Tao ka pa rin

Malungkot ang mga mata ng lalaki habang pinagmamasdan siya subalit nanatili itong kalmado. “Miss Locsin, pinatay ba kita nang gabing uminom ako ng dugo sa iyo? Buhay ka pa, hindi ba? Oo, nabawasan ang dugo mo pero nag-regenerate din naman. Wala akong ginawang masama sa iyo. Ni hindi ka nagkasakit. Parang nag-donate ka lang ng dugo sa Red Cross.”
Kung magsalita ito, parang wala-wala lang na bampira ito at ininuman siya nito ng dugo. Inuuto ka lang niyan. Huwag kang magpapadala. Lalo na ang mga guwapo, manlilinlang ang mga iyan que tao o bampira. Saka sinong lolokohin niya? Sa dami ng napanood kong pelikula at nabasa kong kwento tungkol sa bampira, lahat sila umiinom ng dugo at pumapatay.
“Sabi mo di kayo pumapatay ng tao. B-Bakit gusto akong patayin ng mga kasama mo?” matapang niyang tanong. “Mga kampon kayo ng demonyo!”
“Una, hindi namin kasama ang lalaking ka-date mo at gustong pumatay sa iyo. We rojos don’t kill people. Huwag mong I-generalize dahil may mga mabuting bampira at masasamang sanguis. Pangalawa, hindi kami kampon ng demonyo o apo ni Dracula o kinagat ng paniki kaya naging sanguis. We are none of those things. We are children of the moon, the children of mayaris or tennyos.”
“A-Anak kayo ng mga mayari?” Iyon ang tawag sa mga diwata ng buwan sa kwento niya na nakikipagniig sa mga tao at nagkakaanak ng mga bampira. Kahalintulad ang mga ito ng mga tennyo sa Japan.
“Yes. Katulad sa mythology na ginawa mo sa bampira mo, anak kami ng mga diwata ng buwan.”
“Akala ko sa Sailormoon at Inu Yasha lang iyon napapanood. O kaya sa Ayashi no Ceres.”
Kumunot ang noo ng lalaki. “Sino si Sailormoon at Inu Yasha?”
“Anime characters sila sa Japan. May mga kwento sila tungkol sa mga tennyo. Di mo ba sila kilala?” inis pa niyang tanong.
Ipinilig nito ang ulo. “I don’t have time for silly fiction stories.”
“Pero totoong may mga mayari. Nakakalipad sila galing sa buwan papunta sa Earth?” tanong niya. It was interesting.
Resulta lang ang lahat ng imahinasyon niya. Parang sa fairy tale lang nangyayari. Pawang gawa-gawa lang ng mga tao noong unang panahon para ipaliwanag ang mga bagay na ‘di maunawaan.
Mga diwata ng buwan. Bampira. Ano pa? Hindi imahinasyon lang ngayon ang mga alaala sa utak ko.
Unti-unti siyang napaupo sa sahig na kahoy saka sinapong meron ang ulo. “N-Nahihilo ako sa mga nalalaman ko. Baka panaginip na naman ang lahat ng ito.”
Kinuha nito ang baso ng tubig at inalok sa kanya. “Uminom ka muna. Tatlong araw kang walang malay. Kailangang bumawi ng katawan mo dahil dehydrated ka.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Baka may lason iyan o gayuma”
Bumuntong-hininga ang lalaki. “Kung gusto kitang lasunin, di ka na humihinga sa ngayon. At sa palagay ko di ko na kailangang gayumahin ka.”
Matalim niya itong tiningnan. Oo nga pala. Siya ang nagkagusto dito. “Tiyakin mo lang na wala itong lason dahil mumultuhin kita kapag namatay ako.”
Tinungga niya ang tubig. Parang disyerto na napatakan ng ulan ang lalamunan niya. Ibinalik niya ang baso ng tubig sa lalaki. “Gusto mo pa?”
Tumango siya. Unti-unting pumepresko ang pakiramdam niya at bumabalik ang kanyang lakas. Nakatatlong baso siya ng tubig bago muling nagsalita.
“’Yung mga mayari, paano sila nakakababa mula sa buwan? Naka-spaceship ba sila?” tanong niya.
“May Robe of Heaven sila na tinatawag. Suot iyon ng mga dalagang mayari kapag pumupunta sa mundo ng mga tao. Kapag suot nila iyon, nakakapaglakbay sila sa sinag ng buwan. Parang may invisible tunnel na daanan. Bumubukas lang iyon kapag kabilugan ng buwan. Nagpupunta sila dito para maligo at makihalubilo sa mga tao. They drink their blood and they also make love. At ang anak nila sa tao ay nagiging sanguinare o mas kilala bilang bampira.”
“Sanguinare?”
“It is Latin word for to bleed. Kaya sila tinawag na sanguinare. Namuhay sila ng normal kasalamuha ng mga tao, nakapag-asawa ng mga tao at nagkaanak. Sa kabuuan, kilala ang mga bampira bilang sanguis.”
Kumunot ang noo niya. Kung magkwento ito, parang normal lang ang mga bampira at mabubuti. “P-Pero may nagiging bampira dahil kinagat sila ng bampira?”
“Meron. Pero boluntaryo ito at may pahintulot ng gustong maging tao. Sila ang mga esclavo. It was all consensual. Pero dumating ang panahon na may mga sanguis na di masaya sa pag-inom lang ng dugo sa mga tao at pagtrato sa mga ito bilang kapantay. Para sa kanila, pagkain lang daw ang mga tao. Kaming mga sanguis daw ay maghari sa mundo. Kaya nagkaroon ng digmaan ang mga sanguis sa pagitan ng mga rojo na pinoprotektahan ang mga tao at mga umbra na gustong pumatay ng mga tao. Katulad iyon ng bampirang sumalakay sa iyo. Saan mo napulot ang lalaking iyon?”
“Sino?”
“Bakit nakipag-date ka sa kanya?”
Bumuntong-hininga siya at bahagyang nanginig nang maalala si Kenneth. “K-Kilala niya ang kaibigan ko dahil binigyan daw siya ng free passes at discount sa bar. Hindi ko pa makuha ang mood ko sa pagsusulat kaya pinagbigyan ko ang mga kaibigan ko. Nagpunta kami sa bar. Baka sakaling magka-idea ako. Nagkataon na nandoon si Kenneth at ine-entertain kami kasama ng mga kaibigan niya.”
“Do you like this Kenneth?”
Bahagyang tumaas ang boses nito kaya tumaas din ang kilay niya. “Hindi. Masyadong feeling at touchy. Saka ‘di ko gusto ang bar nila. Masyadong maingay at mausok. Parang kapag nagtagal pa ako doon, lalabas na akong may lung cancer. Ang totoo, kaya ako umalis sa bar dahil nakita ko ‘yung isang bampira na umiinom sa isang babae.”
“Saan?”
“Sa restroom ng bar. Akala ko trip-trip lang nila at nagro-roleplay sila. Uso naman ang ganoon sa panahon ngayon kaso walang pasintabi dahil ‘di man lang sila nag-lock ng pinto.”
“Fuck!” usal nito at ihinilamos ang palad sa mukha. “May iba pa.”
“Nagyaya na akong umalis sa mga kaibigan ko pero ayaw nilang iwan ‘yung mga nakilala nila sa bar. Nag-alok si Kenneth na ihatid ako dhail na rin sa mga kaibigan ko. Mas safe daw ako sa kanya. Pero nag-iba ng daan ang taxi namin kaya naalarma ako.” Kinilabutan siya nang maalala ang pangyayari at niyakap ang tuhod. “Inilabas din ni Kenneth ang totoo niyang kulay. Lumabas ang pangil niya at naging mapula ang mga mata niya. Sabi niya uubusin niya ang dugo ko hanggang maramdaman ang sakit kung paano mamatay. Pero di pa daw ako mamamatay ahad dahil bubuhayin niya ako para maging katulad niya.” Hinawakan niya ang sariling balikat na may benda kung saan kinagatan siya ni Kenneth. “B-Bampira na rin ba ako? Kasi kinagat niya ako.”
Umupo si Enricus sa tabi niya at niyakap siya. Hinaplos nito ang braso niya na parang gustong pawiin ang panlalamig niya. “We came right on time. Hindi niya naubos ang dugo mo. Pero kung ‘di ako dumating sa oras, posibleng nakuha ka niya?”
“Diyos ko!” usal niya at naluha habang nakapikit. “S-Sabi niya, maswerte daw ako kung mamamatay ako agad. Dahil titiyakin daw niyang magiging miserable ako habambuhay kapag naging katulad niya ako.”
“Shhhh!” Naramdaman niya ang labi ni Enricus sa noo niya. “Hindi ka niya makukuha hangga’t nandito ako. You are safe. Hindi ka naging sanguis. Tao ka pa rin. Pero may lason sa katawan mo dahil sa pagkakakagat niya sa iyo.”
“Katulad ng sa ahas? Ibig sabihin nalason din ako nang kagatan mo?”
“Hindi ka nalason nang uminom ako ng dugo sa iyo. Wala akong intensyon na patayin ka. Parang may anestisya nang kagatin kita pero di mo masyadong maramdaman ang sakit nang kagatin kita. I tried to make it pleasurable for you.”

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    ErislmaAndria

    nice

    17/01/2025

      0
  • avatar
    Silva dos santosJade

    🫠🫠🫠

    14/10/2024

      0
  • avatar
    Monsaludairah mae

    noiceeee

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata