Homepage/NAKATAGONG MATA NI LUISA/
IKA-LABING PITONG SULYAP
ANG MGA KALULUWANG NALILIGAW
Tahimik.
Pagpasok ko sa abandonadong bahay ay tila nasa loob ako ng isang mahabang daan na nasa ilalim ng lupa. Tila isang kuwebang mahaba na abot tanaw ang liwanag na nagmumula sa isang butas na maliit. Pagkapa ko sa aking sarili ay akong muli ang malaking Luisa, at wala na rin sa aking tabi ang aking ina.
Marahan kong inihakbang ang aking mga paa kahit pa 'di siguro kung ano ba ang matutungtungan ng mga ito. Napakadilim ng aking paligid, mainit at nakasasakal ang simoy ng hangin kung iyong lalanghapin.
Sa aking paglakad ay napapansin kong tila mas lumiliit ang butas na aking gustong abutin. Abot-tanaw ko nga ngunit 'di ko naman talaga marating.
"Asan ba ako? Bakit..bakit parang nasa isang lagusan ako?!" tanong sa sarili.
Ipinagpatuloy ko lamang ang aking paghakbang. At napangiti ako nang may masilayang maliwanag na nakaupo sa isang malaking tipak ng bato. Alam kong ito ay kaluluwa, ngunit 'di nga lang ako sigurado kung ito ba ay isa sa mga pakay ko. Binilisan ko ang aking paglalakad nang makita ko ito. Ngunit 'di pa man ako nakakalapit ay..
"Saan ka pupunta Luisa?" tanong sa akin ng malumanay at malamig na boses nang nakaupo sa tipak ng bato.
Isang babae. At kilala niya ako.
Muli niya akong kinausap.
"Hindi ka makakaraan diyan Luisa..Hindi riyan ang daan mo papalabas.."
Sa pagkakataong ito ay naulinigan ko na kung kanino at sino ang nagsasalita.
"Jing?!" sambit ko.
Hindi ko kasi inasahang siya ang makikita ko. Walang kung sino ang na nasa isip ko kung'di ang Ate Elena.
"Ano'ng daan papalabas?! B--bakit 'di ako makakaraan?" nagtataka kong tanong.
"Maging ako na nais ng pumasok diyan ay 'di kaya..at 'di ko alam ang dahilan.." sagot niya.
Nahihiwagaan ako sa kanyang mga sinasabi, at 'di ko rin alam na talaga palang lagusan ang aking kinaroroonan. Huminto akong sandali sa pagsasalita at sinilip na mabuti ang tila isang butas na may ilaw. Napansin kong may mga nilalang na pumapasok rito at bigla na lamang nagiging parang mga anino na biglang naglalaho sa liwanag kapag nakatagos na sa lagusan. Hindi lang isa kung'di sabay-sabay silang nagsisipasok at tila nilalamon ng dilim kapag nakalampas na. Nakakapagtaka talaga, parang ako ay nasa isang panaginip lamang. Ngunit alam ko namang ito talaga ang aking sarili at naglalakbay lamang ang aking diwa. At 'di na ako nakatiis pa kung kaya at nagtanong na ako sa kanya.
"Bakit parang ang daming pumapasok ngunit walang papalabas?"
"Hindi ko rin alam, maraming beses na akong nagtangkang lumabas diyan ngunit walang ibang daanang tumanggap sa akin.." malumanay niyang sagot.
Hindi ako nakakibo. Sa ganda ng kanyang boses ay nagiliwan ako. Ibang-iba ang Jing na malupit at parating galit na aking madalas makita. Ibang-iba ito sa aking kausap ngayon. Naisipan kong itanong kung asan ang Ate Elena.
"Naroon siya kung saan ako ay nanggaling..iniwan ko siya roon upang ako ay makatawid.."
"Ngunit 'di nangyari ang aking inaasahan..kaya heto ako ngayon, narito at nakakulong pa rin.."
Tila malungkot na saad nito.
Gusto kong pakinggan ang kabuuan ng kanyang mga nais sabihin, dahil ramdam ko ang bigat ng kanyang damdamin, dahil sa alam ko namang lahat ang kanyang mga pinagdaanan. Si Jing ay isang kaluluwang 'di matahimik lamang.
"Ayoko naman talaga silang saktan Luisa..ayoko lang kasing mag-isa..napakalungkot ang malimutan ka ng isang taong araw-araw mong hinihintay.." muling saad niya.
"Sino ang iyong tinutukoy Jing? Ang iyo bang kuya?" tanong ko.
Hindi siya kumibo.
Sandaling nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Ngunit patuloy pa rin ang pagdating ng mga kaluluwa mula sa nakasisilaw na liwanag at papasok sa lagusang madilim. Ang ilan pa nga ay tumatagos sa akin at tila may hinahabol at maubusan nang masasakyan sa kanilang pagmamadali.
Saglit kong nilingon ang mga nag-uunahang anino. Ngunit wala na akong makita pa kahit isa sa kanila. Wala na akong maaninag kung'di puros dilim. At sandali pa at..
"Maari mo ba akong tulungang makauwi Luisa?" tanong niya.
Ang tanong na matagal ko na hinihintay na lumabas sa bibig niya.
Napangiti ako sa aking narinig.
"Oo Jing..tutulungan kita, ngunit kailangan mo rin akong tulungang maibalik ang Ate Elena ko.." aking sagot.
Wala siyang sinabi, bagkos ay nilingon noya ako at tiningnan lang din. Kitang-kita ko ang liwanag ng kanyang magandang mukha nang siya ay tumingin sa akin. At pagtapos noon ay tumayo siya sa kanyang kinauupuang tipak ng bato. Unti-unti siyang lumapit sa akin at..
"Sige..iyon ang magiging kapalit.."
Ang kanyang sabi. At pagtapos noon ay nagdilim na ang lahat sa akin.
***
"Huh?!"
Napabalikwas ang tatlong lalaki nang biglang magising si Luisa sa pagkakawala ng ulirat nito.
"Diyos ko Luisa! Parang 'di ka na humihinga kanina!" tarantang sabi ni Kuya Jigs.
Wala namang kibo si Luisa. Nakayuko lamang ito at nakatingin sa sahig.
Sandali pa at may napansin si Yuki sa kanya.
"Sandali..nakita ko na ang mga ganyang itsura kay Ate Andrea dati.. Hindi si Luisa ang ating kasama!" sabi ni Yuki.
Sabay-sabay na tumayo at lumayo kay Luisa ang tatlong lalaki, takot na takot ang mga ito.
"Sino ka?!" matapang na tanong ni Yuki.
Hindi naman kumibo si Luisa na nakayuko pa rin.
"Ano'ng kailangan mo?!" muling tanong ni Yuki.
Sa pagkakataong :yun ay..
"Ang tulong niyo.." sagot ni Luisa.
Hindi naman nakakibo ang tatlo. At mas lalo pang gumapang ang kilabot sa kanilang mga katawan ng iangat ni Luisa ang kanyang mukha at..
"Agh!"
"Sino ka?!"
Ang sigaw nila.
Isang mukha ng babaeng chinita ang nakikita nila ngayon sa mukha ni Luisa. Mukha ng isang taong pamilyar sa kanilang kasama.
At sandali pa nga at nakilala niya na ito.
"J--Jing?! Jing kapatid ko?!" sambit ni Jigs.
Nagkatinginan lamang ang dalawa. Dahil 'di naman nila kilala si Jing.
"Gusto ko nang umuwi Kuya..matagal na kitang hinihintay na sunduin ako..Hu-hu.." umiiyak na ang kaluluwa ni Jing na nasa katauhan ni Luisa.
Unti-unting napalapit si Jigs.
"Jing..ang tagal kitang hinanap..ah!" bigla niyang niyakap si Luisa. Mahigpit na yakap na tila tatagos talaga sa nilalang na nasa kanyang katauhan.
"Mahal na mahal kita kapatid ko.."
"Gusto ko na umuwi kuya..sunduin mo na ako..nandoon ako sa isang madilim na lugar sa ilalim ng lupa..."
"Huhu...dalawa kami ng asawa mo..huhu.. ' sabi ng kaluluwa ni Jing. "Ituturo ko sa inyo ang daan kung nasaan ako..parang awa mo na kuya..gusto ko nang matahimik..huhu..huhu.."
At pagtapos ng lahat ay..
"Luisa!!"
Biglang nawalang muli ng malay si Luisa. Sapo-sapo ni Jigs na marahang ihinihiga sa kanilang sofa.
"Sasama kami sa iyo pare...tutulungan ka namin.." sabi ni Yuki.
Napaupo rin si Jigs. Pinahid ang kanyang mga luha,at..
"Salamat pare..pero paano ko uumpisahan?" naguguluhang tanong nya.
Napatingin naman sila sa walang malay na si Luisa. At..
"Si Luisa ang magiging gabay natin Jigs..manalig ka.." sabi ni Yuki.
Elena's POV
Bakit ako narito sa isang tila maliit na kahon?
Madilim dito at malamig, nakakatakot ang mag-isa lamang.
Nasaan ba ako? Ahump!
Gusto ko nang umuwi..
Inay..
Itay..
Ayokong mag-isa muli..Ayoko po..
Ate Andrea..
Tulungan mo ako..
Ayoko rito..
Ayoko na sa madilim na mundong nakagisnan ko..
Ayoko na po...Huhu..
Andrea's POV
Hindi ako papayag na maubos ang kandilang hawak- hawak ko na nagsisilbing aking tanglaw na 'di ko nakikita si Elena..
Asaan ka mahal kong alaga..
Alam kong natatakot ka dahil madalas ay ayaw mong mag-isa..Hintayin mo ako Elena..
Hindi kita pababayaan tulad nang ginagawa ko sa inyo ng mga bata pa kayo..
Huh?!
Sino itong aking nakikita?
Isang kaluluwang nais na rin ng katahimikan?
Maggie's POV ( KALULUWA NI MAGGIE )
Isang liwanag sa gitna ng dilim?
Sino ang nilalang na ito na tila may hinahanap?
Jing?
Ikaw na ba 'yan kaibigan ko?
Pero hinde..isang tao lang ang kilala kong may ganyang ilaw..
Si Luisa..
***
Agad na tinungo ni Maggie ang liwanag na kanyang natatanaw. Tila isang gamu-gamong sabik sa ilaw, sa ilaw na matagal na niyang gustong mahanap. At nang magkalapit na sila ay..
"Luisa?!"
Habang mas papalapit si Andrea ay panay ang tawag ni Maggie sa pangalan ni Luisa.
"Luisa!"
At nang makita na siya ni Maggie ay..
"Hindi ikaw si Luisa? Ngunit ang liwanag mong taglay? Tulad ng sa kanya.." kanyang nasabi.
"Ako ang kanyang ina.." sagot ni Andrea.
"Ina? Bakit ka narito? Patay ka na ba?"
"Hindi..naglalakbay lamang ang aking diwa dahil sa mayroon akong hinahanap na mahal sa buhay na naliligaw ng landas.." muling tugon ni Andrea.
"Mahal sa buhay? Sino?"
"Sigurado naman akong kilala mo siya..siya lang naman ang madalas paglaruan ng kaibigan mo.." sagot ni Andrea.
Napaisip si Maggie.
"Puwede ba akong makisabay sa liwanag mo? May susunduin din kasi ako eh.."
Ngumiti si Andrea at..
" Hindi mo na sila kailangan sunduin..kusa na silang dadating para sa'yo.."
"Talaga po? Maari po ba akong sumabay sa inyo?"
"Halika sige, samahan mo rin ako.."
At sabay silang naglakad gamit ang kandilang hawak ni Andrea upang maging tanglaw. Sa dami ng mga kaluluwang nakikisilong sa kanyang ilaw ay isa lamang ang tumama. At ang ibig sabihin noon, ay malapit niya nang makita ang kanyang katahimikan.
***
Ilang sandali lamang at nagising na si Luisa.
"Luisa..kamusta na?" agad na tanong ni Yuki.
Hindi naman agad kumibo si Luisa.
"Luisa..ano'ng gagawin natin?" tanong ni Jigs.
Tumingin sa kanya si Luisa at..
"Halika na po Kuya..iayos na natin sila.."
Ngumiti si Jigs sa kanyang narinig kahit pa may pag aalinlangan pa rin.
"Pero paano Luisa?" biglang tanong nito.
Tumuro si Luisa sa kanyang likuran. Naroon pala ang kaluluwa ni Jing at nakamasid lamang.
"Tutulungan niya tayo Kuya.."
Napatingin ang tatlo sa itinuturo ni Luisa ngunit talagang wala naman silang makita.
At muli..
"Kumilos na tayo.."
Elena's POV
Parang 'di ko na kaya...
Nakakasakal na sobra ang dilim..
Jigs?
Asan ka?
Nahihirapan na ako..
Gusto ko na yatang magpahinga..
SA OSPITAL
Nagkakagulo ang ilang nurse at tinawag na rin ang doktor dahil sa may isang pasyenteng nag-aagaw buhay na.
"What's wrong?! Bakit 'di niyo namonitor?! My God!" sabi ng kaibigang doktor ni Jigs. Si Elena pala ang pasyenteng iyon.
"Guys! We're having a flatliner! C'mon c'mon!!"
Agad na kinuha ang aparatong ginagamit upang maibalik ang pulso sa pamamagitan ng electric shock.
Tsug!
"Charge!"
Tsug!
Elena's POV
Madilim na..
Wala na akong tuluyan makita..
Hindi ko na talaga kaya..
June_ThirteenI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (90)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Unique story
09/04
0first horror story na nabasa ko dito super ganda deserved ng author ng 5 star ⭐
06/12
0nice story
16/05/2025
0Tingnan Lahat