CHAPTER 44

Gabie’s POV
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa aming dalawa kasi napansin ko sa kan’ya mas naging clingy siya sa akin lately pero may pagkamasungit pa rin, kaya hindi ko na tuloy maialis sa isipan ko ang sinabi ni Wednesday na bunsong kapatid ni August noon huli niyang bisita dito sa bahay. Wala kasi si August noon may emergency kaya malayang nakipagdaldalan ang kapatid niya sa akin. Pero s’yempre ingat na ingat ako na hindi ko maikwento ang tungkol sa mga pinagdaanan ng kuya niya sa ex nito.
Ang sabi niya kasi nang dahil sa akin nabawasan na raw ang pagsusungit ng kuya niya pero ba’t sa akin parang hindi naman? Tapos napansin daw niya na palagi raw ako ang bukambibig ng kuya sa tuwing magkausap sila. Kaya napapaisip tuloy ako kasi may mga napansin din ako sa mga kilos niya sa tuwing magkasama kami, kinukulit niya ako kung ano raw ang iniisip ko kapag nakikita niya akong tahimik lang. Tapos kahit naglalaro lang ako ang sasabihin niya agad na ang busy ko raw sa ka chat ko. Ayaw niyang maniwala na hindi na ako active sa social media accounts ko. Kapag nagte-text siya tapos hindi ako nakapag-reply agad iba na agad ang iniisip niya sa akin, kaya nagugulat na lang ako bigla siyang nagagalit sa akin. Ganoon din kapag tumawag siya tapos hindi ko agad nasagot kasi nagkataon na naligo o nakatulog o ‘di naman kaya may ginagawa ako, iba na agad ang ibig sabihin para sa kan’ya, magsusungit na agad ‘yan. Minsan nagdadabog pag-uwi akala mo may kaaway salubong pa ang kilay.
Ewan, hindi naman siya ganito dati kung umasta o talagang hindi ko lang siya kilala dati. May mga times naman na sobrang sweet niya, ang gulo minsan nahihirapan din akong pakisamahan siya dahil bigla-bigla na lang nag-iiba ang mood niya.
“Hey! Is there something wrong you?” biglang sulpot siya sa kwarto ko na hindi man lang kumatok.
“Ha? Wala naman bakit?”
“Coz I’m wondering why, coz usually at these times you’re downstairs watching tv but now you’re here locking yourself here in your room.”
“Nagbabasa lang ako ng novel na ni-recommend sa akin ni Weds,” tinititigan niya ako habang naglalakad papalapit sa kama ko.
“Are you bored? Or missing someone perhaps?” heto na naman po siya sa kan’yang iniisp.
“No, hindi ako bored. Saka wala akong namimiss, okay?”
“Not even your mom?”
“Minsan ko lang naiisip si mama, pero kung ang tanong tungkol ngayon hindi ko naisip si mama ngayon kasi ang isip ko narito sa binabasa ko,” sabay angat ko sa librong hawak ko.
“Okay, if you say so.”
“Ikaw kung anu-ano na lang talaga ang pumapasok d’yan sa utak mo ‘no!”
“What?”
“Watwatin kita d’yan eh!”
“Hey! What are you talking about?”
“Hoy ah! ‘Di ba ang sabi ko ‘wag mo ‘kong sigawan o pagtaasan ng boses kasi hindi naman ako bingi!”
“Oh, sorry,” tapos biglang humiga tapos hita ko pa ang ginawang unan.
“Ikaw talaga! Namimihasa ka na ha! Ano na naman ang binabalak mo ha? ‘Wag mong sabihin dito ka na naman matutulog?” tumingin siya sa akin saka nakangiting aso ang mokong.
“Hmm, can I?”
“Akala ko ba okay ka na?”
“Not so…” sagot niya tapos nilalaro niya ang isang kamay ko.
“Anong not so ka d’yan? Nakita kaya kitang tulog na tulog sa kwarto mo noong nakaraan?”
“Seriously? You mean you stalk me?”
“Kapal! Hindi stalk ‘yon, chineck lang kita kung nakatulog ka na!”
“Why?”
“Naalala lang kita kaya naisip ko i-check muna kita bago ako matulog,” paliwanag ko.
“What do you mean by that?
“Wala lang.”
“Nope not gonna buy your answer sweetheart. I know you have other reasons why you have to check on me,” pangungulit na naman niya.
“Tumigil ka na nga ang dami mo talagang alam!” pagsusungit ko.
Ewan ko ba sa taong ‘to ang hirap spellingin, kung kailan kinikilig ka na sa kan’ya magsusungit siya sa’yo kapag hindi ko feel saka ka naman niya pakikiligin tulad ngayon. Parang timang talaga! Nakakainis! Minsan ang sarap niyang i-kiss kapag tulad ngayon naglalambing siya sa akin. Nakakaloka talaga!
“Why are you smiling?”
“Nakakatawa ka kasi para kang timang!” pagbibiro ko. S’yempre ‘no hindi ko p’wedeng sabihin sa kan’ya kung ano ang totoong nasa isip ko. Bahala siya d’yan!
“What’s timang?”
“Secret!”
“Oh, c’mon sweetheart you have to tell me what timang is!”
“Ayaw!”
“Really? Are you going to tell me? Or else…”
“Or else ano?”
“I’ll kiss, you,”
“Luh!” sabay tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang bibig ko tapos inilingan ko siya. Tapos tumawa siya ng malakas.
Pero sa loob-loob ko,“Go ahead and kiss me I won’t bother to stop you! I want to try hot to feel being kiss by you,” pero sa isip ko lang ‘yan ‘no! Hindi ganoon ka kapal ang mukha ko para sabihin ko sa kan’ya ang bagay na ‘yan.
“So, are you gonna tell me now?” hindi ako umimik at hindi ko rin inalis kunware ang mga kamay kong nakatakip sa bibig ko, kaya inilingan ko pa rin siya.
“No, sweetheart you have to tell if you don’t me to kiss you,” ganoon pa rin ang ipinakita ko sa kan’ya. Kinabahan ako bigla kasi bumangon siya saka umupo siya paharap sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Pero nanatiling nakatakip ang bibig ko. Ang mokong tuwang-tuwa naman sa pagmumukha ko kasi ang lakas ng tawa niya.
Kaya pinandilatan ko siya ng mata pero hindi pa rin ako nagsalita.
“Oh no sweetheart! You can’t beat me with those big eyes of yours,” panunuya niya, kaya inirapan ko siya.
“So cute,” puri niya saka natatawa pa rin.
“Can get those hands of yours from your mouth and talk to me?” sinubukan niyang alisin ang kamay ko pero hindi ako nagpatinag hinigpitan ko ang pagkapit para hindi niya maalis.
“Okay, I won’t force so you won’t get hurt, but could you please talk to me?”
“Ayaw,” inalis ko saglit pero minadali ko ring ibalik agad para lang masabi ko ‘yon.
“Hey! Stop covering your mouth!”
“Ayaw baka bigla mo ‘kong halikan!” saka ibinalik ko na naman ang mga kamay ko.
“Why are you afraid of a kiss?”
“Basta!”
“No, basta. God, you’re making me crazy!” reklamo niya.
“Kaya nga timang ka ‘di ba!”
“What?” napaisip siya saka nakakunot noo habang nakatitig pa rin sa akin.
“Wala.”
“You mean, timang is crazy?”
“Ikaw ang nagsabi noon ah! Hindi ako,” pagpapalusot ko.
“Nevermind.”
Dahil parang suko na siya minabuti kong tanggalin na ang pagtakip ng mga kamay ko sa ‘king bibig. Pero biglang nanlaki ang mga ko dahil…
“Bakit mo ginawa ‘yon? Lokoloko ka talaga!” hinampas ko siya sa balikat niya. Tapos tawa lang siya nang tawa sa ginawa niyang kalokohan.
“Ibalik mo ‘yon! Bakit mo ‘ko ninakawan ha?” naiinis kong tanong.
“What ibabalik ko?” naguguluhan niyang tanong, naiiyak na ako sa inis ko sa kan’ya. Nakakurat talaga minsan ‘tong tao na ‘to!
“Ano ba naman ‘yan hindi ganoon ang inasahan ko sa first kiss ko kasi ang imagination ko magiging romantic ang first kiss ko tapos ninakaw lang niya! Walang hiya talaga ‘tong mokong na ‘to!”
“Why are you so angry? It’s c’mon it’s just a smack!”
“Kahit ganoon kiss pa rin ‘yon! Ninakaw mo lang nakakainis ka talaga!” nakasimangot kong sabi.
“Hey! I’m sorry, okay? Just don’t cry,” pag-aalo niya nang makita niyang maluha-luha na ang mata ko.
“Eh, paano ba naman kasi basta-basta ka na lang magnanakaw ng kiss. Alam mo bang mahalaga sa akin ‘yon? Kasi hindi ganoon ang imagination ko sa first kiss ko!” sumbat ko sa kan’ya.
“What? Seriously? That was your first kiss?”
“Oo! Kaya nga mahalaga sa akin ‘yon! Kaya ako naiinis sa’yo!”
“Oh, my goodness!” gulat na gulat siya sa nalaman.
“Bakit?”
“What was your imagination for your first kiss?”
“Romantic kasi sabi ng mga friends ko at ganoon din sa nakikita ko sa movies at nababasa sa novels,” nakasimangot pa rin ako. Nakita kong parang na-guilty siya dahil na rin siguro sa nakita niya sa pagmumukha ko.
“You mean your boyfriend didn’t kiss you?”
“Paano pa mangyayari ‘yon ‘di ba nga sabi ko ilang oras lang ang itinagal noon tapos nagkagulo na kaya walang ganoon! Saka mabuti na rin ‘yon kasi incest pala.”
“So, does it mean that was your supposed to be first relationship?”
“Oo, tapos pumalpak pa!”
“Why?”
“Anong why? Bawal nga ‘di ba? Ang kulit talaga paulit-ulit!”
“No! That’s not what I meant. I mean why did you have boyfriend prior to that? It just happens or it was your choice? Coz your pretty I’m sure there are men in your school who tried to hit on you.”
“Busy ako sa studies ko saka sa mga part time job ko. Study first ang motto ko kasi I have to maintain my grades para hindi ako mawalan ng scholarship.”
“Oh, I see,” tumango-tango pa siya. Hindi ako umimik saka nanatili akong nakasimangot sa kan’ya dahil totoong naiinis talaga ako dahil pamgit ang kinalabasan ng first kiss ko.
“I’m sorry for stealing your first kiss. Tell me, how can I make it up to you?” seryoso niyang tanong. Kaya napaisip naman ako kung anong dapat gawin.
“Ibalik mo ang ‘yon!” nakanguso kong sabi, na parang bata na inagawan ng laruan.
“You mean the kiss?” gulat niyang tanong, tinanguhan ko lang siya habang tinitingnan ko ang mga kamay kong nilalaro ko.
“Are you sure?” paninigurado niya na tinanguhan ko lang rin at hindi ko man lang siyan tinapunan ng tingin kasi nakatutok lang ako sa mga kamay ko.
Using his index finger, he slowly lifts up my face then she looks straight into my eyes then to my lips for seconds then back to eyes. Para bang nananantya siya kung tama ba talaga ang gagawin niya.
“Close your eyes sweetheart,” halos pabulong niyang sabi. Para naman akong nahipnotismo sa boses niya walang pag-aalangan ko naman siyang sinunod, kasabay ng malakas na tibok ng puso ko dahil sa matinding kaba. Bigla akong nanigas dahil ramdam kong sobrang lapit na ng mga mukha namin dahil naamoy ko na ang mabangong hininga niya.
“Relax sweetheart,” malambing niyang sabi.
Pinapakiramdaman ko kung ano ang susunod na mangyari pero dahil parang ang tahimik naman ng buong paligid kaya sinubukan kong sumilip.
“Be patience I’m not done yet sweetheart, close your eyes again.”
Maya-maya naramdaman kong lumapat na sa labi ko ang malambot niyang labi. I lose count of how many seconds his lips stay touching my lips before he slowly moves his lips against mine. It’s like he has his own rhythm as he continues brushing lips into mine. Hindi ako alam kung ano ba ang dapat kong gawin kaya marahan kong tinulak ang dibdib niya, kaya tumigil siya sa paghalik sa akin.
“Did you like it?” tumango ako sa kan’ya.
“Ah… eh, hehe… sorry hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong gawin?” nahihiya kong tanong sa kan’ya, samantalang nakatitig lang sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Bakit naman naging ganoon ang mga mata niya bigla inaantok ba s’ya?
“Simple, just follow what I did. Wanna do it again?” tanong niya, ako namang si tanga tumango lang din.
He kisses me again but I didn’t wait for him to tell me to close my eyes, I instantly close my eyes right when he lips touch mine. Just like what he told me, I followed what he did.
“Ang sarap pala! Parang ganoon din ‘yong mga nabasa ko at saka napanood ko sa movies,” bigla akong napangiti kaya napahinto siya sa paghalik sa akin.
“What is it?” nagtataka niyang tanong.
“Naisip ko lang ko lang ganito pala ang feeling ng mahalikan parang may kiliti sa tyan ko. Kaya pala ganoon na ang kung kiligin ‘yong mga babae sa movies at sa novels, totoo pala ‘yon.”
Tinawanan na niya ako, Timang talaga! Nagsasabi lang naman ako ng totoo.
“Bati na tayo? You’re no longer mad at me?” nginitian ko siya saka tumango ako.
“Don’t you dare to try to kiss other men, okay? And never let other kiss you as well!” matigas niyang sabi at parang tanga din akong sumang-ayon sa kan’ya. Tapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
“Oh, my innocent sweetheart,” bulong niya pero narinig ko naman.
“Let’s go to sleep it’s getting late now,” yaya niya.
“Hindi pa ako inaantok kaya mauna ka nang matulog,” sagot ko.
“Humiga siya sa kama ko pero hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Dahan-dahan naman akong humiga sa tabi niya pero wala pa akong balak matulog kasi hindi pa naman talaga ako inaantok. Gusto ko lang titigan ang mukha niya kasi nagagwapuhan ako sa kan’ya ngayon hindi siya nagsusungit sa akin.
Days passed quickly by, August is quite sweeter and possessive towards me. Kahit si Weds nagtataka na rin ang kinikilos ng kuya kasi may kakaiba raw sa inasal at kilos nito. Wednesday is trying to fish some information from me which I failed to provide her, kasi na ako hindi ko alam kung bakit naging may kakaiba ang treatment niya sa akin.
“Nagtatanong pala si Weds kung anong oras daw ang alis natin bukas kasi makikisabay daw siya dahil tinatamad siyang mag-drive mag-isa pauwi sa Laguna,” kwento ko sa kan’ya isang umaga sabay kaming kumakain ng agahan.
“Hindi ako uuwi may ibang lakad ako bukas. By the way, pack your things good for two days. Ako na ang bahala na tatawag sa makulit na ‘yon and one more thing grandpa and grandma knows already about my plan,” sagot niya na hindi man ako binalingan ng tingin dahil tutok sa pagkain niya.
Hindi ako nakakibo wala akong naiintindihan sa mga sinabi niya saka walang binanggit sa akin si Weds kung bakit kailangan uuwi ng Laguna. Noong tinanong ko ang sabi niya sa akin, it’s for me to find out. Maloko din ‘yong isang ‘yon, eh.
“I got to go, don’t forget to lock the doors. Keep an eye on your phone I’ll call you later,” hgindi pa man ako nakakapagsalita tumayo na siya tapos lumapit sa akin at binigyan ako ng kiss sa noo. Para bang normal lang sa kan’ya ang lahat, hindi ba niya alam na may kakaibang boltahe ang dulot sa akin ng mga gan’yang kilos na pinapakita niya sa akin. Natatakot din naman akong magtanong kasi ba. ka bigla tuloy magbago ang pakikitungo niya sa akin. Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako kapag mababago ang pinapakita niya sa akin at kung paano niya pahalagahan at alagaan.
Aaminin kong hindi ko na napigilang magkagusto sa kan’ya dahil na din sa mga ginagawa niya sa akin. Kung makaasta kasi siya para niya akong asawa kung ituring, pero alam ko naman na hindi totoo ‘yon kasi may trauma pa siya sa nakaraang relasyon niya na pilit pa niyang kinakalimutan. Kaya malabong magkagusto siya sa akin, siguro tulad lang din kay Wednesday na kapatid niya kung paano niya ako pahalagahan at alagaan maliban sa mga kiss. Speaking of kiss, hindi ko alam kung bakit parang usual na lang sa amin na gagawin ang mga ‘yon kapag kaming dalawa lang dito sa bahay. At hinahanap ko ang presensiya niya at ang mga halik niya kapag hindi siya nakakuwi dahil sa trabaho.
Pero sa tuwing nagtatanong ang kapatid niya sa akin kung ano ang mayroon sa amin ng kuya niya wala akong maisagot, kasi hindi ko naman alam kung anong mayroon. Palagi kong sinusubukan na magtanong sa kan’ya pero palagi din namang umuurong ang dila ko kapag niisip kong paano na kung pagkatapos namin mag-usap ay magbabago ang lahat sa pagitan dahil ako lang pala ang umaasa.
Ngayon ko lang nararamdaman ang lahat ng ito kaya hindi ko alam kung pangalanan ang lahat pati ang kung mayroon kami. Sana lang hindi pa huli ang lahat kapag malaman ko na ang tama at dapat itawag sa mga ito, dahil hindi ako handa sa magiging kapalit nito.
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang sa ganito nakasentro ang buhay ko na dapat ang iniisip ko kung paano ko aayusin ang buhay kong magulo at paano harapin ang nakaraan ko kabilang ang mga tao na nagdulot ng matinding sakit sa buong katauhan ko.
Dumating ang gabi, sakto sa oras ang uwi ni August, marami siyang dala at hindi na rin ako nagtanong kung para saan ang mga iyon. Ilang beses niya akong tinawagan sa buong mgahapon para kumustahin ang kalagayan ko at tanungin kung kumain na ba ko. Tulad ng mga nakaraan para kiss sa noo ang salubong niya sa akin tapos niyayakap niya ako ng mahigit, may binubulong siya habang ginagawa niya ang bagay na ‘yon pero hindi ko maintindihan parang sinadya niyang hindi malinaw ang pagkakasabi niya, para hindi ko maintindihan.
Naghain ako ng hapunan namin saka sabay kaming kumain, panay ang sulyap niya sa akin para bang may gusto siyang sabihin pero hindi matuloy-tuloy, kaya naman inunahan ko na.
“Ano ‘yon? Sabihin mo na, alam ko na kapag gan’yan ka may gusto kang sabihin,” basag ko katahimikan.
“Nothing. I just want to look at your beautiful face,” walang kagatol-gatol niyang sabi.
“Alam mo magkapatid nga kayo ni Wednesday ang hilig niyong mambola,” pambabara ko sa kanya.
“Yes, she’s my sister I don’t know how to make bola coz I’m just stating the fact here sweetheart,” he said confidently.
“Ikaw ah! Baka seryosohin ko ‘yang sinabi mo at maniwala ako tapos hindi mo pala ako sasaluhin kapag nahulog ako! Isa pa ‘yan paggamit mo ng endearment sa akin sinamay mo akong sa gan’yan baka kapag nakahanap ka ng kapalit sa ex mo eh, hahanap-hanapin ko ‘yan!” hindi ko alam kung bakit hindi ko na napigilan ang sarili ko, huli na nang ma-realized ko kung ano ang mga pinagsasabi ko.
“I already found you. So, just get used to it. Don’t worry sweetheart I’m here to catch you and no matter what happens I got your back, okay?” malambing niyang sabi.
“Ha?”
“Ha?” panggagaya niya. Kaya sinimangutan ko siya sabay dampot ng pinagkainan ko saka tumayo at iniwan siya at pumunta ako sa lababo kasi kinakabahan ako ng todo. Hindi ko alam kung paano ko siya kakaharapin kapag gan’yan ang mga sinasabi niya. Natatakot kasi akong umasa sa wala baka kasi ako lang ang nag-iisip ng kakaiba tapos hindi pala ganoon sa kan’ya. Pero naramdaman kong tumayo siya base sa narinig kong tunog ng upuan, maya-maya naramdaman ko na siya sa likod ko.
“Why? Is there something wrong?” mahinang sabi niya malapit sa tenga ko kaya mas lalong nagpagulo sa isipan ko, nakakakiliti ang kan’yang mga paghinga kaya mas lalo akong nainis sa kanya.
“Hindi magandang magbiro ng gan’yan! Kaya naiinis ako sa’yo kasi hindi dapat ginagamit ang tungkol sa gan’yang klaseng bagay alam mo ba ‘yon?” hindi ko naiwasang mapagtaasan siya ng boses.
“Do you really think that was a joke?” sabay hinawakan niya ako sa aking mga balikat at pinihit paharap sa kan’ya.
“Fuck! This is not supposed to happen today. I plan to tell you this tomorrow but since I don’t want you to be mad at me, then I’ll tell you now instead.”
Hindi ko siya kinibo kasi baka ako pa ang mga pangit na salita ang lalabas sa bibig ko, alam ko pa naman na kapag nasabi na hinding-hindi na mababawi ang mga iyon kahit ilang milyong sorry pa ang sabihin mo at pagsisisi ang gawin mo. Sa halip pinapakita ko sa kan’ya na galit ako dahil nakakatuwa o nakakatawa ang mga biro niya.
“Hey! I’m serious. For the record, I like you a lot! I don’t know when, and I don’t how it start, just as long I feel that I can’t go on a day without you. And the best thing was, I can sleep comfortably with you by my side which I never had for a long time before you came into my life. You changed my perception about woman and relationship. I thought I’m not gonna feel happiness ever again but because of you I woke up in the morning happy and contented with my life. But that’s different from the happiness I have for my grandparents of course and my sister Wednesday. And I’m looking forward to be with you in the near future, I hope you believe me. Coz this is not easy for me to confess to you right now. I’ve been preparing for days now on how am I gonna tell you. I even plan to do it over a dinner tomorrow evening but things happen so, might as well I’ll grab the opportunity. I don’t care now if the place isn’t romantic at all just as long as I am truly serious with my words and specially with what I feel for you. You don’t have to answer me right away, no pressure. What’s important for me now is that I already clear things between us.”

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08/2024

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    16/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata