Homepage/Blood Is Thicker Than Water/
CHAPTER 50
Gabie’s POV
Inabot na kami ng gabi sa naging masayang kwentuhan, kaya napagpasyahan ni mama na magluto ng hapunan, hindi pa na kontento sa naging pag-uusap lumipat pa kami sa may kusina para masali pa rin si mama sa kwentuhan namin habang nagluluto siya.
“Mabuti naman nak, naisipan mo ng magpakita sa akin,” si mama habang kumakain na kami.
“Pasensya na po, kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magpakita sa inyo. Sa totoo lang malaking bagay na kinakausap ako nila lolo at lola pati ni August para maliwanagan ako sa mga bagay-bagay ma. Sorry po kung basta na lang akong umalis noon. Pero okay na ako ma, tanggap ko na po ang lahat saka wala na po akong tampo o hinanakit sa inyo. Naiintindihan ko na po ang lahat,” mahabang paliwanag ko.
“Sorry din sa mga nagawa kong pagkakamali,” naluluha niyang sabi.
“Ma, ‘wag mo nang iyakan. Tapos na ‘yon hayaan na natin ‘yon, matagal na ‘yon. Ngayon dapat tayong magsaya kasi may good news ako sa inyo!” pagbabalik ko sa masayang aura.
“Ha? Meron pa bukod sa ikakasal ka na? Ano naman ‘yon?” si Jhay. Hinawak ko ang kamay ni August na nasa tabi ko abala sa pagkain kasi masarap daw ang luto ni mama na caldereta. Agad naman niyang pinisil ang kamay ko na humawak sa kan’ya.
“Oh, my G! Don’t tell besh!..” hindi ko pinatapos ang sasabihin niya kasi mawawala ang thrill.
“Tumigil ka! ‘Wag na ‘wag kang manghula! Hayaan mo akong magsalita,” pagsusungit ko. Mabuti naman agad niyang tinakpan ang bunganga ng kan’yang dalawang kamay.
“Ma,” tiningnan ko siya direkta sa kan’yang mga mata. Nakangiting nakatitig din siya sa akin, habang naghihintay sa sasabihin ko.
“Magkakaapo ka na po. Galing kami sa doctor kanina, six weeks na po ma,” masaya kong sabi.
Hindi siya sumagot pero biglang siyang tumayo at saka lumapit sa akin saka niyakap na naman niya ako ng mahigpit.
“Ay ako din payakap sa best beshie ko! Congratulations beshie! May pamangkin na ako at s’ympre ninang ako ha?” sabay natawa kaming lahat sa kan’ya.
“Sorry po ma, if she got pregnant before we get married,” nagkakamot sa kilay gulid na kilay niya habang sinasabi ‘yon kay mama.
“Ang importante sa akin ang makita na masaya ang anak ko sa’yo. Masaya ako para sa inyong dalawa. Maraming-maraming salamat sa pagpapatuloy at pag-aalaga mo kay Gabie,” si mama na nilapitan naman si August at sila naman ang nagyakapan na dalawa. Naputol ang naging pag-iingay namin nang makarinig kami ng marahang pagkatok. Sabay-sabay kaming napatingin sa may pinto nang…
“Tita! Sorry medyo medyo ginabi kami ng dating kasi galing pa kaming Antipolo,” si Gab may bitbit na mga plastic sa magkabilang kamay saka nakasunod naman ang isang lalaki sa kan’ya na…
“Teka, si Miggy? Magkasama sila ni Miggy?”
Hindi lang ako ang nagulat sa nangyari, maging silang dalawa ay napatigil sa kanilang paglalakad papalapit sa amin.
“Gabie?” mahinang sambit ni Gab pero sapat na marinig naming lahat ang kan’yang sinabi.
“Hi!” nahihiya kong bati sa kan’ya. Pero hindi ko tiningnan ang lalaking nasa tabi na niya ngayon nakatayo.
Dali-dali niyang binitawan ang kan’yang bitbit na mga plastic na hindi ko alam kung ano ang laman ng mga ‘yon. Saka lumapit sa akin.
“Kumusta ka? Kailan ka pa nakauwi?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.
“Okay lang. Kanina lang kami dumating rito. Si August nga pala fiancée ko,” pag-iba ko sa usapan.
“Hi!” nagkamayan silang dalawa.
“Alexadria, pero Alex na lang,” pagpapakilala niya.
“Ha? Anong?” naguguluhan kong tanong.
“August Marquez,” pagpapakilala sa kan’ya ni August
“Long story, saka na tayo magkwentuhan tungkol sa bagay na ‘yan,” pagpapaintindi niya. Tahimik silang lahat na nakikinig sa pag-uusap namin ni Gab, este Alex pala.
“Siyanga pala, ipakilala mo naman ang fiancée mo sa kuya mo,” biglang bulong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagulat ako sa sinabi niya sa akin.
May narinig akong tumikhim, alam ko na kung sino ‘yon kahit hindi ko na tingnan kung sino.
“Miguel Sansebastian Gabie’s brother, Major Marquez right?” nabigla ako kasi nasa tabi ko na pala siya, hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya.
“Please to meet you again Mr. Sansebastian,” magalang na sagot naman sa kan’ya ni August and they shook hands.
Nang dahil sa nangyari, si Jhay na ang nagboluntaryong maglipit sa mga pinagkainan namin. Hindi na kumain sila Alex at Miggy kasi nakakain na raw sila bago pumunta rito sa bahay, dahil hindi na raw niya ang gutom niya kanina. Napansin kong tumaba siya kompara sa huli ko siyang nakita mahigit isang taon na ang nakalipas.
“Sige na besh, shoo na. Marami pa kayong dapat pag-usapan. Keri ko na ‘to susunod na lang ako doon pagkatapos na pagkatapos ko rito. Kailangan n’yong mag-usap na magpinsan at magkapatid. Pagtutulak sa akin ni Jhay, sinadya ko kasing magpahuli kasi magtatanong pa sana ako sa kan’ya pero sabi niya mabuti pa raw na kami na nila mismo ang mag-uusap. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila sa maliit na sala ng aming bahay.
Walang nagbago sa bahay namin ganoon pa rin ang lahat mula sa mga upuan, mesa at lahat. Tumabi ako sa pag-upo kay August na agad namang hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop ‘yon.
“So, since Gabie is here. I would like to speak first if it’s fine with you?” nakatingin siya kay Miggy at hinintay niya ang magiging sagot nito sa tanong niya.
“Yeah, no problem,” maikling sagot ni Miggy kay August.
“Uhm, first of all... I would like to sincerely apologize for not informing you right away her whereabouts. I know it’s my duty to inform you all about her but I have to fulfill my promised to her that I won’t tell anyone where she was, that night I found her at the backseat of my car when I arrived home from the hospital…” mahinahong ikinuwento ni August ang lahat sa kanila. Lahat ay tahimik na nakikinig sa mga sinasabi niya. Wala naman akong nakitang galit nang matingnan ko ang mukha ni Miggy. Alam ko namang hindi makitid ang pag-iisip niya, kaya panigurado naiintindihan niya ang lahat kung bakit kailangan itago ako ni August sa kanilang lahat.
“Congratulations!” si Alex nang matapos sabihin ni August na ‘yon nga engaged na kami at six weeks pregnant na ‘ko.
Tumingin muna si Miggy kay Alex bago ito nagsimulang magsalita, seryoso ang mukha niya.
“It’s alright Major Marquez, I understand your point nothing to say sorry for. What’s important now is that finally she’s back and I’m happy seeing my sister that she’s happy with you beside her. Thank you for taking care of her since you found her,” madamdaming sabi niya. Marami pa siyang sinabi kay August. Tapos nasagot ang lahat ng tanong ko sa sumunod niyang sinabi, kinuwento niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Alex kung paano naging Alex na ngayon ang pangalan ng pinsan ko. Nagulat ako kasi pareho pala kaming buntis ni Alex nga lang medyo nauna siya ng ilang linggo sa akin. Hindi tulad ko palagi siyang nahihilo at nagsusuka.
Marami pa ang napag-usapan namin, kumain pa ulit kami ng pagkaing dala nila na cake. Pero nang dumating ang alas-diyes ng gabi nagpaalam na kami na mauuna na dahil may pasok pa si August kinabukasan.
“Drop the formality, just call me August,” sabi ni August sa kay Miggy nang magkamayan sila ulit nang nagpaalaman na kaming lahat.
“Ma, balik na lang ako bukas ah? Idadaan na lang ako ni August dito bago siya papasok sa trabaho,” pagpapaalam ko kay mama.
“Uhm, August can I talk to my sister for a sec?” si Miggy.
“Yeah, sure! Sweetheart just go, I’ll talk to mama too,” binitiwan niya ang kamay ko saka hinalikan ako sa may sintido ko.
Nag-uusap naman sina Jhay at Alex tungkol yata doon sa mga pinamili nila. Tapos si mama naman medyo lumayo ng konti sa amin kasama si August na ngayo’y seryosong nakikinig sa mga sinasabi ni August sa kan’ya. Nasa may tapat ng gate lang kaming dalawa nakatayo na dalawa.
“Ano nga pala ang sasabihin mo?” pambasag ko sa katahimikan.
“Uhm, alam na ng mommy ang tungkol sa’yo matagal ka na niyang gustong makita. Ngayong nakabalik ka na sana mapagbigyan mong magkita para magkausap kayo. Okay na din sila ni Tita, in fact noong pasko sa bahay sila kasama si Jhay kasama naming nag noche Buena. ‘Yon din kasi ang gabing pag-propose ko kay Alex,” kwento niya.
“Sige ba, nandito naman ako simula bukas dito muna kami ng ilang araw para makasama ko si mama. Dito rin muna uuwi si August. Kailan nga pala ang kasal n’yo ni Alex?” tanong ko. Magaan ang pakiramdam ko sa pakikipag-usap ko sa kan’ya. Wala na ‘yong dating matinding kabog ng dibdib ko tuwing makikita ko siya, normal na lang ang lahat. Mabuti na lang talaga saglit lang ang lahat nang iyon na namagitan sa aming dalawa. Kaya madali para sa amin ngayon harapin at kausapin ang isa’t-isa.
“Pinag-uusapan pa lang namin ang petsa. Kayo?” siya naman ang nagtanong sa akin ngayon.
“Wala pa, isang linggo pa lang naman kaming engaged. Tapos kanina pa lang din nalaman na buntis na pala ako,” natatawa kong sabi.
“Pasensya ka na hindi pa ako sana’y na tawagin kang kuya, pero hahayaan mo susubukan ko,” nahihiyang sabi ko sa kan’ya.
“Okay lang ‘yon, kung kailan ka na ready,” nakangisi niyang sagot sa akin.
“So, paano sabihan mo lang ako kung kailan para masabihan ko din si August?”
“Sige, maraming salamat. Masaya ako para sa’yo, sa inyo ni August.”
“Ako, rin masaya ako para sa inyo ni Alex,” ako ang nag-initiate na makipagyakapan sa kan’ya.
“Ingat kayo, uuwi na rin kami,” bilin niya.
“Kayo rin, ingat kayo,” agad kong tugon.
“Babe? Let’s go! It’s getting late,” yaya niya kay Alex na nasa loob pa rin kausap si Jhay.
Lumapit naman ako kina mama at August.
“Bukas niyo pagpatuloy ‘yan, inaantok na ako,” reklamo ko sa kanilang dalawa na parehong seryoso sa kanilang pinag-uusapan, na hindi ko alam kung tungkol saan, hindi na rin ako nagtangkang magtanong pa.
“Sige na, mag-iingat kayo ah?” si mama.
“Opo mama,” si August ang sumagot sa kan’ya.
“See, bagay-bagay sa’yo ang magtagalog,” pagbibiro ko sa kan’ya.
“Mama, you know what? She’s always like this to me, she’s bullying me because of my speaking,” pagsusumbong niya kay mama na parang bata.
“Hayaan mo na lang muna, buntis eh!” si mama, saka tumawa na mahina, napakamot lang siya sa kan’yang kilay.
Sabay-sabay na kaming apat na lumabas ng gate saka sumakay sa kan’ya-kan’yang sasakyan. Pinauna namin sila ang konti kasi ang sasakyan nila ang naka-park sa unahan namin. Masaya ako at magaan ang pakiramdam habang papauwi kami. Hindi ko akalain na maging ganito ang mangyayari ngayong gabi.
Tama nga sila, may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay sa bawat buhay natin. Hindi man natin naiintindihan agad kung ano ang ibig sabihin, pero kalauan doon tayo maliliwanagan tungkol sa lahat.
Matutong magtiis sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay. ‘Wag sumuko, manatiling magpakatatag at patuloy sa paglaban sa hamon ng buhay. ‘Wag kalimutang magdasal ng taimtim sa Poong Maykapal dahil siya lang ang nakakaalam kung ano ang plano niya sa bawat isa sa atin.
Sumunod na linggo, napagkasunduan na magkikita kami ng mommy ni kuya Miggy, si tito Manuel at tita Beth sa bahay nila sa Antipolo, kasama namin si mama sa sasakyan. Dinaanan namin siya sa bahay bago kami nag-convoy sa kanila kuya papunta sa bahay nila sa Antipolo.
“Pasok kayo!” yaya sa amin ni kuya Miggy.
“Mom! We’re here!” sigaw niya pagkarating sa may porch ng mala-mansyon nilang bahay.
Maya-maya may nagmamadaling mga yabag papunta sa amin.
“Oh! Hello! Please come in…” bati ng isang ginang na kahit may edad na litaw pa rin ang kan’yang ganda.
Nakita naming nagbatian silang tatlo sa paghalik sa pisngi tapos binigyan niya ng yakap nang lumapit sa kan’ya sina Alex at kuya Miggy. Nang matapos silang magbatian ipinakilala rin niya kaming dalawa ni August, maliban kay mama dahil diretso na sila nagbeso sa isa’t-isa na, si mama pero hindi pa masyadong komportable kasi nahihiya pa rin daw siya.
“Maraming salamat na pinagbigyan mo akong makilala kita ng personal, matagal ko ng naririnig ang pangalan mo. Pasensya na kung ngayon lang tayo nagkakilala, pagkatapos ng mga nangyari. Kumusta ka na ba?” mahinahon niyang tanong sa akin.
“Okay naman po. Sorry po…” hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
“No. No, hija wala kang dapat na ihingi ng tawad. Wala kang kasalanan sa nangyari. Hindi ako galit sa’yo at maging sa mama mo kay Teresa. In fact, nagkausap na kami ng masinsinan noong nakaraan na nakabisita sila dito. ‘Wag kang mahihiya sa akin ah? Mommy Barbs ang itawag mo sa akin kung okay lang sa’yo? Alam kong matutuwa ang daddy n’yo kung nasaan man siya ngayon dahil nagkakasundo-sundo na tayong lahat. Tama na ang nangyari sa nakaraan, maiksi lang ang buhay para maging malungkot tayo,” nakangiti niyang sabi. Naiwan kaming dalawa na living room para magka-usap kami ng masinsinan. Pabor na rin para sa akin ang nangyari para once in for all magkausap kami at magiging maayos na ang lahat.
“Maraming salamat po, sa pagtanggap n’yo sa amin ni mama kahit alam kong hindi madali ang bagay na ‘yon na gawin ninyo,” nahihiya kong sabi sa kan’ya.
“Tama ka. Pero natutunan ko ang lahat tanggapin noong minsan akong naisugod muli sa hospital dahil sa matinding kalasingan ko, tapos nanatili ako ng isang taon sa rehabilitation center para maayos ang problema ko sa pag-iinom ng alak. Doon ko napagngilay-ngilayan ang lahat, saka malaki rin ang pasalamat ko sa naging therapist ko kasi matyaga niya akong inalalayan all through out. Ganoon talaga ang buhay hindi lahat ng panahon lagi kang masaya, kakambal na ‘yong mga sakit dulot ng mga pagsubok. Nasa sa atin na lang ‘yon kung paano natin hahaparin,” nakangiti niyang sabi.
Marami kaming napag-usapan bago kami tumulak papunta sa garden nila na may nakahandang maraming pagkain na nakahain sa isang mahabang mesa. Naroon na silang lahat kabilang ang kapatid ni papa at ang asawa nito. Nakaakbay sa akin si tita Barbie habang naglakad kami papunta sa kanila, lahat sila malalaki ang mga ngiti sa amin nang makita nilang papalapit na kami sa kanila.
“Everyone I would like to thank you for coming here today! I am very grateful and much thankful na kahit nawala ang asawa kong si Gabriel. May dumating naman sa buhay naming ng anak kong si Miggy na dumagdag sa aming pamilya. Teresa, thank you for being here. Thank you for raising Gabie with high moral and dignity. Thank you for being part now of our growing family. Gabie, hija thank you for coming over tonight together with your fiancée Major Marquez. And to everybody, thank you for staying with us all throughout our down times until now. Cheers to more blessings and happiness to come to our family!” sabay-sabay naman kaming lahat na itinaas ang aming mga baso, pero juice lang ang laman ng baso ko at kay Alex dahil pareho kami ng condition sa ngayon. Samantalang ang iba red wine ang iniinom nila.
“Cheers!” sabay naming sagot lahat sa sinabi ni tita Barbie, hindi ako comfortable na tawagin siyang mommy kaya tita ang tawa ko sa kan’ya kahit ilang beses niya akong pinagsabihan.
Masaya at magaan sa pakiramdam ang lahat ng mga nangyayari lately sa buhay ko at maging sa buhay ni mama at sa lahat ng tao na nandirito ngayon kasama namin. Ito na ‘yong kapalit ng mga pinagdaanan naming lahat na masasakit sa nakaraan.
Ngayon ay masaya na kaming lahat dahil tanggap na namin ang lahat at matapos naming makahingi ng kapatawaran ay pare-pareho kaming napatawad na rin ang isa’t-isa at maging ang aming mga sarili.
“Sasamantalahin ko na ang pagkakataon na magtanong ngayon, total narito narito na tayong lahat. Gusto ko lang malaman kung sino ang mauuna sa inyong dalawa ang magpapakasal?” si tito Manuel na may malaking ngiti sa kan’yang mga labi.
Nagkatinginan kami ni August.
“What?” tanong niya sa akin.
“Naunahan mo lang ako ‘yon din sana ang tanong ko sa’yo eh,” nakangiti kong sabi.
“It’s such a shame we haven’t talk about the date yet for our wedding,” bulong niya sa akin.
“Hindi mo naman kailangan mahiya kasi natural lang ‘yon kasi naging busy tayo parehas nitong mga nakaraang araw. At saka hindi problema ‘yon marami pa tayong oras para mapag-usapan ang tungkol doon,” sabi ko.
“Yeah right. Grandpa and grandma wants to meet your family as soon as possible, I received a call from them earlier when you were in the bathroom taking a bath,” balita niya.
“Bakit naman as soon as possible?” nagtataka kong tanong.
“It’s because you’re pregnant sweetie,” malambing niyang bulong sabay hinalikan ako sa pisngi. Biglang akong tinablan ng hiya kasi nang tumingin ako sa harap namin nakatingin pala sila sa amin.
“Walang sumagot sa tanong ko, pero pareho kayong magkapatid na nagbubulungan sa inyong mga pares. So, ano na? Excited na akong maging ninong hindi isa sa inyo kung hindi sa inyong dalawa ah!” si tito. Tapos nagtawanan ang lahat sa kan’yang sinabi.
“Ba’t hindi na lang natin gawing double wedding?” si tita Barbs naman ang nagsalita.
“What do you think Teresa?” baling niya kay mama na katabi niya lang sa pag-upo.
“Aba sa akin wala namang problema. Kaso sila pa rin ang masusunod dahil sila naman ang ikakasal,” nakangiting sagot ni mama.
“Oo nga, pero ang cute siguro kung double wedding kasi bibihira lang ‘yon magaganap,” si tita Beth, na excited na rin.
“Alejandro Miguel and Alexandria Marie? Gabriella Therese and August? We need your opinion here, so speak up!” pang-eenganyo ni tito sa amin.
“What do you think sweetie? I think having a double wedding is kinds unique,” bulong niyang ulit sa akin.
“P’wede naman. Walang problema sa akin ‘yon. Ewan ko lang sa kanila kuya,” sagot ko.
Tumikhim si August bago nagsalita. Samantalang sila kuya at Alex abala pa rin sa pagbubulungan.
“Uhm, Gabie and I have no problem with the double wedding idea, for me it’s kinds unique. But we don’t know if Miguel and Alex would agree with us?” nag-aalangan niyang paliwanag sa kanila.
Nakita ko naman tumayo si kuya pagka-upo ni August sa tabi ko.
“Well, we have the same opinion about double wedding with you guys, naunahan niyo lang kaming magsalita. So, double wedding it is!” masayang sabi niya.
“I have another thing to say, my grandparents want to meet you as soon as possible because they want to talk about the wedding since Gabie is pregnant already,” nahihiya niyang sabi sa kanila.
“Walang problema hijo para sa akin, mabuti nga iyon, pero maliit lang ang bahay namin hindi tayo kakasya lahat roon,” si mama.
“That’s not a problem, ang laki nitong bahay p’wedeng dito na natin sila papatuluyin. Iisang pamilya na tayo Teresa kaya ‘wag ka ng mahiya,” si tita Barbs nakangiting nakatingin kay mama tapos hinawakan ang kanang kamay ni mama. Nginitian ni mama si tita matapos nagpasalamat.
“Well then, everything is set!” si tito na para bang siya ang naging emcee. Mabilis namang sumang-ayon ang lahat.
“Thank you po, I will inform them right away,” si August.
“Ibig sabihin sabay din ang pamamanhikan nitong dalawang dalaga ko,’ natatawang sabi ni mama. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni mama.
“I suggest na dapat next weekend na natin gagawin para mapabilis ang pag prepare natin bago pa kaming dalawa ni Gabie maging balyena sa laki,” si Alex na natatawa sa sariling sinabi. Tapos sabay kaming lahat natawa sa sinabi niya.
“No problem. Next week it is!” pag sang-ayon naman ni August. Tumango-tango naman ang mga lahat.
“Naku! Nakaka-excite naman ito! Can I invite media on your wedding day?” si tita Barbs.
“What the heck mom?” si kuya.
“Kaya nga nagtanong hindi ba? I just want to let the world knows how happy and proud of you, not only you son, maging kay Gabie, alex and August! Kakaiba kasi ito alam mo na…” nakataas-baba ang kilay ni tita Barbie habang sinasabi ‘yon, palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
“Mom, hindi pelikula ang mga buhay namin at lalong hindi ang magiging kasal namin,” reklamo ni kuya na halatang naiinis na.
“Okay. Okay. Fine. Hindi na, pero may iimbitahan pa rin akong mga dating kasama ko sa industriya. Don’t worry Teresa alam ko na ang iniisip mo, sasabihin ko ang totoo hindi dapat ikahiya ang bagay na ‘yan, tingnan mo naman oh! We’re so blessed to have them hindi ba?” masayang sabi niya.
Nagpatuloy ang masayang usapan, hindi ko maramdaman ang pagka-ilang. Lahat kami masayang magkakasama at nag-uusap. Wala nang nakauwi ni isa sa amin dahil sa inabot na kami ng malalim na gabi na hindi namin namalayan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
please diyas lang lang iskin lang po
16/08/2024
0i like it's
27/08/2023
0thank you
16/08/2023
0Tingnan Lahat