AILYFAS 4

Chassy's POV.
Padabog kong sinipa ang pintuan dahilan para magbukas ito. Agad akong lumabas mula sa banyo, kakaligo ko lang. Eh sino ba naman ang hindi mapapaligo kung kayo sa sitwas'yon ko?! Nahulog na nga sa kanal, basa pa ng ulan. Pero mas magaan sa loob kung naulanan lang ako pero meron talagang nakahandang kamalasan eh.
Putek talaga. Kahit taong tinatamad maligo ay mapapaligo kung kayo ba naman mahulog sa kanal. Kung iisipin ko itong muli ay napakasakit sa utak! Ayokong ma-stress. Ayoko nang isipin kahit n hindi naman talaga masyadong nakakadiri 'yong kanal na animo'y polluted, Eh pero sino ba naman ang gu-gustong mahulog dun, aber?
Nahulog na rin kasi ako sa kanal dati. Nakakainis 'yung pangyayaring 'yun, sinasabi ko.
Umupo ako sa kama at dito pinapatuyo ang aking buhok gamit ang towel. Napaangat ako ng tingin nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Novalee na may nakakalokong ngiti habang nakatingin sa'kin. Ano ba naman 'tong iniisip n'ya?
"Kailangan mo talaga akong ilibre!" Bungad na saad n'ya at saka tumabi sa'kin na napaupo rin sa kama. Iwinagayway n'ya sa harapan ko ang aking cellphone na ngayon ay itsura n'ya lang naman nasa screen. Pa-cute pa kunware. Hindi naman din magiging cute.
So anong meron?
"Ano na naman ba?" Tanong ko.
Napahilamos s'ya sa mukha gamit ang palad n'ya.
"Malamang inayos ko lang naman 'tong cellphone mo. Kita mo nag-on na! Sino ba naman kasi ang tanga na ibabad ba sa ulanan ang kan'yang cellphone!" Padabog n'yang inabot sa'kin iyon. Agad ko naman itong inusisa at tuyong-tuyo na nga ito. Sus. Madali lang naman 'yon. Pinatuyo n'ya lang eh.
Tiningnan ko s'ya.
"Matibay kasi 'tong cellphone ko hindi katulad mo, marupok. At isa pa, 'Wag ka na ulit magse-selfie dito baka ito pa ang dahilan ng pagkasira ha!" Pang-iinis ko sa kan'yang at agad na nag make face. Inirapan naman ako nito.
"Pasalamat ka pa nga! Porke't nahulog ka lang sa kanal!"
Pinandilatan ko s'ya ng mata. Tawang tawa naman ito sa'kin.
"Ikaw nga umabsent!" Sabat ko naman. Hindi kasi ito pumasok sa kan'yang school kaninang umaga at pag-uwi ko ay s'ya agad ang sumalubong sa'kin. Maghapon pala s'yang nandito sa bahay dahil 'di s'ya pumasok. Tamad talaga. Wala pa sa kantong oras si Mama kasi nasa trabaho pa.
Iba kami ng paaralan ni Novalee. Nasa private ako na paaralan at medyo sikat din siguro, marami kasing feeling artista din dun. Si Novalee naman ay nasa maliit lang na private school. Sinabi ko ngang lumipat s'ya sa paaralan kung saan ako nag-aaral pero ayaw n'ya raw. Alam ko namang kayang kaya ni Lola na paaralin s'ya dun sa paaralan ko. May kaya din kasi ang pamilya namin at magkaka-close kaming magkamag-anak.
Paano kaya kung sabihin kong nando'n 'yong isang miyembro ng bandang iniidolo n'ya? Lilipat kaya s'ya?
•
Nandito ako ngayon sa sala. Inaayos ko ang gamit ko sa paaralan. 'yung bang mga gamit na laman ng bag ko. Malamang basa rin ang bag ko kaya naman nilibahan ko ito kanina at napadesisyunang ibang bag muna ang gagamitin dahil meron pa naman akong esktrang bag pang-school.
Mabuti at hindi talaga masyadong basa ang mga ito. Narealize ko na iba pala 'yong parang tela ng bag ko sa loob. 'Yong bang hindi s'ya mababasa pero nabasa pa rin ng kaunti. Mabuti na lang at ayun yung nagamit kong bag. Kung hindi ay baka sa'n na ako pulutin kung sakaling wala na akong gamit sa school.
Pero tanga rin ako. Hindi ko man lang naisip na mababasa pala ang bag ko. Minsan talaga ang tanga ko rin.
Tumayo ako at lumapit sa tapat ng bintana. Hinawi ko ang kurtina at sumilip sa labas. Ang tagal naman ni Mudra. Maga-alas dos na din ng madaling araw. Gumawa lang akong assignment kanina tapos alas dos na agad? Gan'yan talaga minsan hindi ko rin mamalayan ang oras.
Hindi pa naman ako antok kaya baka maabutan ko pa s'yang dumating.
Hindi naman ako nagkamali dahil mga ilang minuto lamang akong nag-hintay ay may narinig akong tunog ng pagbukas ng gate. Agad akong nagtungo palapit sa pintuan upang pagbuksan si Mama ng pinto.
Nagtaka ito nang makita ako. Ibinuka ko ng mas malapad ang siwang ng pinto para makapasok si Mama.
"Oh? Gising ka pa, Chas?" Tanong ni Mama. Nagmano naman ako at agad na sumagot. Alangan naman tulog ako gayong heto ako at pinagbuksan pa s'ya ng pinto.
"Hindi pa po ako makatulog ma. Kakatapos lang din gumawa ng assignment."
"Ah ok. Isara mo na lang 'yang pintuan, Magbibihis na muna ako."
"Sige Ma." Tumango ako ata agad na s'yang naglakad papunta sa kwarto n'ya. Alam kong pagod si Mama kaya 'di na muna ako manggugulo sa kan'ya.
Isasarado ko na sana 'tong pinto nang mapahinto dahil sa natanaw 'di kalayuan. Sigurado akong si Reyn 'yon-- at sino naman kaya 'yong kausap n'yang lalake ng gantong oras? Anino lang kasi nito ang nakikita ko.
Nagkibit balikat na lang ako at agad na isinara ang pinto.
•
"Chassy," Narinig tinawag ni Gaylene ang pangalan ko kaya napahinto ako sa ginagawa, nagsusulat ng notes na 'di ko nakuha kahapon. Tinitigan ko lang si Gaylene hanggang sa makaupo ito sa upuang katabi ko. Agad nitong pinatong ang kan'yang siko sa arm rest ko.
Antagal naman magsalita nitong si Gaylene! Bilis bilisan n'ya lang talaga at may ko-kopyahin pa ako. Baka mag-time na ay 'di pa ako nakakatapos.
"Ano na?" Tanong ko.
"Pasama naman mamaya sa mall, ha." Sagot nito. 'Yun lang ba? Akala ko naman kung ano. Ibinaling ko na lang ulit ang atens'yon sa pagsusulat at agad na nagsalita.
"Ok. Pero ano namang gagawin mo sa mall?"
"Birthday kasi bukas ni Papa. Bibili lang ako ng gift. At saka dumiretso ka na rin bukas sa bahay pag-uwian ha. Invited ka."
"Sige. Magpapaalam ako kay Mama."
Dumating na ang prof. namin para sa first period nitong klase. Nagdiscuss at nagpa-pre test lang ito sa'min, wala naman masyadong stress, siguro dahil kakasimula pa lang ng klase. Pero alam ko may ikalala pa ito sa susunod na mga buwan. Dalawang oras din ang klase n'ya kaya naman pagkatapos ng subject n'ya ay break time na agad.
Nandito kami ngayon ni Gaylene sa paborito naming tambayan. Dito sa may oval ng school. May mga nakapalibot kasi ditong mga bench pero malayo sa mismong pinagpra-praktisan ng mga athlete. Maganda rito kasi presko ang hangin. 15 minutes lamang ang break namin pero wala kaming pake kung ma-late man kami ng ilang minuto.
Mas nakasanayan naman na ng guro naming malate nitong mga nakaraang araw kaya normal na lang ata 'yon? Siguro.
Dito na rin kami pumupunta ni Gaylene pagkatapos bumili ng pagkain sa cafeteria. Sa kaso ngayon, wala kami sa mood para pumunta sa cafeteria at makisiksik dahil marami na ang estudyante ngayon ro'n panigurado.
•
Alger's POV. (Aldwin's cousin and friend)
I laugh so hard when I heard what Blake said. Ikinuwento nito ang dare na na-assign kay Blue na agad naman nitong nagawa. Hindi nga lang ito na-video pedo base pa lang sa kwento ni Blake ay mapapataw talaga ako with matching hampas pa sa lamesa. Wala akong pakialam kung nandito kami ngayon sa cafeteria at maraming estudyanteng napapatingin sa'min.
Gan'to na talaga kami kagwapong apat?
Mahilig kaming apat sa mga dare na 'yan. Katuwaan lang din. Minsan kapag napapaisip kaming videohan ito, mavi-videohan namin ito kapag gusto lang namin. Basta 'yon na 'yun!
Kasama ko si Blake, Aldwin at Blue ngayon. Iisanv table lang kami at kapwa nagkwe-kwentuhan about random things.
Even if Blue has the fame, I can say that he's humble despite of all the sucess of their band. Napanood na rin ang banda nila na nagperform dati sa tv.
Gan'to kasi 'yang dare. Ngayon ay si Blake na ang mag-iisip kung ano ang ida-dare n'ya sa'ming tatlo hanggang sa si Aldwin, Blue at ako na rin ang magda-dare tapos uulit na naman.
Mas masaya siguro ito kung naging magkaklase kaming apat kaso iba-iba din talaga kami ng characteristic regarding sa pag-aaral.
"Ikas na lang pala Alger ang hindi pa nakakagawa ng dare." Rinig naming sabi ni Blue. Napangisi ako sa kanilang tatlo.
"Dapat challenging din 'yan." - Aldwin.
"Sa'n tayo maya?" - Blake
"Same place." Ani naman ni Blue.
We all agreed sa sinabi ni Blue. Same place. I miss that place already.
•
Chassy's POV.
"Hi, Chassy!" Nagulat ako dahil may biglang nagsalita mula sa likuran ko at ang mas nakakabigla pa dito ay tinawag ako mula sa aking pangalan. Nakaupo lang kasi kaming dalawa ni Gaylene dito sa bench. Meron na lang kaming tatlong minuto bago ang next subject.
Napalingon ako sa likuran. Ro'n ko napansin ang isang babaeng kaedaran lang naman ni Gaylene at siguro, ka-batch din namin ito. Paano naman n'ya ako nakilala?
"Ashlea!" Napakunot noo ako at napatingin kay Gaylene na ngayon ay nakaharap na sa babae. Nakita ko namang medyo napabuka ng bahagya ang bibig ang babae nang makita si Gaylene. Ngiti-ngiti naman silang nag-usap nang malapitan s'ya ni Gaylene.
"Oh! It's you pala Gaylene!" Sabi naman ng babae. Kaano-ano kaya 'tong mga 'to? At parang naging semento na lang ako sa gilid nila na parang hindi nage-exist ha?
"Hindi na tayo nagkakausap!"
"Yah. That's right! It's good to have a bonding with you pa naman!"
"Ako rin! Papakilala ko sa'yo si Chassy. Pero mukhang kilala mo naman na s'ya, diba?" Humarap silang dalawa sa'kin. Ngumiti na lang ako pabalik sa babae dahil ngumiti ito sa'kin at ang ikinabigla ko ay lumapit ito sa'kin.
"Chassy, Si Tita Helerina. Ang bait n'ya sa'kin sobra!" Sambit nito. Inilahad n'ya ang kamay sa'kin, Napatingin naman ako rito. "Ashlea Cami Aldreda." Pag-papakilala nito sa'kin. Inabot ko naman agad ang kan'yang kamay at nakipagshake-hands kami.
Naguguluhan tuloy ako ng kaunti. Paano n'ya nakilala si Mama? At anong sabi n'yang mabait sa kan'ya si Mama? Hello? Bigla bigla na lang s'yang sumusulpot. 'Di tuloy malaman kung sa'n ba 'to galing.
Nakarinig ako ng mahinang tawa. Tumatawa s'ya ngayon? Hello? Nababaliw na ba s'ya?
"Hindi ka man lang nagpakilala? Don't you think it's rude?" Natatawa ito habang nakatingin sakin. Hinawakan naman ako nito sa braso. "Ninang ko ang Mama mo. Ka-business partner sila ni Mommy at matagal na silang mag-bestfriend."
Ah so ka-business partner at magkaibigan pala ang mga Mama namin. Pinagtataka ko minsan na madaling araw na umuwi si Mama at minsan 'di rin stable ang schedule nito. Kahit 'di naman talaga masyadong kalakihan ang business namin o masyadong sikat, malaki ang pagkakakitaan ng mga product mula rito.
"Sige mauuna na ako. Bye!" Nagulat ako nang bigla itong bumeso sa'kin, hindi agad ako nakapalag. Ginawa rin n'ya ito kay Gaylene bago umalis habang kumakaway. Hello?
•
Sa gitna ng klase ng aming guro ay naramdaman kong medyo kumirot ang aking ulo. Napahawak ako rito ng marahan. Napatabon naman ako sa bibig nang biglang mapaubo.
Natigilan ako at napatingin sa seatmate kong napaubo rin, Napansin kong nakatingin naman ang buong klase sa'min dahil siguro sabay kaming napaubo.
Natapos agad ang klase. Nagsiligpitan kaming lahat nang tuluyang makaalis ang subject teacher namin. Lunch na. Napa-aga ata ng 10 minutes ang dismissal ni Ma'am. Tiningnan ko si Gaylene mula sa kan'yang upuan. Naningkit ang aking mga mata nang marealize na nakatingin din ito sa'kin.
Alam na agad ang iniisip ng isa't isa. Lunch!
Lumabas na kami ng room at kasalukuyang naglalakad papuntang cafeteria. Napansin ko namang medyo kumukulo ang t'yan ko. Ayan kasi, hindi ako nakakain kaninang break. Tahimik lamang kaming naglalakad ng biglang basagin ni Gaylene ang katahimikan.
"Nakita ko kanina si Ate may kasamang lalake!" Tila nagmamaktol ito.
"Diba nga bawal pa kayong mag-boyfriend bilin ng Lola n'yo? Baka naman hindi boyfriend." Sambit ko.
"Ayun nga. Kasi kung makikita mo silang magkasama ay parang 'di mo maiisip na magkaibigan lang talaga sila." Hindi kasi talaga sila pwedeng magka-boyfriend na ng ate n'ya dahil 'yon ay binilin ng Lola nila-- habang 'di pa nasa tamang edad. Si Gaylene naman ay ayos lang naman mag-karoon crush dahil natural lang naman ata kung makakakita ka ng gwapo o hinahangaan mo.
Napalingon-lingon na lang ako at 'di na nagsalita ngunit agad napako ang tingin ko sa babaeng pamilyar sa 'di kalayuan. Nasa may oval malapit. May kasama ba 'yun?.
"Teka si Ate ba 'yun?" Nakita na nga ni Gaylene ang ate n'ya sa 'di kalayuang parte ng oval. Nakita ko s'yang parang naiinis. Magsisimula na sana s'yang humakbang ng hinawakan ko ang braso n'ya.
"Malapit na tayo sa Cafeteria. 'di pa ba tayo kakain?" Tanong ko dahil baka magsimula lang s'ya ng away.
"Wait. Sandali lang 'to, Hintayin mo na lang ako d'yan sa bench sa may oval." Agad s'yang umalis nang matapos na masabi 'yun.
Sumunod na lang ako sa sinabi n'ya. Minsan talaga mapapaisip ako na mas matured pa ang pag-iisip n'y kumpara sa nakakatanda n'yang kapatid, Kahit na senior high na rin ang ate n'ya. Minsan kasi gano'n naman talaga, kabaliktaran din minsan ang naiisip ng mga tao.
Naupo na lang ako sa bench habang tinatanaw ang paligid. Marami na palang nagpra-practice ng gan'tong oras sa tanghali kahit na napakainit. Ganon talaga kasi 'yong mga athlete. Mabuti pa sila may sport, ako nga wala.
At kung magkakaroon man ako, ano naman ito, aber?
Ipinilig ko ang ulo dahil natatamaan ang aking ulo ng sikat ng araw. Ibig kong sabihin ay naiinitan. Medyo kumikirot ang ulo ko. Hindi ko naman napigilan at napaubo na rin? Seryoso? May lagnat ba ako o ano?
Imbis na magpalipas ng oras sa kakaupo ay minabuti ko na lang na maglakad-lakad palibot ng oval. Asan na kaya 'yong si Gaylene? Baka naman nagsimula na 'yon ng gulo? Basta ako ay hihintayin na lang s'ya. Hindi ko rin naman alam kung nasa'n s'ya kung gusto ko man s'yang puntahan.
Nanlaki ang mata ko nang mapansing may papalapit na bola sa aking direks'yon. Wala akong nagawa kundi mapatabon na lang sa itsura. Hinintay ko ito na dumampi sa balat ko pero mga ilang segundo ay wala man lang kahit na dumikit sa balat ko. Napadilat ako at ro'n nakita ang seatmate ko na hawak hawak ang bola ng volleyball at agad na pinasa ito pabalik habang tila nagsho-shoot lang ng bola.
"Okay ka lang? Ba't mag-isa ka?" Napatingin ito sa'kin.
"Wala lang." Sagot ko at tumingin-tingin sa paligid. Hinahanap ng aking mata si Gaylene.
Hahakbang na sana ako papalayo nang maramdamang may humawak sa pulsuhan ko. Bumalik ako ng tingin sa kan'ya at kinunutan ko siya ng noo.
"Masama ba ang pakiramdam mo? Inuubo ka pa rin ba?" Tanong nito.
_
Chassy's POV.
"Masama ba ang pakiramdam mo? inuubo ka pa rin ba?" Tanong nito.
Tiningnan ko s'ya na tila dahil kung bakit napabitaw ito sa pagkakahawak sa aking pulsuhan at nakita ko pang inilayo nito ang tingin sa'kin at napakamot sa sariling ulo.
"A-ah hindi na. Sige alis na'ko." Tila kumaway pa ako ng kanang kamay at agad ng naglakad papalayo. Feeling close ba ako? May pa kaway-kaway pa'kong nalalaman, san galing 'yon? Hindi naman siguro nakakahiya 'no?
Pangkuway hinanap na lang ng aking mata si Gaylene at natagpuan ro'n sa isang sulok habang tila sine-sermonan ang kan'yang Ate habang kasama pa nito ang lalakeng sinasabi ni Gaylene na boyfriend ata nito. Napailing ako at agad na mabilis na pumunta sa kinaroroonan nila. Hindi naman sa ikino-kompara ko ngunit ibang iba talaga sila ng ugali ng pinsan kong si Novalee.
"Ate! Hindi ba binilin sa'tin ni Lola na 'wag nga raw muna mag-boyfriend! Sinasabi ko sa'yo! At sino naman iyong lalakeng 'yan? Hindi pa nga namin nakikilala? Matagal na ba kayo? Bakit hindi mo lang man nasabi sa'kin ito? Ate-"
"Ano bang pinagsasabi mo Gaylene? Nakakahiya ka!" Saad ng Ate nito na halata namang nahihiya na sa ginagawa ng kan'yang kapatid. Kung pwede lang matawa sa nangyayare ngayon ay matatawa ako.
Eh ngayon ko lang nakita ng malapitan ang kasama ng ate n'ya, at sa mga panahong ito ay hindi ko na nga napigilan na tumawa.
Napalingon si Gaylene sa'kin na ngayon lang ako napansin at sumunod naman ng tingin ang dalawang taong kaharap n'ya.
"Hoy Chassy ba't ka tumatawa?" Tanong nito. Masasabi ko talagang kahit mayaman si Gaylene ay hindi s'ya mapagkakamalan na gano'n, sa itsura na lang siguro bumubawi ang isang 'to. Minsan talaga paranoid din siya eh. Hindi inaalam muna kung ano talaga ang totoo. Kung baga, sasabak sa gera na walang dalang bala. Ako na lang ang nahihiya para sa kan'ya.
Ang tawag rin nila sa parents nila ay 'Mama' at 'Papa'. At saka naman 'Lola' din ang tawag sa parents ng mga magulang nila. Kung sa tutuusin ay pwede naman nilang itawag na 'Mommy' at 'Daddy' or 'Grandma' pero 'yon nga sinanay sila na 'di maging buhay prinsesa. Madisplina kasi ang pamilya nila. Ang isang 'to lang ata ang hindi. Hiwalay din ang Lola nila sa kanilang bahay. Naalala ko dati ay nag-invest pa ang Lola nila sa company ng parents ko.
"Hoy Chassy!" Nabalik Ko sa realidad nang tapikin ni Gaylene.
Lumapit ako kay Gaylene at may ibinulong.
"Sigurado ka ba d'yan sa ginagawa mo?" Natatawa kong tanong sa kan'ya. Tumango agad ito.
"'Wag ka na magulo. Tulungan mo na lang ako, Bakit ka naman natatawa?" Balik na tanong n'ya sa'kin dahil humalakhak ako.
"Teka nga! Gaylene ano ba naman kasi iniisip mo ha? gumagawa ka ng eksena dito. Hindi mo kasi ako hinahayaang mag-salita. Ano bang kasalanan ko?" Tanong ng atr n'ya na may bahid ng pagtataka ang ekspres'yon nito. Humarap na sa'min ang ate n'ya at iniwan munang nakatayo ro'n ang kasama nito.
"Tinatanong mo pa ate? nag-boyfrie--"
"Anong boyfriend pinagsasabi mo!?"
"'Yang kasama mo!"
Nilingon namin ang nakatayong lalake na inirapan lang kami. Nakita kong napangiwi si Gaylene. Napa-paranoid na kasi. Humagalpak tuloy ako ng tawa.
"Eh malay ko ba?" Saad n'ya habang papunta na sa Cafeteria, Nagpaparamdam na kasi ang mga alaga ko sa tyan. Pa'no ba naman kasi pinagbintangan si Dex na boyfriend ng ate n'ya. Eh maraming nakakakilala dito sa kan'ya at binansagang 'Gwapong bakla' ng campus.
Sino ba naman ang hindi mapapahiya sa ginawa ni Gaylene?
Hindi tuloy ako makapagsalita dahil habang naglalakad kami ay tawa lang ako ng tawa. Wala talagang preno 'tong si Gaylene paminsan-minsan. Jusko.
•
Aldwin's POV.
"Ok class, bring these things tomorrow individually for our activity. This activity will be by group but you should not depend it by others. Bukas ko na sasabihin kung anong grupo ka'yo. But for tomorrow, I will check if you brought the things that we needed for our activity BUT if you doesn't have the material, then you can now find another mapeh teacher! GET IT!?" Nanlilisik pa ang mga mata ni Ma'am Devion habang sinasabi ang mga salitang 'yan.
"Yes Ma'am!" We quickly answered.
"GOOD!" She said and brought her things from her table then she dismiss the class. Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko dahil makakauwi na rin. Boring kasi ang MAPEH subject namin and I'm thankful that this our the last subject.
I looked in front. Isinulat ko ang mga nakasulat ro'n na kakailangan bukas. Maybe I should go to the mall or department store later.
Tumayo na ako at inayos na ang gamit. May pupuntahan pa pala ngayon kaming mag barkada--to our old place. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapasyal dun. And siguro mapapagabi kami. It's ok, My dad's not that strict when it comes to me. And he trust me that much, maybe it's one of those reason why we're really close. Open din ako sa kan'ya kung may sasabihin. In fact, I even get advice from him.
Masyado na siguro akong nagmamadali kaya 'di ko napansin na aksidente kong naurong ang upuan ni Chassy. Napahinto ako sa ginagawa at tiningnan s'ya.
Napakunot-noo ako.
Pa'no n'ya nagawang matulog sa klase ni Ma'am Devion? Mukhang tulog na tulog talaga s'ya. Is she that sleepy to the point that she don't mind sleeping in class?
Napa-iling na lang ako at akmang lalapit sa kan'ya upang gisingin s'ya pero nakita kong papalapit ang kaibigan n'ya, so I decided not to. Inilagay ko na lang ang isang sticky note na may sulat sa loob ng bag n'ya. Bukas kasi ito.
All I can say is, she's a heavy sleeper.
Napansin ko ang pag-vibrate ng phone ko. Naka-silent mode ito so nagba-vibrate lang. I picked it up. It's Blue. I walk towards the door and already leave the classroom. I'm now walking at the hallway.
"Hello?"
"Aldwin, we're all here!"
"Bago lang kami na-dismiss. Asan ka'yo?"
"Near the school's gate. Hindi pa kasi binubuksan. Come here quickly!"
"Ok."
•
Chassy's POV.
"Chassy!" Naalimpungatan ako ng may makaramdam akong mabigat na pagtama ng kung anong bagay sa aking braso. Agad kong inangat ang tingin ko at sinamaan si Gaylene ng tingin. Kailangan pa talagang manakit para magising ako?
"Kailangan talagang hampasin ako ng libro na may 650 pages?" Inayos ko ang buhok ko at saka tumayo.
"Syempre. Kanina pa kita ginigising eh. Ang lakas mo naman para matulog sa klase ni Ma'am Devion ha! Ano ba nangyare sa'yo?" Natatawa nitong tanong sa'kin. Nag-stretch ako ng katawan at hindi na sinagot ang tanong n'ya. Maganda ang mood ko ngayon dahil bagong gising ako.
Pwede na siguro akong hindi matulog mamayang gabi no? Minsan kasi gawain ko 'yan. Hindi naman totally na isang oras ako nakatulog. Ang Oa din ni Gaylene. Napaikot ang aking tingin at wala na pala masyadong tao sa room.
Niligpit ko na lang ang mga notebooks na nakalagay sa aking arm chair at saka nilagay ito sa aking bag. Pakiramdam ko ay ang sigla ko dahil sa tulog ko kanina. Ang sarap talaga matulog.
Lumabas na kami ng classroom at naglakad na sa hallway papuntang main gate ng school, syempre sa'n pa ba? Edi uuwi na. Nakakabagot kaya sa paaralan.
Dagdag pa rito ang mg guro na kala mo naman lahat kami ay fast learner kung makapag-discuss ay halos 'di na kami maka kisap ng mata dahil baka may hindi kami ma-cope up na lesson. Pero gano'n naman talaga, mahirap talaga kasing mag-aral.
"Chassy, sabay na lang tayo papunta sa mall ha? tapos bukas sundo na rin kita." Sabi ni Gaylene habang kami ay naglalakad.
"Sige."
"Teka, nakapagpaalam ka na ba?" Tiningnan ako nito.
"Hindi pa. pero mamaya." nasabi ko na lang.
Nang makarating kami malapit sa gate ay pumwesto kami sa pinakaunahan, 'yung bang kapag bukasan na ng gate ay agad kaming makakalabas. Gan'to naman kami lagi ni Gaylene. Mga ilang sandali pa ay lumapit na si manong guard sa may gate hawak ang susi sa kamay nito. Rinig naman ang hiwayan ng ibang estudyante dito.
Nagtataka talaga ako kung private school ba ito o preso. Natatawa lang ako sa sariling naisip.
Nang mabuksan na ni manong guard ang gate ay hahakbang na sana ako palabas ngunit nagulat dahil andaming nagsisitulakan sa'kin mula sa likod. Ang lalakas pa ng pwersa mula sa kanila. Syempre ilang mga estudyante din yan. Hindi ba sila maka-hintay? Sandali--
•
Blue's POV.
Mabuti naman at nabuksan na 'yong gate. We we're waiting for almost 20 minutes. We just got dismiss that early, maybe it is because of our subject teacher's lazyness. Just kidding.
"Aldwin!"
I looked at Aldwin while walking towards us. Obviously, He just got dismiss. Baka nga mas strict pa talaga ang mga nagtuturo sa kanila compare to us.
It's okay if that's the case. I don't want strict people anyways. That's why I have my freedom of all things I wanted to do. They said that I'm famous because they already saw me performing on tv, but no. For me, it's just average. Hindi porke't nakikita sa tv ay sikat. And I don't want fame, I just want to play instruments.
My parents even hire a bodyguard for me before but I found them being over acting. Why? My life's not in a danger. And I'm going to public places not minding people who does know me. I go to public places not to make everyone impress of me, but to enjoy outdoor activities and have some fun.
I don't now why but when our co-students saw us four, they even make spaces to let us pass. Kunot noo naman ako dumaan na lang sa harapan nila. Kahit ang ibang mas nasa unahan ay nagtutulakan na rin.
Nang makarating sa unahan ay napansin ko ang isang babaeng tila natulak ng taong nasa likod nito kaya habang hindi pa siya nahuhulog sa maruming sahig ay agad ko siyang hinila palapit sakin at sinalo para 'di s'ya masaktan.
Familiar s'ya.
Hawak-hawak ko s'ya sa braso habang dahan-dahan s'yang dinala sa gilid na labas na ng gate.
"Hey, Chassy right?" I asked her. Hindi ko mabasa ang nasa utak n'ya but I knew she was thinking something. Hindi naman s'ya nakatingin sa'kin. But I knew her. She's Chassy. Ang aksidente kong natapunan ng juice dati no'ng nasa cafeteria kaming apat.
"Ah Oo." She just answered. I just smiled at her at iniwan na s'ya dun dahil papalapit na ata ang kaibigan n'ya na nginitian ko rin bago lumapit sa mga kasama ko.
"Kelan ka pa naging taga-pagligtas?" Natatawang tanong ni Blake. Tinawanan ko lamang s'ya. He really like teasing people.
•
Chassy's POV.
Nandito na kami ngayon ni Gaylene sa backseat habang nagmamaneho ang driver nila. Papunta na kaming mall ngayon. Sasamahan ko kasi s'ya bumili ng regalo para sa Papa n'ya dahil ako lang naman ang inaasahan n'yang sasama sa kan'ya sa mga kan'tong lakad.
Nang makarating sa mall ay agad kaming ibinaba ng driver sa entrance ng mall dahil magpa-park pa ito sa parking area. Ite-text lang ito ni Gaylene kapag papauwi na kami.
Iniwan rin namin ang bag sa kotse nila dahil ayoko rin naman ng dadalhin.
Nakapasok na kami ng loob ng mall. Naglakad-lakad muna kami.
"Ano palang gustong regalo ng Papa mo?"
"Wala nga akong alam." Napakamot ito sa sariling ulo.
"Souvenir?" Tanong nito sa'kin. Agad akong umiling.
"Hindi. Maybe 'yung magagamit n'ya talaga."
"Mmm, blouse na lang?"
"Sige tumingin na lang muna tayo."
•
Third Person's POV.
"Cheers!" Agad nilang pinagdikit ang kani-kanilang mga baso na gumawa naman ng ingay at agad nilang ininom ang laman no'n. This is their old place--ito ang tawag nila rito sa bar na ito.
Palagi nilang pinupuntahan ang bar na ito since last year. Hindi naman sila umiinom ng alak. It's just a wine na hindi nakakalasing. Kaya lang nila hindi makalimutan ang lugar na ito ay dahil isa 'to sa mga memorable na lugar para sa kanila.
"Oh what's with you Aldwin?" Tanong ni Alger nang mapansing hindi na ginagalaw ni Aldwin ang inuming kakalagay lang ng bartender sa harapan niya. Aligaga itong nakatingin sa cellphone niya.
"What are you checking?" Tanong ni Blue at tila niliyad pa ang leeg para makita kung anong tinitingnan ni Aldwin ro'n.
"May malapit ba dito na department store or mall? I need to buy requirements for tomorrow." Sagot naman ni Aldwin.
"Oh! It's a mall." May itinuro si Blake sa harapan. Natanaw mula sa glass window ang isang mall sa tapat lang pala ng bar kung nasa'n sila.
"Okay. I'll be back Guys." Saad naman ni Aldwin at madaliang ininum ang wine nito.
Sumakay siya ng elevator. Habang umaandar ang elevator ay napatingin s'ya sa listahan na nasa cellphone n'ya. Ro'n na lang kasi n'ya ito isinulat.
Needed for tomorrow's activity:
Ruler
Scissor
Cartolina- 5 colors
Band paper
Color pens or pastel
Glue or paste
Pencil
Colored paper
Marker
Designs - 5 above (Anything will do)
'Yon ang nakalagay sa kan'yang listahan. Agad s'yang lumabas ng elevator at pumunta sa National book's store na halos katapat lang ng elevator. Hinanap agad ng mata n'ya ang mga materials na mahirap hanapin lalo na 'yong mga designs.
Lumapit s'ya sa section kung saan ang hinahanap n'ya. May basket na rin s'yang dala. Naisip n'ya kung ano ba ang magandang mga designs na pipiliin n'ya. Naiisip n'ya na siguro ay designs ito para sa gagawing activity o palamuti roon para mas gumanda.
Nakapili na s'ya ng tatlo. Isang green feather, ang dalawa naman ay stickers.
Kukunin na n'ya sana ang pang-apat na design na kan'yang napili ngunit naangat s'ya ng tingin sa babaeng nakatingin sa kan'ya.
•
Chassy's POV.
Nandito ako ngayon sa National book store. Akala ko ay bibilhan n'ya ng libro ang Papa n'ya ay 'yun pala may bibilhin lang s'yang requirements daw para bukas. Tinanaw ko s'ya at nando'n s'ya kumukuha ng mga basic materials para mag-drawing ata. Hindi na ako sumunod sa kan'ya. Nakakainip kasi.
Napalingon ako sa likuran. Ro'n ko nakita ang isang lalakeng nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga nakadisplay sa harapan nito. Jusmiyo. 'Yung seatmate ko. ata ito.
Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla s'yang mapatingin sa'kin kaya nakita n'ya na ako. Nagkatitigan kaming dalawa at sabay ding napaiwas.
Kumabog bigla 'yong dibdib ko kahit na nakatalikod na ako mula sa kan'ya.
"Chassy," Nakarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko. Alam kong 'yong seatmate ko ang tumawag sa'kin. Wala namang masama kung lumingon diba? Ba't ba ang Oa ko?
Agad akong lumingon sa kan'ya. Medyo nanlaki ang mga mata nang mapagtantong sobrang lapit na pala ng mga mukha namin sa isa't-isa.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Maezy Miguel

    this story is like my story

    29/03/2025

      0
  • avatar
    Justine Atendido

    ganda

    27/03/2024

      0
  • avatar
    Daniel Queliza

    kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn

    22/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata