“Bakit ka naiiyak?” tanong ni Kaptan. “Hindi namin uubusin ang dugo mo kakainin ang puso mo, Miss Locsin.” Napalunok si Jermaine. “Sorry po. Emosyonal lang. You are beautiful creatures. Ni wala kayong pores sa mukha samantalang santambak ang sinasalpak ng mga Koreano sa mukha nila para ma-achieve po iyan.” “Wala tayong pores?” tanong ni Kaptan. “S-Sorry. Na-overwhelm lang po ako. Parte na kayo ng kasaysayan ng mundo. And you were not given due recognition. I wish I would be given the chance to immortalize you in my books.” Natawa si Kristoff dahilan para maging berde ang mga mata nito. “Sigurado ako na mabibigyan mo ng hustisya kung isusulat mo ang tungkol sa amin. You are a good writer. Pero di maaring malaman ng mga ordinaryong mga tao.” “H-Hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Alam ko naman po na di ko pwdeng isulat ang tungkol sa inyo. Sorry po,” hinging paumanhin agad niya at yumuko. “May balita po ba sa bampira na gustong pumatay sa akin?” “Wala pa. Pinapuntahan namin sa sentinels ‘yung bar pero wala na daw si Kenneth doon. Pati ‘yung taxi na sinakyan ninyo, nabaliw ang driver na nagmamaneho sa inyo. Hindi siya bampira kundi na-hypnotize lang ng umbra na kasama ninyo. May mga nagagamitan ng brain suggestion na hindi kinakaya ng utak pagkatapos,” kwento ni Enricus. Sinapo niya ang dibdib. “Diyos ko! Kawawa naman ang pamilya niya.” “Tinutulungan namin siya at ang pamilya niya. May mga eksperto na hahawak ng kaso niya at maibabalik din sa dati ang katinuan niya,” puno ng kompiyansa na wika ni Aleaja. “Wala rin alam ang bar kung sino talaga si Kenneth at ang mga kasama ng mga kaibigan mo. Ni walang record na nagtrabaho siya doon. Posibleng nagamitan sila ng brain suggestion kaya ganoon. Pero magtatalaga kami ng mga tao sa bar kung may nakita ka talagang bampira doon na nambibiktima ng tao,” pagpapatuloy ni Enricus. “Mas alerto na kami kaysa sa dati.” “May sinabi sa akin si Kenneth na gusto daw niya akong mamatay dahil kay Nova, ‘yung kasamahan ko na nakaalitan ko po. Hindi ko sinasadya na ma-expose ang nakaraan niya sa kwento ko kahit di ko naman alam na totoong nangyari iyon. Ibig sabihin po personal ang dahilan kung bakit inatake ako ng umbra na iyon,” paliwanag ni Jermaine at tinabangan na sa pagkain ng chocolate cake. Bumalik na naman ang kilabot na naramdaman niya nang gabing iyon. “Pinaimbestigahan namin ang koneksyon ni Nova sa sinasabi mong Kenneth. Hindi makausap nang maayos si Nova at laging nagkukulong lang sa kuwarto niya. Wala rin siyang kilalang Kenneth sabi ng tiyahin na kasama niya sa bahay. Wala daw siyang kaibigang lalaki maliban sa isa, at matagal na daw iyong patay.” “Nalaman ba ninyo kung sino?” tanong niya. “Gene Alcantara ang pangalan niya,” ani Enricus at ibinigay ang cellphone sa kanya. Post iyon sa personal Facebook account ni Nova. May kasama itong lalaki sa picture na nakaakbay dito. “Ito si Kenneth! Ito talaga siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga ang bestfriend ni Nova.” Nagtayuan ang balahibo niya dahil sa petsa niyon ay dalawang taon na itong patay at namamaalam si Nova dito. Nanginig ang kamay niya. “Ayon sa report na nakuha namin, nawawalang pahinante si Gene Alcantara ng isang barko na naglalaman ng mga biktima ng human trafficking group galing China. May nagbasa na nabaril siya at nahulog sa dagat kaya di na nakita ang katawan niya,” wika ni Enricus at binigyan sila ng printed na report tungkol dito. May mga screenshot din ng report tungkol sa pagkamatay nito. “N-Nasa balita pala ang insidente at usap-usapan ng mga tao. Naalala ko na nag-comment pa ako sa balitang ito dati,” aniya at nanghihinang ibinalik ang cellphone ni Enricus dito. Sinapo niya ang sariling mukha. Nanginginig pa rin ang kamay niya. “Sumapi kaya siya sa mga umbra para mabuhay ulit? Para kay Nova?” “Hindi natin alam pero kumukuha pa kami ng impormasyon tungkol sa kasamahan mong writer. Mukhang binabalik-balikan siya ng kaibigan niyang umbra kung pinagtangkaan ka niyang patayin para makaganti,” paliwanag ni Enricus. Hinawakan ni Aleaja ang nanlalamig at nanginginig niyang mga kamay. “Huwag kang mag-alala, Jermaine. Ligtas ka dito sa Valle.” “Salamat po sa pagtanggap sa akin at pagtulong. Pero kailangan ko na pong umuwi. Nag-aalala po ako sa mga magulang ko. Saka po sobrang abala na ang ginawa ko sa inyo. Alam ko po na may kanya-kanya kayong buhay. Ayoko na pong abusuhin ang kabaitan mo. Magaling na po kasi ako.” Nagtinginan ang mga sanguinare. Animo’y lihim na nag-uusap ang mga ito at ang mga ito lang ang nakakaalam. “Di ka pa namin mapapauwi. Di pa ngayon. Kailangan mo pa ng dalawa o tatlong araw bago ka namin hayaang umalis,” sabi ni Aleaja. “Pero may pamilya po ako.” “Dito ka muna. Isipin mo na bakasyon mo. Mas ligtas ka dito. May mga magbabantay sa pamilya mo at mga kaibigan mo. Huwag kang mag-alala,” sabi naman ni Kaptan. Mukhang bumalik man siya sa normal na buhay, magiging anino pa rin niya ang mga sanguis. “Bakit ‘di mo ikwento sa amin kung paano ka nakakabuo ng kwento? May nabasa ka na ba tungkol sa mga sanguis?” tanong ni Kristoff. “Ang mga tennyo po sa Japan ang pinagbasehan ko sa kwento na sinulat ko. Basta nang magising ako at akala ko panaginip lang ang pagkagat sa akin ni Enricus, nagsulat na lang po ako. When I’m in the zone, kung anu-ano na lang po ang naiisip ko. Basta kung ano ang bagay sa kwento. Nagkakabit-kabit na lang po ng kwento.” “May naranasan ka na ba na nagkatotoo ang mga isinusulat mo bukod sa tungkol sa mga sanguis?” tanong ni Kaptan. “Ilang beses na po. Kaya po di kami nagkasndo ng k asamahan ko na si Nova dahil nalaman niya ang isang character ko nakabase pala sa ginawa niya sa totoong buhay. Akala niya sinadya ko iyon para gantihan siya. Saka ilang beses na po iyon na nangyari pati sai bang kwento ko. Sinasabi na lang ng mga kakilala ko, akala nila sila iyon o nangyari na daw po sa kanila. Minsan po sa mga current events ganoon din. Nagkakataon na nangyayari ang mga isinulat ko,” salaysay ni Jermaine. “Anong palagay mo na nangyari na pala ang isinulat mo kahit ‘di mo alam o nagkakatotoo?” tanong ni Kristoff at pinagsalikop ang palad. Nagig blue-gray ang mata nito. Kinakabahan si Jermaine. Bakit ganoon ang mga tanong sa kanya? They were looking at her funny. May mali ba siyang nagawa? “Di naman po iyon maiiwasan dahil minsan po ang fiction nakabase din sa totoong buhay. I mean, we use psychology and real life scenarios to make the story realistic and more relatable.” Naging matiim ang titig sa kanya ng kanina ay maamong mga mata ni Aleaja. “Di mo ba naiisip na baka may kakayahan kang makita ang hinaharap at ang nakaraan?” “You mean, parang seer o kaya mala-Nostradamus po?” tanong ni Jermaine. “Posible iyon,” sabi ni Enricus. Magaan siyang tumawa. Okay. May mga totoong bampira at may mga diwata ng buwan at lobo. ‘Di na kataka-taka kung may totoong alien. “Wala po akong ganyang talento. Writer po ako. Ang totoo po niyan, trip-trip lang madalas ang mga sinusulat ko. Napagkakatuwaan ko lang minsan. Wala po talagang ibang ibig sabihin iyon.” Pwera pa sa gusto na lang niyang bawian ang ibang kontrabida sa mundo sa pamamagitan ng nobela niya pero wala sa plano niyang saktan ang mga ito. Tumindi ang kaba niya nang makita na lalong naging seryoso ang anyo ng mga ito. “Di mo ba naisip na napakalaki namang coincidence ng lahat. Nagkakilala kayo ni Enricus, ginawan mo siya ng kwento na nagkataon na nakabase sa mga sanguis gaya namin, Kapareho din ng pinagmulan ayon sa kwento mo. Nakasulat sa kwento mo na sinalakay ng mga bampira ang bidang babae at sinalakay ka rin ng umbra na akala namin matagal nang naglaho. Iniligtas ka ni Enricus katulad sa kwento mo. At ngayon nandito ka na sa Valle na kapareho ng pagkakalarawan sa kwento mo. Sa palagay mo ba nagkataon lang ang lahat o tadhana na ito?” Hindi halos humihinga si Jermaine nang ilatag ni Kaptan ang mga pagkakapareho ng kwento niya sa totoong buhay. Hindi rin niya maintindihan kung bakit nangyayari iyon at nagsisimula na siyang matakot. “P-Pero di naman po ako manghuhula o si Madam Auring. Basta nagsusulat lang ako. Nagkakataon lang talaga ang lahat. Uuwi na po ako. A-Ayoko na po ng gulo.” “Kung nakakita ka ng nakatakdang mangyari pati na rin ng nakaraan, di ka namin maaring paalisin dito sa Valle,” ani Aleaja sa mariing boses.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
romantic 😍
6d
0nice
17/01/2025
0🫠🫠🫠
14/10/2024
0Tingnan Lahat