CHAPTER 46

Miggy’s POV
Naging masaya ang buong bakasyon namin sa Batanes kasama nila mommy. Laki ng pasalamat ko kasi mas sumaya pa siya na kasama namin sila tito Manuel, tita Beth at Carla na balik sa pagiging personal assistant niya. Nakapag-usap na rin sila ng masinsinan matapos ‘yong huling tagpo na nauwi sa pagkasesanti ni mommy sa kan’ya. Si mommy ang humingi ng pasensya sa nangyari dahil amindo siyang hindi naging mabuti ang treatment niya hindi lang kay Carla kung hindi sa aming lahat.
Nabanggit ko na rin kay mama na may girlfriend na ako at tulad ng inaasahan ko excited siyang makilala ito. Napag-usapan na din namin nila tito at tita kasama si mommy ang tungkol sa anak ni daddy kay Teresa na Gabie. Nalaman na ni mommy na nawawala pa rin si Gabie hanggang ngayon, napansin kong hindi na ganoon katindi ang reaction ni mommy sa usaping tungkol kay Gabie. Inamin niya sa amin na bago pa nawala ang daddy ay nagkaroon sila ng pagtatalo dahil sa naging pag amin ni daddy sa kan’ya. Pero hindi niya raw ito binigyang pansin pagkatapos noon kasi mas iginugugol niya ang buong panahon sa shooting sa patapos na pelikula.
Kaya raw pala nahirapan siya ng husto na tanggapin ang pagkawala ni daddy kasi hindi pa sila nagkaayos noon sa pagtatalo nila tapos malaman niyang isinugod ito sa hospital tapos ang malala sa morgue na niya natagpuan si daddy. Sinisisi na niya daw sarili niya sa pagkawala ng daddy ko. Hindi ko alam na may ganito pa lang pinagdadaanan si mommy habang ako pilit ko ding tinatago sa kan’ya ang lahat, na ang totoo sinisisi ko din ang sarili ko sa pagkawala ng daddy.
Matapos ang damdaming usapan ng gabing ‘yon masaya kaming namili ng mga pasalubong dahil ito na ang huling araw at bukas ng umaga ay uuwi na kaming lahat sa Manila. May naka-schedule pati si mommy sa therapist niya masaya ako kasi nakikita kong unti-unti nang bumabalik si mommy sa dating siya na nakilala at nakasanayan ko.
Sinundo kami ni Meynard at maging sila tito ng kanilang driver. Si Carla hinatid muna namin sa bahay nila para maihatid ang mga binili niya para sa kan’yang pamilya. Bukas na siya babalik sa bahay para samahan si mommy sa therapist niya. Ako nama’y umuwi na rin sa condo pagkatapos naming maihatid sa bahay.
“Hi beautiful!” bati ko kay Alex nang buksan niya ang pintuan ng kotse ko para makapasok.
“Hi bolero!” natatawa niyang sabi, saka hinila ko siya papalapit para mayakap ko siya and I kiss her.
“I miss you so much babe,” matapos kong bumitiw sa pagkakayakap naming dalawa and I kiss her again.
“I miss you too a lot! Ang hirap palang nasanay na akong kasama kita araw-araw tapos biglang wala ka,” malambing niyang sabi, tapos siya naman ang yumakap sa akin.
“Same here, kahit kasama ko sila mommy hindi ko maiwasang palagi kitang maisip. My text messages proved that I guess,” natatawa kong sabi.
Totoo naman kasi ‘yong nasanay ka na nakikita mo siya mula sa pagising mo minsan kasama mo pa sa pagtulog tapos bigla nagkalayo kayo sa isa’t-isa.
“So, saan tayo?” biglang tanong niya.
“I already cooked for us, condo tayo magdi-dinner kasi namiss na kita sobra,” I answered and winked at her.
“Hmm, alam na alam ko na ‘yang gan’yang mga tingin at ngiti mo! You know what?” nailing ako at natawa ng mahina saka nagmaneho ng pauwi.
“What?”
“I realized that may itinatago ka palang kalandian akala ko dati sobrang seryoso mo talaga sa buhay pero hindi pala,” sabi niya habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin. Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi niya.
“Promise sa’yo lang naman ako naging malandi at maglalandi,” tapos sabay natawa na dalawa.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin, I even mention to her that I already told mom about her. Then mom wants to meet anytime soon over dinner sa bahay. I reheat the food I cooked earlier before I fetch her at work. Then we eat our dinner. She volunteered to wash the dishes after dinner nakaupo lang ako sa living room watching news with a bottle of beer in my hand.
Are you sure na gusto akong makilala ng mommy mo?” she asked me while we cuddled in my bed after having our intimate time together.
“Chill! I’m sure she will like you.”
“Nakakakaba kaya kahit ano pa ang sabihin mo,” nakanguso niyang sabi habang nakaunan sa dibdib ko.
“Bakit ka ba kakabahan, kasama mo naman ako saka don’t worry hindi naman kita papabayaan. Babe, we’re already adults actually we’re both on marrying age. Saka alam kong matagal na rin gusto ni mommy na magka-girlfriend ako at mag-asawa. Believe me everything will be fine, hm?”
“Ayan ka naman eh, lagi mo na lang ako dinadaan d’yan sa paglalambing mo alam na alam mo talaga ang kahinaan ko ‘no!” sabay kurot niya sa braso ko pero tinawanan ko lang siya.
“I think you need another round I’m sure you miss me that much coz if you’ll ask me, I miss you so…so…” hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko coz she captured my lips with her then our kisses deepen like we haven’t kiss before. Our hands are uncontrollably moving towards each other’s body like it has mind of its own, we ended the night satiated.
I decided to take my post degree coz I am planning to pursue my dream to put up my own advertising firm. I want to take the opportunity since I see that everything now seems back to normal except the fact that Gabie is not yet back. Nevertheless, I want to settle and prepare everything for my next plan, and that is to propose to Alex. So, before the proposal I have to make sure that we’ll going to have a stable income not only for the both of us but for our future family.
Mom was happy for me after I told her my plans after I enrolled post degree in one of the prestigious universities in our country. I even remind her that Alex and I will be coming over dinner so I can introduce the both of them at last coz I’ve been dying to introduce to them to each other. The two most important and special women in my life.
“We’re here mom!” sigaw ko as we entered our house.
“Welcome babe to our humble abode,” I told her while holding hands then I kissed her on her forehead.
“Migs nga! Nakakahiya makita pa tayo ng mommy mo,” mahina niyang sabi na halatang kanina pa kinakabahan at nanlalamig ang kan’yang mga kamay, pero tinawanan ko lang siya.
“Relax babe,” then I winked at her.
“Let’s go! Nasa kitchen si mommy for sure,” after pulling her for a hug.
I saw tito Manuel and tita beth with mom in the kitchen as entered.
“Hello everyone! I am here to formally introduce to you my girlfriend Alexandria Marie Alonzo. Babe, this is tito Manuel my father’s older brother and his wife tita Beth,” then they greeted each other while I took a glance to my mom to see her reaction, thank God I see her smiling.
“And of course, babe meet my ever-lovely mother Barbara Sansebastian, mom this Alex my babe.” I let them greeted each other, I’m happy to see mommy initiated a hug on Alex and giving a wide smile on her face.
“Come on, let’s eat the food is ready,” si mommy habang nakangiti siya sa amin ni Alex.
I guided Alex to the table by holding her on her lower back then we sit beside each other. Si mommy ang naka-upo sa dulo ng mesa while nasa tapat naman namin sina tito at tita, we had a casual conversation. I’m happy to know that mom is also doing her best to make Alex comfortable with us, at least not only doing such dalawa pala kami.
We spend more time with them at the garden having some wine for me and tito while the three of them are having their dessert. Carla didn’t join us in spite our invitation to her, she said she want us to have our privacy first.
“Kailan ang plano n’yong magpakasal hija?” I heard mama asking Alex while tito is discussing something to me about some business matters.
“Uhm, hindi pa po namin napag-usapan kung kailan pero napag-uusapan na po namin ang tungkol sa bagay na ‘yan. Depende na po ‘yon kay Migs lalo na kaka-enroll lang niya para sa post graduate study niya, nandito lang naman po ako,” she politely answered.
“Hay naku! Ang hina talaga ng anak ko,” sabay silang natawa ni tita Beth napangiti naman si Alex. Sana lang hindi siya ma-pressure sa mga tanong ni mommy at tita sa kan’ya.
“Sayang hindi ka nakasama sa amin sa Batanes hija, I’m sure mag-eenjoy ka roon,” si tita beth pag-iiba sa usapan, siguro napansin niyang hindi masyadong comfortable si Alex sa usaping kasal.
“Ah, hindi po kasi ako pinayagang makapag-leave sa office,” pagrarason niya.
“Liar!”
Ang totoo ayaw niya talagang sumama kasi nahihiya raw siya and she wants to respect my time with mom.
“It’s okay hija there’s always a next time. Hopefully next family outing eh, makasama ka na namin para mas masaya and hopefully, kasal na kayo ng anak ko niyan,” hirit ni mommy kaya napailing na lang ako kasi pilit niya talagang binabalik tungkol sa kasal.
Niyaya ko si tito na humalo sa kanila mommy kasi nakikita kong mas lalong kinakabahan ang hitsura ni Alex, mabuti na lang naintindihan naman ni tito.
“Hi!” bati ko kay Alex sabay umupo ako sa tabi niya.
“Hi!” nginitian niya ako tapos nakita kong parang nahimasmasan siya na makita akong tumabi sa kan’ya pag-upo.
“Are you okay?” bulong ko.
“Oo naman.”
“Anak, you’re not getting any younger we all know that. When do you plan to get married huh?” si mommy, hindi talaga maawat sa usaping kasal-kasal na ‘yan.
“Ganoon na ba talaga ako katanda para sa kanya para ipagtutulakan niya akong magpakasal na?”
“Mom, relax, we will get there soon.”
“Kailan naman ‘yang soon na ‘yan? I want to have grandchildren already alam mo naman tumatanda na ako, we don’t know until will I gonna be here,” pagdadrama niya. I just groaned.
“Tsk, ang kulit talaga ni mommy!”
“Mom, what are you saying? Let’s not talk about that, okay? I’m sure you’ll gonna have a longer life,” natatawa naman silang tatlo sa sagutang namin ni mommy.
“Mom, Alex and I are taking things slow, okay? But for sure we’ll getting married to each other,” I said it with finality.
“Ang bagal-bagal mo talaga Alejandro Miguel!” naiinis niyang komento.
“Tito ang kulit ni mommy,” nagsusumbong ako kay tito na parang bata, ang akala ko kakampihan ako pero ‘yon pala tinawanan lang nila ako.
“Tama naman ang mommy mo, I suggest you can get marry while having your post graduate study, don’t worry son I’m here to help you to put your own advertising firm. Mas maganda naman kasi na kasal at may anak na kayo dagdag inspiration mo ‘yon!” si tito na ginatungan pa talaga si mommy.
I grip Alex hand that I’m holding to let her know that it’s alright no need to listen to them. They’re just bored kaya kung anu-ano na lang ang mga pumapasok sa isip nila. I see her smiling at namumula na ang magkabilang pinsgi.
“So cute. Can’t wait to go home! Lagot ka sa akin mamaya,” bulong ko sa sarili.
“You stay here for tonight, and hija, don’t worry about your clothes I got you,” si mommy then gave Alex a smile. Samantalang si Alex hindi alam ang isasagot kay mommy kaya tumingin siya sa akin.
“What do you think hm?” I asked her.
“Ewan ko sa’yo?” nahihiya niyang bulong sa akin.
Wala na kaming naggawa nang magpumilit si mommy. Kaya mas tumagal ang pag-uusap namin sa garden, nadagdagan tuloy ang iniinom namin nit ito ng iilang shots pa.
We sleep in my old room, and truth to be told mom got some clothes for Alex for the night and for the following day. I don’t know why she has some clothes for her, mabuti na lang kasya kay Alex ang mga damit na pinahatid niya kay Carla sa kwarto ko.
The following morning, I woke up because I heard Alex waking me up sitting beside the bed. She’s already in dress and smells like she just finishes taking a morning shower.
“Wow! Ang ganda naman ng salubong ng gising ko parang hindi ka napagod kagabi ah!” pagbibiro ko sa kan’ya, kaya nahampas tuloy ako sa balikat.
“Bumangon ka na kasi kakain na raw, dito nanggaling si Carla, hinihintay nila tayong bumaba,” pagsusungit niya kunware.
“I know you babe kunware lang ‘yang pagsusungit mo sa akin para matakot ako sa’yo, kiss kita d’yan eh,” pagbibiro ko, saka naman siya tumayo at iniwan ako sa kama.
“Babe! Where’s my morning kiss? Hindi ako babangon kapag wala akong morning kiss,” pagmamaktol ko parang bata. Inirapan niya lang ako, kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumangon saka nilapitan siya na abala sa pagsusuklay at niyakap ko siya mula sa likod. I kiss her shoulder slowly upwards up until her cheeks, I heard her moaning while I’m giving her feathery kisses.
“Shit! You’re really get sexier when you moan babe, stop that, if you want us to join them at the breakfast or else, I’ll make love to you right here right now,” pagbabanta ko. But I heard her moaning again when I bite the bottom of her earlobe.
“Fuck babe!” I whisper.
“Sira ka talaga! Tapos ako ang sinisisi sa kalandian mo!” sabay kurot niya sa tagiliran ko.
“Ouch babe! Ang sakit noon,” napangiwi ako ang sakit talaga!
“Sorry na. Ito na magbibihis na para makababa na tayo,” nakanguso kong sabi kasi parang galit na yata talaga kasi nakakatakot na ang tingin niya sa akin.
“Lagot na! Na bad trip yata!”
We spend some time with my family after breakfast hindi kami nagmadaling umalis kasi Sunday naman bukas pa naman ang pasok niya. Napagkasunduan naming after lunch na kami tutulak pabalik sa condo.
I was busy browsing my phone in a jewelry online shop looking for a ring to Alex nang bigla siyang sumilip sa akin from the kitchen, buti na lang mabilis ang mabilis ang reflexes ko kaya naibaba ko agad.
“Are you done with your baking session with them babe?” pasimple kong tanong.
“Hindi pa kakasalang pa lang namin sa ginawa naming cookies. Ikaw what keep you busy?”
“I’m just checking my emails,” pagpapalusot ko, kasi hindi ko p’wedeng sabihin kung ano talaga ang ginawa ko kasi it would not be longer a surprise for her.
I’m not planning a fancy proposal kasi I know she would prefer a simple one. But I want to make sure that I will get ring the really fits for her taste and her personality. Medyo matagal ko ng pinag-isipan ang bagay na ‘to, at first I planned to have it customed made kaso medyo matagal pa ang hihintayin ko kaya nag-research na lang ako sa online. I’m sure I’ll be able to find one.
After a month of searching at the internet and going to some jewelry shops I finally found the ring I want for her. It has the rarest gem on the center of ring which is called painite, a red round shape that means the eternal love and faithfulness, perfection and infinity. With small stones around the ring.
I am planning to propose to her on the Christmas eve. Kaya I asked some help from Meynard and Carla sila ang pina-asikaso ko sa food and sa iba pang details for that night. Hindi niya ako p’wedeng makitaan na abala kasi ayaw kong pagdudahan niya ako. I talked to mom and ask her opinion about inviting Teresa on that day. Luckily, she said yes and she promised me that she will try her best to be civil with her. I know that it would not be easy for her but I know that she will do it for me and for Alex.
Wala siyang kaalam-alam ang akala niya lang is we’re going to spend a simple Christmas dinner with my family. Tapos nakiusap siya na we will spend the whole day after Christmas eve at Teresa’s place. She didn’t know that Teresa will be celebrating with us on eve.
I feel nervous of course, coz I don’t know what will going to happen though I know that she loves me so much. But still, I can help myself to feel nervous and at the same time excited for that day to come.
Twenty-fourth day of December came, I acted as normal as I can albeit the nervousness I feel inside. We did the usual routine I cooked breakfast and together we eat. We left the condo before lunch time coz she asked me to accompany her at the mall. Since I need to pretend that nothing special that I am preparing for her tonight, sinamahan ko siyang namili ng iilang pang Noche Buena na idadaan namin sa bahay ng tita Teresa niya bago kami tutulak pauwi sa bahay. ‘Yon na lang daw kasi ang kulang as for her, kasi we already shop for gifts for everyone online kasi ayaw kong makipagsisikan sa maraming tao sa mall. Even so, I need to be with her doing the grocery kasi ayaw ko naman pabayaan na siya lang ang mag-isang mag-grocery.
Around eight in the evening when we arrived in the house, sakto kumain kami ng dinner pagkarating. I intentionally asked her to rest in my room para hindi siya makaisip na lalabas sa garden para magpahangin. Sinamantala ko ‘yon kasi alam kong napagod siya sa mga ginawa buong araw. Luckily the fate agreed with me, as expected she’s asleep when I checked her minutes later after she went upstairs. Hinayaan ko lang muna siya makatulog para malayang akong makakapag-supervise sa mga ginagawa sa may garden.
Apparently, everyone is busy preparing for the Christmas eve dagdag mo pa ang plano kong mag-propose sa kan’ya tonight kaya domoble ang pagiging abala ng lahat. In fact, nag-hire ng additional people to assist for tonight para matapos ang lahat para sa decorations and arrangements sa garden. The food was taken cared by the catering services of course.
“Nak, relax kanina ka pa hindi mapakali!” si mommy.
“I’m trying mom, pero…” I inhaled and exhaled deeply before I continue with what I’m about to say.
“Pero kinakabahan ka pa rin?” tapos tinawanan lang ako ni mommy.
“Sucks! Mom hindi ka nakakatulong sa nararamdaman ko ngayon mas pinalala mo lang tuloy ang kaba ko,” muntik ko ng sabihin pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
“Carla! Nasaan na ‘yong pinakuha ko sa’yo kanina sa sasakyan ni Meynard?” nang makita ko siya na kinakausap ang isang staff ng catering.
“No worries, nilagay ko na sa closet mo. I saw her tulog na tulog kaya malayang akong nakapasok doon na hindi niya alam,” masayang balita ni Carla.
“Thank you! Where’s Meynard?” I asked her again.
“Umalis kaagad para sunduin sila, siguro papunta na rin ang mga ‘yon,” she answered me energetically.
“Alam mo na kung saan sila gagawin at kung saan sila dadalhin kapag nandito na sila, kayo na ang bahala sa kanila ah?” I am talking about Teresa, Jhay and Meynard’s family. Then tito Manuel and tita Beth are for sure will arrive in any minute.
“Sure! Pumanhik ka na kaya and wake her up para makapag-prepare na kayo. Relax and goodluck!” sabay tapik niya sa balikat ko at binalikan niya ang kausap niya kanina.
“She’s right son. You go and wake her up it’s time to prepare. Aakyat na rin ako to preprare kasi parating na rin sila. Relax just be yourself. Para hindi ka mapaghahalataan,” then she kisses me on my forehead.
I follow what they told, natawa pa ako when I came inside my room kasi ang cute niyang tingnan while sleeping like a baby on my bed.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08/2024

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    16/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata