AILYFAS 5

__
Third Person's POV.
Agad napalayo ng mukha si Chassy dahil sa pagkabigla. Napaatras din ito. Mabuti na lang at mabilis ang pagkilos ni Aldwin kaya agad n'yang nahawakan si Chassy sa bewang at inilayo ng pwesto, kung hindi ay baka natumba na ang mga nakadisplay sa likod n'ya at baka nga napasama pa s'ya rito.
Halos mapamura na lang si Chassy dahil sa nangyare. Iniisip naman n'ya ang katangahan n'ya.
Napatingin si Aldwin kay Chassy at napabitaw na lang bigla sa bewang nito nang mapagtantong nakahawak pa rin pala s'ya rito. Napakamot na lang s'ya sa ulo at tiningnan ng maigi si Chassy. Ro'n n'ya lang din napansin na nakatingin din ito sa kan'ya ng diretso.
Ilang minuto din nagtagal ang titigan nila at si Chassy ang unang bumawi ng tingin. Napangisi naman si Aldwin at sadyang inilapit ang mukha kay Chassy na may ibubulong lang ngunit nagdikit ang kanilang mga pisngi.
"Maybe you should start taking care, Chassy." Bulong nito na medyo natatawa at tska iniwan na ang dalaga na halos nanigas lang sa kinatatayuan. Hindi n'ya ma-sink in sa utak n'ya ang nangyare ngayon ngayon lang. Parang may iba s'yang naramdam.
Napahawak si Chassy sa ulo. Napansin n'yang pinagpapawisan s'ya kahit nasa mall naman s'ya. Napabuntong hininga ito at lumapit na lang sa kaibigang si Gaylene na ngayon ay may kausap na babae--kaya pala ito matagal.
__
Chassy's POV.
Kakauwi ko lang dito sa bahay. Inihatid ako rito ni Gaylene sa bahay. Agad akong pumasok sa kwarto at mabilis na naglinis ng katawan, pagkatapos no'n ay nagbihis ng pantulog. Nakabili na s'ya ng regalo para sa Papa n'ya. May kung ano ano pa nga s'yang binili kanina sa Bool store na requirements daw para bukas sa Mapeh activity namin.
Parang lutang lang ako kanina sa mall dahil 'di ko man lang naisip na bumili para sa'kin. In-open ko ang aking cellphone. Sinubukan ko siyang tawagan uoang itanong ang mga listahan ng kailangang bilhin para bukas, pero walang sumasagot. Naalala ko 'yong sinabi n'ya sa'kin kanina. Sasamahan n'ya pala ang Mama n'ya na magprepare para sa handaan bukas ng Papa n'ya.
Napailing na lang ako at binuksan ang tv. Iniligpit ko naman ang nakitang kalat sa glass table namin dito sa sala at agad na kinuha ang bag mula sa kwarto at naghalungkat dito. Magre-rewrite na lang ako ng mga notes at ise-search din ang mga meaning nito sa internet habang wala pa akong ginagawa. 'Yun din naman ang gagawin ng mga guro namin. Tatanungin kung anong meaning ng kung ano-anong bagay. Sus, kabisado ko na sila.
Inilabas ko ang isang sticky note na nakita mula sa loob ng bag. Kukay green ito at may nakasulat. Wala naman akong sticky notes ah? Paanong merong gan'to sa bag loob ng bag ko?
Binasa ko ito.
04/25/2020
Needed for tomorrow's activity:
Ruler
Scissor
Cartolina- 5 colors
Band paper
Color pens or pastel
Glue or paste
Pencil
Colored paper
Marker
Designs - 5 above (Anything will do)
:)
Sino naman kayang mabait na naglagay nito sa bag ko? Sigurado naman akong hindi ito sulat kamay ni Gaylene. Baka ng naman nilagyan nila ng kalat 'tong bag ko pero may napasamang gan'to, swerte ko pa rin naman no? Pero haya'n na. Bibili na'ko ngayon. Pasalamat ako dahil may naligaw na gan'to sa bag ko. Kung hindi ay baka mase-sermonan ako ni Ma'am Devion o kung may mas malala pa ro'n. Huling subject teacher namin s'ya bago mag-uwian.
Kinuha ko ang wallet sa kwarto at agad na lsinarado ang bahay at lumabas ngunit bumalik din ako dahil nakalimutang nakabukas pala ang tv.
Kasalukuyan na ako ngayong naglalakad papuntang highway dahil bibili sa malapit na store na pwedeng mapagbilhan. Hindi pa naman masyadong gabi kaya naman sigurado akong marami pang bukas. Eh bakit naman sila magsisirado ng gan'to kaaga? Marami pa kayang gustong bumili ng gan'tong oras.
Pagdarating si Mama mula sa trabaho ay meron kaming sariling parking area malapit sa highway. Hindi kasi masyadong nakakapasok ang mga sasakyan dito sa'min. Ewan ko ba, siguro takot na din ng iba na magkanda-butas ang mga gulong ng sasakyan nila.
Malapit na ako sa may labasan nang biglang mahakip ng mata ko si Reyn na papalapit sa'kin. Ano na naman kelangan ng isang 'to? Halata talagang tampay.
"Hi Chassy." Saad nito nang makalapit sa'kin. Sinusundan naman n'ya ako habang naglalakad.
"Anong problema mo?" Tanong ko.
"Sa'n ba punta mo?"
"May bibilhin lang."
"Samahan na kita?"
"'Di na kelangan, bye!" Saad ko na lang nang makarating na sa may highway. Agad akong tumawid nang saktong wala pang napapadaan na sasakyan.
•
Aldwin's POV.
I drove my car. Tama nga ang hula ko. Ginabi kami. But it's no big deal. They have their car or drivers with them. So as of me, I took my car with me. I looked at my wrist watch and it's already 6:20 in the evening. Siguro makakarating ako sa bahay ng mga exact 8 dahil may dadaananan pa akong bakery. Wala lang. May na-miss lang akong deserts and sweet cupcakes mula sa bakery na 'yon. Basta bibili lang naman ako at 'di naman magtatagal.
Pinark 'ko ang sasak'yan sa 'di kalayuan malapit sa bakery. Agad akong pumasok ang then I buy what i wanted to eat. Gano'n pa rin pala ang bakery. Napaka-representable pa rin ng disen'yo nila.
"Thank you sir." I nodded as the cashier gave me the two boxes.
Agad na akong lumabas ng bakery and then walked towards where I parked my car. Pinatunog ko ang button na nasa keychain na hawak ko.
Pumasok ako sa kotse and put the boxes in the backseat. Bumalik agad ako sa driver's seat at umalis na sa pagka-park ng kotse. Umalis na ako sa pwesto ko but I stopped the car when I saw someone. Nakahawak ako sa manibela ko. As I using a convertible car, pinataas ko ang roof ng kotse ko dahilan para makita ko ng maayos ang babaeng kakalabas lang ng isang department store.
Hindi s'ya malayuan kung saan ako. She suddenly stop na para bang may iniisip. I rotated my head habang nakatingin sa kan'ya. I want to know what's she thinking all about. And then I noticed that she was from department but she didn't brought anything?
A shocked was flashed into my face when two guys pulled Chassy at agad na ipinasok sa kotse. The two guys we're familiar. Nagtiim bagang ako. Anong kailangan nila kay Chassy?
Bago ko pa man mapaandar ang kotse ay may naramdaman akong nakatutok sa leeg ko. A knife. Shit! Chassy's already in danger! Not now please!
"We met again Aldwin Luke! Moved!"
Agad ako nitong tinulak sa passenger seat at agad s'yang sumakay sa driver's seat. Pinaandar n'ya ang engine ng kotse at agad na tumakbo ito.
Ngayon ay narealize ko ng sinusundan namin ang sasakyan kung sa'n isinakay si Chassy. And now I know that they we're companions. Hindi ako magmamatigas para 'di s'ya mainis sa'kin at para mailayo ko na din si Chassy sa kanila. What those guys needed from her? I don't even know. Maybe they caught me looking at her? Kilala ko sila. Idadamay nila lahat ng pwede nilang idamay just to make theirselves satisfied.
Baka anong gawin nila kay Chassy! Fuck.
Wala naman s'yang kaalam-alam dito. Wtf!
Nandadamay talaga sila!
Galit akong napakagat labi habang ang nagmamaneho ay napapatingin sa'kin habang humahalakhak.
"Concern ka?" Pang-aasar pa nito at binilisan ang takbo ng kotse ko.
Kung hindi lang ako makapagtimpi ay baka gumawa na ako ng paraan para mapalabas s'ya sa mismo kong sasakyan pero hindi. I need to safe Chassy. She was innocet from this kind of bullshit.
And it's my conscience kung may mangyayareng masama sa kan'ya. Napapakuyom na lang ako ng kamao and trying to relax my self although I really want to punch this man's face right now.
"Matulog ka muna, Aldwin. Mahaba-haba pa ang byahe natin." Sambit nito habang nagmamaneho. I can't do anything!
I can't think such useful thing to escape him because Chassy needs help!.
.•
Chassy's POV.
Sinuntok-suntok ko silang dalawa. 'Tong dalawang lalakeng kasama ko sa backseat. Sino ba naman 'tong mga walang kwentang tao na dumukot sa'kin? Inaano ko ba sila? Nanahimik nga lang ako. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Magpa-panic ba ako oh ano? Pero kinakabahan din ako! Baka mamaya 'di na ako makauwi ng buhay!
Sino ba kasi 'tong mga 'to? Kanina pa nila ako hinahawakan sa magkabilang braso at kanina pa din ako hindi tumitigil sa pagpalag. Kanina pa rin ako sinasaway ng kasabwat nilang nagmamaneho pero wala akong pakealam. Nakakatakot man sila pero kailangan akong makagawa ng paraan para makaalis dito! Sa'n ba kami pupunta? kanina pa kami bumabyahe!
"Tulong!" Sumigaw ako ng malakas na para bang may nakakarinig sa'kin. Nagsisisigaw ako nang makitang masyado ng madilim sa labas.
"Bitawan mo'ko!" Bulyaw ko sa isa. Ngunit 'di ako nito pinakinggan hawak hawak pa rin nila ako.
Bakit ba 'di sila nagsasalita kanina pa? Halos sapakin ko na sila pero maya-maya naman ay nahuhuli nila ang braso ko. Nakakabwisit! kinakabahan na'ko! Jusko. Sa'n ba nila ako dadalhin!?
Napa-maang ako ng biglaan akong hinila na palabas. Nakahinto na pala kami sa isang-- San'n naman 'to? Nang makababa sa kotse ay agad akong nagpumiglas para makatakbo! Uuwi na na'ko! Kinakabahan na'ko! Bakit nila ako dito dinala sa may gubat? Kumakalabog ang dibdib dahil sa kaba. Pinaghahampas ko ang dalawang lalakeng humahawak sa'kin.
"Bitawan n'yo nga kasi ako! Kidnapped for ransom ba 'to? Kakabwisit ka'yo ha!" Pinagsisipa ko sila at pinaghahampas ngunit 'di man lang nila ako magawang kalasan ng pagkakahawak. Ang higpit pa ng hawak na tipong--
"Ano na naman ba 'to!?" Napaangat ako ng tingin at gulat na gulat dahil nandito rin ang seatmate ko! Itinulak ito ng isang lalake papalapit sa harapan ko. Kinuha rin s'ya!? So, Hindi lang ako mag-isa! Mga hinayupak 'tong mga 'to!
Naramdaman kong may malakas na pwersang tumulak sa'kin mula sa likuran-- Pasulong tuloy akong napahakbang paunahan at na-out of balance. Kaso naramdaman ko na lang na nakasubsob na ako sa dibdib ng seatmate ko. Kumabog naman bigla ang dibdib ko nang masalo n'ya ako. Inalalayan n'ya agad akong makaangat.
__
Third person's POV.
"What the fuck is this!?" Sigaw ni Aldwin nang bigla na lamang silang lagyan ng tali sa kamay mula sa likuran habang dala dala ng tag-iisang lalake. Papasok sila ngayon sa isang abandonadong bahay dito sa isang madilim na gubat. Pilit na pumipiglas si Aldwin ngunit wala din s'yang magawa. Pawis na pawis na rin ito.
"Chill lang Aldwin Luke!" Sigaw ng kakapasok lang na lalake na s'yang nagmaneho ng sasakyan ni Aldwin kanina lamang.
"Ranger! Get her out of this place! Bakit ka ba nandadamay?"
"I thought you two have connections, Like--" Hindi pa man ito nakakatapos sa sinasabi ay agad na sumabat si Chassy.
"Ano bang koneks'yon sinasabi mo? Kutong lupa ka! Ang sakit ng pagkakatali n'yo!" Sigaw nito.
Natawa naman si Ranger at agad na lumapit kay Chassy. Kinuha niya ang isang swift knife mula sa bulsa at itinutok kay Chassy.
"Ranger!" Sigaw ni Aldwin at nagpupumiglas.
"MANAHIMIK KA NA LANG!" Sigaw ni Ranger kay Chassy at agad na binaling kay Aldwin ang tingin.
"'Wag kang masyadong concern. Wala namang masasaktan ngayong araw. Gusto ko lang, parang sayangin ang oras n'yo. Gano'n!" Pabalang na binitawan ng dalawa nitong kasama sina Aldwin at Chassy na may tali sa kamay. "Gubat lang naman 'to. Kung makakauwi kayo, nasa sain'yo na. At saka! Mmm? Mabait na ata ako Aldwin! Iiwan ko ang kotse mo sa 'di kalauyan dito. Ikaw na lang bahala mag-hanap. Amm, At saka ila-lock namin ang pintuan. Madali lang namang sirain 'yun diba? Babye? Aalis na kami." Lumapit muna ito kay Aldwin at sinikmuraan ito bago tuluyang umalis kasabay ang dalawa nitong kasama.
"Bwisit kayo!" Sigaw ni Chassy.
"Fuck!" Napamura na lang si Aldwin ng pabulong.
Agad na lumapit si Chassy sa kan'ya. Kahit na medyo madilim ang kinaroroonan nila ay naaaninag naman nila ang isa't-isa. Napatingin si Chassy sa lalakeng nasisilawan ng konteng liwanag.
"Ayos ka lang ba ano amm--"
"Aldwin."
"A-ah Oo, Aldwin ayos ka lang?"
Napatingin ito sa kan'ya at hindi naiwasang napangiti ngunit agad din n'ya itong tinanggal 'yon. Tumango lamang s'ya kay Chassy. Nag-iisip pa s'ya ng tamang gagawin para makalabas silang dalawa mula rito. Sumandal s'ya sa malapit na dingding at isinanadal rin ang sariling ulo.
Napalunok lamang si Chassy at agad na lumapit palapit kay Aldwin.
"Paano ba tayo makakaalis? Nakatali pa tayo." Tanong niya dito nang makalapit. Hindi tuloy n'ya maiwasan na 'di mapatingin sa jawline ng lalake habang nasisinagan ito ng konteng liwanag.
"Don't worry. Ako ng bahala. Sorry pala sa abala Chassy." Iniangat ni Aldwin ang ulo.
"S-sorry? Para sa'n ba?" Tanong naman nito.
"Nadamay ka lang naman." Tumayo na si Aldwin ng maayos. Agad na nagsalubong ang tingin nila ni Chassy pero panandalian lamang 'yon.
"H-hindi naman. Mga tarantado lang siguro 'yung mga 'yun."
Napangiti si Aldwin sa pangalawang pagkakataon.
"Come closer." Wika ng binata.
"H-ha?" Sa hindi naman malaman na dahilan ay kumalabog bigla ang dibdib ni Chassy.
"Kakalasan kita ng tali. Lapit na."
Mas lumapit naman si Chassy kay Aldwin gaya ng sinabi ng binata at ayun nga ay nag-umpisa na nitong kalasan ang tali mula sa kamay ni Chassy. Nang matapos ay si Chassy naman ang kumalas ng tali sa kamay ni Aldwin.
Kumapa-kapa sila sa paligid dahil 'di nila masyado naaninag ang ibang parte kung nasa'n sila ngayon. Si Aldwin ang naunang pumunta malapit sa pintuan at agad n'ya namang hinawakan ang kamay ni Chassy para makalapit sa kan'ya.
"Just stay here. Bwe-bwelo lang ako para mabuksan ang pinto." Saad ni Aldwin.
"Sige."
Mga ilang sandali ay nabuksan din ang pinto. Pawis na pawis si Aldwin habang tinanaw ang pwesto ni Chassy. Agad n'ya itong nilapitan at lumabas na sila ng bahay. Ngayon lamang n'ya naalala na naiwan pala ang kan'yang cellphone sa loob ng kotse. Napabuntong hininga na lamang s'ya.
"Pa'no tayo makakaalis dito ngayon?" Tanong ni Chassy na halatang kabado dahil sa mga nagtataasang puno na tila sumasayaw pa ang mga sanga nito. Dagdag pa rito ang dilim
Takot pa naman ito sa multo.
Mas lumapit sa kay Aldwin dahil nga medyo kinakabahan ito. Napatingin naman sa kan'ya ang binata at hinawakan na lamang s'ya sa may pulsuhan at kumaliwa sa isang daanan.
"Sa'n 'to?" Giniginaw na tanong ni Chassy.
"I don't have an idea. Sabi ni Ranger ay inilagay n'ya ang kotse ko malapit lang sa bahay na 'yon, but where it was?" Naglalakad pa rin sila ngayon habang hindi tinatanggal ni Aldwin ang nakahawak na kamay sa pulsuhan ni Chassy.
Hindi naman na nag-isip ng kung ano si Chassy dahil alam n'yang mas kampante s'ya rito dahil na rin sa mga naiimagine na multo sa kan'yang utak. Pero ang init na rin siguro ng kamay ni Aldwin ang nakakapag-kalma sa kan'ya.
"Where the fuck it is!?" Nagulat s'ya dahil sa biglaang pagsigaw ni Aldwin. Agad naman s'yang tiningnan ng binata "Oh, I'm sorry."
••
Chassy's POV.
Kanina ko pa talaga pinapakalma ang sarili ko. Marami ng akong nakakatakot na imagination sa utak ko! Please naman oh! Paano ba kami makakaalis dito? Mabuti na lang talaga may kasama ako. Eh pa'no kung wala? Pa'no na lang ako? Wala pa akong kaalam-alam sa lugar na ito!
"Are you okay?" Nabigla ako dahil may biglang nagsalita.
"Medyo." Nasagot ko na lang.
Putragis naman! Kanina pa kami naglalakad! Maawa naman kayo sa'min! Lalo na sa'kin, lamig na lamig na 'ko rito.
Napansin kong nakausot pa rin pala si Aldwin ng uniform. Siguro ay 'di pa s'ya nakakauwi. Pero sana makauwi na kami! Nakakatakot na talaga! Lalo pa 'yong mga tunog ng dahon sa paligid! Oa na kung Oa!
Please naman oh. Gusto ko ng umalis dito. Namamawis na ako dahil sa sobrang kaba.
Ayoko talaga sa madidilim masyado dahil nakakaimagine ako ng kung ano-ano. Pero bakit ro'n kanina sa bahay ay 'di man lang ako masyadong natakot? Siguro nga pag nasa labas tapos madilim.
Nagtaka ako dahil tumigil kami. Tiningnan ko s'ya at nakapaside view itong nakatingin sa'kin. Ang ganda naman ng jawline n'ya- bwisit na 'yan! Ano bang iniisip ko?
"Magbo-bonfire muna tayo. It looks like you're cold. Is it ok?" Tanong nito. Maganda siguro kung hahanapin muna namin ang kotse n'ya hindi ba? Pero kasi tama naman s'ya, nilalamig na rin siguro s'ya.
Ilang minuto lang ang ginugol namin at nakalikha na ng apoy. Napaupo ako sa isang malaking kahoy at s'ya naman ay sa isang malaking bato kaharap ko. Nakatingin lang ako sa apoy nang bigla s'yang magsalita.
"Okay ka lang ba?"
"Oo nama-" Hindi pa ako nakakatapos nh sagot ay may narinig ako mula sa aking likuran. Isang kaluskos. Nanigas ako dahil sinundan pa 'yon ng sunod sunod na pagkaluskos.
"Ahhhhhh!" Napatayo ako ata agad na tarantang lumapit sa kan'ya. Hindi ko tuloy nakita ang isang malaking bato na nasa harapan ko kung kaya't 'di sinadyang bumagsak kami sa lupa, Bwisit nakasubsob na naman ako sa dibdib n'ya. Bwisit ba naman Chassy! Katangahan mo!
Agad akong napaupo sa lupa.
"I thought you're okay?" Tanong nito habang ako ay nakatingin lamang sa unahan dahil sa katangahan ko. Hindi ko alam kung tumatawa ba s'ya o guni guni ko lang. Ang sexy naman n'ya tumawa--Umayos ka nga Chassy!
"Tara na!" Nauna s'yang tumayo at pinagpagan ang kan'yang sarili. Nakita kong inilahad n'ya ang kamay sa'kin, agad ko naman itong tinanggap at tinulungan n'ya akong makatayo.
Nanlaki ang mata ko nang bigla n'ya akong hilahin palapit sa kan'ya. Ang lapit tuloy ng mukha namin!

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Maezy Miguel

    this story is like my story

    29/03/2025

      0
  • avatar
    Justine Atendido

    ganda

    27/03/2024

      0
  • avatar
    Daniel Queliza

    kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn

    22/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata