Homepage/The Days Of Sunshine/
AILYFAS 6 / LAST
Chassy's POV.
"Tayo na." Nauna na s'yang naglakad habang ako ay parang nanigas sa kinatatayuan. Oh, ano 'yun? Bigla bigla na lang kumakalabog 'tong dibdib ko. Napano ba 'to? Napabuntong hininga na lang ako at sumunod na lang sa kan'ya. Nabigla ako nang bigla n'yang hilahin ang pulsuhan ko habang kami'y naglalakad. Sa hindi malamang dahilan ay parang nakikipagkarera ang puso ko sa bilis.
Nag-umpisa ulit kaming maglakad. Napapailing na lang kami sa isa't-isa nang hindi pa rin mahanap ang kotse n'ya. Hindi ko pa naman alam ang lugar na ito, at saka, makikisakay na lang ako sa kan'ya. Hindi naman pwedeng maglakad lang ako pauwing bahay! At --ano na bang oras!? Lagot ako nito kay Mama! Baka madaling araw na!
"Relax ka lang d'yan, Chassy." Narinig kong sabi n'ya. Napalunok lamang ako.
Bakit madaming palaka rito sa dinadaan namin? Nababangga pa ang iba sa paa ko! Ang titigas nila! Kelan pa ako natakot sa palaka? Ngayon lang, kasi madilim!
"Oh! Finally!" Agad s'yang tumakbo papalapit sa kotse n'ya habang hawak hawak ako sa pulsuhan kaya nahila rin ako. Mabuti naman nahanap na! Kanina pa kami ikot ng ikot dito!
Nakatayo lamang ako at tiningnan lang s'ya kung anong gagawin n'ya. Nakitang kong chineck n'ya kung andon ba ang susi ng kotse n'ya, mabuti naman at nando'n. Ha! Salamat makakauwi na kami! Hindi naman pala nasa gubat mismo ang sasak'yan, malapit lang ito sa mismong daan. Sasapakin ko talaga 'yong tatlong 'yon pagmakikita ko ulit!
Nakakabwisit! Hindi naman inaano!
•
Third person's POV.
Malalim pa ang iniisip ni Chassy at napapamura pa sa isipan nang bigla itong marahang hinawakan ng binata patalikod na akbay sa kan'yang braso at dinala s'ya sa tapat ng passenger seat. Pinagbuksan ni Aldwin ang pinto at agad na pumasok naman si Chassy sa loob nito.
Umikot naman si Aldwin at agad na pumasok sa Driver's seat. Bago pa man n'ya mabuksan ang engine ng kotse ay hinanap muna ang phone nito. Napatingin s'ya dahil may mga text messages na ito.
"Ano ng oras?" Napalingon s'ya kay Chassy nang magtanong ito. Hindi na rin kasi n'ya maiwasang hindi magtanong dahil baka hinahanap na s'ya.
"It's 1:50 a.m." Buntong hiningang sagot ng binata at tiningnan ang ekspresyon ng dalaga na ngayon ay napalunok na lang.
"Don't worry. Bibilisan ko ang patakbo. This place is quite far, sinadya talaga nila." Kinuha ni Aldwin ang cellphone at nalamang malayo pa ang kanilang ibya-byahe. Meron din itong guide na mapa mula ro'n.
Pinaandar na nito ang engine at pinatakbo n'ya ang sasak'yan ng mabilis gaya nga ng sinabi n'ya. Mga ilang sandali ay agad n'yang inihinto ang sasak'yan. Napatingin naman si Chassy na walang kaalam-alam kung bakit.
Kinuha ni Aldwin ang hoodie jacket sa likod at agad na inilahad ito kay Chassy. Tiningnan lang ito ni Chassy dahil wala s'yang ideya kung para sa'n 'yun, Kaya naman ay si Aldwin na ang nagmagandang loob na magsuot sa kan'ya nito. Pagkatapos naman nito ay itinaas ng binata ang roof ng kan'yang kotse at agad itong pinaharurot.
•
Chassy's POV.
"Wake up, sleepy head." Napabalikwas ako ng bangon dahil may mahinang tumapik sa'kin. Aba! ngayon lang ata nagpaka-gentle si Novalee sa paggising sa'kin. Kung minsan nga ay hinahampas pa ako n'yan ng mga damit. Nagstretch ako ng katawan at humikab. Teka--Aray ang sakit!nabangga kasi ang paa ko sa kung sa'n! Ro'n na ako napadilat.
Nanlaki agad ang mata nang makita kung sinong kasama ko ngayon. Malalim ako nitong tiningnan at marahang tumatawa habang binabaling ang ulo sa iba't ibang dires'yon, Putek. Nakakahiya! Bakit ako nakatulog sa kotse n'ya?! Oo na, hindi na ako nasa bahay, dahil nga nasa gubat kami kanina-- nakakahiya! Pwede bang magpalamon na lang sa lupa?
Lumingon ako sa paligid at napansing nakahinto kami ngayon sa tapat ng bahay. Oh? Bakit s'ya huminto rito? Hindi ba masyadong makitid at mabato rito?
"So, is this goodbye?" Napalingon ako uli sa kan'ya, Nakahawak ang kaliwa nitong braso sa manibela.
"Oo. Maraming salamat ha." Agad na sagot ko. Tinanggal ko na ang aking seatbelt. Teka-hindi naman ako nag-seat belt kanina ah? Agad akong bumaling ng tingin sa kan'ya dahil tumatawa na naman s'ya. Tila Nawawala pa ang mga mata nito kapag tumatawa o ngumin--Ihinto mo nga ang kakaisip d'yan Chassy! Nakakahiya ka.
"Babye. Salamat ulit!" Binuksan ko na ang pinto at lumabas na ako ng kotse dahil wala naman na s'yang sinabi. Salamat talaga at nand'yan s'ya. Pero hindi ko naman gusto na nakuha rin s'ya. Pero parang gano'n na din. Paano na lang kung wala ako naging kasama, aber?
"Amm. See you later. Goodnight." Napalingon ako dahil nagsalita s'ya. Nakalabas pala ito ng kotse pero nakahawak ang kamay nito sa pinto habang nakabukas. Nginitian ko lang s'ya dahil sa pasasalamat. Ang ibig sabihin n'ya siguro ay mamaya sa school. Kaklase nga kami diba. Paano n'ya nalaman kung sa'n ako nakatira?
Nakarinig na ako ng pag-andar ng kotse at nakita kong pinaharurot na n'ya ito. Nagkibit balikat lamang ako dahil mabait pala s'ya? Sana talaga ayos lang ang gulong ng kotse n'ya. Condolence na lang. Nakng!
Bigla tumayo ang balahibo ko nang bumukas ang pinto ng bahay. Ro'n niluwa si Papa at Mama na nakatayo lang habang nakangiti! Parang katakot-takot naman! Lumapit na ako sa kanila at nagmano. Nakauwi na pala si Papa, hindi man lang nasabi ni Mama. Nasa ibang lugar kasi si Papa habang may inaasikaso about sa business business na 'yan. Hindi kasi ako nagtatanong patungkol sa mga tinatrabaho nila.
"Anak, Akala namin sa'n ka na pumunta." Si Mama ang unang nagsalita. Napunta lang naman po ako sa isang gubat kung alam n'yo lang, dahil may tatlong lalake ang pinagtulungan kami. Seryoso ako, kapag nakita ko ulit 'yung mga lalakeng 'yon, paguumpugin ko ang mga ulo nila.
"Grabe anong oras na, sa'n ka naman gumala?" Si Papa naman ang nagtanong. Napakibit-balikat lang ako.
"Nagmuni-muni lang ako d'yan oh. Naghanap ng signal?" Sagot ko.
"Bakit parang 'di ka sigurado?" Sabay na tanong nila.
"Matutulog na po ako," Sabi ko na lang ngunit agad ding bumalik ng lingon sa kanila nang may maalala. "Bukas di-diretso nga pala ako sa bahay nila Gaylene. Birthday kasi ng Papa n'ya, Si Tito Vinx." Pagpapaalam ko. Kilala naman ito ni Mama dahil nakakausap n'ya rin ang Mama ni Gaylene paminsan at dahil sa business business, pero halata namang 'di sila close, nasa abroad rin naman kasi ang Mama ni Gaylene pero uuwi 'yon bukas.
"Sure." Saad ni Papa.
"Ah birthday pala ng Papa n'ya? Ok, sige pupunta ka bukas. It's okay kung gagabihin ka." Sabi naman ni Mama.
"Sige Good night po Ma, Pa." Sabi ko sa kanilang dalawa. Tumango na rin si Papa at tumalikod na ako. Hahakbang na sana ay narinig kong tinawag ni Mama ang pangalan ko.
"Chassy, hija bakit may mantsya ang uniform mo na ginamit no'ng isang araw? Kakatupi ko lang kanina nang mapansin ko 'yon."
"Natapunan lang ng juice Ma. Aksidente. Matutulog na po ako ha. Goodnight."
Pumasok na ako ng kwarto at humilata sa kama. Medyo nakakaramdam ako ng pagod. Hinubad ko na lang muna ang suot na jacket at nag-linis ng katawan, pagkatapos ay nagbihis ng pantulog. Iyong jacket na ito, kay Aldwin pala 'yon. Lalabhan ko at isasauli sa kan'ya sa susunod na araw. Malamang no? Pinahiram na nga ako ng tao. Alangan naman isauli ko sa kan'ya ng 'di man lang nalalabhan. Kapal ko naman kung gano'n. Mabuti nga at inihatid n'ya rin ako. Ano kayang ginagawa nun ngayon?
Shinake ko ang sariling ulo. Kung ano ano na tuloy naiisip ko, punyemas. Kinuha ko ang laptop sa side table at in-open ito. Io-open ko rin ang mga social media accounts ko at magscro-scroll tutal hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Una kong binuksan 'yong facebook ko.
15 Add friends
2 Messages
79 Notification
Nag-out na lang ako dahil wala naman akong mapapala rito, lagi naman. Tumingin rin ako sa twitter at instagram pero wala namang kainte-interes na gawin. Pinatay ko na lang ang laptop at agad na humiga sa kama. Napatitig ako sa kisame. Bigla ko na lang ulit naalala 'yung nangyare kanina. Napatingin ako sa wall clock na nasa taas. 3:50 a.m na pala.
Pilit kong inalala ang mukha ng mga lalakeng nagdala sa'min ro'n sa lugar na 'yon. Subukan lang nilang magpakita sa'kin ulit tatadyakan ko sila. Hindi naman kasi inaano! Bakit nga ba nila kami dinala do'n? Bwisit kasi! Nasayang ang oras ko! Papalabas lang naman ako no'n sa store dahil wala silang mga stock ng shool supplies at inisip kung saan pa kaya merong bukas na store. Nabigla na lang ako nang biglang may humila sa'kin. Ang lalakas pa nila. 'Di tuloy ako makapalag!
Pasalamat na tuloy ako sa kaklase ko. Mabait pala s'ya, kahit dati pinagtripan n'ya 'ko. 'Wag ko na nga alalahanin 'yon!
Kinuha ko ang malaking unan sa gilid at patanday na niyakap ito. Pumikit na lang din ako para makatulog. Ilang oras na lang din! Ayokong magmukhang sabog mamaya sa klase.
Nakikita ko ang mukha ng seatmate ko. Nakikita ko na parang bumabalik 'yung eksena kaninang nasa may bahay na nada gubat kami. Nakaside view ito habang medyo nasisinagan ng kaunteng liwanag ang mukha at nakasandal ang ulo sa pader.
Napadilat ako ng mata. 'Di pa nga ako nakakatulog, binabangungot na ba ako?
Naalimpungatan ako dahil biglang may nag-text sa'kin. Si Gaylene ito nang maicheck ko. Ano na naman bang trip nito? Ang aga aga pa nag-text. Umupo ako sa kama at tiningnan ang message nito.
From: Gaylene
Nakapag-paalam ka na?
'Yun lang ba itatanong n'ya? Agad akong nag-type ng reply sa kan'ya kahit na halos 'di pa rin masyadong makatitig sa screen ng phone ko. Kakagising ko lang diba? Ang sakit pa ng mata ko.
To: Gaylene
Tapos na. Sige bye matutulog pa ako.
Napatingin agad ako sa orasan ng cellphone ko. Ro'n ko nakitang 6:30 na pala ng umaga. Halos kakatulog ko lang ah? Hindi ata ako gustong patulugin nito. Nga naman oh. Kahit inaantok ay kailangan ko na tuloy maghanda para pumasok. Ito talaga ang lagi kong problema kapag papasok! Hays!
-
Lunch na ngayon at nandito kami ni Gaylene sa cafeteria. Gaya ng nakasanayan ay table para sa dadalawang tao lang ang kinuha namin. Halos tapos na rin kaming kumain. Nagmu-muni lang ako sa paligid habang nakahawak sa baba. Gusto kong matulog. Inaantok pa'ko. 2 hours lang ba ang tulog ko? Nakakatamad talaga pag hindi ka nakatulog ng maayos!
"Chassy, Chassy!" Naagaw ni Gaylene ang pansin ko. Medyo tumitili kasi 'to. Pinaningkitan ko s'ya ng mata. Ano na naman bang problema ng isang 'to? Mukhang ang saya-saya pa n'ya?
"Problema mo?"
"Look, A-absent ako bukas at sa friday. May family out of town kami! Excited na ako." Sagot nito.
"'Di ka makakapasok ng dalawang araw? Talaga?"
"Oo. Kilala mo naman si Ashlea diba?" Tumango ako sa tanong n'ya. Si Ashlea pala 'yong nagpakilala sa'kin kahapon.
"Hindi ko kasi nabanggit sa'yo na pinsan ko s'ya. Si Papa at ang Mama ni Ashlea ay magkapatid. Minsan lang sila maging kompletong magkapatid kaya naman nagplano sila na mag-family outing kami bago makabalik ang Daddy ni Ashlea sa Iraq at isa pa, right timing kasi darating din si Mama ngayon galing abroad."
Ininom ko ang Juice na binili ko kanina.
"Ah gano'n? Sige. Ingat na lang kayo."
"Si Ashlea pa talaga ang nagsabi sa'kin n'yan kahapon sa mall. S'ya 'yung kausap kong babae." Sabi nito kahit hindi naman ako nagtatanong.
"Ah s'ya pala 'yun. Close kayong mag-pinsan?" Natanong ko na lang bigla.
"Hindi naman masyado. Paminsan lang kasi kaming nagkakasama pag may mga reunion, gano'n. Kilala nga n'ya ang Mama mo at inaanak pa s'ya nito diba?" Tumango ako sa tanong n'ya. 'Yun naman talaga ang sabi nito.
Bumalik na kami sa Classroom dahil nga narinig namin ang pag-bell hudyat na oras na ng susunod na klase. Mabuti naman at hindi boring ang dinidiscuss ng mga guro namin. Nakuha rin naman kasi ang interes ko sa mga topic na dinidiscuss nila. Kung hindi siguro ay baka kanina pa ako nakatulog.
Iniligpit ko na ang notebook ko. Kakatapos lang ang dismissal ng pangalawa sa pinakahuling subject namin ngayon. At Inaantay na lang din naman ang huling subject na MAPEH. Nagulantang ako nang mapansing umaalis ang mga kaklase ko at pagbalik nila ay may mga dala na silang mga kagamitan. 'Yung requirements! Hindi nga pala ako nakabili! Napahawak ako sa sariling ulo.
Paano na 'to ngayon? Bakit ngayon ko lang ba napansin o naalala man lang na may requirements pala!? Bwisit! Ano nang gagawin ko? Halata naman kasing galing ang mga kaklase ko sa locker area. Malamang ay do'n nila itinambay ang mga materials na gagamitin para 'di masira dito sa loob ng classroom. Napalingon ako sa upuan ni Gaylene.
Wala s'ya ro'n. Asan na naman ba 'yon nagpunta? Wag n'yang sabihing pumunta s'ya sa locker area at kinuha ang kan'yang materials Paano na ako ngayon? Nakaramdam ako ng kaba. Kilala ko pa naman si Ma'am Devion! Strict ito masyado sa pinapa-assignment at mga requirements. Sinubsob ko ang mukha sa arm chair at nag-isip. Oa na kung Oa! Wala akong mapapasa na requirements ngayon, Alam n'yo ba 'yong kaba?
Kasalanan talaga 'to tatlong lalakeng 'yun! Bwisit!
May naramdaman akong magaan na pwersang humawak sa ulo ko. Napaangat agad ako ng tingin.
"We can share, anyway."
__
Third Person's POV.
"GOOD AFTERNOON MA'AM!" Agad na nabaling ang atens'yon nilang dalawa sa harapan nang biglang pumasok ang kanilang guro na si Ma'am Devion. Binati ito ng buong klase at napatayo na lang rin silang dalawa upang batiin din ito.
"Seat down, Class." Pinaupo sila ng kanilang guro. Inilapag niya ang libro sa teacher's table at nahawak rito saka tumingin sa mga estudyante habang umiirap sa hangin.
"Have you brought the requirements that we need, everyone?" Agad na nagsigawan ang klase at tumango. Sinadya namang tingnan ni Aldwin si Chassy na ngayon ay ilang beses ng napalunok.
"Ok. That's good. I'll be announcing that each one of you, have to make partnership with your seatmates. DON'T EVER EXCHANGE SEATS! or else, you wouldn't be able to submit your work because I will literary cut that shit! Ok. I've announced yesterday that this one would be by group but I've changed my mind. Maybe I could make it more relevant since I want to see more and unique outputs to be made by the class. Gusto ko maraming output ang magawa ninyo kaya by partner na lang, Understood?!" Pasigaw na tanong ng strikta nilang guro.
"YES MA'AM!" Agad na sigaw ng klase ngunit may naglakas ng loob na magtanong.
"Ma'am? The materials are too much." Ang sambit ng isang estudyante.
"You sure that one trial is enough? It takes a lot effort to make it perfect. Listen, I want perfect. So wala akong pake kung ilang beses n'yong ulitin ang mga gawa n'yo o ilang materials ang magagamit n'yo. I want a perfect one." Seryoso nitong saad. At inikot na ang tingin sa klase habang sinimulang maglakad at ipagpapares-pares ang kaniyang mga estudyante.
"You! partner with her! you two! you and you! you and that girl! you and you!" Eto lamang ang mga katagang sinasabi ng kanilang guro habang sila ay pinagpapares-pares. Hanggang sa matapos na ito.
"I just have something to do. You get start now! I'll back." Saad ng kanilang guro at agad na inutusan ang isa n'yang estudyante upang idestribute ang kani-kanilang mga gagawin bago ito umalis.
_
Aldwin's POV.
I moved my chair para mas lalong makalapit sa kan'ya. Si Chassy ang partner ko. No wonder why because we're seatmates at isa pa, kahit hindi ako mahilig sa arts, My Mom always says that my drawing was good and also she said that I was good in designing and combing colors. Hindi ko alam kung dahil ba anak n'ya ako kaya n'ya sinasabi 'yun or I really have the talent.
Kinuha ko ang inabot ng kaklase namin. It was a bondpaper and it was printed in there the direction for our activity for today. Inilapit ko ito kay Chassy para sabay namin itong mabasa.
What to do:
Draw a very irresistible nature scenery (Partner's should be agreed to ones decision.)
NOTE: The drawing must interpret something by just looking at it. And explain it in whole class why you chose that scenery. Freedom of materials to be used. (Don't just use pastels or colors for the design. If you do, automatic deduction of 50 points)
Ma'am Devion said that there's a freedom in materials but the whole design should not just depend on colors. Tiningnan ko si Chassy. Napalunok ako nang napataas siya ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin. I felt that I was freeze for a second at agad rin iyong nabalik nang bigla s'yang magsalita.
"Eh para sa'n pa 'yong mga cartolina?" Tanong nito. Binaling ko ang tingin sa ibang direks'yon.
"Maybe for the designs, we'll gonna make Ma'am Devion satistied." I just answered. Binalik ko ang tingin sa kan'ya at nakita s'yang napakamot ng sariling ulo.
"Wala talaga akong hilig sa mga arts." Napangiti ako sa sinabi n'ya. Her reaction is too cute for me.
"Don't worry. We're partners right? I'll save you. Don't need to worry."
__
Chassy's POV.
Wala akong naisip na scenary kaya naman ay si Aldwin na ang nag-isip nito. Medyo nahihiya nga ako. Wala naman talaga akong alam sa mga arts. Marunong lang ako tumingin ng mga artworks perk 'di talaga ako marunong mag-isip ng subject o concept. Nag-agree ako dahil maganda ang naisip n'ya. Maganda talaga ang scenery na iyon kaya siguradong gaganda din ang gagawin namin. Napansin ko ring may talent pala s'ya sa arts. S'ya kasi ang nagsimula ng sketch. Nakatingin lang ako habang ginagawan n'ya ng sketch ang aming nature scenery. Aligaga din s'ya na halatang seryoso sa ginagawa.
Aligaga s'ya samantalang ako, wala pa ata ako masyadong ambag dito sa gawain namin.
"May maitutulog ba ako?" Tanong ko sa kan'ya at bahagyang ngumiti. Inangat n'ya ang tingin at agad naman s'yang tumango. Nahihiya na talaga ako. Wala akong ambag dito!
"Amm. Sige. I-shade mo na lang 'tong part na 'to para maging dark konte." Itinuro n'ya ang isang parte ng drawing. Tumango ako dahil nakuha ko naman ang pinapagawa nito.
Binigyan n'ya ako ng pencil. Hindi ko alam kung anong klaseng pencil 'yon. Nagsimula ko ng i-shade 'yong parteng tinuro n'ya kanina kaso hindi pala ako marunong dahil imbis na shade ay parang guhit ang aking na-gawa ko. Ang tanga ko talaga. Wala na nga akong ambag!
Tiningnan ko s'ya at Binuksan ang kamay nito at inilagay ro'n ang lapis.
"Hindi pala ako marunong. Nagkamali pa ako. Sorry. Paano ba kasi 'to?" Hiya kong tanong sa kan'ya. Iniisip ko na pagsasabihan n'ya ako pero natawa lang ito. Ang sexy n'yang tumawa. Kinunotan ko s'ya ng noo. Ano bang nakakatawa?
"Gan'to kasi 'yan." Inilagay n'ya ang lapis sa kanang kamay ko at pinatong nito ang kamay n'ya sa likod ng palad ko upang gabayan ang kamay ko sa pagsha-shade. Kahit nga pasimpleng shade lang 'di ko alam? Bwisit. Nakakahiya kaya!
Tila nanlambot ang kamay ko at sinasabayan lang ang bawat pagkilos ng kamay n'ya. Eto na naman 'tong puso ko na kanina pa parang abnormal kung makapintig. Nararamdaman ko din ang bawat pag-hinga n'ya malapit sa tenga ko. Hoy Chassy! Gumalaw ka!
Napapitlag ako at agad na binawi ang kamay ko sa kan'ya dahilan na mapatigil ito, tumingin ito sa'kin.
"Why?" Tanong nito.
"A-ah. K-kaya ko na pala." Nasabi ko na lang at napabuntong hininga bago ginawa ang parte ko.
"....So that's why we decided to used that nature scenery to make that as our output." Nagpalakpakan ang mga kaklase namin kabilang na din si Gaylene sa kabilang dulo. Manghang-mangha ako dahil sa kinalabasan ng aming ginawa-hindi pala. Siya lang pala ang may gawa. Nakakahiya! S'ya na nga iyong masyadong nagubliga na tapusin ang gawain namin, s'ya pa pala talaga ang nag-present nito! Hindi ba nakakahiya?
Ang nature scenery na nagawa namin ay isang painting style na kung saan, gabi ang nasa drawing. Mahangin at gumagalaw ang puno. Makikita rin ro'n na may mga dahong nahuhulog mula sa mga punong nasa paligid. Mayro'ng bituwin at ang buwan. Merong isang bench. Ang ganda ng pagka-drawing ni Aldwin. May talent talaga s'ya! Tapos taga-gupit at abot lang ako ng mga cartolina af mga disenyo sa kaniya kanina.
Nga pala, napili ni Ma'am Devion ang gawa namin sa top 5 na sinasabi n'ya. Pero ang ginawa naming art ay hindi naman n'ya kukunin dahil pwede daw namin itong iuwi na pagkatapos, dahil kami 'raw' ang nagpakahirap na gumawa no'n. Agad na-dismiss ang klase ni Ma'am pagkatapos nitong inusisa ang mga gawa namin. Malamang, hindi naman na s'ya pwede mag-discuss dahil wala na s'yang oras.
Iniligpit ko na ang gamit at Isinukbit ang bag sa likod.
"Ang panget ng output namin! Kakainis! 'Di kasi marunong makinig ng suggestion ko 'yung seatmate ko! Sinayang lang tuloy n'ya 'yung materials namin! Ang panget pa ng kinalabasan." Rinig kong pagmamaktol ni Gaylene habang papalabas kami ng Classroom. Sabay kaming naglalakad dito sa hallway.
"Wala nga akong naambag sa'ming dalawa ng partner ko eh."
"Talaga? Alam mo, swerte mo! Ang gwapo pa ng partner mo plus talented pa! Mukha pang mabait!" Saad niya na parang naiinggit sakin.
"Halos s'ya nga gumawa." Pag-sasabi ko ng totoo.
"Tapos nag-thank you ka?" Tanong nito. Napatingil naman ako dahil narealize ko rin na hindi ako nakapag-pasalamat. Siguro bukas na lang.
"Teka, nag-suggest ang Mama mo dati na papakuhanan ka nila ng driver ah?" Pag-iiba nito ng topic. Tumango agad ako. Oo, dati. Kaso ayoko. Hindi naman sa nagi-inarte ako. Gusto ko lang mag-commute kaya naging ayos lang naman din 'yun kina Mama.
"Pero gusto ko lang mag-commute, Bakit ba? ang saya kaya mag-commute." Napailing na lang s'ya sa sinagot ko.
Di-diretso na ako ngayon sa bahay nila Gaylene dahil inimbita n'ya ako sa kaarawan ng Papa n'ya, Nakapag-paalam na rin naman ako kina Mama at Papa kagabi kaya hindi na iyon mag-tataka kung mahuhuli man ako sa pag-uwi. Naka-uniform lang ako pero ayos na raw ito. Marami-rami ang bisita ro'n mamaya ayon sa pagkakasabi ni Gaylene. Mga hindi n'ya din daw kilala ang iba na inimbita ng magulang n'ya.
Nabanggit n'ya rin na naririto si Ashlea-ang pinsan n'ya dahil kapatid ng Papa niya ang Ina ni Ashlea. Ang iba naman ay kakilala daw sa kalarangan ng trabaho o business. 'Wag lang talaga ako maiwan ni Gaylene mamaya dahil tiyak namang wala akong kilala ro'n!
"
__
Aldwin's POV.
Kakababa ko lang ng driver seat at agad na sumulubong sa akin ang tingin ni Mommy. Why she's dressed? sa'n naman ang punta n'ya? I walk towards her and kiss her cheek. It's look like she has this event to attend to. I'm confused dahil nakita ko rin ang dalawa kong pinsan na si Alger and Blake na naka-suit na nasa likod ngayon ni Mommy. Looks like, may a-attendan talaga silang importanteng event. What was it?
"Hijo? Are you being careful while driving? since hindi ka pa nagkaka-license." My Mom warned me and I just made face.
"Ma, gagawan mo naman 'yun ng paraan right?" My Mom just rolled her eyes.
"So, sa'n naman punta n'yo, Mom?" I confusedly asked.
"Well. We're just waiting for you. You should change already because where getting late into the Hilliara's party. Come on!"
"Ok. I gotta change." I said.
"A black suit." My Mom suggested.
"A polo." I insisted.
"No!" I just laugh when my Mom yell.
"Ok! Ok! 10 minutes!" I said.
_
Chassy's POV.
Kaya naman pala pumayag si Gaylene na uniform ang ang suot ko papunta rito ay dahil may inihanda pala s'ya saking damit na susuotin. Hindi naman agad ako nag-inarte at isinuot na lang ito dahil kakahiya naman kung ako lang ang nag-iisang nakasuot ng uniform. Nasa sarili n'ya kaming kwarto. Hindi pa raw nag-sisimula ang party. Nakakaumay naman dito.
May biglang kumatok sa pinto nitong kwarto n'ya kaya agad kaming napatingin sa pintuan. Iniluwa 'yon ang Mama n'ya na kakapakilala lang sa'kin kanina. Kakauwi lang kasi nito galing abroad.
"Ma?" Tinanong ni Gaylene sa Mama nito.
"Nak, We have special guest to come later. Make any closure with them, ha?" Tanong nito kay Gaylene. Habang ako ay nakikinig lang sa kanila. Hindi ko naman pwedeng tabunan 'tong tenga ko.
"Ok Ma."
Nabaling naman sa'kin ang mata ng Mama n'ya at agad na ngumiti. Sinuklian ko naman agad ito.
"Oh, Hi Chassy! Kamusta ang Mama mo?"
"Maayos lang naman po."
Nakaupo lang kaming dalawa ni Gaylene ngayon. Nakakaumay nga dahil wala ako masyadong makausap. Kuha lang ako nang kuha ng pagkain at kain lang din ng kain mula pa kanina. Marami kasing pumunta rito sa pwesto namin at kinakausap o hinihiram si Gaylene, syempre mga kamag-anak n'ya itong mga 'to. Wala tuloy ako masyadong maka-usap. Mamaya ay aalis na naman ito. Mas gugustuhin ko pa yatang umupo at magmuni-muni ro'n sa may silong kesa dito sa nakikita ng mga tao.
Bakit kaya hindi? Mamaya na pag-alis ni Gaylene. Hindi kasi masyadong maliwanag ang theme ng party. Parang slight lang ng ilaw.
"Oh, Hi Chassy?" Napaangat ako ng tingin nang makita si Ashlea na naka-silver dress.
"Hello, Ashlea." Prenteng sagot ko. Sila na agad ni Gaylene ang nag-usap at ayun na naman ay tumayo si Gaylene at umalis na naman. Hinayaan ko na lang s'ya at hindi na rin ako nag-paalam na pununta ro'n sa may madilim na parte. Hindi naman talaga madilim. Medyo silong lang ang parte na iyon.
Naglakad na ako papunta ro'n. Kumuha naman ako ng wine sa nadaanang waiter. Meron rin ditong mga stalls kung saan pwede kang umupo. Medyo presko ang hangin dahil matataas ang puno rito banda. Ang ganda talaga mag-muni muni lalo na kapag gabi. Nakasanayan ko na ein kasi kapag nauumay ako paminsan-minsan. Eh sino ba namang hindi?
"Hey!" Napabalikwas ako ng tayo dahil biglang may nagsalita. Agad akong napalingon sa bandang kanan at nakita ro'n ang isang lalakeng naka-black suit. Sino 'to? 'Di ko kasi masyadong maaninag ang mukha n'ya, eh medyo madilim nga rito diba?
"You're here, Chassy?" Agad na tanong nito nang mapansing 'di ako nakasagot. Agad akong humakbang papalapit sa kan'ya at inilapit ng kaunti ang mukha para makilala kung sino s'ya. Kilala n'ya kasi ako. Nakita kong napaatras s'ya ng sariling mukha dahil sa ginawa ko.
"What are you doing, Chassy?" Awkward nitong tanong sa'kin. Bumalik na ako sa pagkakatayo ko.
"Aldwin?" Tanong ko dahil namukhaan ko na ito. 'Yung seatmate ko! Tamang-tama at hindi pa ako nakakapag-pasalamat sa kan'ya dahil sa tulong n'ya kanina sa'kin-sa subject ni Ma'am Devion. Paano na lang kaya kung wala akong output na nagawa?
"Yes, it's me you're looking for." Pabiro nitong sabi. Kinunotan ko na lang siya ng noo. Nagpapatawa s'ya tapos hindi naman ako natawa. Nandito rin pala s'ya sa party nina Gaylene. Siguro family connections, 'di na ako magtataka.
"Salamat kanina Aldwin." Sambit ko sa kan'ya habang diretso lang ang tingin. Nilalamig ako, shet! Ang lamig. Tumataas ang mga balahibo ko sa katawan. Kung bakit ba naman kasi pinasuot pa ako ni Gaylene ng gan'to! Nilalamig talaga ako.
"It's ok. No problem when it comes to you. I'm glad that we became partners. It is my pleasure not to make you tired, anyway."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat