya Jigs.
Agad akong sumilip sa bintana at..
"Opo Kuya! May dalawang lalaki sa labas." sagot ko nang makita na sa amin nga ang mga tumatawag.
Lumabas kaming sabay ng Kuya upang tanungin kung ano ang kailangan nila. Dahil sa 'di namin kilala ang mga ito ay 'di na muna kami nagbukas ng gate. Paglapit ay nakita namin ang dalawang lalaking 'di pa naman ganoon kaedaran, mukha silang mayayaman at napagara rin ng kanilang sasakyan.
"Ano po'ng kailangan niyo? Sino po sila?" tanong ni Kuya Jigs.
Nag-alis ng kanyang shades ang isang lalaki na siyang tumatawag kanina.
"Ah, ito po ba ang bahay ni Jigs Sangco?" tanong nito.
Nagkatinginan kami ng Kuya Jigs. Hindi niya rin kasi kilala ang dalawa.
"Ako ho 'yun..bakit ho?" kanyang tanong.
Napatingin sa akin ang lalaki at..
"Ikaw siguro si Luisa? Kamukha mo ang iyong ina..Haha!" natatawa pang sabi nito.
"Ho? Kilala niyo po ang nanay ko?!" tanong ko.
"Pasensya na ha, ako si Yuki, at ito ang kapatid kong si Lance..kaibigan kami ng nanay mo..si Ate Andrea.." sagot nito.
Hindi kami nakapagsalita agad ngunit gumuhit ang malaking ngiti sa aking labi nang marinig ang pangalan ng aking inay.
"Paano po kayo?"
"Mahabang istorya, ang mabuti pa ay tatawagan ko na siya para magka-usap na kayo..nag-aalala siya sa inyo ni Elena.." saad nito.
Nang marinig ng Kuya Jigs ang Elena ay agad nitong binuksan ang gate at lumabas na ng kalye.
"Saan kayo galing? Alam na ba niya na nasa ospital si Elena?" tanong nito.
"Nasa ospital?!" takang tanong ni Yuki.
Pinutol na muna namin ang usapan at pinapasok muna silang dalawa upang makapag usap ng maayos. May kinuha pa muna silang isang maliit na itim na kahon sa kanilang sasakyan bago pa pumasok sa loob ng aming bahay.
Pagpasok ay pinaupo muna namin sila, panay pa rin ang dial ng Yuki sa kanyang cellphone at mukhang 'di makakontak.
"Bakit! Bakit biglang nawala ang signal ko dito..ikaw Lance? Check mo nga para 'yan na lang ang magamit." sabi nito sa kanyang kasama na kapatid niya raw.
Maya-maya pa ay tumingin na sa aking ang lalaki.
"Natutuwa akong makita ka Luisa...parang si Ate Andrea ang kaharap ko.." sabi nitong nakangiti pa sa akin.
Ngumiti rin naman ako at..
"Paano niyo po nakontak ang inay ko?" aking tanong sa kanya.
" Hindi mo ba ako natatandaan? Ako 'yung madalas na kausap ng nanay mo..ako 'yun laging tumatawag sa inyo at nagpapadala ng mga pagkain galing dito sa Maynila.." sabi niya.
Umiling lamang ako dahil talaga namang 'di ko siya matandaan.
"Nagkita na tayo! 'Yun nga lang siguro 'di mo na talaga matandaan kasi bata ka pa eh...eh 'yung barbie na maraming damit na ibinigay ko sa'yo? Buhay pa ba?!" nakatawa pang sabi niya.
Napangiti naman ako at naalala nga ang aking manika. Ngunit siya ay 'di pa rin.
"Hayaan mo na nga! Basta ako 'yun ah 'wag mo kalimutan ok?" tawa niya.
"Kuya, wala rin akong signal eh..weird!" biglang sabat ni Lance, ang kanyang kasama.
Maya lang at dumating na ang Kuya Jigs na may dalang pagkain.
"Kumain muna kayo.. 'di naman yata kayo nagmamadali eh.." sabi nito.
"Ah 'di naman.." sagot ng Yuki.
Kinuha niya ang itim na kahon at..
"Huwag na nating patagalin 'to..Luisa..makinig kang mabuti sa lahat ng sasabihin ko, dahil sa 'di natin makontak ang nanay mo ay ako na lang ang magpapaliwanag sa iyo.." saad nito.
Tumango lamang ako.
"Ang sabi ng yong inay ay ito raw ang gagamitin mo para makabalik ang Ate Elena mo..." binuksan niya ang kahon at kinuha ang laman nito.
Dalawang kandilang kulay puti ang nasa loob ng kahon.
"Napakatagal na panahon naming tinago ito dahil ibinigay pa ito ng iyong inay sa amin nang masagip niya kami sa kamatayan.. Dalaga pa ang iyong ina noon.. " iniabot niya ito sa akin.
Nakamasid lamang si Kuya Jigs at tila iniintindi ang lahat.
"Malalaman mo raw ang gagawin rito kapag oras na sinindihan mo na ito.." muling sabi niya.
"Ilang araw na raw kasing 'di kayo nakakapag-usap kung kaya at nakiusap na siya sa akin na hanapin ka, two days nga naming hinanap itong lugar eh, mali kasi ang pagkakasabi niya sa akin..nag-aalala na ang iyong ina Luisa..gustuhin man niyang pumunta ngunit 'di niya raw alam kaya ako na lamang ang ginamit niya.."
"Ganoon po ba? Mabuti naman po at nahanap niyo kami.." sagot ko.
"At ang huling bilin niya sa akin ay 'wag ka daw matatakot dahil isa lang ang kalaban mo.." natural lamang na pagkakasabi nito, parang sanay din siya sa kakaiba.
Naguguluhan si Kuya Jigs sa mga pinag-uusapan. Palibhasa'y 'di siya naniniwala kung kaya at parang kakaiba sa kanya ang dating. Dahil tila isang normal na paksa lamang ang aming tinatalakay, marahil siguro ito ay dahil sa pinagdaanan na nila noon kung kaya at alam nila ang pakiramdam. Malalim na ang usapan namin. Hanggang sa..
"Huh?!"
Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa paligid. Agad akong napatakbo sa bintana upang silipin kung ito ba ay normal na hangin lamang.
"Alam ko ang ganitong klase ng hangin Luisa.." tingin sa akin ni Kuya Yuki sabay tayo sa kanyang kinauupuan at tingala sa kanyang paligid.
"Alam ko ito dahil naramdaman ko na ito noon.." pahabol pa niya.
"Andyan na siya!" aking sambit. Tatakbo na sana ako upang kumuha nang panindi sa kandila ngunit..
"Aark!" biglang sulpot ng kaluluwa ni Jing sa aking harapan at sabay sakal sa aking leeg.
Nagulat naman sila dahil sa aking itsura. Hindi pala nila nakikita kung sino ang sumasakal sa akin.
"Luisa! Ano'ng nangyayari sa'yo?!" sigaw ng Kuya Jigs.
Pilit kong itinuturo ang kandila ngunit 'di nila ako maintindihan dahil nagkakabingihan na kami sa lakas na ng hangin.
Halos maputulan na ako ng hininga at magputukan na ang ugat sa aking mata.
Ngunit...sadyang 'di nila ako pababayaan.
Kasalukuyan tumitirik na ang aking mga mata nang may bigla akong nakitang isang matandang babae na nasa likuran ng kaluluwang sumasakal sa akin.
"Aark! Aaark!!"
Nakita ko kung paanong hinablot ng kaluluwang ito ang kaluluwa ni Jing. At sandali pa ay..
Nawalang bigla ang nagwawalang hangin. At..
"Haah! Haah!" aking habol sa aking hininga. Naglahong bigla ang mga sakal niya. Tila nakasaksi ako ng dalawang kaluluwang naglaban.
"Luisa!" lapit agad ng Kuya Yuki at alalay sa akin.
Nakita ko namang tumakbo ang Kuya Jigs papunta sa kusina at nang magbalik ay may dala ng panindi.
Agad akong inalalayan ni Kuya Yuki at Lance at iniabot naman ni Kuya Jigs ang posporo upang masindihan na ang kandila.
At nang akin na itong mailawan ay..
Sa probinsya..
"Umpisa na.." bulong ni Andrea.
Inayos nito ang kanyang suot na belong itim at..
"Carlito mahal ko, kapag ako ay 'di na nakabalik ay 'wag kang magagalit..isipin mong nariyan si Luisa na aking kapalit.." nakangiti ngunit malungkot na tugon ni Andrea.
Lumapit sa kanya si Carlito at niyakap siya.
"Naiintindihan ko ang lahat mahal ko...ngunit sana ay pilitin mo.." kanyang tugon.
Nakatingin lamang si Sonia at si Abel. Nangingilid ang kanilang mga luha dahil sa alam nilang nagpapaalam na si Andrea.
Matutulog ito upang maglakbay ang kanyang diwa papunta sa kandila ng kanyang anak. At maliit ang tyansang siya ay makabalik pa sa kanyang katawan dahil ito na ang pangatlong beses na kanya itong gagawin. Dahil hanggang tatlo lamang ang dapat na bilang ng ganitong orasyon niya. Hindi niya akalaing makukuha niya pa muli itong gamitin.
Nag-umpisa na itong magsindi ng dalawang kandilang kulay puti. At tulad rin ng 'dati ay 'di pa rin gumagalaw ang apoy nito. Nakapirmi lamang.
"Paglipas ng isang araw ay sindihan niyo ang natitira ko pang kandila. At 'wag nyong kalilimutan...dahil may nangangailangan pa ng isang 'yan.." kanyang mahigpit na bilin.
Humiga na si Andrea sukob-sukob ang kanyang belong itim. Bago pa man ipinikit ang mga mata ay sumulyap muna sa tatlo.
At..
***
Pagkasindi ko ng kandila ay biglang nagbago ang aking paligid. Napakadilim nito at wala kang maaninag na kahit ano. Maging ang aking mga kasama ay 'di ko na makita.
"Asaan ako?" aking bulong.
Napakalamig ng hanging humahampas sa akin. Tila ito ay galing sa dagat dahil dinig ko rin ang malalakas na hampas ng alon nito. Maya-maya pa ay huminto ako sa paghakbang dahil sa nakarinig ako ng mga yabag na sumusunod sa akin. At biglang..
"Anak.."
Ang tawag sa akin. Laking gulat ko ng aking tingnan kung sino ito, ang aking ina.
"Na--nay??!!" kahit na 'di ako makapaniwala ay agad ko siyang nilapitan at niyakap. Ngumiti lamang siy sa akin at ako ay niyakap rin.
Sandali kong nakapa ang aking damit na suot. Maging ang aking sapatos ay napansin ko rin.
"Bakit? Bakit po ganito ang damit ko? At bakit kasyang muli sa akin ang mga sapatos na ito.." gulat na tanong ko habang panay ang turo sa aking sapatos na suot.
Kung bakit kasi ay dahil sa ang sapatos na 'yun ay aking paborito nang ako ay limang taong gulang pa lamang maging ang aking damit na kulay rosas at may lobo pang nakadrowing. At mas lalo pa akong nagulat nang lingunin ko ang aking akay-akay na ina at makita ang dating batang mukha niya.
"Inay?! Asaan po tayo?!" aking tanong.
"Nandito tayo anak...sa kung saan nag-umpisa ang buhay mo na ayaw mong tanggapin...nandito tayo kung saan napakatapang mo pang hinaharap ang lahat at 'di man lang nakakaramdam ng kahit anong takot sa kanila.. At nandito tayo para hanapin ang Ate Elena.." kanyang sabi sa akin na may matatamis na ngiti pa sa kanyang labi.
Habang naglalakad kami sa tila isang mahabang tulay ay masaya ang aking damdamin. Ngunit may napansin rin akong mga nilalang na aming nalalampasan. Iba' t-ibang uri ng itsura ng tao at 'di tao ang aking nakikita. Ngunit, wala ni kapirasong takot akong naramdaman.
"Inay...bakit po parang binabati nila ako..at bakit parang kilala nila ako?" aking tanong.
"Nandito sila para tulungan tayo, sila ang mga unang naging kaibigan mo.." sagot niya.
Nilinga-linga ko ang mga nilalang na ito, at akin nga silang nakikilala. Sila ang madalas kong makasama ng ako ay bata pa.
Sandali pa at..
"Nandoon! Nandoon ang Ate Elena at nagtatago..Sige na anak! Puntahan mo na siya at pauwiin.." sabi ng aking ina.
Huminto na kami sa paglalakad at ang tanging nasa harapan na lamang namin ay isang abandonadong bahay.
Jake's POV ( ISA SA MGA MAY SALA )
Kanina pa ako panay ang tawag sa punyetang Rico na yun! Patay ang kanyang telepono. Shit! Bakit ba natatakot ako! Wala naman ako dapat ikatakot!
Naupo muna ako sa aking paboritong swivel chair sa harap ng information section. Kagat-kagat ang paborito kong ballpen at panay ang isip. Nagpapalipas lamang ako ng oras dahil mamaya ay uuwi na rin ako. Kasalukuyang tahimik ang paligid na bahagi ng ospital kung asaan ako.
"Haay..."
Maya-maya lang ay..
Nakarinig ako ng yabag. Umaalingawngaw ito sa pasilyong nasa gawing kanan ko. Mga yabag ng tapak na akala mo ay sa tubig nagtatampisaw.
"Anu ba 'yun?!" irita ko pang tanong sa hangin.
At sandali pa ay mas lumalakas na ang tunog nito na tila hinahampas na ang tubig sa batya at mas papalapit pa ang tunog kung kaya at mas nakakairita na.
"Tang ina! Ano ba 'yun?!" muling angil ko.
Hindi na ako nakatiis at tumayo na ako upang silipin ang nakakairitang tunog. At nagimbal ako sa aking nakita.
"Huh?!!"
Isang sakong puro dugo na may lamang babaeng nakayuko sa loob nito. Nakatayo sa gitna ng pasilyo ang sako kung asaan naman naka-upo ang babaeng nasa loob rin nito. Nakalabas ang kanyang isang kamay at panay ang kanyang palo sa sahig kung saan umaagos ang tubig na mismong galing sa sako. Basang-basa ang babaeng nakayuko na tila kaaahon lamang sa isang paliguan.
"Huh?! Tang ina!" nagawa ko pang ipungas ang aking mga mata upang tiyaking ako ay gising at 'di panaginip ang nakikita.
"Tang ina!"
Maya-maya lamang ay inilabas niya pa ang isa niya kamay at nagtatampisaw na ito ng sabay. 'Di ko masipat ang mukha dahil nakatabon ang kanyang basang mahabang buhok. At sandali pa ay naghahalo na ang dugo sa kanyang tubig na nagmumula sa sakong basa.
At sandali pa rin at..
Unti-unti na siyang tumatayo mula sa pagkakaupo sa loob ng sakong basa at inihahakbang na palabas ang paa. Sa kanyang pagtayo ay napansin kong tila siya ay may hinihila.
"Huh?! Sino ka?!!"
Umaatras na ako sa sobrang takot.
"Hindi! Tang ina bangag lang ako!!" sandali akong tumalikod upang takasan siya ngunit...
"Aaah!!"
Laking gulat ko nang sa aking pagharap ay tumambad na talaga kung sino siya.
"Hindi!! Patay ka na!!!"
Aking sigaw.
Si Maggie ang babaeng basang-basa na nakatayo sa aking harapan at hawak-hawak pa ang lubid na nasa kanyang leeg. Kahit 'di ko kita ang mukha ay tanda ko ang kanyang suot na damit ng araw na paslangin namin siya. Siya at ang kanyang kaibigan.
"Aah! Hah!!"
Nagtatakbo na akong tuluyan. Nagsisisigaw ako upang may lumabas man lamang at makatulong sa akin ngunit tila ba sinadya ang pagkakataong ako lamang ang talagang naroon. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang isang nakabukas na kuwarto. Kahit pa madilim rito dahil sa panay ang kurap ng ilaw ay akin pa rin itong pinasok.
"Hah! Hah!"
Isang bakanteng ward pala ang aking napuntahan. Isang ward na puro kama lang ang laman.
Naupo ako upang magtago sa pinakadulong kama. Panay pa rin ang kurap ng ilaw kung kaya at 'di pa rin makita ang aking paligid.
Ngunit sandali pa at..
Narinig kong muli ang mga tunog ng mga kamay na tinatampisaw sa tubig.
"Aaah...aaah.." nangangatal na ang aking mga panga sa takot.
At sandali pa ay nakakita na ako ng paggalaw.
"Haaah..."
Kitang-kita ko kung paano niya kinakaladkad ang sakong basa na kanyang pinaglalagyan.
Shik! Shik! Shik!
Lumilikha pa ito ng ingay habang nakaluhod siyang kinakaladkad. Bumabakas pa ang mga tagas ng tubig na may kahalong dugo. Kitang-kita ko at malinaw ang lahat kahit pa panay lamang ang kindat ng liwanag.
Pilit kong iniyuko ang aking mukha upang 'wag na mapatingin pa.
"Hmm...hmm..hm.." impit na aking paghinga.
At sandali ay tumahimik ang paligid.
"Huh?!"
Nagawa kong sumilip sa ilalim ng kama kung saan ako ay nasa gilid. Wala na si Maggie na nakasako at maging ang kanyang mga bakas ng tubig rito.
Nakakahinga na ako ng maluwang. Nang biglang..
Tsag!
"Hah! Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!"
Biglang bumagsak sa aking harapan ang buo niyang katawan. Nakalagay ito sa sako at nakalawit ang lubid na nasa kanyang leeg.
"Aaaaaaaaaaaahhhhh!!!"
Nang dumilat ang kanyang mata ay nagtatakbo na ako. Sa aking pagkataranta sa takot ay..
Shriiiiiiiiiinnnnggggg!!!
Blag! Blag! Blagag!
"Eeeeeeeeeeee!!!"
"Eeeeeeeeeeeeeeee!!!!!"
( Isang malakas na sigawan ang nagmula sa ibaba. Isang lalaki ang bumagsak mula sa ika-dalawampung palapag. Wasak ang mukha at bali ang buong katawan. )
At ang naiwan naman sa taas na kanyang pinagbagsakan..
Tapos na..
Susunduin ko na ang aking kaibigan..
Ang nakangiting sabi ng kaluluwa ni Maggie.
June_ThirteenI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (90)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Unique story
09/04
0first horror story na nabasa ko dito super ganda deserved ng author ng 5 star ⭐
06/12
0nice story
16/05/2025
0Tingnan Lahat