Balikan mo na

Dumilat si Jermaine nang marinig ang sigaw ni Enricus. Nakatayo ito sa pampang ng hot spring. Sinundan siya nito.
“Lakampake!” angil niya at saka inilubog ang kalahati ng mukha sa hot spring. “Pabayaan mo na lang ako pwede?” Ayaw niyang makita nito na umiiyak siya.
Narinig niya ang paglabusaw ng tubig. Naramdaman niya na nakatayo ito sa harap niya. “Galit ka ba sa akin?”
Dumilat siya at tumayo. Matalim ang mga mata niya itong pinagmasdan. “Hindi ka naging totoo sa sarili mo. Ako pa ang masama dahil nagsabi ako ng totoo. Tapos gusto mong maniwala ako na nag-aalala ka sa akin?”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “I am sorry. Alejandro was still a sore topic. Alam mo iyan. Marami siyang nasaktan.”
Ibilang niya ang mukha paiwas dito. “Kaya okay lang din na saktan ka ng mga kapwa mo rojo dahil sa kanya?”
Mariin itong pumikit, bakas ang sakit sa anyo nito. “Kung kailangang isakripisyo ko ang sarili ko para sa nakararami, gagawin ko.”
”Kahit na magmukha akong sinungaling sa lahat? So, okay lang iyon sa iyo? Nang isakripisyo mo ang totoong nararamdaman mo, isinakripisyo mo rin ako.”
Umiling ang binata. “Hindi iyon ang gusto kong mangyari.”
Dinuro niya ang dibdib nito. “Alam mo, okay lang ‘yung tratuhin ako na parang walang kwenta at di paniwalaan ang mga isinusulat ko. Kahit pa nga laitin ang mga kwento ko, matatanggap ko. Ang di ko matanggap, ‘yung pinahalagahan kita pero ‘di mo ako pinahahalagahan. Kasi ang alam ko, handa akong ipaglaban ka para lang protektahan ang nararamdaman mo.”
”This…. is bigger than both of us. Pero di ibig sabihin di ka mahalaga sa akin o si Alejandro. Di ibig sabihin hindi kita mahal o di kita pinahahalagahan. Handa akong mamatay para sa iyo.”
Umiling siya at iniwas ang tingin dito. “Hindi ko alam. Siguro mamamatay ka para sa akin kasi responsibilidad mo. Pero ‘yung pagmamahal at pagiging totoo, parang di ko na makukuha sa iyo. At iyon ang kailangan ko mula sa iyo kanina. Iyon ang kailangan ko sa iyo. Hindi naman para sa akin iyon kundi para sa sarili mo.”
“Hindi ganoon kasimple ang lahat, Jermaine. We are in the middle of war. Our personal feelings have to take a back seat.”
Mapait siyang ngumiti. Mas pipiliin nga nito ang mga rojo kaysa sa kanya. “I should just stop caring then. I should not have fallen in love with you in the first place. Kasi ‘yung naunang kresme ‘di rin naman siya totoong minahal ng sanguis na minahal niya. Niloko lang siya.”
Sinapo ng lalaki ang mukha niya. “Magkaiba iyon. Hindi kita niloloko o lolokohin.”
“Pero kaya mo akong iwan sa ere sa simpleng pagtatago ng totoong nararamdaman mo. Hindi lang ako ang niloloko mo kundi pati ang sarili mo at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Kaya mo akong durugin kung gugustuhin mo, Enricus. Kasi ngayon pa lang durog na durog na ako.”
“Akala ko maiintindihan mo ako.”
“Oo, naiintindihan kita. Pero di ibig sbihin tatayo na lang ako sa isang tabi habang tinapak-tapakan ka ng iba. Kasi mahal kita. Ipagtatanggol kita. Importante sa akin kung ano ang nararamdaman mo. Pero kung ayaw mo na ipagtanggol kita, wala namang problema sa akin. Tutal wala ka namang pakialam. At sa palagay ko rin mas nakakagulo ako sa inyong lahat dito sa Valle at wala akong silbi, aalis na lang ako. Sa palagay ko hindi ninyo kailangan ng kresme. Hindi mo ako kailangan.”
Niyakap siya nito nang mahigpit. “You can’t leave. Hindi mo kami pwedeng iwan. Huwag mo akong iwan.”
Humagulgol siya ng iyak. Sa init ng yakap nito, kakayanin niya ang sakit basta huwag lang malayo dito. Pero kailangan din niyang buuin ang sarili niya na nagkakawasak-wasak sa piling nito. “Hindi na ako masaya dito. Nasasakal na ako. Mas gusto ng mga rojo na sundin ko ang hula na gusto nila. Didiktahan din ako sa kung ano ang tama at mali. ‘Yung katotohanan para sa kanila
Ayokong dumating sa punto na pati ang kagustuhan ko na maging masaya sa pagsusulat at maniwala sa pagmamahal mawala na sa akin. Hindi… hindi ko gusto ng ganitong buhay. Huwag ninyong alisin sa akin ang saya na nararamdaman ko habang may natitira pa.”
Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Importante ka sa akin. Sa amin. Kakausapin ko ang mga puno ng consejo.”
Umiling siya. “Kung talagang importante ako sa iyo, hahayaan mo akong umalis. Nangako ka sa akin payag kayong umalis ako dito.”
Inilayo nito ang sarili sa kanya. Bakas ang takot sa mukha nito. “Hindi ka na babalik.”
“Kailangan kong mamili, Enricus. Habang nandito ako dahan-dahan din kasi akong nawawasak. Hindi ko kayang tumahimik para lang I-please kayo. ‘Di ko kayang tumayo lang sa isang tabi habang sinasaktan ang taong mahal ko. At lalong ‘di ko kayang maging manhid kahit ang totoo nasasaktan ako. Gusto kong maging malaya na makaramdam ulit.”
Pinisil nto ang balikat niya at ilang beses siyang pinagmasdan. Mahigpit ang hawak nito sa balikat niya na animo’y ayaw siyang pakawalan. Pagkuwan ay binitawan siya nito. “Sige. Sasabihin ko sa mga sanguinare na aalis ka na.”
“Bukas din ng umaga.”
Marahan itong tumango. “Palalayain kita kung iyan ang magpapasaya sa iyo.”
“NAKAKALOKA ang pag-ibig mo. May kamag-anak si Enricus na ayaw sa iyo at mas gusto na maging gilfriend niya ‘yung isang family friend?” tanong ni Rachel habang kumakain sa resthouse ng pamilya ni Chea sa Antipolo.
Wala siya sa mood na lumabas ng bahay pero pinilit siya ng mga kaibigan. Nalaman kasi ng mga ito na naghiwalay na sila ni Enricus.
“Sabi mo ikaw ang mahal ni Enricus pero bakit mo iniwan? Ang tatapang ng mga heroine mo sa nobela tapos sa totoong buhay nagpapatalo ka,” sabi ni Chea habang nagluluto ng fishball at kikiam. Iyon ang comfort food nila. Wala pa silang sweldo kaya tipid-tipid muna.
“Gusto ko nang bumalik sa normal na buhay. Hindi ako makahinga sa mundo nila. Ang dami-daming expectations kapag girlfriend ako ni Enricus.Isa pa, sino naman ang kakalaban sa pamilya niya? Ako na lang namili para sa kanya.”
Hindi niya maibigay sa mga kaibigan ang totoong kwento nila ni Enricus. But it was the best she could do. Gusto na lang niyang bumalik sa normal na buhay.
Isang linggo na siyang nakauwi sa bahay nila. Tumigil na rin siya sa pagsusulat ng mga kwento ng sanguis. Gusto niyang iiwas ang sarili sa alaala ng mga rojo. Nais niyang bumalik sa normal na buhay noong hindi pa niya kilala si Enricus subalit 'di pala iyon madali.
Nagulat na lang siya nang may tumawag sa cellphone niya. Si Nitro iyon. Di ito nawawala at mga sentinel sa anino niya. “Hello.”
“Ma’am, may red velvet cake po dito. Nasa gate lang ako. Sabihin na lang ninyo na Grab service ako.”
Gusto sana niya itong tanggihan dahil tiyak na galing na naman kay Enricus ang pagkain. Pero ‘di siya tumatanggi sa pagkain lalo na’t kailangan nila ng pang-relax na pagkain ngayong miserable siya.
Hindi lang cake ang padala ng lalaki kundi may palabok pa na paborito ni Rachel at lechon belly na gusto naman ni Chea. Alam nito na di siya makakatanggi sa cake a. Araw-araw na nagpapadala ng pagkain ang lalaki sa kanya. Paano siya makaka-move on dito kung palagi itong nagpaparamdam sa kanya?
“Hays! Love ka talaga ni Enricus,” kinikilig na sabi Rachel.
“Balikan mo na,” udyok ni Chea na sinipsip pa ang daliri. Di nito tinantanang papakin ang lechon belly.
“Alam n’yo, hindi maso-solve ng pagkain ag mga problema sa relasyon namin.” Tinawagan niya ang lalaki pagkatapos kumain. "Hello, Enricus."
"Hi! Salamat sa pagtawag. I love hearing your voice. Parang ang tagal na."
"Hindi mo ako kailangang padalhan ng kung anu-anong pagkain…"
"I miss you,” putol nito sasasabihin niya. “Gusto ko lang malaman mo na nami-miss kita. If I can't be with you, I want you to know that I will always care for you in my own way. I love you."
Naputol na ang tawag bago pa siya nakahuma. Mahal niya si Enricus. Hindi magbabago iyon. Pero kailangang malaman ni Enricus na para maging bahagi siya ng buhay nito, kailangan siya nitong ipaglaban at maging totoo sa nasa puso nito.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    VirtuzCarlo

    romantic 😍

    6d

      0
  • avatar
    ErislmaAndria

    nice

    17/01/2025

      0
  • avatar
    Silva dos santosJade

    🫠🫠🫠

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata