SPECIAL CHAPTER

Miggy’s POV
Hindi ko inasahan na madadatnan namin ni Alex si Gabie ngayong gabi sa bahay nila. Matagal na panahon na ring hindi ko na siya naisip dahil na rin siguro nasanay na akong hindi ko siya nakikita.
Papauwi na kami ni Alex sa condo ilang minuto rin kaming tahimik pareho. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o dapat ko ba siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina. I decided not to start the conversation kasi ayaw kong ma-misunderstood niya ako. Better safe than sorry ikanga. Sa current condition ni Alex I noticed she more sensitive these days emotionally. I totally understand it though, her doctor already gave a heads up about pregnant women.
With Alex’s condition, I learned to be more patient and understanding. Kung dati madali akong mapikon ngayon, I can see myself can handle the situation more appropriately. I always think of what’s the best for her and our baby inside her womb. I don’t like to be the reason for her to feel stress or whatever. Hindi na baleng ako ang ma-stress ‘wag lang siya kasi kawawa naman ang baby namin dahil ito ang pinakamaapektuhan. And I don’t want that to happen.
“Babe?” si Alex, she spoke after several minutes of being silent while I’m driving us home.
“Hm?”
“I just want to know if what did you feel earlier seeing her?”
“I knew she would ask me about this!”
“I’m happy that she got back kasi at last mapapanatag na si tita Teresa, alam kong matagal na niyang gustong makita ang pinsan mo hindi ba? At saka mabuti na rin na bumalik na siya kasi mommy wants to meet her too,” I explained.
“Nothing else?”
“Oh no, please. Stop overthinking babe. Hindi ganoon, matagal ko ng tanggap that she’s my sister! Kaya kung ano man ang iniisip mo ngayon kalimutan mo na dahil hindi ‘yan sumagi sa isip ko. I love you so much babe that’s why I ask you to marry me,” I even pullover para matingnan ko siya sa mata. I kiss her after I said what I have to tell her.
“Thank you. Sorry,” nahihiya niyang sabi.
“It’s alright babe, I truly understand you. But please always remember that you’re the only for me, okay? I love you with all my life. She’s nothing but my sister. So, please stop overthinking that idea still cringe me.”
Mabuti na lang tumawa na siya pagkasabi noon. Kasi totoo naman eh, kung alam ko lang talaga sa simula pa na kapatid ko siya ba’t ako siya liligawan. Kung sana sa simula pa naintindihan ko lang ng maayos na hindi pala ganoon ang pagkagusto ko sa kan’ya, yon pala ‘yong lukso ng dugo eh, ‘di sana walang ligawan na nangyari hindi ba? Pinaintindi ‘yan sa akin ni tito Manuel kasi nahirapan akong maka-get-over sa nangyari, para bang pinandirihan ko ang sarili ko dahil sa nangyari.
Nagpasalamat ako ng malaki na pinagbigyan niya akong makausap siya ng masinsinan, it’s not about what happened to the both of us in the past. But it’s about what my dad left for her; I want to settle everything now for her. Mom already knew about it’s fine with her.
“May dala akong food tita,” iniabot ko kay tita Teresa ang dala kong pagkain pagkapasok ko.
“Nag-abala ka pa talaga, pero maraming salamat. Sandali tawagin ko lang si Gabie nasa kwarto niya,” kaagad niya akong iniwan pagka-upo ko sa sofa nila.
Makalipas ang ilang minuto lumabas siya sa kwarto at saka naglakad siya papunta sa kinaroroonan ko may nakangiti siya sa akin.
“Hi! Kumusta?” bati niya sa akin.
“Hi! Mabuti naman. Pasensya na nadistorbo yata kita sa pagpapahinga mo,” I stood up then I gave her a short hug. I didn’t feel any awkwardness between us right now, kaya malaking ang pasalamat ko. Ibig sabihin pareho kaming dalawa na okay na sa situation namin.
“Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan?” diretso niyang tanong.
“Uhm, it’s about what dad left for you. Don’t worry mom knew already about it and she’ fine with it,” I explained.
“Ha?” naguguluhan niyang tanong.
“I mean, may iniwan si daddy na thrust fund for you and a property that’s for you. You were mention in his last will and testament. Alam na rin ito ni tita Teresa actually, kinausap na siya ng lawyer pero ayaw makialam ni tita ang sabi niya ikaw na lang ang kakausapin ko at ipapakiusap ko sa lawyer once makabalik ka na.”
“Hala? Kahit naman wala ng ganoon okay lang sa akin ‘yon.”
“Alam ko, pero para sa’yo talaga ‘yon kaya kailangan mong tanggapin ‘yon, sabihin mo lang sa akin kung kailan ka p’wedeng makipagkita sa lawyer?”
“Uhm, p’wede bang pag-isipan ko muna? Tapos sabihan na lang kita.”
“Sige kung ‘yan ang gusto mo, walang problema. Pero basta sinasabi ko sa’yo para sa’yo ‘yon nilaan ni daddy, the only choice you have is to accept those,” I said it with finality.
Pagkatapos noon pinag-usapan namin ang pagpunta nila sa bahay para makilala na niya si mommy. Excited na kasi si mommy na makita at makilala siya, nakakatuwa isipin na masaya na siya ngayong at excited pa na makilala si Gabie, kasi ang sabi niya para na rin daw siyang magkaka-anak na babae kahit na sabihing anak ni daddy sa ibang babae. Ang ibig sabihin lang noon tanggap na niya ang lahat at naintindihan na niya na rin ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Maganda na rin ang relasyon nilang dalawa ni tita Teresa.
Nagpapasalamat ako ng lubos sa bawat dasal ko na naging maayos na ang lahat ng unos na pinagdaanan ng pamilya namin. Hindi man naging madali para sa aming lahat na harapin at tanggapin ang lahat ng mga nangyari, at s’yempre lahat kami nasaktan din sa mga nangyari. Pero sa paglipas ng panahon unti-unti na naming naiintindihan at natanggap na may mga bagay na natural na nangyayari na hindi namin kontrolado at sadyang nakatakdang mangyari.
Dahil sa ginanap ng family dinner para sa unang pagkikita nila mommy at Gabie, nauwi iyon sa hindi inaasahang pagpaplano para sa magiging kasal namin. Napagkasunduan ng lahat na magiging double wedding siya. Pero bago mangyayari iyon, ay may magaganap uli na family dinner sa susunod na linggo para sa pamamanhikan. Dito pa rin sa bahay gaganapin, nag-alala kasi si tita Teresa na maliit umano ang kanilang bahay kaya hindi kami kakasya lahat doon. Nag-volunteer naman si mommy na mabuting sa bahay na lang namin gagawin dahil maluwag ang bahay o ang garden para sa aming lahat.
Nakakataba ng puso isiping lahat kami nagkakaisa, nagkakasundo at masaya sa mga bagong kaganapan ng aming kan’ya-kan’yang buhay at maging ng aming buong pamilya. Nawala man si daddy sa buhay namin ni mommy pero hindi ibig sabihin noon ay magiging malungkot na lang kami habang buhay. Dahil dumating naman sa amin ang bagong miyembro ng aming pamilya, kaya masaya pa rin kami, kakaibang saya dahil papalaki nang papalaki ang aming pamilya dahil lalo na’t parehong buntis ngayon sina Alex at Gabie.
Pagkatapos ng naging pamamahikan, mabilis ang naging preparation para sa magiging kasal naming apat. Magkatulong na hands-on kaming apat para gaganaping double wedding namin, maliban sa wedding coordinator na kinuha pa namin para mga kakailanganin. Isang church wedding ang napili ng dalawang magiging bride at parehong simple lang ang wedding gown na kanilang pinili, pero elegante ang mga iyon. Ayaw na lang talaga nila pareho na maraming detalye ang gagawin kasi ayaw nilang tatagal ang preparation, ayaw nilang maabutan sila pareho na lalaki na ang kanilang kan’ya-kan’yang tiyan.
Sa isang five-star hotel sa Manila gaganapin ang reception hindi naman ito gaanong malayo sa simbahan kung saan gaganapin ang sermonyas ng kasal namin. Active din si mommy, tita beth at tita Teresa sa preparation, natatawa pa nga kami minsan sa kanilang tatlo dahil mas excited pa sila sa dalawang bride to be. Ginawang parehas lang ang motif namin, which rainbow color pero may pinagkaiba ang mga wedding give aways namin bilang couple.
Marami ang natuwa at namangha sa gagawing double wedding kakaiba raw kasi ito, dahil madalas kung hindi isang pares lang ang ikinakasal eh, ‘yong maramihan naman tulad ng kasalan ng bayan.
Sa Maldives ang napili nila Gabie para sa kanilang honeymoon na regalo ni tito Manuel para sa kanila. Kami naman ni Alex ay Malibu. Isang araw matapos ang kasal namin ay sabay-sabay kaming umalis para sa mga kan’ya-kan’ya naming flight para sa aming honeymoon.
Makalipas ang ilang buwan bilang mag-asawa, hindi namin inasahan na sabay maglelabor sina Gabie at Alex. Sakto lang ang bilang para sa kay Alex pero napaaga ang kay Gabie, ang sabi ng doctor natural lang daw talaga na nangyayari ang ganoon lalo na sa panganay. Oras lang ang naging pagitan ng kanilang panganganak sa magkaibang hospital, kaya parang magkanda hilo sila mommy sa palipat-lipat ng hospital para bisitahin at alagaan ang mga bagong panganak at ang ang dalawang baby.
Naging malaking usapin ang sabay na panganganak nilang dalawa parang kambal ang dalawang bata kung maitututuring dahil halos kalahating oras lang ang pagitan nilang dalawa nang mailuwal sa mundo. Mula sa double wedding, naging double christening na rin tuloy nila Satin Christian Alonzo Sansebastian at si Dexter James Alonzo Marquez. At hindi lang ‘yan double birthday celebration din ang naganap sa kanilang first birthday, maging ang mga susunod na taon ay magiging tradisyon na ng pamilya namin ang kanilang double birthday celebration ng dalawang bata.
Dalawang taon matapos kaming ikinasal ni Alex natupad ko na ang pangarap ko na makapapatayo ng sarili kong advertising firm. Magkatulong kami ni Alex sa pagpapatakbo ng sarili naming kompanya. Si Gabie na rin ang kinuha naming HR Manager since nakapagtapos siya ng Bachelor degree of Psychology. Nagkaroon naman ng promotion si August sa kan’yang propesyon, mula sa Police Major (P/MAJ) ay naging Police Captain (P/CAPT) na siya.
Madalas nasa bahay ang dalawang bata dahil request ‘yon ni mommy kaya pati tuloy si tita Teresa ay palagi na ring naroon dahil siya ang nagbabantay sa anak nila Gabie at August. Natigil na siya sa kan’yang online selling dahil naging abala na siya sa pagbabantay kay DJ, ayaw din nilang kasing ipagkatiwala na lang basta sa yaya tulad namin kaya naroon palagi ito sa bahay. Si mommy pa rin ang madalas nag-aalaga kahit may kinuha kaming yaya para hindi siya gaanong mahirapan kapag nasa trabaho kami pareho ni Alex.
Hinayaan ko muna si Alex na mag-enjoy sa ginagawa sa career niya dahil alam kong may sarili pa rin siyang pangarap at buhay kahit mag-asawa na kami at may anak na. Samantalang si Gabie naman, nangako kay August na hihinto na siya sa pagtatrabaho kapag nasundan na si DJ.
Maraming nangyayari sa buhay natin na nakakasakit sa ating bawat damdamin, minsan pa nga dahilan ito para sumuko tayo dahil sa hirap ng sitwasyon at dulot na matinding sakit sa ating pagkatao. Dahil dito maraming tanong ang nabubuo sa ating isipan kung bakit kailangan nating madanasan ang ganitong klaseng pagsubok, pero hindi natin alam na dahil pala sa pangyayaring iyon ay ginawa tayong mas matatag upang ihanda tayo sa mas magandang buhay na naghihintay sa atin.
Tulad sa mga nangyari sa aming pamilya, sinong mag-aakala na magiging malaki at masayang pamilya kami ngayon? Kaya ang importante, ‘wag tayong basta-basta sumuko sa kahit anong klaseng pagsubok pa ang dumating sa atin. Patuloy lang tayong manalig sa Diyos, tiyak hindi Niya tayo papababayaan. Huwag mawalan ng pag-asa. May dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa ating bawat buhay kahit hindi man natin agarang naiitindihan kung ano ito, hayaan lang natin na ang Diyos ang magmamaneho o mangunguna sa ating buhay dahil Siya lang ang nakakaalam kung ano ang magandang plano Niya na Kaniyang inilalaan para sa atin sa darating na mga araw.
And I will say of my Lord. He is my refuge and fortress: my God in Him will I trust. Psalm 91:2
THE END

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08/2024

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    16/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo