“MISS ESKAYA, hindi mo na ako kailangang bihisan. Kaya ko na ang sarili ko,” aniya sa babae matapos maligo. Naiilang siya dahil nakabantay ang babae at parang prinsesa siya kung asikasuhin nito. Hindi siya sanay. Lalo na’t napapraning siya na anumang oras ay sakmalin siya nito at ubusin ang dugo niya. Hinayaan siya nitong maligong mag-isa pero nakabantay lang ito sa labas ng banyo. Konting lagabog lang, kinakatok siya nito kung okay lang siya. Hindi naka-lock ang pinto at papasukin daw siya nito kapag di siya sumagot. “Kung hindi ako ang mag-aasikaso sa iyo, si Enricus ang magbabantay sa iyo. Sinasabi ko sa iyo na konting kibot lang, papasukin ka niya. At para di ka mahirapan, siya mismo ang magpapaligo at magbibihis sa iyo. Mas gusto mo ba iyon?” Napalunok siya at umiling. “A-Ayoko.” Hinayaan niya itong bihisan siya. Wala siyang makita sa ekspresyon ng babae maliban sa pag-aalala. Ngayong nakita niya kung gaano kaganda ang sanguis gaya ni Eskaya, ‘di kataka-taka na hindi siya ang type ng binata. Nakaka-insecure naman kasi ang ganda ni Eskaya. Anong laban niya sa katulad nito? White boho dress ang pinasuot sa kanya. Masarap iyon sa balat at presko. Parang bumalik din siya sa unang panahon. “Kanino itong damit?” “Sa kapatid kong si Rafflesia. Magkakatawan kasi kayo,” paliwanag nito habag sinusuklayan siya. “Nakakahiya naman sa kanya.” “Di pa niya nagagamit iyan. Marami siyang damit na di pa naisusuot kaya sa iyo na iyan.” “P-Pero…” May kumatok sa pinto kasunod ang boses ni Enricus. “Dala ko na ang pagkain ni Miss Locsin.” Pinagbuksan ito ni Eskaya ng pinto. Pumasok si Enricus na kasunod ang isang lalaki na tulak-tulak ang trolley na may takip. Parang pagsisilbihan siya sa eleganteng hotel. “Ako na ang bahala dito, Apolaki. Maraming salamat.” “Tapos na rin kami dito. Tawagin lang ninyo ako kung may kailangan kayo,” ani Eskaya at nakangiting nagpaalam sa kanya. “H-Hindi mo kami sasamahang maghapunan?” tanong niya. “May kailangan pa akong pag-aralan. Babalik ako sa library.” “Salamat,” atubiling sabi ni Eskaya. Mabait at matiyaga ito sa kanya. Nakokosensiya siya sa mga panahon na pinaghihilaan niya ito na may gagawing masama sa kanya. Ni minsan di siya nito nilabasan ng pangil o pinagbantaan na iinumin ang dugo niya. “Nagpahanda ako ng light na pagkain. Wala munang kanin dahil bukod sa gabi na, baka di pa kayanin ng katawan mo.” “G-Gabi na?” tanong niya. “Nakita ko maliwanag pa kanina.” Binuksan ng binata ang bintana at nahigit ni Jermaine ang hininga nang bumulaga sa kanya ang maraming puno. Kaunting liwanag na lang ang natitira at sumungaw na ang bilog na buwan sa pagitan ng mga puno. It was new moon, it looked almost poetic against the night sky. “Wow! Bakit ang ganda ng buwan dito?” tanong niya. “Nasaan tayo?” “This is Valle dela Luna Rojo or Valley of the Red Moon. Dito pinakamalakas ang sentro ng kapangyarihan ng mga sanguis sa buong mundo kapag pula ang buwan. Protektado ang lugar na ito at di basta-basta makakapasok ang mga walang awtorisasyon - mga sanguis man o tao. This place is heavily guarded by sentinels. Mga kalahating lobo at sanguis sila at malalakas.” Inilagay nito ang soup sa mangkok niya. “Kumain ka na. Kailangan na ng katawan mo ng sustansiya. Egg nido soup na may oatmeal. Don’t worry, that is normal human food.” Sumubo siya ng egg nido soup. Napapikit siya nang parang natutunaw iyon sa bibig niya at gumuhit ang init ng sabaw sa lalamunan hanggang sa sikmura niya. Napansin niya na nakatingin sa kanya si Enricus habang di nito nagagalaw pa ang pagkain nito. “At ikaw, vegetable salad ang kakainin mo?” Tumango ito. “Kumakain ka rin ng pagkain ng tao?” “Blood is our staple food. Pero may synthetic blood na ngayon na pwede naming inumin nang di na namin kailangan pang uminom ng dugo sa mga tao. Pwede kaming kumain ng pagkain ng mga tao pero may side effects. It could hurt us. Katulad nang makita mo ako nang gabing uminom ako ng dugo mo. Matindi ang sakit ng sikmura ko noon dahil sa kape. Matinding hyperacidity ang inaabot namin kapag kumakain ng acidic na pagkain at inumin. Sampung beses na mas masakit kaysa sa hyperacidity o ulcer ng tao. Kaya salad lang ang kinakain ko dahil mas mataas ang alkalinity level nito. Di makakasira sa tiyan namin.” Ngumiwi siya. She could imagine. Ilang beses nang inatake ng ulcer ang kaibigan niyang si Rachel. Ilang beses na rin nitong ihinabilin ang kayamanan sa kanya dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman nito. Kaya naman pala parang mamatay-matay di si Enricus nang makita niya nang gabing iyon. Para sa isang malaki at malakas na sanguis, kakatwa na mapapabagsak ito ng isang tasang kape. “Bakit kailangan mong saktan ang sarili mo?” tanong niya. “Masokista ka ba?” “Di kami basta nasasaktan. We are strong warriors. Pero minsan gusto ko pa rin na makaramdam ng sakit katulad ng tao.” Bumuntong-hininga siya. “Sobrang weird mo. Wala ka bang magawa sa buhay mo at gusto mong masaktan?” Nagkibit-balikat ito. “May lahi pa rin akong tao. Gustong nasasaktan. Coffee is my vice.” “Ang ganda nitong kuwarto at mukhang malawak sa labas. Ibig sabihin puro nga sanguis kayo dito?” tanong niya at pinagmasdan ang buwan. “May mga tao rin dito na tapat na nagsislbi sa amin at mga pamilya nila. Fidele ang tawag sa kanila.” “Hmm… ano si Eskaya?” tanong niya at nilingon ito. “Anak siya ng isang sanguinare na Rajah Kaptan.” Natigilan siya sa pagsubo at nanlaki ang mata. “Rajah? Anak siya ng sanguinare na rajah? Parang prinsesa pala siya kung ganoon. T-Tapos ‘yung nanay niya parang reyna noong unang panahon.” “Parang ganoon na nga. Siya namamahala sa library namin at tagapangalaga ng mga sinaunang libro.” Natutop niya ang bibig. “Isang prinsesa at isang reyna, ginawa ko lang na alalay ko at tagasuklay ng buhok. Nakakahiya.” Hindi basta-basta nilalang ang mga nasa loob ng Valle. “That’s fine. Gusto lang ni Eskaya na makatulong. Madalang kaming magkaroon ng mga bisitang tao dito. Huwag mong isipin na iba kami sa iyo o mas mataas kami kaysa sa mga tao. Wala kaming ganoong intensyon. Gusto lang naming makisalamuha sa iba gaya ng normal na tao.” “At ikaw, anong klaseng bampira ka?” Kapag naging hari o prinsipe ito ng mga sanguis, iiyak talaga siya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
17/01/2025
0🫠🫠🫠
14/10/2024
0noiceeee
10/07/2024
0Tingnan Lahat