Homepage/The Days Of Sunshine/
AILYFAS 1
Chassy Fae's POV
Nandito ako ngayon sa bahay. Nagmumukmok dito sa sala. Wala akong magawa eh. At isa pa, wala akong kasama. Mag-aalas sais na ng gabi. Wala pa si Mudra, siguro madaling araw na 'yon makakauwi, trabaho nga naman n'ya. Nasanay na ako.
Inilipat ko ang channel. Halos ibato ko na ang remote nang napagtantong walang magandang channel. Puro about sa sports, news, mga teleseryeng 'di ko halos maintindihan. Pamagat pa lang ay ang panget na, dagdag mo pa rito ang mga comedy shows na 'di naman nakakatawa. Wala talagang magandang panoorin.
Linggo ngayon. Bukas ay may pasok na naman. Nakakaumay. Ang boring talaga.
Tumayo ako at pinatay na lamang ang tv. Bago ko pa ito mabato ng remote. Sumalpak agad ako sa sofa at nagtalukbong ng kumot. Siguro ay matutulog na lang ako ng maaga. Mas maganda pa 'yon sa kalusugan. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata.
"Chassy!" Agad akong napadilat ng dalawang mata nang biglang may kumalabog sa pintuan namin. Ang war freak talaga! Ano na naman ba ang ginagawa dito ni Novalee? Nakakarindi pa ang sigaw nito.
"Chassy buksan mo 'to!" Napakamot na lamang ako ng ulo at pinilit na tumayo. Tamad kong binuksan ang pintuan at nakita ang babaeng nakatayo roon- nakangiti na tila ay nae-excite na kung ano.
"Ano ba naman Novalee? Ang ingay-ingay mo!" Sabat ko. Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa at roon napansin ang kasuotan n'ya. "Sa'n ka naman ba pupunta at bakit gan'yan ang suot mo?" Nakapanlakad ito. Naka jeans at naka-off shoulder.
"Grabe ka naman pinsan! Ingay lang! Tirahan n'yo naman 'yang mga kapitbahay n'yo. At isa pa, Tinawagan ko si Tita, pinaalam na kita kaya mag-bihis ka na!" Tinulak ako nito papasok. Sinara na n'ya din ang pintuan pagkatapos ay umupo sa sofa at kinalikot ang kan'yang cellphone, habang ako naman ay nakatingin lang sa kan'ya. Ano daw? pinaalam n'ya ako? Na ano?
"Ano ka ba naman? titingnan mo lang ba ako? magbihis ka na!" Sabat nito nang makitang nakatingin lang ako sa kan'ya.
"Kung sinabi mo kasi muna kung saan ang punta natin! At pinaalam mo na agad ako? Eh hindi ko pa nga alam!" Pinanlisikan ko s'ya ng mata.
"D'yan lang tayo sa park oh! Titingin ng banda! Ang OA mo!"
"Sa park lang naman tayo pupunta, naka-off shoulder ka pa. Hindi ka ba lalamigin n'yan?"
"Style 'to! Magbihis ka na! Ang daldal mo. Mamaya magumpisa na 'yon. Bilisan mo!"
"Alam mo namang wala akong hilig sa banda banda na yan!" Oo. uso sigawan sa'min ng pinsan kong si Novalee.
"Ayokong sumama sa'yo. Ikaw na lang mag-isa." Sambit ko at agad s'yang tinalikuran. Maglalakad na sana ako papuntang kusina nang bigla s'yang magsalita.
"Samahan mo lang kasi akong bruha ka! Ikaw nga sinasamahan kita kung kailangan mo ng kasama.'Wag ka ngang tamad!" Giit nito na may halong panunumbat. Mag-karoon ka ba naman ng gan'tong pinsan. Ang war freak talaga kahit kelan. Kung makasigaw naman ay tiyak maririndi ang kahit na sino.
Oo. war freak rin naman ako. Paminsan-minsan. Kaso ngayon, wala siguro ako sa mood.
"Ok. Magbibihis lang ako." Agad akong naglakad at dumiretso sa kwarto upang makapagbihis.
Siya si Novalee ang nagiisa kong pinsan na malapit lang mula rito bahay. Mukhang ilang tumbling lang ay makakarating agad s'ya rito sa bahay. Pareho lamang kaming 16 years old. Kabisado ko na ang katangian n'ya. Maingay, medyo may pagka-praning, mahilig sa mga banda, mahilig din sa mga gwapo, may saltik, at isang war freak, pero maayos at tapat s'yang pinsan. Madalas s'ya ang mga kasama ko kung galaan lang din ang pag-uusapan. Kahit sa'n ako mapadpad ay hindi s'ya magdadalawang isip na samahan ako, at isa pa ay mahilig rin naman s'ya sa mga galaan na iyan kaya ko s'ya sinasama. Hindi kasi s'ya kj. Hindi katulad ng mga plastic na mga kaklase ko sa school, ang plastic at ang susungit.
Nagmadali agad kaming maglakad ni Novalee. 6:30 daw magsisimula tumugtog ang banda. Kailangan ba talaga na hindi s'ya mahuli? Mukhang adik na adik ang isang 'to sa banda na magpe-perform sa park ngayon ah? ano pa nga ba?
Malapit lang ang bahay namin sa park. Papasok lang talaga ang amin kaya kailangan talagang lakarin. Medyo madilim ang daan kaya gumamit kami ng flash light.
"Ano kaya tayo oras makakauwi mamaya?" Tanong ko kay Novalee. Agad naman s'yang napalingon sa'kin ng may pagkairita.
"Hindi pa nga tayo nakakarating Chassy! uwian agad iniisip mo? Kakatawa ka gurl! Wala ka lang sa mood o meron ka ngayon?" Tumawa s'ya na ikinangiwi ko.
"Wala! Bilisan na lang natin maglakad."
"Omyghad! Kasi ang Jevrys na banda ang magpe-perform ngayon! Ka-excite talaga! first time ko silang makita at grabe! ang ga-gwapo nila! Sana jxjsmxnismsxnmsj." Hindi ko na pinakinggan si Novalee. Bahala s'yang makipag-usap sa hangin. Hindi naman ako bastos pero wala talaga akong kainte-interes sa mga bagay na 'yan. Ang Jevrys band kasi ang pinaka-idolo o pinaka-gusto n'ya sa lahat ng bandang pinapakinggan n'ya, at syempre gwapo rin ang mga myembro kaya 'di na ako magtataka kung bakit.
Nang makarating kami sa mismong park ay agad naming nakita ang mga iba't ibang kulay na nagsisi-liwanag sa paligid. May drum set na din sa harap ng stage at tila nireready na ng mga lalake na naroon. Ang mga upuan sa harapan ng stage ay puno na. Lahat 'yon. Wala kaming nakitang bakante. Marami na ring mga taong nakatayo lang at nakasandal sa mga walls. Ano pa nga ba? Edi tatayo lang kami. No choice.
Mas lumapit lang kami sa mga taong nakatayo. Hindi ba kami mangangawit? Tatayo lang talaga kami? Napatingin ako sa paligid. Malaki ang park. Pero itong parte lamang ng parke ang nagagamit kung tutuusin, dito kasi na parte gaganapin ang kantahan ng banda. Sa kaliwa at medyo malayong parte kasi ng parke ay may kadiliman na at wala sigurong tao roon.
Napakaingay ng paligid. Hindi pa man nagsisimula ay halatang excited na ang mga tao na naririto ngayon. Sikat kasi ang bandang magpe-perform ngayon—'yon lang ang alam ko, minsan kasi nakikita ko silang binabalita sa tv. At wala na akong alam tungkol sa kanila. Sabi ko nga, hindi ako interesado.
Nakasuot ako ng fitted gray t-shirt na tinakpan ko ng jacket, naka jeans lang din.
"Whooh!" Narinig kong sigaw ni Novalee. Agad akong napatingin sa stage. Nagsimulang maghiyawan ang mga tao. Nando'n nakatayo ang limang lalake na may hawak na mic. Mas lalo pang umingay ang paligid. Gusto ko mang takpan ang aking tenga, hindi ko na lang ginawa dahil baka nakakainsulto.
Pinilit ko na lang ding tumingin sa stage. May kung ano-anong sinabi na hindi ko naman pinapakinggan.
"Chassy! Ang ga-gwapo nila no?" Tanong ni Novalee.
"H-ha? ah Oo."
Totoo naman ang sinabi n'ya. Gwapo sila. Hindi naman ako mahilig magdeny kung may nagwa-gwapuhan akong tao. In fact, medyo mahilig ako sa gwapo—kaso hindi lang lantaran, sa isip ko lang 'to sinasabi. Katulad rin naman ako ni Novalee in some ways.
Umiwas ako ng tingin sa babaeng nadapa sa mismong harapan upang hindi matawa. Bakit ba kasi sumingit-singit s'ya rito habang ang mga tao ay nagsisiksikan at nag-iingay sa paligid? halos wala na ngang space rito banda sa kinatatayuan namin eh.
Imbis na tumawa ako gamit ang aking bibig ay minabuti na sa isipan na lamang ako humalakhak. Pero okay lang naman siguro na humalakhak dito mag-isa habang ang mga tao ay masyadong busy kakasigaw at kakapanood ng paborito nilang banda—teka. Hindi pa rin naman tumutugtog. Napatingin ako sa stage. May kung ano-ano pa itong sinasabi sa mga taong nanunood.
Wala lang. Sobrang panget kasi ng pagkakadapa n'ya. Halos masubsob na s'ya sa damuhan. Wala pang umalalay sa kan'ya, mukha ngang ako lang nakakita. Nakakatawa talaga—ngayon malinaw na talagang mababaw lang ang kaligayahan ko.
Maliliit lang na mga bagay ang nagpapasaya sa'kin.
Ang ingay ng paligid. Halos sigawan lang ang narinig ko simula nang tumugtog ang banda. infairness, Maganda ang mga boses nila—and the rest, hindi ko na alam. Wala lang. Hindi ko lang talaga alam kung paano mag-criticize ng boses. Wala talaga akong hilig sa gan'yan. Kahit na gaano pa sila kagaling at kaganda ang kanilang mga boses, walang tatalo sa taong walang kainte-interes sa mga gan'yan.
Dalawa lang naman sa mga interes ko ay traveling and reading love stories. D'yan ako mahilig. Nakakakilig kaya!
I crossed my arm. Alam ko namang mabo-bore at mao-op lang ako rito, ba't pa ako sumama? nakakainis naman oh. Hindi ako makarelate.
Tumingin lamang ako sa paligid. Gusto ko na lang magmukmok sa isang lugar na walang mga tao. Ba't kasi 'di ako mapakali?
Ang sama ko ba?
Well, hindi naman masyado. Hindi ko lang talaga bet na sumama kay Novalee. At isa pa, ewan ko ba. Kapag kasi wala ako sa mood, hindi ko bet makipag-usap, at lagi akong parang naiirita kapag wala sa mood. Nakakatuwa talaga ugali ko, ang unique.
Habang ang mga tao ay nagsisigawan, s'ya namang paghikab ko. Tiningnan ko kung anong oras na, 7:10 na pala. Ano bang oras matatapos 'to?
Napalingon ako sa may gilid, malapit sa gate. Mayroon do'ng nagtitinda ng mani, street foods, mais, siopao, shake, cotton candies, siomai at iba pa. Ang daming pagkain. Tiyak mabubusog ako nito.
Nilingon ko si Novalee, busy ang babaita sa kakasigaw, tingnan natin kung 'di ka mamaos d'yan. May balak pa sana akong magpaalam kaso naisipan kong 'wag na, hello? may cellphone. Tatawagan ko na lang s'ya mamaya, ayaw ko na rin s'yang maisturho sa pagfa-fangirling n'ya.
Agad akong lumabas sa bandang area kung saan nagaganap ang tugtugan ng banda. Lumabas agad ako at pumuntang gate upang makakain at the same time ay sumaya na rin dahil sa kabusugan, ayaw na ayaw kong nauumay.
Agad akong pumunta sa nagbebenta ng siomai. Medyo nagcra-crave kasi ako sa siomai, matagal na din akong hindi kumakain nito.
"Pabili po." Inabot ko kay Mamang tag-tinda ng siomai ang fifty pesos.
"Magkano po?"
"Ba ewan ko ho kung magkano 'tong tinitinda nyo. Ako pa tinatanong n'yo, malay ko ba dito?"
"Ibig kong sabihin ay magkano ang bibilhin mo." Napakamot s'ya sa sariling ulo.
"Syempre fifty pesos po inabot ko alangan naman bente, kelan pa naging bente ang fifty pesos?"
"Ah fifty pesos ang bibilhin mo?"
"Kakasabi ko nga lang ho diba? kelangan ulitin?" Napanguso na lang ako dahil ang hirap kausapin ng Mamang nagtitinda. Ang dali lang namang intindihin, pinapakomplekado pa.
"Ah ok. Pasens'ya, Pasensya na." Saad ng Mamang nagtitinda habang natatawang umiling.
Agad s'yang kumuha ng siomai sa kan'yang steamer at nilagay iyon sa lalagyan. Inabot n'ya ito sa'kin na may kasamang tooth pick at Calamansi. Nilagyan ko agad ito ng sauce na maanghang—wala lang, bet ko lang. At umalis na agad ro'n.
Asan naman ako nito kakain? ayaw ko namang dun sa stall ni Mamang 'yun kumain, ano pa-display lang?
Nakakatawa naman oh.
Naglakad ako roon sa isang sulok na parte ng park. Maganda ro'n. Maganda dahil walang tao at madilim. May bench naman roon kaya, siguro do'n na lang ako kakain. Well, rinig na rinig pa rin ang tugtugan sa kabilang parte ng park ngunit medyo malayo naman sila. Malapad kasi ang park. Nasa tabi ng play ground ang stage at kung saan tumutogtug ang banda.
Dito naman sa pinuntahan ko, nandito 'yung mga bench na tambayan.
Maghahanap na lang ako ng mauupuan. Unti-unti din akong nilalamig kahit may jacket na nakabalot sa katawan ko. Sino ba naman ang hindi lalamigin ng gan'tong oras ng gabi?
Hayss na lang talaga.
Nang makakita ng bench sa bandang dulo ay agad na akong lumapit at umupo agad rito. Ang lamig sa pwet. Sa likod ko naman ay may malaking puno. Ang lamig ng hangin ha, baka may kaluluwang nagpaparamdam dito ha? Shhh. Ang paranoid ko.
Hindi naman masyado madilim dito pero medyo madilim lang, ano daw? Basta meron namang kunting liwanag. Napatingin ako sa kalangitaan, Full moon pala no? Ang dami pang bituwin. Ang ganda naman.
Naubos ko na ang siomai. Nakakabusog naman. Pero medyo—may anghang. Malamang maanghang pinili kong sauce alangan naman matamis ang kalalabasan? Hello?
Ang tanga mo. Pati sarili mo pinipilosopo mo.
Natawa ako sa subconcious ko. May saltik naman talaga ako matagal na. Bumabalik na ako sa mood eh.
Habang walang ginagawa at nakaupo lamang, dinukot ko na lang ang phone ko mula bulsa. magsc-scroll na lang muna ako sa internet. Wala naman akong ibang kasama rito upang makausap. Hayss nga naman. Si Novalee kasi eh. Nilingon ko ulit ang direksyon kung saan nagaganap ang tugtugan.
-
Third person's POV.
Nasa likod ng van ang tatlong lalakeng nakaupo at may mga halakhak na kumakawala sa kanilang mga labi. Nagu-usap at nagkwe-kwento kasi ito ng mga experience nila sa tungkol sa kani-kanilang kalokohan.
"HAHAHA Naku dabest 'yung reaction ng babae kanina sa mall!"
"Putcha Oo nga!"
"Ginulat mo eh!" Sabat ni Aldwin at hindi napigilang matawa.
"She even blushed! hanep." Sabat naman ni Alger.
"HAHAHA Sorry naman!" Nag-cross finger si Blake.
Silang tatlo lamang ang natira sa van. Naguusap ng mga walang kwentang bagay pero para sa kanila ay may kabuluhan iyon.
"Ang tagal naman tumugtog nina Blue! Naiinip na ako. Uwing-uwi na ako!" Napakamot si Alger sa sariling ulo.
"Mmm? What if we play!" Suwestyon ni Blake.
"What game?" Aldwin asked.
Nag-isip sila ng ilang minuto bago muling nagsalita.
"What if, gawin mo na lang 'yong dare mo Aldwin? since ikaw na lang ang hindi pa nakakagawa? How was it Alger?" Nilingon ni Blake si Alger.
Agad itong tumango.
"Good idea! I'll just take a video para naman makita ni Blue!"
"Fine!" Nakangiting sambit ni Aldwin at tumungga ng tubig na nakalagay sa plastic bottle na nasa tabi n'ya.
"So what's the dare?" Tanong ni Aldwin nang biglang hindi umimik ang dalawa nitong kasama. Agad naman n'yang napansin na palingon-lingon ang dalawa sa paligid. Napakunot noo siya.
Agad n'ya itong inambahan ng batok.
"Aray Aldwin!"
"O-ouch!"
"Ano na nga 'yung dare?" Tiningnan n'ya ang dalawang kasama na nakatingin sa isa't- isa at napapaangat ng dalawang kilay, dagdag pa dito ang tila ibang ngiti na halatang may isang malaking kalokohang naisip.
"Nakikita mo 'yong babae dun?" Itinuro ni Alger sa malayuan, bandang madilim na parte. Merong babaeng nakaupo roon, nag-iisa.
Nakikita nila ito dahil sa hawak ng babaeng cellphone na nagbibigay liwanag sa kan'yang mukha. Tutok ito sa kan'yang cellphone at tila hindi man lang naiilang dahil medyo madilim ang kaniyang pwesto.
Kinunutan ni Aldwin ng noo ang dalawang kasama.
"'Yun? Tao ba 'yan?" Turo ni Aldwin.
"Malamang Aldwin! Babae pa yata 'yan eh!"
"Oh ano na ngang gagawin ko sa kan'ya?" Tanong nito.
"Amm, Just say that-y-you love her, that's all." Blake said at mahinang tinanguan ni Alger.
"What's the exact sentence?"
"Just say that, I love you. Balik ka na agad dito. Yun lang."
Napailing si Aldwin.
"You know that word isn't necessary to be used if you don't mean it. Iba na lang." Pangagatwiran ni Aldwin.
"Kelan pa ba kami hindi um-oo sa mga dare n'yo? lahat kaya ginagawa namin. Diba nga walang kj sa'tin!" Sabat ni Blake na nag-pout pa.
"Tigilan mo nga 'yan Blake! Hindi bagay sayo! Edi Oo na gagawin ko na!" Mabilis na desis'yon ni Aldwin.
"Yes! Mabilis lang naman kasi ito eh. Balik ka na agad dito pagtapos mo sabihin 'yon, kukunin lang naman namin 'yung reak'syon ng babae. Bilisan mo! baka umalis na 'yan!"
"Fine!"
Walang nagawa si Aldwin at agad na bumaba mula sa pagkakaupo sa likod ng van. Agad s'yang nagsimulang maglakad. Nilingon n'ya naman ulit ang dalawang kasama na may hawak na camera. Izo-zoom lang nila ito mamaya upang makunan ng video.
----
Chassy Fae's POV.
Ang hirap pala puro scroll lang. nakakapudpod din ng kamay. Nakakatuwa. Hindi pa tapos ang tugtugan, hula ko lang. Eh mas lalong tumindi ang ingay roon eh. Mas tumutok na lang ako sa kaka-cellphone. Ang lamig din ng paligid.
Napapitlag ako ng may kumalabog na ano sa likod ko, diba nga may puno sa likod ko? Dalawang beses na naulit ang kalabog, tumayo ako at pigil hiningang lumingon sa likuran.
Mama!- Takot pa naman ako sa multo. Halos maramdaman ko ang kalabog ng dibdib ko. Bakit ba parang takot na takot ako?
Wala namang multo dito, katapat ko ang puno, wala naman akong nakikita.
Eh nag-iisa pa naman ako rito, baka pinaglalaruan na ako?
Nakaramdam ako ng kalabit, bigla akong natigilan, hindi sana ako lilingon pero may kumalabit ulit sa'kin. So hindi pala nasa puno 'yung multo? Nasa may unahan pala?
Halos pigil hininga at papikit akong lumingon ng dahan-dahan. Halos mapamura ako nang biglang lumakas ang hangin. Shet!
Agad akong napadilat ng tuluyang makaharap, kumakalabog pa rin ang dibdib ko sa nerbyos. Ngunit hindi pala isang multo ang nasa harapan ko, kundi isang lalakeng napaka-gwapo.
"I love you."
Napapitlag ako at sa sobrang gulat sa sinabi n'ya, bigla ko s'yang nasampal ng malakas.
Nakita ko s'yang napapikit na tila ininda ang sakit noon habang naka-side view. Mas lumiwanag ang sinag ng buwan at mas lalo ko tuloy naaninag ang namumula n'yang pisngi.
Tumingin s'ya sa'kin ng seryoso at naramdaman ko na lang na mas naging triple ang kalabog ng dibdib ko. Galit ba s'ya?
Sa mga oras na ito, masasabi kong, sana lamunin na lang ako ng lupa.
_I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat