logo text

IKA-20 AMING PAGBABALIK PUGAD ( WAKAS )

Dalawang Linggo ang lumipas bago pa nakalabas ng ospital si Ate Elena. Hindi madali para sa kanya ang pagtanggap sa lahat ngunit sadyang matapang ang kanyang personalidad. Sinabi niya sa akin na paulit-ulit lang ang nangyayari sa buhay. Ganoon din ang kanyang mga pinagdaanan nang siya ay mawalan ng ama't ina, ngunit sa tulong ng aking ina ay muli siyang nabuhay ng masaya. Minsan ay umiiyak siya dahil sa nalulungkot. Minsan din ay nakikita ko siyang tulala at hindi makausap.
Mahirap para sa kanyang tanggapin ang katotohanang panandalian lamang ang naranasang saya sa pag-ibig at pagiging ina sana, naawa ako sa kanya kaya at hindi ko na ninais pang sabihin sa kanya ang lahat, lahat ng katotiohanang mas susugat sa pagkatao niya. Hinayaan ko na lamang na ito ay sikreto na hanggang huling hininga ay itatago ko. Aalagaan ko si Ate Elena pagdating sa probinsya at pipiliting kalimutan ang lahat. Ang dating mabagsik na mambabarang ay sinira ng maling pag-ibig na minsan lang sana niya madadama sa isang lalaking inibig.
Simula nang lumabas siya ay araw-araw niyang dinadalaw ang puntod ng kanyang asawa, mahal na mahal niya ang Kuya Jigs. At ang kanilang anak naman ay pinasunog niya, iuuwi niya sa probinsya ang mga abo nito upang kanya raw madalas na makasama. Habang tumatakbo at nalalapit ang araw nang aming pag-uwi ay tila mas lalong lumalala ang kalungkutan niya.
Ngayong araw na ito ang aming pagbabalik sa probinsya, sa tulong nila Kuya Yuki at Lance ay naiayos na namin ang lahat.
"Tara na Ate.."  aking aya sa kanya.
Nakatanaw pa kasi ang Ate Elena sa bahay ni Kuya Jigs habang akap-akap naman ang maliit na banga na pinaglalagyan ng abo ng kanyang munting anghel.
"Paalam na..mahal ko..Hindi kita makakalimutan.. Kahit saan pa ako makarating.. "   bulong niya.
Iiwan lamang namin ang bahay dahil sa wala namang ibang mag-mamay-ari na nito. Ibinilin na lamang namin sa kanyang kaibigang doktor na nag-alaga kay Ate Elena at ang sabi namin ay bahala na siya kung ano ang gagawin niya. Buo na ang aming isip na magba-balik probinsya at ibabaon na lamang sa limot ang lahat ng mapait na nangyari at 'di na muling tutungo pa sa Maynila, maging ang aking pangarap ay talagang tinalikuran ko na, doon ko na lang gugugulin ang aking mga araw sa piling ng aking mga matatanda na ring magulang.
Nais ko silang samahan hanggang sa kanilang paglubog ng araw. Dahil 'di na maari pang habulin pa kapag oras na ang nagtakda sa paglisan nila. Ang aking kakayahan ay aking nagustuhan, kahit pa 'di makapagpahinga dahil sa madalas ay may nakikita. Ngunit sadyang wala talaga tayong magagawa kapag para sa atin talaga, tulad na lamang nitong nakatago kong mata.
Bago kami tuluyang lumabas ng Maynila ay dumaan kami sa puntod ni Kuya Jigs upang makapag-paalam na siya.
Pagdating doon ay isang kandila at bungkos ng bulaklak ang aming dala. Pati na rin ang banga kun asaan ang anak ni Ate Elena. Kitang-kita ko ang labis na kalungkutan sa kanya.
"Mahal ko..aalis na kami ng anak mo.."
Haplos ni Ate Elena sa puntod ng mahal niyang asawa.
"Ito na ang huli kong pagdalaw sa iyo..ngunit 'wag kang mag-alala.. 'di kita malilimutan kailanman.."  kanyang muling bulong. " Maraming salamat sa lahat, kahit pa sandaling panahon lang tayo nagkasama ay naging masaya ako sa'yo.. Maraming salamat, sana maayos ka kung nasaan ka man ngayon.. "
Nakatayo lamang ako sa kanyang likuran nang may mapansin.
"Ate Elena, nariyan siya sa harapan mo.. Naririnig niyang lahat ang sinasabi mo.. "
Kitang-kita ko ang kaluluwa ni Kuya Jigs. Suot ang kanyang puting barong na ipinanglibing at akay-akay ang isang anghel na babae. Maging ang kanyang kapatid na si Jing ay naroon din, may matatamis na mga ngiti habang nakatingin. Maliwanag ang kanilang mga kaluluwa at masasaya na.
"Talaga Luisa?"  tanong ni Ate Elena.
"Oo Ate...kumpleto sila.."  tugon ko.
At muli ay nagsalita na siya.
"Sana maging masaya kayo kung saan man kayo naroroon..maraming salamat sa lahat ng masasayang sandali Jigs.."
Napapangiti ang kaluluwa ng kanyang asawa sa mga sinasabi niya habang patuloy naman sa pagluha si Ate Elena.
Sandaling malungkot na paalam at akin na siyang niyaya. Sa aming paglalakad paalis ay sinasabayan pa nila kami.
"Sana Luisa..nakikita ko rin sila.."  banggit ng Ate Elena.
Nangiti lamang ako sa kanyang sinabi. Masarap ang may ganitong klase ng kakayahan ngunit may mga kaakibat ring kalungkutan.
At sa huli bago kami umalis ay kumaway pa kami sa kanila.
Yakap-yakap ni Ate Elena ang banga na pinaglalagyan ng abo ng kanyang anak. Hinahalikan niya pa ito at kinakausap. Tila sinusumpong na naman ng kanyang tililing. At natawa na lamang ako sa kanyang sinabing..
"Makikilala mo na anak ang lola Andrea mo! Iuuwi kita sa probinsya dahil sa doon ang bahay natin, sa aming lahi ay marapat na nasa tahanan mo ang unang anak na napslang... "
Malakas na tawa ang kumawala sa bibig ko dahil sigurado namang makikilala niyang talaga ito dahil kahit pa na abo na ay kitang-kita nito ang kanyang kaluluwa. Ngunit, natakot din sa sinabi niyang sa kanilang lahi, tila biglang bumalik ang dating Elena sa mga tinuran niya.
At ang sabi ko na lang sa kanya ay..
"Ate Elena..'wag kang mag-alala..sasabihin ko sa iyo madalas kapag nandiyan sila.."
"Talaga Isang?! Salamat ha?!"  Sabay tawa naming lahat.
Masaya naming binabaybay ang aming daan pauwi ng probinsya kung saan talagang naroon ang aming kasiyahan. Sa piling ng mga katulad naming kakaibang nilalang.
At doo'y dadatnan namin ang aming pinakamamahal na Andrea na halos nagbuwis na ng buhay para lamang kami ay maisalba. Nakangiti at sabik sa aming mga halik.
"Ako po si Luisa, ang anak ng APO NG MANGGAGAMOT na babalik na sa piling ng aking ina upang maging katuwang niya sa mga gawaing kami lamang ay may kaya..
Doon ko ipagpapatuloy ang aking nakagisnan kung saan ako nag-umpisa..
At para sa inyo pong lahat ay maraming salamat..
Ako po muli si Luisa..at dito nagtatapos ang kuwento ng aking buhay at sa wakas..akin na ring tanggap ang aking natatanging personalidad.."
Sa susunod pong pakikipagsapalaran sana kayo muli ay makasama..
Wakas..
_______________________________________________________________
Hello, kamusta po!
Maraming salamat po sa mga nagbasa at naglaan ng time at kung ano-ano pa. Sana po nagustuhan niyo ang kuwento. God Bless po and thanks much..
Hanggang sa muli po,
June_Thirteen

Komento sa Aklat (90)

  • avatar
    SimbulanArriane

    Unique story

    09/04

      0
  • avatar
    Rovie-joy L. Pinkian

    first horror story na nabasa ko dito super ganda deserved ng author ng 5 star ⭐

    06/12

      0
  • avatar
    Nans Lyn

    nice story

    16/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo