Mayari

“Isa akong mezzo. Anak ng isang sanguinare ang tatay ko at tao naman ang nanay ko pero naging sanguis kalaunan. Negosyante ang mga magulang ko.”
Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. ‘Di naman pala ito katulad ng ibang maharlika na sanguis. “Kumusta na sila?”
Lumungkot ang mga mata nito. “Wala na sila. Nakasama sila nang mag-crash ang eroplano habang papunta sila sa Amerika.”
“I am sorry.” Di rin pala imortal o invincible ang mga sanguis. May mga pangyayari na di rin kayang ligtasan ng mga ito. At katulad ng mga normal na tao, nakakaramdam ang mga ito ng sakit. “S-Salamat. Sa kabila ng ginawa kong gulo sa buhay mo, tinulungan mo pa rin ako.”
“Maybe our lives are really intertwined. Sinagip mo ako nang gabing nagka-hyperacidity ako, nagkataon di naman na nandoon din ako sa lugar na iyon nang nasa panganib ang buhay mo.”
Nakalimutan na niya na kung paano nitong sinabotahe ang nobela niya. Naiintindihan na niya ngayon kung gaano kahalaga ang privacy dito. Para sa mga sanguis na tahimik na namumuhay at walang ginagawang masama, nanganganib ang buhay nito sa mga tao. Alam na niya ngayon kung bakit natakot ako nang sabihin ng mga readers niya na bampira ito at dinumog ito sa bookstore. Traumatic nga dito nang akalain nitong nabulgar ang sekreto nito sa mundo.
Nakokonsensiya siya. Hindi niya nabigyan ng konsiderasyon ang privacy nito nang gamitin niya ang imahe nito sa cover ng libro niya.
“Alam mo, ‘di ko pa nagagastos ‘yung pera na ibinayad mo sa akin. Pwede mo pang bawiin.” Maliit na bagay iyon bilang kapalit sa pagsagip nito sa buhay niya at pag-aalaga sa kanya.
“Money is not an issue, Miss Locsin. At ‘di ako humihingi ng kapalit sa pagliligtas mo sa akin. Itabi mo ang pera. Kailangan mo iyon. Iyon ang napagkasunduan namin. At kung gusto mong makabawi sa akin, write more beautiful stories.”
“Akala ko ayaw mo na akong magsulat.”
“Ang sabi ko, ayokong magsulat ka tungkol sa mga bampira. Your writings were too close to home. Pero ‘di ibig sabihin pinipigilan na kitang maghanap-buhay. I am not that cruel.”
“Salamat,” usal niya. Mas nagugustuhan niya ngayon ang lalaki dahil nakikilala niya itong mabuti. May mabuti itong dahilan kung bakit umiiwas sa kanya minsan. Kailangan nitong protektahan ang lahi nito. “Uhmmm… nakaabala na ako sa inyo. Gusto ko nang umuwi sa amin.”
Bakas ang pagkaalarma sa mukha nito. “Hindi pa pwede. Hindi ka pa magaling. May lason sa dugo mo na at manghihina ka pa.”
“Pero ‘di sanay ang pamilya ko na ilang araw akong nawawala nang ‘di nila ako nakakausap.”
Tumayo ito at binuksan ang cabinet. Kinuha nito ang bag at inabot sa kanya. “Tawagan mo ang pamilya mo. Sabihin mo babalik ka rin sa kanila. Sigurado ako na gusto nilang marinig ang boses mo.”
Nanginginig ang kamay niya nang I-dial ang cellphone. Parang maiiyak siya nang sumagot ang. “Hello, Nanay.”
“Hello, anak. Kumusta ka na diyan sa Laguna? Nag-e-enjoy ka ba sa mansion na binabakasyunan mo?”
“Nanay!” usal niya at napahikbi ng iyak. Hindi na siya makasagot. Her mother’s voice was like a balm to her soul.
“O! Bakit ka ba umiiyak? Buntis ka ba at nakipagtanan ka?”
“H-Hindi po. Si Nanay talaga. Na-miss ko lang kayo.”
Naging emosyonal siya dahil posible na hindi na siya mabibigyan ng pagkakataon na makausap ulit ito kung namatay siya dahil kay Kenneth o kung naging sanguis din siya. ‘Di na siya makakalapit pa sa pamilya niya. Baka patayin pa niya ang mga ito. Tama nga si Kenneth.
Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nabigyan siya ng panibagong buhay at ‘di bumagsak sa kamay ng masasamang sanguis.
“Tatlong araw ka lang nawala, ang drama-drama mo na. Akala ko naman may boyfriend ka na dahil hinahanap ka nina Rachel at Chea. Ilang beses na daw silang tumawag sa iyo pero di ka sumasagot. Ni di nila alam may project ka sa Laguna.”
“‘Di ko nasabi sa kanila na basta na lang nagpatawag ang boss ko ng meeting para sa isang special project. Ano po... commissioned manuscript. May location po na pagbabasehan kaya nandito po ako ngayon. Hindi po alam nina Rachel at Chea dahil sekretong project pa po ito.”
“Ah ganoon pala. Tawagan mo rin ang mga kaibigan mo dahil nag-aalala na sila. Pasalubungan mo rin kami ng buko pie. Sige. Mag-iingat ka.”
“Hindi mo ba tatawagan ang mga kaibigan mo?” tanong ng binata.
“Ite-text ko na lang sila. Sigurado ako na mag-uusisa sila. ‘Di ko pa alam kung paano magpapaliwanag sa kanila tungkol sa project…” At sumasakit ang ulo niya na mag-isip. Di siya nagtatago ng sekreto sa mga kaibigan. Malaking sekreto ang tungkol sa mga sanguis at kay Enricus. “Nag-aalala ako sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Paano kung binabantayan din sila ng mga kalabang sanguis? Ang kaibigan kong si Rachel ang nang nakahalubilo ni Kenneth. Baka kung anong gawin ni Kenneth sa pamilya ko para gantihan ako.”
“Sasabihan ko ang mga sentinels namin na bantayan sila. Pero sa palagay ko nanghihina pa siya. You and that mean high heeled shoe did a number on him. Mali siya na kinalaban ka niya.”
Matabang siyang ngumiti. “Pagod na ako.”
“Magpahinga ka muna. Pero ilang araw na lang at babalik ka rin sa normal.”
Inalalayan siya nitong tumayo at mag-toothbrush. Saka siya inupo sa kama. May kinuha itong remote at gumalaw ang dingding sa tapat ng kama niya. Natabad sa kanya ang LED TV. “This is a smart TV. Konektado ito sa internet kaya pwede kang manood ng kahit anong gusto mo o makinig sa music.”
“Aalis ka na agad? Iiwan mo ako?” tanong niya.
Tumango ito. “Baka mas gusto mong mapag-isa.”
“Pwedeng dito ka muna kung okay lang sa iyo?”
“Kung pagkakatiwalaan mo akong bantayan ka.”
Tinapik niya ang kama sa tabi niya. “Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa mga mayari? Gusto kong malaman ang kwento ng mga ninuno mo.”
Sumunod ito at umupo sa tabi niya. “Sige.”
Ngayong alam na niya kung sino talaga si Enricus, mas ligtas ang pakiramdam niya na kasama ito. Alam niya na hindi siya nito pababayaan.

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    ErislmaAndria

    nice

    17/01/2025

      0
  • avatar
    Silva dos santosJade

    🫠🫠🫠

    14/10/2024

      0
  • avatar
    Monsaludairah mae

    noiceeee

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata