logo text

IKA-LABING TATLONG SULYAP

ANG DALAWANG DALAGA
Kasagsagan ng ulan.
Kahit na anong ingay pa ang nangyayari sa loob ng isang maliit na apartment sa dulo ng isang subdivision ay talagang walang makaririnig.
"Maawa kayo...Jake..Ano ba'ng nagawa ko sa inyo?! Hu-hu.."  pagmamakaawa ng isang babae.
"Pasensya na Mags.....Matinding pangangailangan lang talaga... Saka, alam mo namang hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na binasted mo ako.."  sabi ng isang lalaking tinawag na Jake habang panay ang singhot. Tila bangag na bangag ito sa ipinagbabawal na gamot.
"Parang awa mo na...wala akong pamilya rito..maawa ka sa akin.."  muling makaawa nito.
Tumayo sa pagkakaupo ang bangag na si Jake. Siya namang lapit ng isa pang lalaki at sabay supalpal ng panyo sa bibig ng babae.
"Um! Um!"
Dahilan upang 'di na ito makapagsalita. Habang pilit na ipinapasok ang panyong binusal sa kanyang bibig ay siya namang lapit ng dalawa pa at pinagtulungan siyang buhatin habang nakatali ang mga kamay.
"Um! Um!"  impit na pagsigaw nito habang panay ang padyak ng mga paa.
Wala namang pakialam ang mga bangag na lalaking tuloy pa rin sa pagbuhat sa kanya. Pagdating sa kuwarto ay ibinalagbag na lamang siya ng mga ito sa dingding, dahilan upang tumama ang kanyang noo at magkasugat ito.
"Ayan! Ang tigas kasi ng ulo mo!"  sabi ng isa pang lalaki habang pinupunasan ang kanyang noong dumudugo.
Panay naman ang paling ng kanyang mukha. Nang makakuha ng tiyempo ay isang tadyak ang ibinigay nito sa lalaking panay ang punas ng kanyang sugat.
"Agh! Tang ina ka ah!!"  galit na mura nito.
Agad siyang muling nilapitan nito at hinawakang papiga ang mukha. Nandidilat ang mga mata nito at halos tulo na ang sipon kasabay ng matinding pawis na umaagos na sa mukha nito.
"Um! Um!"  gigil na pagpiga ng lalaki sa kanyang mukha. Hindi na nito muling magawang manadyak dahil tinukuran ng lalaki ng kanyang tuhod ang dalawang tuhod rin ng babae.
"Um! Um!"  impit na pagdaing sa sakit na dulot ng pagkakapiga ng kanyang mukha.
Maya-maya lang ay pumasok na rin ang tatlo pang lalake. At inabutan pang pinanggigigilan nito ang babae.
"Hoy gago ka?! Ano'ng ginagawa mo Ringo?!"  tanong ni Jake.
"Hah! Hah! Tang ina kasi 'to eh! Tinadyakan yung betlog ko!"  sagot ng Ringo habang nilalabas masok pa ang kanyang dila.
Nasa kalagitnaan ng plano nila ang apat na kalalakihan nang biglang..
"Mags?! Mags?! Buksan mo! Ang lakas ng ulan!"  sigaw ng isang babae sa labas habang panay ang kalampag sa pinto.
Nanlaki naman ang mga mata ng babae nang marinig kung kaninong boses 'yun.
"Um! Um! Umm!!"  impit niyang pagsigaw, tila gusto niyang sabihin sa kumakatok na 'umalis ka na' "
Napansin naman ng mga lalaking balisa ang babae, at naalarma rin sila dahil 'di puwedeng may makakita sa kanila.
"Ano'ng gagawin natin do'n?!"  senyas ng isang lalake.
Ngumisi naman ang isa at nauna nang lumabas ng  pinto.
"Um! Um!! Umm!!"  umiiyak na ang babae. Alam niya kasing mapapahamak ang kung sino mang kumakatok ngayon sa kanyang pintuan.
Maya-maya lang ay umakyat nang muli ang dalawang lalaki, bitbit ang babaeng walang malay.
Blag!
Kanila lamang itong ibinalya sa kahoy na sahig. Walang mga pakialam sa kanilang sobrang kabangagan.
Mas lalong nagpapalag ang babae. Agad itong gumapang papalapit nang makita ang kaibigan na may palo sa ulo at dumudugo pa ito. Ngunit siya naman hablot sa kanya ni Jake at lumapit pa ang isang lalaki at kinaladkad na siya papunta sa kama.
"Tang ina tali niyo na 'yan! Ang lakas manipa niyan eh!"  sabi pa ng isa.
May hawak namang lubid ang isang lalaki at itinali nga ang dalawang paa. Walang awang binanat- banat pa ito upang mas lalo pang humigpit.
"Um! Um!"
Pagtapos ay ang kaibigan na nakahandusay na dumumugo naman ang ulong inatupag ng dalawa. Itinali rin nila ang dalawang kamay patalikod nito at saka binusalan din ng tela ang bibig.
"Ang malas naman nito, tinext mo pa kasi siya eh! Ikaw ang may kasalanan kung bakit narito ang kaibigan mo! May pahingi-hingi ka pa kasi ng tulong!!"  sigaw ni Jake sabay..
Pak! Pak!
Dalawang magkasunod na sampal ang lumagapak sa mukha ni Maggie.
"Umm...Hmm.."  impit na pag iyak nito.
Maya-maya lang ay..
Prak! Prak!
Winasak ang damit ng babae.
At pagtapos noon ay nag-umpisa na sila sa kanilang kahalayan.
***
Ilang oras ang lumipas.
Tumila na rin ang pagluha ng langit.
Dalawang duguang katawan ang nakatambad sa isang kuwartong tanging saksi sa kanilang masakit na sinapit. Animo mga hayop na mga nakagapos patalikod ang mga kamay at naliligo sa dugo ang mga katawan, habang ang mga lalaking hayok naman ay panay lamang ang buga ng kanilang mga sigarilyo at nakahilatang patang-pata ang mga katawang hubad pa.
"Tang ina pare, inabot ako paglaslas mo!"  sabi pa ng isa.
"Gago pumalag kasi eh! Sabi ko sa iyo hawakan mo eh!"  sagot ng isa.
Kaawa-awa ang sinapit ng dalawang dalaga. Si Jing ang may pinakamapait na sinapit. Laslas ang kanyang lalamunan at puro paso pa ng sigarilyo ang buong katawan nito. Nagmistulang ashtray ang kanyang katawan sa dami pa ng nakaturok na upos ng sigarilyo. Napakasakit ng kanyang sinapit ng dahil lamang sa pagtugon sa tulong na hinihingi ng kanyang kaibigan.
Kung inyong makikita ang sinapit ng dalawa ay talaga namang kukurutin ang inyong mga puso. Si Maggie naman ay may naiwang pang lubid na nakatali sa leeg na ginamit pangsakal sa kanya ng hayok na si Jake.
Pagtapos magsipag bihis ay pinag-usapan pang muna kung saan itatapon ang mga ito. Dahil sa mga bangag pa rin ay wala pa sa ayos ang mga pag-iisip.
"Tang ina pare! Isang buwan nating pinlano 'to tapos wala man lang tayo nakuha kahit pa isang kusing! Pweh!"  ang sabi ng isa.
Nagkatawanan pa ang mga loko na parang walang mga bangkay na nakahandusay sa harap nila, talagang wala lang ang lahat sa kanila, tila sanay na sanay sa mga ganitong gawa.
"Alam ko na ang gagawin natin sa dalawang ito, kailangan ihiwalay natin ang isa.. 'di natin puwedeng pagsamahin...mas sisingaw 'yan!"  ang sabi ni Jake.
Pinagpaplanuhan na nila kung paano ililigpit ang katawan ng dalawang babae na walang iba kung'di sina Maggie at Jing.
***
Eeeeeeeeeeeeee!!!!!
Isang sigaw ang aking pinakawalan. Sigaw na bukod tanging ako lamang ang nakarinig. Pagmulat ng aking mga mata ay naroon pa rin ako sa aking kinauupuan at walang pinagkaiba sa aking puwesto. Ngunit sa aking mga nakita ay tila malayo na ang aking natakbo.
"Nakakatakot...na---nakakaawa sila...hah!hah!"  aking sambit.
Kitang-kita ko ang pangyayari. Si Jing ay biktima lamang pala ng pagkakadamay sa krimen na nakaplanong talaga para kay Maggie lamang. At si Jake, ang lalaking nasa litrato sampu ng kanyang mga kasama ay kitang-kita ko rin. Isang kaibigang nabigo pala sa kanyang pag-ibig ang dahilan ng lahat. Napakasakit ng kanilang sinapit sa mga kamay ng mga lalakeng iyon. Kitang-kita ko nang inilaglag ang hubad na katawan ni Jing sa isang poso negro sa isang abandonadong bahay at maging ang paghagis nila sa nakabigting si Maggie sa tabi ng dagat ay akin ring nakitang muli. Sa loob lamang ng iisang araw naganap ang lahat. Sinadyang paghiwalayin ang mga katawan nila upang makaiwas sa pagkakabulilyaso.
Pinahid ko ang aking luha. Nasaktan ako sa mga nangyari sa kanila, ngunit 'di ko pa rin naringgan ng paghingi ng tulong ang kaluluwa ni Jing ,tila ayos lamang sa kanya ang pagala-gala siya. Mas lalo tuloy akong nangamba dahil sa ginagawa niya kay Ate Elena. Delikado ang mga ganitong klaseng kaluluwa.
Napaisip na naman akong saglit. Paano ko kaya masasabi kay Kuya Jigs ang lahat ng aking nadiskubre?
At ang kaluluwa ni Maggie? Asan na kaya siya?
***
SANIB
Alas-onse na ng gabi dumating ang Kuya Jigs. Halata kong nakainom ito dahil sa namumula ang singkit na mga mata pati na rin ang kanyang mukha. Maputi kasi si Kuya Jigs kung kaya at kitang-kita talaga.
Pagpasok ng bahay ay agad na sa ref ang kanyang punta at dumampot agad ng isang bote ng alak. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang kanyang problema, dahil mukhang meron talaga. Naupo ito sa sofa at nagbukas pa ng t.v.
"Luisa!"  tawag niya sa akin.
"Ho?"
"Kamusta ang Ate Elena mo? Hindi ba siya sinumpong ng sakit ng ulo?"  malumanay na tanong niya.
"Hindi naman po Kuya.."  aking tugon.
Tumango lamang siya at saka lumagok na ng hawak na alak.
Aakyat na sana ako upang matulog na nang biglang..
"Luisa...sandali lang.."  biglang tawag niya.
Nagulat naman ako at napaharap ring agad.
"Ba--bakit po Kuya?!"  sagot ko.
"Halika at maupo ka.."
Agad naman akong sumunod sa kanya. Nararamdaman kong may gusto siyang itanong sa akin. Pag upo ko ay..
"Hindi ba nakakakita ka ng kaluluwa? At 'yung tungkol kay Maggie...baka alam mo kung anong nangyari sa kanya..bigla na lang kasi siyang nawala eh...pati ang kapatid ko.."  malungkot na saad niya.
Hindi naman ako agad nakapagsalita. 'Di ko kasi alam kung paano ito uumpisahan. At muli ay..
"Nalulungkot pa rin kasi ako hanggang ngayon...'di ko pa rin kasi alam kung asaan ang kapatid ko...wala akong ibang pamilya kung'di siya lang...tapos...tapos iniwan niya pa ako...Mahal na mahal ko ang kapatid ko Luisa..Hu-hu..mahal na mahal ko sila.."  umiiyak na turan niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niyang "sila", ang ibig ba niyang sabihin ay pati si Maggie?
Nilakasan ko ang aking loob upang makapagtanong sa kanya.
"Kuya Jigs...maniniwala ka ba kapag aking sinabing ang kapatid mo ay sinalbahe at pinatay? Kasama ng kaibigan niyang si Maggie?"
Nabitawan niya ang bote ng alak na kanyang hawak- hawak at..
"Pa---paano mo nalaman 'yan?"
Sasagutin ko na sana ang kanyang tanong nang marinig namin ang isang malakas at nakakikilabot na sigaw ni Ate Elena.
Eeeeeeeeeeeeeee!!! Eeeeeeeeeeee!!
"Elena?!"
Nataranta kaming dalawa ng Kuya Jigs at agad na nagtungo sa kanilang silid.
"Ate Lena!!"
Halos kainin ng kilabot ang aming buong katawan ng makita naming nakalutang ang mga paa ni Ate Elena sa sahig. Mapuputi ang mga mata na tila nakatirik na at may bakas rin ng pagkaguhit sa leeg na tila isang malaking sugat.
"Elena!!"  lapit ni Kuya Jigs, ngunit..
Blagag!
Isang tingin lamang ang ginawa ng Ate Elena at halos bumalibag na siya pabalik sa pintong aking kinatatayuan.
"Agh!"
"Kuya Jigs!"  aking alalay sa kanya.
"Luisa! Ano'ng nangyayari!"
Kitang-kita ko ang kaluluwa ng kanyang kapatid na nakasanib kay Ate Elena. May tusong ngiti at matatalim na tingin.
"Huh?! Ji---jing?!"  aking banggit.
Napatingin namang bigla sa akin ang Kuya Jigs at..
"Sinong Jing Luisa?! Sinong Jing ang tinatawag mo?!!"  ang pilit niyang tanong sa akin.
Nagkatinginan lamang kaming dalawa. Habang ang kakaibang Ate Elena sa aming harapan ay nakamasid lamang at panay lang ang ngisi. Maya -maya pa ay..
Biglang lumakas ang ihip ng hangin, nagsipagsayaw ang mga kurtinang puti na halos tumabing na sa katawan ni Ate Elenang nakalutang. Panay ang pagkurap ng mga ilaw, kasabay sa pagdagundong ng langit. At sandali pa ay..
Shag!
Bumagsak ang Ate Elena sa sahig.
Kasabay ng kanyang pagbagsak ang paghinto ng ihip ng malamig na hangin at maging pagkurap ng ilaw ay ganoon rin.
At nakita ko ang aking lola na nakatayo sa harap ng katawan ni Ate Elenang walang malay. Siya siguro ang dahilan ng pagkakatigil ng lahat.
"Elena!!"  agad nilapitan ng Kuya Jigs ang kanyang asawa. Ngunit naiwan akong nakanganga.
"Luisa tumawag ka ng doktor!"  tarantang sabi ni Kuya Jigs.
Ang sagot ko naman ay...
"Walang magagawa ang doktor sa isang kaluluwang pilit gustong magkabuhay..Jing...bakit mo ginagawa ito..wala naman siyang kasalanan sa'yo.."  aking bulong.
Binuhat ni Kuya Jigs si Ate Elena at ihiniga sa kanilang kama. Pagtingin niya sa mga braso nito ay nakita niya ang mga pasa, maging sa mga binti nito ay mayroon din. Hinawakan niya ang nakaumbok na sinapupunan nito at hinalikan.
"Elena, ano'ng nangyayari sa'yo...ang anak natin, baka kung mapaano.."  kanyang bulong sa munting anghel pang nakakulong.
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nito.
Paglingon ni Kuya Jigs ay agad kong sinabing..
"Kailangan na nating magmadali Kuya...'di na siya makakapag-hintay pa..Hu-hu.."  aking sambit sa kanyang umiiyak pa.
"Si--sinong 'di makapag hintay Luisa?"
Ang nagtatakang tanong ni Kuya Jigs.
June_Thirteen

Komento sa Aklat (90)

  • avatar
    SimbulanArriane

    Unique story

    09/04

      0
  • avatar
    Rovie-joy L. Pinkian

    first horror story na nabasa ko dito super ganda deserved ng author ng 5 star ⭐

    06/12

      0
  • avatar
    Nans Lyn

    nice story

    16/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata