The word ‘pleasurable’ rolled in Enricus’ tongue. May haplos na handog sa buong katawan ni Jermaine at naalala niya ang kakaibang sensasyon nang kagatin siya nito. Her eyes rolled heavenward and pleasure rushed in waves throughout her body. Hindi siya makapaniwala na nakikipag-kwentuhan siya kay Enricus Monsalvo na parang kaibigan niya ito. Na hinahayaan niya itong protektahan siya at naniniwala siya sa mga sinasabi nito tungkol sa mga sanguis. He fucked up her writing career. Halos isumpa niya ito kanina. Pero nang mga oras na iyon, wala siyang kakampi. The mere fact that he haven’t killed her yet, she was giving him the benefit of the doubt that maybe he was not that bad at all. “Bakit nasaktan ako nang si Kenneth ang kumagat sa akin?” tanong niya. Nagdilim ang mga mata nito. “Dahil gusto ka niyang saktan. He didn’t have to sugarcoat it maybe. May galit ba siya sa iyo? Dahil ba sa nobela mo kaya niya ginawa iyon?” “Kasalanan ko daw kung bakit nasira ang buhay ni Nova.” “Sino si Nova?” “W-Writer din. Siya ‘yung kumopya ng nobela namin ng mga kaibigan ko. Sabi ni Kenneth, nasiraan daw ng bait si Nova dahil sa akin. Ipinahiya ko daw si Nova sa mga tao at ‘di na makapagsulat dahil ibinulgar ko daw ang lihim niya. Di ko naman gusto na manira ng buhay ng ibang tao. Ipinaglaban ko lang naman ang karapatan namin.” Pinisil ni Enricus ang balikat niya. He looked symphatetic and understanding. Samantalang mas sanay siyang sinusungitan nito at parang walang pakialam sa mundo. “I’m sorry. Di mo nga kasalanan iyon. May mga tao na gumagawa ng kalokohan pero isisisi sa ibang tao kapag nagkandaloko-loko sa ang buhay nila. Those people don’t want to take responsibility for their actions.” “Pero sabi ni Gene kasalanan ko daw. Pahihirapan daw niya ako para makaganti kay Nova. Kaya lumaban ako. Hinampas ko siya ng takong ng sapatos ko sa mukha.” “I know. Your shoes survived just like you.” There was pride in his voice. Na parang ipinagamamalaki nito ang ginawa niya. “Sinakal rin ng strap ng bag ko ‘yung driver para makawala ako. Bampira din ba siya?” Umiling ito. “Hindi. Na-hypnotize lang siya ng kasama mo.” Nahigit niya ang hininga. “Hala! Sorry. Kumusta na si Manong? Nabangga ba ang sasakyan niya?” Mariin siyang pumikit. “Nakapatay ba ako ng tao?” Anong kaibahan niya sa bampira na gustong pumatay sa kanya? Kahit pa nga ipinaglaban lang niya ang sariling kaligtasan, di siya makapaniwala na nananakit siya ng isang inosenteng tao. Pareho lang silang biktima ni Kenneth. “Hindi nabangga ang taxi. Napigilan ko bago bumangga sa kotse.” “Napigilan mo?” tanong niya at idinilat ang mga mata. “Malalakas kaming mga sanguis lalo na ang may halong dugo ng mga mayari. At huwag mong alalahanin ang driver ng taxi. Idinala na siya sa ospital at nagpapagaling. Sinagot na rin namin ang pagpapagamot niya.” “S-Salamat,” usal niya. Hindi na kargo ng konsensiya niya kung may masamang nangyari sa driver. “Wala na siyang maalala sa nangyari. Ang akala lang may holdaper na gustong magholdap sa kanya at may tumulong na estranghero.” “S-Si Kenneth ba nakita ninyo?” Marahan itong umiling. “Nakatakas siya. Pasensiya na. Pero gagawin namin ang lahat para mahanap siya at ang mga kasama niya kung meron man.” “Anong ginagawa mo doon?” tanong niya. “Nagkataon lang ba na nasa bar ka rin o nagkataon dumadaan kayo doon?” Iniwas nito ang tingin sa kanya. “Uhmmm… nasa club din ang kaibigan ko at pupuntahan namin. Nakita ko na paalis ka sa club at ang kasama mo. Di magadna ang suspetsa ko sa mga kasama mo kaya sinundan ko kayo.” “Stalker much? At galit na galit ka na sinusundan kita at pinagbinatangan akong stalker?” “No. I just want to make sure that you are okay.” “Hindi naman tayo close,” paalala niya. “But I care and saved you just the same, okay?” anito sa mataas na tono. “Kahit pa sabihan mo akong stalker, ang mahalaga nailigtas ko ang buhay mo. Hindi ka nakuha ng mga umbra at buhay ka pa.” Tumayo ang lalaki at lumayo sa kanya. Ni hindi siya sinulyapan. “Padadalahan na lang kita ng pagkain para makabawi ka ng lakas. Tatlong araw ka rin na walang malay.” “Tatlong araw?” bulalas niya. “Nilabanan ng katawan mo ang lason kaya halos tulog lang ang ginawa mo.” “Nag-aalala na ang mga magulang ko sa akin. Tatlong araw na akong di umuuwi ng bahay. Saka ang mga kaibigan ko, baka nakuha na rin sila ng mga bampira.” “Ang alam ng mga magulang at kaibigan mo, nasa Laguna ka dahil may tinatapos kang series. Ganoon din ang mga kaibigan mo.” “Paano mo nagawa iyon? Pinakialaman mo ang cellphone ko?” “Sorry. Kailangan kong makialam para di sila mag-alala. On a regular day, I don’t creep on other people’s belonging. Tatawagin ko si Eskaya para dalhan ka ng pagkain at kung kaya mo nang maligong mag-isa.” “A-Aalis ka na?” kinakabahan niyang tanong. Oo, bampira si Enricus pero napatunayan na niyang hindi siya nito sasaktan. Hindi lang siya sigurado sa iba. “Hindi mo ako sasabayang kumain?” “Gusto mo akong samahang kumain?” gulat nitong tanong. Tumango siya. “Basta hindi ako ang kakainin mo.” Tumawa ito. “Sa palagay ko papagaling ka na nga. Nakukuha mo nang mag-joke.” Unang beses niya itong nakitang tumawa o ngumiti nang totoo mula nang makilala niya ito. So, a vampire could still laugh. Hindi. Mas bagay dito ang sanguis. Elegante at sosyal. Her heart beats triple time. That smile was her own undoing. Pinaliwanag nito ang mundo niya. Dahil dito nagkaroon siya ng panibagong buhay.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
romantic 😍
2d
0nice
17/01/2025
0🫠🫠🫠
14/10/2024
0Tingnan Lahat