Homepage/The Days Of Sunshine/
Chapter 26
Carren's PoV.
"'Wag kayong lalapit sa'kin, please!" Sigaw ko at pinag-krus ang mga daliri. Narinig ko ang pagtawa ng tatlo na nangunguna sa paglakad. Nasa likuran nila ako. "Whaaa! g*go!" Taranta kong sigaw at agad na hinampas ang isang naka-costume na multo. Bigla kasi itong sumulpot sa likuran ko. Mas lumakas ang tawa nilang tatlo pero agad na rin kaming nagpatuloy sa paglalakad.
"Anong rides ang sunod nating susubukan? napaka-boring naman pala rito." Rinig kong sambit ni Vinicius at nakita ko namang napatango 'yung dalawa sa kan'ya. Nag-uusap sila habang naglalakad. Mabuti na itong nauuna sila para makita ko ang mga naka-costume. Huwag naman sana sa likod ko magmula.
"Siguro ano na lang, sa an--"
"Whaaa! sabing 'wag ako e!" Tili ko at pinadyak ang mga paa para matanggal ang malamig na kamay na nakahawak sa binti ko. Bakit ba nasa likuran ang mga naka-costume na 'to!
"Dito ka na lang sa tabi ko." Agad akong hinigit ni Lance at tinabi sa kan'ya. The next thing I knew, tili lang ako nang tili. May mga bigla-bigla kasing susulpot tapos meron pa iyong biglang bumabagon sa kabaong at mga parang na-torture na naka-kadena. Meron ring mga nakalutang na white ladies at may nakasabit pa sa bubong!
Natigil kami nang may dumikit sa mukha naming tila hibla ng mga buhok na nagmumula sa bubong. Sabay-sabay kaming napaangat ng tingin at napasigaw naman kaming lahat nang makita ang batang pugot ang ulo at hawak n'ya mismo ang sarili n'yang ulo.
Napatakbo kami hanggang sa makita namin ang isang silid. Dalawa ang daanan dito pero napahinto kami dahil nakaawang iyon.
"Huwag na tayo pumasok d'yan!" Sigaw ko.
"Sandali lang 'to, titingnan lang." Panigurado ni Lance.
"Kayo na bumukas." Utos ni Peil.
"Lumabas na tayo." Pagmamakaawa ko sa kanila. Baka kung ano pa ang makita namin d'yan o kung ano pa man ang nand'yan! Nagpapawis na ako at kinakabahan.
"Ako na nga." Boluntaryong saad ni Vinicius at naunang naglakad. Dahan-dahan nitong hinawakan ang doorknob at gumawa naman ito ng nakakatakot na tunog. Pumasok siya kaya 'yun na rin ang ginawa naming tatlo.
Napatili kaming dalawa ni Peil nang may sumulpot na dalawang nun sa likuran namin. Tuluyan kaming pumasok sa loob ng kwarto at sinarado ito. Naramdaman ko naman ang kamay ni Lance sa wrist ko.
Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. Wala namang masyadong laman maliban sa mga sirang gamit, kadena, at mukhang storage room ang tema nila sa kwartong ito. May mga sapot ng gagamba sa kisame at mga sulat sa pader na kulay pula.
"Kayo na nga unang lumabas." Utos ko kay Vinicius.
"Sus, 'yun lang pala e. Hindi naman sila nakakatakot e." Agad siyang naglakad papuntang pintuan at hinatak ang doorknob. Napatigil kaming lahat nang 'di n'ya iyon mabuksan.
"Ano na?" sabay-sabay naming tanong.
"I think it's locked."
"What?!"
Sinubukan rin iyon ni Lance pero mukhang totoo nga ang sinasabi ni Vinicius. Nagkibit-balikat s'ya. Napahawak ako sa balikat ni Peil.
"Ni-lock ba tayo?" Tanong ko. Napapikit ako nang makarinig ng nakakatakot na tunog mukhang nandito lang din mismo sa loob. Parang tumatawa. Nakakatakot.
Napaangat kami ng tingin nang may lumukso mula sa taas ng bubong. May butas pala ro'n at 'di naman masyadong kataasan. Napadikit kaming apat sa pader. Eto na nga ba ang sinasabi ko.
Nangatog ang mga paa ko nang ngumiti ito sa'min. May dala itong palakol at itinutok sa direksyon namin. Naka-costume siya ng clown at 'yun ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ayoko sa mga manika at mga clown! kung tutuusin, hindi naman mga multo ang nakita namin kanina kundi mga iba't ibang nilalang na nakakatakot.
Tumawa muli ang clown.
"Haaaaa!" Malakas na sigaw ko matapos itong humakbang palapit sa'min.
-
"Akalain mo 'yun, may gano'n pa lang patibong!" Natatawa saad ni Lance.
"Yep. Binawi ko na 'yung sinabi kong boring ang haunted house. Right, Carren?" Sabay na lumingon si Lance at Vinicius sa'kin. Mukhang lantang gulay naman akong tumango. Nakatayo kaming tatlo dito sa isang sulok habang hinihintay si Peil dahil may binili s'ya.
Patibong pala 'yun. 'Yung may mananakot sa likuran namin hanggang sa mapapasok nila kami sa kwarto pagkatapos ay malo-lock kami pero meron ro'ng magpapakita na isang clown. 'Yun pala ang magbibigay ng susi sa'min palabas. Baliktad ang paglagay ng doorknob na tila sinadya. Nasa loob ng kwarto ang pasukan ng susi.
"Ayos ka lang?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Lance. Agad siyang lumapit sa akin na sakto namang pagbalik ni Peil kung saan man s'ya nanggaling. Binigyan n'ya kami isa-isang softdrinks.
"Thanks." Sambit namin. Tinungga ko agad ang sa'kin at inubos ito. Agad akong nagsalita matapos kong itapon ang bottle sa malapit na tapunan.
"Tara sa ferris wheel!" Ako na ang nanguna sa paglalakad.
"Wow, nagpre-presinta na, ah?" Habol sa'kin ni Lance.
"Tara na nga, dami mo satsat! mag-roller coaster muna tayo, akala n'yo ha! ang sisiw lang n'yan e." Hinila ko s'ya at nauna kaming pumunta sa tapat ng booth.
---
"'Yan ba ang sisiw para sa'yo?" Vinicius burst out of laughter.
"Oo 'yan nga siguro, kaya pala suka na nang suka e. Kulang na lang maglabas ng sisiw." Dagdag pa ni Peil at humalakhak silang dalawa ni Vinicius. Naramdaman ko namang hinagod ni Lance ang likod ko.
"Tama na nga kayong dalawa. Uwi na lang tayo para makapag-pahinga na." Sambit ni Lance. Agad n'ya akong binigyan ng tissue pagtapos ko. Pinunasan ko na ang bibig.
"Try muna ta--" Hindi pa man ako nakakatapos sa pagsasalita ay nagsalitang muli si Lance.
"Ano na naman, Carren? sumusuka ka na nga e." Sermon nito.
"Sus, masyado namang concern si lover boy!" Hirit ni Peil.
"Tumahimik ka nga, Peil. Puro kasi kayo asar e, i-lugar n'yo nga 'yan."
"Wow, Lance! Hindi naman namin inaasar si Carren, 'no? s'ya pa nga nagpresinta na sumakay sa roller coaster, diba? edi sana pinigilan mo kasi nauna kayo d--"
"Shhh. Tigil na nga ang bangayan. Kumain na lang tayo." Nagsalita na si Vinicius nang mapansing tila magbabangayan na naman ang dalawa.
---
Vinicius PoV.
"Thanks, manang." Pabulong kong sabi nang pagbuksan ako ng pintuan ni manang. "Tulog na sina Mom and Dad?" dahan-dahan ang bawat hakbang ko upang 'di makagawa ng ingay. I'm pretty sure that mom will scold me once she finds out na ganitong oras na ako nakauwi.
"Kanina pa nga ho nagtatanong sa akin sir, kung nasa'n ka na ba raw. Buti na lang maagang natulog ang mga magulang mo kung kaya't 'di nila namalayan na ngayon lang ang dating nyo. Mag-aalas singko na, gising na ang mga 'yun maya-maya."
Napangiwi ako.
"Tanong sa'kin nang tanong sir, bakit daw nitong mga nakaraang araw, lagi kang gabi o madaling araw kung umuwi. Wala naman silang mapagtanungang kaibigan mo dahil wala naman silang kilala. Sinabi ko na lang na may ginagawa ka lang na importante, balak pa sana magtanong ng mama mo pero 'di na lang nya itinuloy. Marami kasing ginagawa." Napabuntong-hininga ako.
"Ahmm, thanks manang! ako na lang po ang bahalang mag-explain sa kanila. You can now back to sleep. Thanks."
"Sige ho, sir."
Alam naman ni Manang na may kaibigan ako. Kilala nya sina Carren dahil kasama si Manang sa pinaayos ko nong sinurprise namin si Carren nong birthday n'ya. Paano ko ba mababanggit kina Mom? wala ngang time makinig sa'kin, e. And I think, they don't care about it. At saka, ayokong malaman nina Mom and Dad na may tinutulungan ako. I know them.
I told manang na wala syang pagsasabihan kung saan ako pumupunta dahil alam nyang namang pagagalitan ako nina Mom.
Sabihin ko na lang kina Mom and Dad kapag nagtanong na talaga o ilihim ko na lang nang tuluyan.
I heaved a sigh at dahan-dahang umakyat ng hagdan. Naramdaman ko agad na medyo napagod ako. I think I need to take bath. At least we have fun. Pagod man ako pero masaya ako at natulungan ko si Carre--
"Vinicius! where have you been?!" Nakarinig ako ng pagbagsak ng pintuan and there I saw in front of me, my mom.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat