CHAPTER 48

Gabie’s POV
“Ma’am, nagbilin po pala si sir August na kung gusto n’yo po raw pumunta sa talon sasamahan ka raw po namin tapos magdadala po tayo ng pagkain kasi doon daw kayo kakain ng tanghalian. Susunod lang daw siya sa inyo doon kapag nakauwi na sila,” sabi ng isa sa mga katulong habang nililigpit ang pinagkainan ko.
“Sige po, magbibihis lang po ako. Bababa din po ako agad.”
Pagkababa ko, agad kaming umalis sinamahan ako ng dalawang katulong, naglakad kami papunta sa talon. Ang kwento nila habang naglalakad kaming tatlo, sakop pa raw ng malawak na lupain nila August ang mismong talon. Ayaw daw nila na buksan ito sa publiko para mapanatili itong mapreserba. Pero hindi pinagbabawalan ng pamilya nila August ang makapaligo ang mga tauhan nila na nakatira sa malapit rito at sila mismong mga kasambahay maging ang kanilang mga kan’ya-kan’yang pamilya.
Nang makarating kami roon, nakita kong mga taong abala na nag-aayos sa kubo. Ang ganda tingnan kasi punong-puno ito ng bulaklak.
“Hala! Mukhang nagkamali tayo sa pagpunta ngayong dito kasi parang may espesyal na gaganapin dito,” nagulat kong tanong sa kanilang dalawa.
“Okay lang po ‘yan ma’am may nagpaalam po kasi sa kanilang Señor at Señora na may magbi-birthday dito pero mamayang gabi pa naman magaganap, kaya ngayon abala sila sa paghahanda ng buong lugar.”
Nakikita kong may mga maliliit ng bombilya na isinasabit sa mga puno. Abala ang lahat kaya may kan’ya-kan’ya silang inaayos, ang iba nagliligpit na sa mga pinagkagamitan nila sa pag-aayos. “Yong pagkakabit nila ng ilaw parang malapit na rin matapos.
“’Wag na ma’am Gabie na lang, nakakahiya kasi at saka isa pa hindi ako sanay.”
“Pasenya na po hindi lang din po kami sanay na pangalan lang ang itatawag.”
“Ganoon ba? Baka kasi makaabala tayo,” sa halip na sagutin siya binalewala ko na lang, nag-aalangan kong tanong.
“Hindi po ‘yan ma’am hindi naman tayo mangugulo sa kanila,” hinayaan ko na lang sila dahil base sa mga pananalita nila at kanilang kilos parang hindi lang ngayon ito nangyari. Marami ang bumati sa amin pagkalapit namin sa mga malaking kubo na kanilang inaayos, may mahabang mesa sa gitna na halatang hinahanda para sa mga pagkain.
Napakaganda tingnan ang buong lugar kasi mas pinaganda ito ng mga putting bulaklak na nakasabit at nakalagay sa buong paligid ng talon. May mga maliliit din na basket na nakapatong sa malalaking bato na laman ay bulaklak. Parang nasa isang paraiso ka kung tutuusin. Kaya hindi ko na namalayan kung ilang minuto or oras na kamin naroroon habang nanonood ako sa mga taong abala sa pag-aayos habang nakaupo ako sa isang maliit na bato.
Hindi ko na rin namalayan kung nasaan na ang dalawang kasama ko papunta rito. Lalo na naging tutok ako sa kakakuha ng picture sa buong paligid, nang magsawang umupo sa maliit na bato. Nang mapagod ako sa kakakuha ng picture, umupo uli ako sa bato pero sa ibang bahagi naman ito ng lugar mas malapit sa talon. Nakapagmuni-muni ako habang nililibang ang sarili dahil hinihintay ko si August na dumating para sabay kaming kumain ng tanghalian, tulad sa bilin niya sa dalawang kasamabahay.
“Ma, siguro panahon na para magpakita ako sa’yo. Handa na akong makita at makausap ka, naisip ko na hindi ko na mababago pa ang mga tapos nang maganap, kung hindi ang tanggapin na lang ito. Hindi ko man lubos na nauunawaan ang naging rason kung bakit kailangan mangyari ito pero dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon, kaya madali sa akin na tanggapin ang lahat at magpatawad. Binago ni August at ng kan’yang pamilya ang pananaw ko sa buhay. Mas magaan sa pakiramdam kung hindi magtatanim ng sama ng loob sa kapwa. At magaan ang magpatawad. Tama nga naman si August sa iniisip niya para sa akin na mas maganda kung makakadalo si mama sa magiging kasal namin. Kasi isa ‘yon sa pinakamahalagang magaganap sa buhay ng tao. At saka si mama na lang naman ang pamilya ko, ay mali! Si Gab din pala! Tapos si Jhay na sana maintindihan din ako kung bakit pinili kong lumayo at hindi magparamdam sa kanilang lahat.
Pero naputol ang pagmumuni-muni ko nang…
“Earth to Gabie!” si August sabay niyakap niya ako patagilid nang tumabi siya sa akin maupo sa bato saka he gave a peck on my lips.
“Hi! I’m okay. Kumusta si lola?” tapos nginitian ko siya.
“She’s fine now. Sorry if I didn’t wake you up, I was in a hurry coz I forgot that it’s her schedule of check-up,” paliwanag niya.
“Okay lang naman, naiintindihan ko pero nagulat lang talaga ako at saka nagtaka,” ako naman ang humalik sa kan’ya sa labi niya.
“I can see that you’re enjoying this place, you were busy earlier taking pictures,” natatawa niyang sabi.
“Kanina ka pala dumating pero hindi mo ‘ko nilapitan kaagad?” gulat kong tanong.
“Yeah, if you’re having fun taking pictures, I was also having fun watching you from a distant enjoying the spectacular view.”
Bigla akong tinubuan ng hiya kasi hindi ko naman alam na may nanonood pala sa akin, kasi kampante ako na lahat ng tao na nasa paligid ay abala sa kan’ya-kan’ya nilang ginagawa.
“Mas pinaganda kasi ang buong lugar dahil sa mga bulaklak na pinaglalagay nila,” kwento ko.
“Yeah,” tamad niyang sagot habang nakatutok ang kan’yang tingin sa talon.
“Salamat sa pagdala sa akin dito.”
“Don’t mention it sweetheart, anything for you,” then he kisses me on my forehead, he held my hand and intertwined it with his.
Masaya ako at kontento sa simple naming magkausap habang magkatabi na pinapanood ang patuloy ng pagalaw ng tubig sa talon na nasa harapan namin. Hindi ko agad namalayan na medyo dumidilim na pala saka ko lang napansin nang umilaw ang buong paligid. Hindi ako nagkamali kung na ganda na ako kanina sa mga bulaklak hindi ko na alam kung ano ang tamang salita na gamitin para maisalarawan ang buong lugar.
Naramdaman kong tumayo si August sa tabi ko saka inilahad niya ang kan’yang kamay sa akin para alayayan akong tumayo. Walang imik akong sumunod sa kan’ya nang marahan niya akong hilahin malapit sa maraming nakalatag na bulaklak.
“Gabie, I have something to tell you,” mahinang sabi niya sa akin parang nahihiya o nag-aalangan hindi ako sigurado sa nakikita ko sa kan’ya ngayon.
“Sige, ano ‘yon?” sabay tiningala ko siya.
He clears his throat before he started to speak.
“Gabie,” parang kinakabahan niyang sambit sa pangalan ko.
“Ha? Ano ba ang sasabihin mo? Bakit parang kinakabahan ka naman yata? May problema ba?” naguguluhan kong tanong sa kan’ya. Tapos nakita ko siyang humingang malalim saka napansin kong nagtaas-baba ng ilang beses ang kan’yang lalamunan halatang lumulunok ng paulit-ulit. Kaya mas lalo tuloy akong naguguluhan sa inaasta niya. Kasi nasanay ako sa kan’ya na laging confident magsalita, pero kakaibang August ang nakikita ko ngayon sa harap ko.
Napansin kong may dinudukot siya sa bulsa ng kan’yang shorts, na halatang kabado pa rin.
“Hala! Okay ka lang? Ba’t ka pinagpapawisan eh, ang lamig naman ng hangin?” nagtatakang tanong ko.
“I’m okay, don’t worry,” hindi ako naniniwala sa rason niya pero hinayaan ko na lang.
Then suddenly, I saw him slowly kneeling down on his one knee while his left hand is holding my right hand and slightly grip it. I felt his hand’s trembling and cold. Maging ako ay nahawa na rin sa kaba niya dahil parang may alam ako kung ano ang kan’yang gagawin pero hindi ko pa rin ako sigurado kaya pilit kong pinagsawalang bahala ang isiping ‘yon.
Pero agad nakompirma nang itaas niya ang hawak ng kan’yang kanang kamay niya na isang velvet red box na may lamang singsing na may malaking bato sa gitna.
“Gabie, would you do the honor to be my lifetime partner, my lifetime cure for my sleeping disorder, and be my wife? I vow to take care of you, will be beside you until you want me to. I vow to love you and treasure you until my last breath. Gabriella Therese Alonzo will you marry me?” maluha-luha niyang tanong sa akin habang nakaluhod pa rin ang isa niyang tuhod sa lupa na sinapinan ng mga talutot ng bulaklak.
Samantalang ako nama’y naiiyak na rin na nakadungaw sa kan’ya dahil hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang kahihinatnan naming dalawa. Parang kailan lang nang gumapang ako patungo sa kotse niya at sumakay ng walang paalam. Matyaga niyang nililinis at pinapalitan ang bendahi sa tama ng bala ko. Pinatuloy niya ako sa kan’yang bahay kahit alam kong naiinis siya sa akin dahil sa ginawa kong pagsakay sa kotse niya na wala siyang kaalam-alam. Inalagaan niya ako at sinamahan sa pinakadilim ng parte ng buhay ko. Kaya hindi ako nahirapan na bumangon muli at magpatuloy sa buhay ko sa kabila ng lahat ng masasakit na dinulot sa aking nakaraan. Hindi niya ako binitawan at sinukuan bagkus siya ang tumulong sa akin para malampasan ko ang pinakamalaking pagsubok na aking pinagdaanan. Siya ang naging sandigan ko, kahit pa para kaming aso’t-pusa paminsan-minsan. Hindi ko inakala na sa kabila ng kan’yang mga pag-agapay sa akin tulad ng sa akin pangit din pala ang kan’yang pinanggalingan na nakaraan. Kaya sa madaling salita naging madali sa aming dalawa na harapin ang buhay at patuloy na lumaban dahil sa kasama namin ang isa’t-isa.
“Oo! Oo August!” hindi ko na napigilan ang maiyak dahil sa tuwa. Agad naman niyang kinuha ang singsing sa box nito at isinuot sa aking palasingsingan saka dali-daling tumayo at niyakap ako ng mahipit kaya hindi ako nagdalawang isip pa na ibalik sa kan’ya ang mahigpit na yakap. Hinalikan niya ako sa labi nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Kasabay ng marinig ko ang palakpakan sa aming paligid.
Saka ko napansin na naroon pala sila lola, lolo at si Wednesday na may malalaking ngiti sa kanilang mga mukha. Kompleto ring nakahelera ang mga katulong na tuwang-tuwang sa amin.
“C’mon sweetheart,” marahan niya akong hinila papalapit sa kanila lola, lolo at Wednesday.
Pagkatapos kaming niyakap at binati nla lolo, lola at Wednesday. Sumunod na bumati sa amin ang mga kasambahay at ang iba nilang tauhan. Masaya kaming nagsalu-salo sa kanilang hinanda sa kubo na kanina inaayos nila.
Ilang sandali matapos ang masayang hapunan nagpaalam na ang dalawang matanda kasama si Wednesday na mauuna na dahil kinakailangan nilang magpahinga ng maaga, ganoon din si Wednesday dahil maaga pa umano siya babalik bukas dahil may pasok pa siya.
Naiwan kami ni August kasama ibang tauhan nila na nag-inuman at ang iba nama’y nagliligpit ng mga pinagkainan namin.
“Are you happy?” biglang tanong niya sa akin habang nakatayo kaming dalawa nakadungaw sa tubig habang nakayakap siya sa akin mula sa aking likuran.
“Oo naman. Thank you for making me happy,” madamdamin kong sabi sa kan’ya na natiling natutok ang tingin ko sa tubig. Masarap sana maligo kung hindi lang masyadong malamig.
“No, I should be the one thanking you sweetheart,” saka hinalikan niya sa aking sentido at mas hinigpitan ang kan’yang pagkakayakap sa akin.
“August,” mahinang sambit ko.
“Hm?”
Dahan-dahan kong kumalas sa kan’yang pagkakayakap sa akin saka humarap ako sa kan’ya.
“Mahal na mahal kita,” nakangiti kong sabi habang nakatingala ako sa kan’ya.
“I love you too… so much sweetheart,” then we kiss each other passionately for a minute. Pero ako ang naunang kumalas sa paghahalikan namin dahil naalala kong may ibang taong makakakita sa aming dalawa.
“Oh, my sweetheart is blushing,” tapos niyakap niya ako ng mahigpit.
“Let’s head home?” yaya niya matapos kaming magyakapan.
Tulog na ang lahat nang makarating kami sa bahay nila. Kaya dumeritso na agad kami sa kwarto para makapaglinis at makapagbihis ng pantulog. Pareho kaming dalawa hindi maawat ang mga ngiti namin sa mukha namin.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog, hindi ko alam kung bakit?
“Hey! Can’t sleep?” biglang tanong niya sa akin na hindi ko namalayan na nagising siya sa kan’yang mahimbing na pagkakatulog kanina.
“Hindi pa ako inaantok,” sabay humarap ako sa kan’ya.
“Maybe, because you’re overwhelm,” saka hinila niya ako para dumikit sa kan’ya.
“Siguro, kasi hindi ko naman inakala na mangyayari ito sa buhay ko. Alam mo ‘yon, parang kailan lang nagalit ka sa akin kasi basta na lang ako sumakay sa kotse mo ng walang paalam tapos ngayon fiancée na kita,” nakangiti kong sabi sa kan’ya.
“That’s how fate led us to each other sweetheart,” then he kisses in my lips.
“Tama ka, sino ba naman ang mag-aakala na ang isang tulad ko ang makilala ang isang tulad mo ‘di ba? Kaya tama nga ang sabi nila, everything happens for a reason. Kung hindi nangyari ‘yong nalaman ko na kapatid ko pala siya sa ama, eh, hindi sana kita nakilala. Mabuti na lang pala talaga nangyari ‘yon, laki talaga ang pasasalamat ko. Kahit ang daming nangyari, nasaktan, umiyak, naramdaman ko pang trinaydor ako ni mama kaya nagalit ako sa kan’ya. ‘Yon pala isang paraan lang para makarating ako kung nasaan man ako ngayon. At ‘yon ‘yong nasa tabi na kita bilang fiancée ko. Mahal na mahal kita walo,” malambing kong sabi.
“Oh? So, you’re calling me walo huh? Grandpa is calling me eight then you just translated it to tagalog word, my silly sweetheart,” then he pinches my nose.
Tumawa ako ng mahina kasi alam kong hindi niya inasahan ‘yong sinabi ko.
“I love you too… sweetheart,” then we kiss again but this time it’s longer and passionate and full of emotion.
We had our intimate time together that night before we fell asleep after we both satiated.
Sumunod na raw, masaya kaming binati ng dalawang matanda. Magtatanghali na nang magpaalam kami kina lolo at lola na babalik na kaming Manila. Masaya nila kaming pinanood na sumakay sa kotse ni August at saka ito pinaandar palabas ng gate.
Naging maayos naman ang buong byahe namin pabalik ng Manila. Masaya kaming nagkwentuhan sa mga magiging plano namin sa kasal. Saka nasabi ko ulit sa kan’ya ang plano kong pagpunta kay mama, nagboluntaryo siyang samahan ako. Tama lang din ‘yon para maipakilala ko na sila sa isa’t-isa. Kaya ang napagkasunduan naming pumunta sa darating na Sabado kasi wala siyang pasok noon.
Gusto pa nga niya eh ngayon kami dederitso pero sabi ko hindi na muna kasi kailangan niya ng pahinga dahil may pasok pa siya bukas. Mabuti hindi naman nangulit, minsan pa naman ‘yan sobra ang kakulitan kapag trip niya.
Masaya kaming nagtatawan sa mga kalokohan niya nang…
“What the fuck is she doing here?” galit niyang sabi, saka nahampas pa niya ang manobela.
Hininto niya ang kotse ilang metro ang layo nito sa gate ng bahay niya saka yumuko at ipinikit ang kan’yang mata, para bang pilit na kinokontrol ang sarili.
“Gabie, I want you to listen to me carefully what I’m about to tell you,” malamig niyang sabi. Na nagpakaba sa akin, kasi madalas sweetheart ang tawag niya sa akin. Ngayon ko lang ulit na tinawag niya ako sa pangalan ko. Saka sa paraan ng pagkakasabi niya para bang may nakaambang problema na kinakailangan naming harapin. Tapos nanatili siyang nakayuko habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. Mas lalo akong kinabahan at naguguluhan sa nangyari dahil kung bakit ganoon na lang kabilis nagbago ang mood niya. Masaya pa siya kanina at nangungulit habang nagmamaneho kaya tawa ako nang tawa sa mga kalokohan niya.
Humugot siyang na malalim na hininga bago siya tumingin sa akin. Kitang-kita ko sa kan’yang mga mata ang magkahalong emosyon na hindi ko mapangalanan.
“I’m sorry, I didn’t know she’ll be here now. To be honest, she went to the station to see me for several times already,” agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.
“Pero bakit? Ano ang nangyayri bakit bumalik siya? Babalikan niya si August?” isinasaisip ko na lang dahil natatakot akong marinig ang sagot.
“But I didn’t give her the chance to come near me. I didn’t even talk to her; you can ask my colleagues in the station. They all knew who she was in my life but they just don’t know about those things I’ve told you. Please don’t listen to her and most specially don’t believe whatever she says. Believe me if you’ll going to believe that bitch out there, our relationship will put into danger. She will definitely ruin us both. I don’ know why she’s doing such horrible things when in fact we’re over years ago. I don’t want anybody else in my life, it’s just you Gabriella Therese Alonzo, that’s why I asked you to marry me. I’m so grateful for saying yes to me! Promise it’s you no one else but you sweetheart. Please trust me,” mahina niyang sabi na para bang nagmamakaawa ang kan’yang mga tingin sa akin na intindihan ko siya at paniwalaan ko siya.
Hindi ko naman napigilang mapaluha sa mga narinig, ang sarap pala sa pakiramdam na marinig mong ikaw lang at wala nang iba ang gusto niya para sa makasama sa kan’yang buhay.
“Hey! Why are crying?” nag-alala niyang tanong. Agad niyang kinalas ang seatbelt na nakakabit sa kan’ya at saka ang seatbelt ko naman ang kan’yang kinalas para yakapin niya ako.
“I’m sorry. Don’t worry I won’t never ever leave you sweetheart. I swear to God that won’t happen,” naramdaman ko agad na nasasaktan siya at natakot sa naging reaksyon ko.
“Hindi, hindi ganoon…” kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.
“I believed you, okay? Sorry naiyak lang ako kasi sobra akong na touch sa sinabi mo sa akin. Hindi ko inakala na may isang tulad mo na natatakot na hindi kita paniniwalaan at lalong sa sinabi mong ako lang at wala na ibang gusto mo na makasama sa buhay mo. Thank you. Saka ‘wag kang mag-alala hindi naman ako maniniwala sa kan’ya dahil hindi ko siya kilala. Kung may sasabihin man siya sa akin, magtatanong muna ako sa’yo kasi ikaw kilala ko at lalo mahal na mahal ko,” dinampian ko ang labi niya saka nginitian ko siya para mahimasmasan na siya kung ano man ang kan’yang pinapangamba.
“God! Thank you!” siya naman ang humalik sa akin sa pagkakataong ito. Saka niyakap niya ulit ako ng mahigpit.
“Can you come with me, I wanna show her my beautiful fiancée?” nag-aalangan niyang tanong.
“Sige ba! Baka ‘yan lang ang paraan para tigilan ka na niya,” pagsang -ayon ko sa kan’ya.
Sabay kaming nagbukas ng pinto at bumaba sa kotse niya, hinintay niya akong makalapit sa kan’ya saka pinagsiklop niya ang aming mga kamay saka kami naglakad papalapit sa babaeng nakatayo sa tapat ng gate.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08/2024

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    16/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata