Carren's PoV. Iminulat ko ang mga mata. Parang may kakaiba sa pakiramdan ko. Para bang wala akong gana at ang bigat ng ulo ko. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto at nakaramdam ng kaunting pagkirot ng aking ulo ngunit hindi naman ito nagtagal. Agad kong napagtantong nasa Apartment ako. Huli kong naaalala ay nasa kotse ako ni Vinicius at pauwi na kami. Marahil nakatulog ako sa byahe. Hindi ko na iisipin kung paano ako nakarating dito sa loob ng kwarto. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng nangyari at wala akong ibang magawa kundi indahin at tanggapin na lang ang kinahinatnan ng lahat. Matatanggap ko man, pero sobrang sakit. Hindi ko alam kung ano na ang naghihintay sa'min ng mga kapatid ko ngayong wala na si Mama. "Oh, kumusta?" Halos mapabangon ako sa pagkakahiga nang makarinig ng boses sa tabi ko. Nakaliyad sa'kin si Vinicius na tila ba tinitingnan at pinagmamasdan ang bawat paggalaw ng mukha ko. May tamlay sa boses niya at napakahina. Para bang walang enerhiya. Tinulungan n'ya akong makaupo mula sa pagkakahiga. "Inaapoy ka ng lagnat kanina kaya pinabantay kita kay Manang pero agad ko rin s'yang pinabalik ng bahay baka kasi hanapin s'ya." Napaisip ako sa mga katagang sinambit n'ya. Tinutok ko ang tingin sa kan'yang mukha at pilit inaalala ang nangyari pagkatapos ng libing ni Mama. Napatiim bagang ako at hindi pinigilan ang luha sa mga mata. Hindi ko alam. Hindi ko gustong umiyak pero kapag naaaalala ko si Mama ay parang may sariling gripo ang mga mata ko. Para bang ang hirap pigilan. Nakaramdam ako ng kamay sa aking braso. "Kumain ka na muna." Sambit n'ya. Napakagat labi ako at napapikit. Pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadya na namang bumagsak sa mata ko. Napakapresko pa ng mga nangyari. Hindi ko kayang hindi isipin at hindi ko kayang pigilan ang sakit na nararamdaman. Nang sumagi sa isipan ko ang kambal ay agad akong napatayo sa kama. Pinunasan ko ang mga luha at akmang lalabas na ng kwarto nang hawakan ako ni Vinicius sa kamay. Umiling ako sa kan'ya dahil hindi ko kayang magsalita. Umiling ako upang malaman niyang kailangan niyang bitawan ang kamay ko dahil nasa Hospital pa ang mga kapatid ko at wala ako ro'n upang damayan sila! kailangan nila ako. Hindi ko hahayaang maghina sila sa bawat lungkot na nararamdaman nang wala ako sa tabi nila. Kailangan kong palakasin ang loob nila dahil ako na lang ang meron sila. "K-kambal." 'yan na lamang ang lumabas na salita sa bibig ko. Para akong na-pipi dahil hindi ako makapagsalita sa sobrang pag-iinda ng sakit at pagbugso ng mga luha sa mga mata. "Kagagaling ko lang do'n. Maayos sila, umalis ako nang makatulog na sila." Nang pakawalan n'ya ang nga salitang iyon ay agad akong napalingon sa kan'yang mukha. May mga itim sa sulok ng mga mata n'ya. Sa mga sandaling ito ay bigla na lamang ako nanghina. Hindi dahil nasasaktan na naman ako kundi dahil sa pagtulong na ginagawa ni Vinicius. Hindi ko sinabi sa kan'yang tulungan n'ya ako, 'di n'ya responsibilidad ang mga kapatid ko pero nandito pa rin s'ya. Hindi n'ya ako iniwan. Hindi ako naging pasaway at bumalik sa pagkakaupo sa kama. Napayuko ako. "Anong oras na ba? m-matulog ka na nga." Pilit ko sa kan'ya. Naramdaman kong napabuntong-hininga s'ya. "Hindi na. Paumaga na rin naman. Buti na lang maayos ka na dahil ayokong malaman ng kambal na may sakit ang ate nila. We'll visit them later. Magpahinga ka na muna at kumain. Dito lang ako." "S-salamat Vinicius." -- Bumaba ako mula sa passenger's seat. Tulala at balisa. Para bang wala na akong rason para maging masigla pa. Simula no'ng namatay si Mama ilang araw na ang nakalipas, para talagang pinatay na ang pag-asa kong makakabangon at magiging maayos pa ang kambal. Sila na lang ang kinakapitan ko. Si Mama. Si Mama na laging may pag-asa na mababalik pa sa maayos ang kambal. Na kaya namin. Alam kong milyon ang kakailanganin namin sa therapy at operasyon ng kambal. Pati na rin sa mga kakailanganin pa nila sa hospital. Pinanlibing ko na ang perang naipon ng karenderya kay Mama. Alam ko ring si Vinicius na ang gumawa ng paraan dahil kulang ang perang iyon. Bagong tayo pa lang ang karenderya, para sana pampalikom ng pera. Pero ngayon, pakiramdam ko ayoko na itong ipagpatuloy. Wala na akong gana sa lahat. Gusto ko na lang humiga at matulog para 'di na maalala pa ang nangyari. Pero paano ang mga kapatid ko? Paano na sila kung mawalan pa ako ng pag-asa? ako na lang ang natitira sa kanila. "Carren, tara na?" Napayuko ako nang magsalita si Vinicius sa tabi ko. Pakiusap, ayoko nang tumulo pa ang mga luha ko. Masyado na akong lunod sa sakit. Nakaramdam ako nang kamay na humawak sa braso ko. Inalalayan ako ni Vinicius na maglakad. Hindi ako pilay, walang masakit sa'kin. Hindi ako baldado pero nanghihina ang katawan ko dahil nasasaktan ako. "Tumigil kayo." Napatigil si Vinicius sa paglalakad kaya tumigil rin ang mga paa ko, lalo na nang marinig ko ang boses na iyon. Wala pag-aalinlangan akong tumingin sa harapan namin. "M-masaya ka na?! na patay na si Mama?! ano! o baka nga tuwang-tuwa ka at nagpa-celebrate ka pa!" Napahikbi ako nang masambit ang huling kataga. Nanggagalaiti ako sa mukha ng lalakeng ito. Naramdaman ko ang marahang paghigpit ng kamay ni Vinicius sa braso ko. Magsisimula na sana siyang maglakad nang magsalita na naman ang nasa harapan. "Masayang-masaya! 'yan ang karma ng mama mo sa pag-iwan sa'kin. Dinala pa talaga kayo. Ngayon at wala na ang mama mo, kukunin ko na kayo ng kambal. Tutal, ako ang ama mo. Apelyido ko ang dala ninyo. May karapatan ako sa inyo." Gusto ko s'yang saktan. Gusto ko s'yang sampal-sampalin. Gusto kong ipadama sa kan'ya kung gaano kasakit ang mga sinabi n'ya. Kung gaano kasakit para sa'kin ang pagkawala ni Mama, 'yun naman ang ikinasaya n'ya. Gusto ko s'yang tapak-tapakan. "D-dahil sa'yo namatay si Mama!" sigaw ko. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at humagalpak ng tawa. "Oh bakit kasalanan ko?! binantaan ko lang naman ang mama mo, sinabi ko bang magpasagasa s'ya?" Hindi na ako nakapagpigil pa. Mabilis kong hinugot ang braso ko sa pagkakahawak ni Vinicius at inipon ang lakas ng loob upang masampal siya. "W-walanghiya ka! ang kapal-kapal ng mukha mo, bwisit ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili at pinagsasampal s'ya. "Carren, tama na!" Hinawakan ni Vinicius ang braso ko at maingat akong nilayo sa lalakeng kaharap namin. Ngayon ay tila nagalit ang lalakeng iyon sa ginawa kong pagsampal sa kan'ya. "Lapastangan ka talagang bata ka! wala kayong magagawa dahil kukunin ko na kayo. At ikaw Carren, para may pakinabang ka, ha! tandaan mo. Magta-trabaho ka para sa pamilya ko." Pinanlisikan ko s'ya ng mata. Kumuyom ang mga kamao ko. Sobrang kapal ng mukha n'ya para sabihin 'yun. Handang-handa na ang kamao ko na itama sa makapal n'yang mukha nang bigla itong sinuntok ni Vinicius. Maging ako ay nagulat. Hindi ko inaasahan iyon. Napataas ang tingin ko sa kan'ya at hindi kumirap ng ilang segundo. "Will you please stop? namatay na nga ang mama nina Carren, sir! Pwede bang huwag mo na lang silang guluhin, parang awa mo na! Tumigil ka na. May bago ka ng pamilya at 'wag mo na sila pahirapan pa. Tumigil ka na sir, parang awa mo na!" Hindi ko inaasahan na lalabas iyon mismo sa bibig ni Vinicius. Para bang ang dating ay nagmamakaawa s'ya. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba ang ginawa ko para makuha lahat ng tulong na binibigay n'ya sa'min ngayon. Habang nakikipag-usap s'ya ay naging pokus ang tingin ko sa kan'ya. "Sino ka bang lalake ka? sino ka para magsalita sa'kin ng gan'yan?!" Mas nagalit ang ekspresyon ng lalakeng kaharap namin ngayon. "Huwag kang makialam dahil wala kang pakialam kung anong gagawin ko." "At wala ka rin pong karapatan na kunin sila ng gano'n-gano'n na lang." Palaban ang boses ni Vinicius. Mga ilang sandali pa ay may mga guwardya nang lumapit sa'min. Sinenyasan sila ni Vinicius. "Pakikuha po 'yang lalakeng 'yan. Kanina pa po s'ya humaharang sa dinadaanan naman. Baka may intensiyon na masama." Diin niyang sambit at agad akong nilapitan. Hinigit n'ya ang kamay ko at agad akong sumunod sa kan'ya. Huling nakita ko sa labas ng hospital ay ang pagsulyap ng lalakeng iyon sa'min habang nagpupumiglas s'ya sa mga gwardyang may hawak sa kan'ya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat