Homepage/The Days Of Sunshine/
AILYFAS 2
Chassy Fae's POV.
"Ay?" Tila nangawit ang bibig ko at walang ibang lumabas na salita rito kundi ayan lang mula pa kanina. Nakatingin lamang ako sa kawalan habang ang posisyon ay katulad pa rin kanina, nakatayo lang. Medyo madilim pa rin ang paligid at ang lamig ha! Teka- Shinake ko ang ulo ko.
Umalis na lang basta basta 'yong lalaking nangalabit sa'kin kanina—ang sexy n'ya pa kung maglakad, ang sexy din ng likod n'ya . Teka-sino nga ba 'yong lalakeng 'yon?!
Tila bigla akong nagising sa kung anong nangyare. What the!? Anong sinabi n'ya? I love you? Hindi ba s'ya aware na strangers kami pareho tapos bigla biglang magsasalita ng mga gan'yang salita? Hello? Magic word kaya 'yan!
Nga naman oh! Mga playboy talaga! Mga siraulo. Ako pa naisip pagtripan? Eh sino naman ba s'ya sa tingin n'ya? At halos mag-skip na ng beat 'tong puso ko kanina no'ng akala ko may multo tapos, tao lang pala? Hindi naman masyadong halata na takot ako sa multo, right?
Pero teka nga, bakit ba parang ako pa 'yong ang laki laki ng kahihiyan?
Oo, ewan ko kung bakit pero sobrang hiyang-hiya ako no'ng nasampal ko s'ya. Dahil ba dumikit 'tong palad ko sa makinis n'ya pagmumukha? Hayss. Ba't ba nago-over acting na naman ako? para 'yun lang kailangan pang i-over think? Hello? Shinake ko ulit ang ulo ko agad na inalis ang mga 'yon sa isipan ko. Agad akong umalis sa lugar. Babalikan ko na si Novalee.
Parang nakakadistract talaga! Naglakad na lang ako ulit papunta sa area ng park kung saan nagaganap ang tugtugan. Kaya naman pala ay wala ng tugtog ay dahil nagsasalita na lang 'yong mga lalake sa harapan ng stage na tila nagpapaalam na sa mga nanonood. Agad akong bumalik sa pwesto kung nasa'n si Novalee. Agad s'yang hinanap ng mga mata ko at agad ko naman s'yang nakita.
"Uy Chassy! Asan ka ba galing?" Tanong ni Novalee nang mapansin n'ya akong tumabi sa kan'ya. Tumitingkayad s'ya upang makita ang nagaganap sa stage.
"Kumain lang, syempre." Sagot ko naman. Napatingin ito sa'kin at nagtaka ako ng bigla ako nitong tinawanan.
"Ano namang kinain mo at sobra kang namumula?" Hindi naman s'ya masyadong masaya no? Tawa ng tawa eh.
"Siomai. Maanghang eh." Agad kong sagot sa kan'ya at tila interesadong napapatingin sa stage-kung ano man ang kaganapan do'n.
"Ay gano'n ba? HAHAHA Eh ba't ang tagal? Hahanapin na sana kita kaso baka ma-miss ko 'yong happenings dito. HAHAHA akala ko nadampot ka na ng kung sinong mga adik d'yan!" Tawang-tawa ito. Inismiran ko na lamang siya.
"Eh ano na bang nagyayare dito? tapos na ba?" Pag-iiba ko ng topic. Humahalakhak pa rin ito pero sinagot naman agad ang tanong ko.
"Wait lang, may ina-announce lang kung sa'n ang next event nila. Punta tayo ha!"
"Ano? Sobrang nakakaumay kaya! Ayoko ng sumama! hindi mo na ako mapipilit." Inirapan ko s'ya. Pinitik n'ya naman ako sa braso, mahina lamang ito.
"Over! Basta sasama ka sa'kin next event! Ipapaalam din kita kay Tita! blee!" Inirapan ko s'ya. Lagi n'ya na lang ako pinapaalam kay Mama dahil alam n'yang pipilitin ako nito kung hindi ako papayag na sumama sa kan'ya, kesyo daw mag-saya naman ako kahit papano, Eh pa'no ako sasaya no'n? Eh ang buong ginawa ko nga lang naman dito ay mag-cellphone at umupo do'n sa gilid.
"Nakakaaliw talaga silang panoorin! Lalo na si Blue! Ang gwapo! Syet!" Napatingin ako kay Novalee na nasa taas ang tingin, halatang nagi-imagine na naman. Sanay na ako.
-
Nang makarating sa tapat ng pintuan ay agad kong binuksan ito gamit ang susi. Agad akong pumasok at inilapag ang sapatos sa lalagyan. Napatingin ako kay Novalee nang sinunod n'ya din ang ginawa ko, inilapag n'ya din ang kan'yang sapatos.
"Aba? 'di ka pa ba uuwi?" Nagtatakang tanong ko.
Umupo s'ya sa sofa at agad na humarap sa'kin.
"Obvious ba? At tska 'wag mo nga akong pinagtatabuyan. Pasalamat ka pa at may kasama ka no? Hello?" Saad niya na tila ang laki ng utang na loob ko. Hinayaan ko na lamang sya at pumasok na sa kwarto. Naglinis ako nang katawan at nagbihis ng pantulog, dumiretso agad ako sa sala kung nasaan si Novalee.
"'Wala bang kahit anong snack d'yan?" Kumuha ako ng unan nang biglang magsalita si Novalee. Nakasandal sa sofa at nakatingin lamang ito sa harapan, nanonood ng tv. Ang laki siguro ng alaga n'ya d'yan sa t'yan n'ya no?
Umupo ako sa tabi n'ya.
"Ano bang sinasabi mo? Patay gutom ka ba?" Sarkastiko kong saad.
"Diba natural lang na may snack dapat kapag nagse-sleep over sa bahay ng ibang tao." Lokong sagot nito. Agad ko s'yang binatukan.
Ambisyosang palaka! Ano naman bang naisip n'ya? At saka, dapat hindi kami magpupuyat, may klase pa bukas. Kung ano ano na namang naiisip nitong si Novalee. Patulugin ko s'ya sa labas mamaya eh, andaming satsat. Kinuha ko ang remote mula sa kamay n'ya at papatayin na sana ang tv nang bigla n'ya itong naagaw sa'kin.
"Bastos kang babaita ka! Nanonood pa 'yong tao eh!" Gigil n'yang saad.
"Alam kong nanonood ka, pero 'di ako nainform, tao ka pala ha." Mapang-asar na tugon ko.
"Magmo-movie marathon na lang tayo since 'di naman tayo inaantok. Right?" Suwetsyo'n n'ya na tila ang gandang idea nga no'n.
"Hindi ka ba nag-iisip? May klase pa bukas. Hello?"
Ang lakas talaga ng trip nitong si Novalee. Kung ano-anong naiisip ng babaeng 'yan, wala na sa oras minsan eh, Bahala nga s'ya d'yan! Ayaw kong mag-movie marathon, matutulog na lang ako sa kwarto. Bahala s'ya d'yan! Tutal darating naman na si Mama mamayang madaling araw. S'ya na bahala kay Novalee, mukhang 'di magpapaawat, sanay na sanay sa puyatan ang babaeng 'yan—'di katulad sa'kin, minsan lang.
Agad akong nagmadaling pumasok na sa kwarto.
"Arayy! Bwisit!" Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa semento. Hinawakan ko ang noong nabangga sa pintuan, Eh kasi ba naman ay may kurtina. Hindi ko tuloy alam na nakasirado pala ang pintuan dahil natatakpan ito. Ang tanga ko na ba? Agad akong nakarinig ng malalakas na yapak at-
"HAHAHAHAHA ang bilis ng karma! ayaw pa kasi ako samahan!" Agad kong binuksan ang pintuan at pumasok na sa kwarto. Hanggang ngayon ay rinig ko pa rin ang mga halakhak ni Novalee hanggang sa narinig ko na lang na bumalik na s'ya sa may sala.
Takte kasi! Ang sakit sakit! Hinilot ko na lang ang ulo ko, lumapit din ako sa salamin at sinilip kung may sugat ba ito. Wala naman pero-ang pula pula nito. Ang sakit talaga. Ang kapal kasi ng pagkakagawa ng pintuan namin. Baka sa katangahan ko ay magkakaroon pa ito ng bukol. What?
'Wag naman! Eh kasi tatanga-tanga ako eh! Shet! Eh bakit ba naman ako naglagay ng kurtina dito sa may pintuan ng kwarto ko? Ang tanga ko! Ang sakit tuloy ng inabot ko!
Humilata ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Blank lang ang nasa isip ko nang biglang-
I Love You..
What the? Ano ba naman kasi? Eh sino naman hindi mago-overthink sa sinabi ng lalakeng 'yun? Kahit na alam kong napagtripan lang ako, eh bakit ba ang OA ko masyado? Paulit-ulit pa itong tila binibigkas ng sarili kong isip ang salita. Kelan pa ako naging gan'to ka-OA? Ha self?
Ipinikit ko na lamang ang mga mata, Matutulog na lang ako. Hayaan ko na lang si Novalee ro'n sa sala. Bahala s'ya sa trip n'ya sa buhay. basta ako, matutulog na kase may pasok pa bukas at teka-ano na bang oras? Tiningnan ko ang orasan sa may side table. Pasado alas dyes na pala ng gabi.
Ipinikit ko ang mga mata.
Halos ilang minuto na akong nakapikit ngunit 'di pa rin ako dinadalaw ng antok. Isa na rin siguro sa rason, ay ang malakas na volume sa tv. Alam kong sinasadya ni Novalee na palakasan ang volume nito, kabisado ko na 'yong babaeng 'yon. Wala na namang trip kaya pinagtri-tripan ako.
Bumangon ako at agad na kumuha ng jacket sa cabinet, agad ko itong isinuot. Kinuha ko naman sa drawer ang aking pitaka at lumabas na ng kwarto, dumiretso ako sa sala kung nasa'n si Novalee na dilat na dilat pa ang mga mata. Halatang sanay sa puyatan.
"Chassy? Akala ko natulog ka na?" Natutuwang tanong nito na halatang 'di naman nagulat.
"Sino ba naman makakatulog na naka full volume ang sound ng tv, aber? At saka, tumayo ka na d'yan. Bibili tayong snacks." Agad s'yang napabalikwas ng bangon sa sinabi ko. Mabilis n'yang pinatay ang tv at nauna na sa labas. Nga naman oh?
Sumunod na lang din ako sa labas.
Kami ay kasalukuyang mahinang naglalakad, syempre andilim dito. Alangan naman bilisan namin ang paglalakad, at baka pagkarating namin sa bahay ay 'di na kami makilala? Andami pa namang malalaking bato dito. Kaya nga wala masyadong napapadaan dito na mga sasakyan. Ikaw ba naman? Gusto mo bang mabutas ang gulong ng sasakyan mo?
Meron naman kami flashlight na dala. Malayo pa ang highway dito sa'min. Napag-isipan naming sa 7/11 na lang bumili tutal 'yon lang ang alam ko na bukas 24 hours. Siguro nga sasabay na lang ako sa trip ni Novalee na magmo-movie marathon. Ano pa nga ba?
Tumawid pa kami sa daan upang makarating sa store ng 7/11. Hindi na masyadong marami ang napapadaan na mga sasakyan rito. Malayuan pa lang ay matatanaw mo na ang mga tao na nakatambay sa labas nito. Sa may mga tables dun. Merong nagde-date, Meron namang nagiisa lang at meron din namang isang grupo ng mga lalake dun sa tabi. 'Di naman masyado marami ang tao rito.
Pumasok kami ni Novalee. Sabay kaming pumunta sa section kung saan nakadisplay ang mga junk foods. Tiningnan ko ang mga hawak ni Novalee. Piattos, Clover chips, Vcut at iba pa. Ako naman ay kukuha na lang ng maiinom.
Lumapit ako sa may fridge. Kumuha ako ng dalawang malaking chuckie at yakult para sa'min ni Novalee. Hahablutin ko na sana 'yong kopiko 78°c ng may biglang kasabay akong kumuha dito. Naka patong tuloy ang kamay n'ya sa likod ng palad ko. Sino 'to? Si Novalee?
Agad ko ng hinablot ang kopiko 78°c sa pag-aakalang si Novalee nga 'yon. At may balak pa s'yang agawan ako ha? Pero teka—kelan pa nagkaroon si Novalee ng panlalaking relo at maugat na kamay?
Napatingin ako sa kanang bahagi. Roon ko lang napagtantong hindi pala 'yon si Novalee. Isa pala itong lalake—ang gwapo.
Pero teka—agad akong napaiwas ng tingin. S'ya pala 'yong sa park kanina. 'Yung—'yung nantrip sa'kin. Bakit parang nakaramdam ako ng sobrang hiya?
•••
Third Person's POV.
Naningkit ang mga mata ng lalake habang nakatingin sa kan'ya. Confused at the same time ay hindi alam ang iniisip ng babae. Napakunot noo s'ya at tiningnan ito habang nakaside view. Agad n'yang nakilala ang babae.
She's the one slapped me.
'Yan agad ang naturan sa kan'yang sarili. Agad s'yang nagtaka nang bigla na lamang umalis ang babae at hindi na s'ya nito dinapuan ng tingin. Agad sumilay ang nakakalokong ngiti sa kan'yang labi.
I felt embarassed when she slapped me. But why it's feel like, parang s'ya pa 'yong sobrang nahihiya sa'kin? Was she a shy type?
Ngiti n'yang hinablot ang isang Kopiko 78°c sa fridge, Halata ang dalawang malalalim na dimples sa kan'yang pisnge. Agad na s'yang pumunta sa counter upang makapagbayad.
~
Kan'ya kan'yang may bitbit na paper bag sina Novalee at Chassy. Kakabayad lang nila sa counter at palabas na sana nang may mapansin si Novalee.
"Omyghad! Si Blue!" Hindi magkandaugagang sabi n'ya habang nakatingin sa direks'yon ng isang grupo ng mga lalakeng nakapwesto sa may lamesa sa labas, Apat silang lahat.
Kumunot naman ang noo ni Chassy at agad na dumako ang tingin kung ano ang tinutukoy ni Novalee.
Ano ba naman 'to si Novalee? saad ni Chassy sa isipan.
"Whaaa!" Agad na napasigaw si Novalee.
Hinila na s'ya ni Chassy palabas ng 7/11, dahil s'ya na lamang ang nahihiya sa ginawa ng pinsan. Halos lahat yata ng tao rito sa 7/11 ay napatingin na sa kanilang dalawa. Kabilang na din rito ang grupo ng mga lalake na tinutukoy ng kan'yang pinsan.
••
Chassy's POV.
"Blue!" Agad na sigaw ni Novalee. Halos marindi ako sa sigaw n'ya lalo pa't magkalapit lang kami. Sino ba naman hindi maririndi kung ito ang kasama mo, aber? At isa pa— bakit kanina pa 'tong dibdib ko, kalabog ng kalabog? Nakita ko lang naman sa loob 'yong lalakeng nantrip sa'kin kanina sa park. I shaked my head. What the-ang Oa ko na ha?
Hinila ako ni Novalee papalapit ro'n sa mga grupo ng lalake. Halos tulakin ko si Novalee dahil hindi ko alam kung anong ginagawa n'ya, takte Novalee? Ano ba 'tong kaek-ekan mo?
Sa huli ay hindi ko hinayaang mahila ako ni Novalee, pinahawak n'ya sa'kin ang paper bag na kan'yang hawak at saka lumapit do'n sa isang lalake. Kumaway kasi ito sa kan'ya, sino ba 'to? Ang ga-gwapo nila. Nagiinuman ata sila o kumakain lang? Ewan ko.
Nakatayo lamang ako rito banda sa may glass door ng store. Nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung sino 'tong mga 'to. Bakit si Novalee lumapit sa mga ito? Nakita ko pa na nag-picture sila ng lalakeng tinawag n'yang Blue. Halos magtitili si Novalee habang kausap n'ya ang lalake.
Ang tatlong kasama naman ng lalake ay may pinag-uusapan din. Ang dalawa ay nanatiling nakatalikod sa'kin habang ang isa ay paharap ang direks'yon kaya nakikita ko rin ang mukha nito. Bakit ba ang gwapo? mala-angelic face. Shet-grabe naman ata 'yong angelic face na pag-describe. Pero parang gano'n na nga.
Hindi ko lubos maisip kung bakit silang tatlo ay napaharap sa bandang direks'yon ko. Agad nanlaki ang aking mata ng magtagpo ang mga tingin namin ng isang lalakeng kanina lang ay nakatalikod.
Mga ilang segundo siguro kami nagkatitigan at sabay kaming napaiwas ng tingin. BAKIT BA AKO NAKAKARAMDAM NG HIYA? Nakakabwisit na ha! First of all, s'ya lang naman ang nantrip sa'kin which is dapat ikahiya n'ya 'yon! Eh bakit nga ba n'ya kailangang ikahiya 'yon? Ang gulo gulo! Bakit parang pakiramdam ko ang awkward awkward talaga? Ang OA ko talaga!
Naglalakad na kami ni Novalee pauwi sa bahay. Andilim na at wala ng masyadong tao sa labas ng kani-kanilang mga bahay. And iniisip ko kung bakit ba ako nago-over think. May sira ba 'tong mga ugat sa ulo ko o nakalog lang bigla?
Siguro dahil sa pagkakauntog ko kanina. Kelan pa kasi ako naging OA?
"Syet! Ang ga-gwapo talaga nila! Ang gwapo! Ang gwapo gwapo ni Blue! Pati din 'yong mga kasama n'ya!" Kanina pa 'tong si Novalee eh. Ako na nga pinabitbit ng paper bag, ang ingay ingay pa na animo'y ito na ang pinakamasayang araw sa buhay n'ya. Kanina pa ngiting-ngiti d'yan eh.
Eh pano ba naman 'yong Blue pala na 'yon ay 'yong lead vocalist ng bandang pinanuod n'ya lang naman sa park kanina.
Halos 'di s'ya makaget over. Syempre nakapag-picture pa s'ya. At nagtataka lang ako kung bakit hindi pinagkaguluhan 'yong lalakeng 'yon kanina dun sa store kung sikat talaga s'ya?
"Ang ga-gwapo din ng mga kasama n'ya no?" Kinalabit ako ni Novalee.
"Ah O-oo."
'Yung kasama n'ya—Oo nga. 'Di naman mapagkakailang ang ga-gwapo talaga nila. Lalo na 'yong titig no'ng lalake kanina-What? jxskjsjxjsks bakit ko ba 'to pinagiisip?
"Ey Chassy! Novalee!" Napatigil kami nang may humarang sa dadaanan namin. Dalawang lalakeng mas lumapit pa sa'min. Ano na naman bang kelangan nitong si Reyn sa'min?
"Sa'n punta n'yo?" Tiningnan n'ya 'ko.
"Malamang uuwi na diba? Kung hindi ba naman kayo humarang." Inirapan ko s'ya.
"Oh sorry na prinsesa ko. Makakaraan ka na, gabing gabi na. Eh? gusto mo ba na hatid na namin kayo sa inyo?" Tanong nito.
"Mas mabuting 'wag na." Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman sa'kin si Novalee habang natatawa. Tiningnan ko s'ya ng masama.
"Ba't kasi ayaw mo kay Reyn? May itsura naman at matalino raw, hindi halatang minsan ay tambay kesa sa ibang mga kasama n'ya na 'di mo talaga mapagkakailang mga adik! 'di pa nga nakatambay d'yan sa kanto, Mapagkakamalan mo talagang adik HAHAHAHAHA." Halos hindi mapigil si Novalee kakatawa hanggang makarating kami sa bahay. Umiling na lang ako.
Naglatag ako ng foam sa sofa upang free kaming gumulong-gulong roon kesa naman sa malamig na tiles. Magmo-movie marathon na nga yata ako kasama s'ya, kasi hanggang ngayon ay hindi pa talaga ako dinadalaw ng antok. Bahala na. Manonood na lang kami ng kdrama. 'yun nga 'yong gustong gusto ko. Mga love stories!
Ako ang pumili ng panonoorin namin. Kasi ako naman ang nanlibre ng snacks, Oo. ako gumastos no'n. Kasi dapat ako lang talaga ang magdesisyon ng panonoorin namin. at isa pa, kahit ano lang naman pinapanood ni Novalee, walang arte 'yan sa mga pinanonood n'ya. Go with the flow lang 'yan.
Nag-umpisa na kaming manood. Kain dito, kain roon lang kami. Nakakaexcite ang bawat scenes. Shems! Kapit sa subtitle!
~~
Bigla akong naalimpungatan ng tumahol ang aso ng kapitbahay namin. Agad akong tumayo at sinilip ito sa may bintana. Papaalis kasi ang may-ari ng aso kaya grabe ang tahol ng alaga n'ya. Ang dami na ring taong naglalakad sa paligid.
Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit rito sa taas ng sala.
7:30 a.m?
Napasabunot ako sa sariling buhok.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat