”Alonsina is a lacambui. Isa siyang baylan na di puro at ‘ni hindi nasasayaran ng halik ng isang lalaki. Importante siya sa mga ritwal. Malakas ang kapangyarihan niya. She was the center person. But she fell in love with my brother. At nang gabi bago ang importanteng ritwal, my brother corrupted her. Dahil diyan, nawalan kami ng koneksyon sa pinakahuling mayari na pumunta dito sa mundo.” Nasapo niya ang noo. Parang tinirador siya sa ulo at bumaon ang bato sa bungo niya. “Lintik! Halos ganoon nga ‘yung gagawin ko.” Isang babaerong bampira ang kapatid ni Enricus sa kwento at may inakit na isang baylan. May nalabag ang naturang baylan dahil sa pakikipag-relasyon kay Alejandro dahilan para humina ang kapangyarihan nito. “P-Pareho bang natanggal ang baylan na sinasabi mo sa grupo niya? S-Saka ‘yung kapatid mo ba itinakwil na rin ang mga rojo?” Marahang tumango si Enricus at naglakad patungo sa bintana. “Dahil sa gulong ginawa nila ni Alosina, nasira ang relasyon ng mga baylan sa mga rojo. Hindi na nila ibibigay sa amin ang proteksyon na hinihingi namin. Malaki ang naitulong nila sa amin nang panahong nakipaglaban kami sa mga umbra. At pagala-gala na lang ngayon si Alejandro. Hindi na siya makakabalik sa Valle nang basta-basta. Kahit sa akin hindi na siya nagpapakita.” Yumuko siya at pinagsalikop ang mga palad saka piniga. “I am sorry. H-Hindi ko alam na sensitibo pala ang kwento ninyo ng kapatid mo. Nang gawin ko ang draft ng kwento ninyo, wala namang malisya nang maisip ko iyon. Promise… ” Nilingon niya ito. “Naniniwala ka na ba sa akin na hindi nagkakataon ang mga sinusulat mo? Na may kakayahan ka ng isang kresme?” Hindi niya kayang magsinungaling at magtago dito. Mahihirapan pa siy ngayon na patunayan na nagkataon lang ang lahat ng kwento niya. “Alam mo, pwede ko namang palitan ‘yung kwento. O baka naman di lahat tugma. Kasi may hinahanap silang sinaunang libro na naglalaman ng mga sinaunang hula. Fake kasi ‘yung libro na meron sa pangangalaga ng mga bampira. At kailangan nilang makuha ang totoong libro para para matanggap ulit sila ng mga lahi nila. Huwag mong sabihin na may libro rin kayo ng mga hula?” “Meron. Ang oculus. Sinasabi mo ba na peke ang oculus na nasa amin?” Umiling siya “Uy! Huwag kang mag-assume. Fiction lang naman kasi ‘yung akin. May oculus naman pala kayo. Di na ninyo ako kailangan o ang kwento ko.” Lumapit ito sa kanya at itinukod ang dalawang palad sa arm ng bangko na inuupuan niya. “Sa palagay ko ipinadala ka dito para tulungan kami na ipaliwanag ang oculus o ipaalam sa amin ang mga wala sa libro. Gusto kong makita ang mga notes mo. At kailagan ko ng access sa files mo.” Nanlaki ang mga mata niya. “No! Hindi ko basta-basta ipapakita iyon sa iyo. Ikinuwento ko na nga ang premise ng on-going novel ko. ‘Di ko ugali na ipakita sa iba ang kwento ko hangga’t di pa tapos. Nakakasira ng diskarte.” Inilapit nito ang mukha sa kanya. His eyes were intense. “Technically, akin iyon. I paid for it. Lahat ng parte ng series mo at may kinalaman sa bampira, sa akin na. O baka nakakalimutan mo ang kasunduan natin?” “Oo na. Bayad na ako kahit di ko pa na-encash.” Gahd! Ganito ba ang gagawin niya sa akin kapag dito na ako sa Valle nagsulat? Ngangaragin ba niya ako para sa update sa nobela ko? Lagi bang ganito siya kalapit sa akin na parang gusto niya akong halikan? Baka ibang eksena ang maisulat ko. “Sigurado ka na pagkakatiwalaan mo ako? Maniniwala ka talaga sa lahat ng isusulat ko?” “Yes. Hindi ako naniniwala na wala kang puso at wala ka ng pakialam sa mundo. Iyon ngang isyu na di naman ikaw ang direktang apektado ipinaglalaban mo sa mga kwento mo. So I want you to write. I am obliging you to write.” “Hindi mo ako alipin! At kung gusto mong makuha ang kooperasyon ko, patunayan mo muna na naniniwala ka sa lahat ng isinulat ko sa kwento?” Kumunot ang noo nito. “Paano?” “Mag-striptease ka katulad ng ginawa ni Enricus sa nobela ko.” Nagkukumahog itong lumayo sa kanya. “M-Maghuhubad ako sa harap mo?” “Striptease with art. Hindi basta hubad lang. Hindi mo ba nabasa sa kwento kung paano sineduce ni Enricus ‘yung heroine?” “You don’t expect me to perform just the same?!” Humalikipkip si Jermaine at ngumisi dito. “Hmmm… depende sa iyo kung gusto mo na mas galingan pa ‘yung performance ng character ko sa kwento. Ikaw itong nagpapaniwala na magkakatotoo ang sinulat ko, ‘di ba?” Umiling ito at nakita niya ang pag-iiba ng kulay nito sa ilalim ng ilaw. Umurong ito hanggang mapasandal sa bintana. Animo’y natatakot ito na palitan niya kahit di naman siya gumagalaw sa kinauupuan. Ngayon lang niya ito nakitang natakot. “S-Sandali lang. Naniniwala ako sa iyo pwera ‘yung love story sa kwento. Ibang usapan na kung inaasahan mo na magkakatotoo pati ‘yung love story. ‘Di ako maghuhubad para sa iyo.” Pagak siyang tumawa. Umeepekto na ang plano niya. “See? Kung iyon nga lang ‘di mo pa nagawa, paano pa kaya kapag sinabi ko nang ako ang destiny mo? E ‘di baka mas gustuhin mo pang lumaklak ng muriatic acid.” Umiling ito at kinuyom ang palad. “You are toying with me. Hindi naman basta-basta susundin ko kung ano ang nakasulat sa libro mo. May proseso ang lahat sa buhay. May tamang panahon sa pagmamahal. Hindi iyan ipinipilit.” “Exactly. Hindi iyan ipinipilit.” Sumandal siya at nag-de kuwatro. “Enricus, wala akong kailangang patunayan sa iyo. I am just a fiction writer. My job is to entertain people. May disclaimer pa nga ang mga gawa ko. Nagkataon lang ang lahat.” Tumayo siya at naglakad palapit dito. Itinuro niya ang daliri sa dapat ng dibdib nito at iginuhit pababa nang di dumidikit dito. Nakita niya ang paglunok nito. He was afraid that she would touch him. Gusto niyang mainsulto pero sa isang banda, ito mismo ang punto ng laro niya. “Naniniwala ka ba na nagkakatotoo ang mga kwento o hindi?” “Hindi ko pa masasagot iyan iyan sa ngayon.” Ibinaba niya ang kamay at nagkibit-balikat. “Okay. Madali naman akong kausap. Magpahinga ka muna ngayong gabi. Basahin mo ‘yung nobela ko. Tingnan mo kung gusto mo ba talaga akong manatili dito sa Valle at panindigan na isa akong kresme. Kung kaya mong pangatawanan ang nasa libro ko at naniniwala ka talaga sa akin, alam mo kung ano ang gagawin.” Tumingkayad siya at inilapit ang labi sa tainga nito. “Good night, Enricus, my destiny.” Malalaki ang hakbang na lumayo sa kanya ang binata at pabalibag na isinara ang pinto. Humalakhak siya at ibinagsak ang sarili sa kama. Gusto ba niyang manatili sa Valle bilang bisita? Siyempre naman. Dati pa siya atat na atat magbakasyon. Gusto ba niyang magslat ulit at ipagpatuloy ang vampire series niya? Hindi yata siya makakapagsulat ng ibang kwento hangga’t di niya iyon naipagpapatuloy. Lalo pa ngayon na mas nakilala niya ang mga tauhan sa kwento niya kahit akala niya ay ‘di na nag-e-exist ang mga ito. Kung pwede lang magawa niya ang gusto niya bilang normal na manunulat at ‘di bilang isang kresme. Itinaas niya ang kamay at nakadama ng lungkot. Iba pala kapag isinusulat ang kwento sa nangyayari sa totoong buhay. “Ayoko na malagay ang buhay ng maraming tao sa mga kamay ko. Ayokong maraming mapahamak dahil sa akin.” Pero paano kung magdesisyon si Enricus na mag-striptease sa harap niya at akitin siya nang tuluyan katulad nang nasa kwento? Dumapa siya, tinakluban ng unan ang ulo saka impit na tumili. “Huwag naman po sana. Ang matris ko baka bumigay. Huwag po. Marupok po ako.” Baka kapag nangyari iyon, wala siyang choice kundi maging isang kresme.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
romantic 😍
12d
0nice
17/01/2025
0🫠🫠🫠
14/10/2024
0Tingnan Lahat