JERON'S POINT OF VIEW "Good morning, anak wala ka ba balak mag-Jogging o 'di kaya ay magbasketball." Usisa ni mama. Nagtalukbong ako ng kumot, "Wala po akong gana maglaro. Gusto ko lang matulog maghapon." "Seryoso? Daig mo pa hindi makamove-on eh ano. Anak, kung patuloy mo ipagpipilitan ang hindi dapat baka imbis makalimot lalo kang masaktan." "Maaaaaaaaa!!!" "Bumangon ka na riyan dahil hinihintay ka na ng future girlfriend mo." "Girlfriend???" "Si Kelly 'di ba?" natatawa niyang paniniguro. "Mama naman ehhhhh...alam mo naman may boyfriend na 'yung tao." "Okay lang 'yan anak, ganoon talaga kung minsan, hindi tayo mahal nang mahal natin." "Ano yun, ma, hugot?" "Doon tayo sa totoo anak,"Kinuha ang bag, "Bangon na ubusin ang breakfast ha? Hugasan mo na rin mga plato." Hindi na nga kami sabay kumain tapos na utusan pa maghugas ng pinggan. Walang gana kong binangon ang katawan sa higaan. Nakakawalang gana parang gusto ko na lang mawala kung makikita ko rin ang dalawang magkasama. Kahit sa pagkain ay ayaw tanggapin ng tiyan na kumain nang marami. Sapilitan ko na ngang hinugasan ang mga maruruming pinggan tapos makikita kong nang iinis pa itong dishwashing liquid. Hay, mabuti pa siya 'JOY' samantala ako, wala man lang nagpapaligaya. Syeteng iners, ang bitter ko daig ko pa lumunok ng maraming ampalayang hilaw. Sumabay pa kumakatok sa pinto na parang atat na atat makapasok. "Sandali!" sabay bukas ng pintuan. "Ang aga-aga init ng ulo mo." "Bakit ba?" "Relax, bakit ba ang pangit ng gising mo? Laro raw tayo ngayon ng basketball." "Kayo na lang muna wala akong gana maglaro at lumabas ng...ng unit na ito." "Wala ngang gana. Hindi ako sanay na ganyan ka. Ano ba problema mo?" "Parang hindi mo alam." Bulong ko. "Ah, alam ko na. Hello, best friend kahit siguro magmukmok ka maghapon walang mangyayaring maganda sa iyo. Walang magbabago dahil sina Ferd at Kelly ay mag-jowa na." With heart shape ng kamay. "Kaibigan nga talaga kita, kainis," "Hay, bahala ka. Tara na, ang tamang pagmo-move-on dapat nagpapaka busy. Itutuon mo ang lahat ng oras sa ibang bagay. Nandyan mga chicks natin halika na kasi," Nangiti ako, "Hmm," "See, ngumiti ka na. Maraming chicks sa gym." "Hintayin mo ako sa labas magbibihis lang ako." "Eh, teka, bakit hindi mo ako papasukin?" "Ayoko, ay hindi joke lang. Diyan ka na muna kung gusto mo manuod buksan mo na lang 'yan. Since mahilig ka manuod ng porn, maliligo muna ako." "Sira-ulo mo, hindi ako nanunuod ng ganoon!" "Baliw, inosente ako." Depensa ko. Naupo siya sabay bukas ang telebisyon. "Ah, kaya naman pala Zippers name ng team natin ano? Mahusay naka-isip no'n. Hanga na talaga ako sa iyo. Hay, tigil- tigilan mo ako Jeron pa-inosente samantalang ikaw na pinaka maraming nakaka date." "Noon 'yun! Magsalita ka akala mo virgin pa, ikaw nga bad influence ka sa akin." "Bad influence ka riyan!" "Eh, ano? Ginagabi-gabi mo maghakot ng babae para may madala sa unit mo." "Ingay mo." Nagtawanan kami, "Sisihin mo sarili mong mukha saka kung hindi ka gwapo malamang wala kang maloloko." Dugtong niya. "Nagmamalinis samantalang siya palagi nagbibigay sa akin ng babae." "Hoooo....maligo ka na kung ano-ano pinagsasabi mo." Binato ko ng unan sabay pasok sa banyo. Rinig ko ang ingay ng telebisyon. Alam kong medyo na inis siya sa pag-aasaran namin kanina pero kahit ganoon napaka buti nitong kaibigan. "IM DONE." masaya kong wika. "Done talaga dahil naiinis na sila sa iyo." "Heto na kamo pababa na." "Wait, may ibinigay na ulam si Kelly hinahanap ka kaya lang sinabi kong naliligo ko tapos umalis kaagad." Tutok na tutok sa television. "Aalis siya? Mag-Jojogging?" "Ewan parang hindi naman may dala pa siyang maliit na lalagyan."Tumingin sa akin, "Baka dadalhin sa boyfriend niya. Naks, hindi ka pa rin kinakalimutan ng Kelly mo kahit may syota na." Nanuod ulit . "Ah okay...tara na..." "Ah okay...tara na..." Siyang gaya sa sinabi ko, "Ang bitter, halatang-halata ka friend." Tumayo bago pinatay ang TV. Wala nga siya ng lumabas kami. Sa gym ko na siya nakita kasama si Ferd at HHWW pa ang dalawa. Ipinapakita talaga nilang official ang relasyon nila kahit marami magagalit. "Awts, friends, sakit ano?" Syeteng iners nang buwisit na naman. "Tigilan mo ako Felix the cat." Mahinahon kong sabi. "Okay." Pero may kasamang tawa. Nakita ko silang nagmamadaling lumiko maaaring si Iris ang iniiwasan nila mas okay na rin yun kesa magkasalubong ang mga landas namin. Masakit na nga itong nararamdaman ko tapos dadagdagan pa. Kita kong bumulong si Iris sa mga kasama. Kasunod non may lumapit na mga babae sa pwesto namin dahilan para hindi ko na bantayan ang kilos ni Iris. Full support ang mga chicks ni Felix. Ayoko na muna makipag-usap lalo ngayon hindi ko magawang mag-move on sa babaeng mahal ko. Ilang laro pero tagaktak kaagad pawis ko. Nakalimutan ko pa bimpo. Ano ba 'yan si Felix kasi nagmamadali. "Bestfriend si Kelly." Nguso ni Felix, "Grabe, papalapit siya sa atin ohh, witwiw." "Manahimik ka nga." Seryoso lamang akong nakatingin kay Kelly habang palapit. "Hi bebeboy, nakain mo ba yung ibinigay ko?" "Hindi, kakatapos ko lang kasi kumain." Iwas ko nang tingin. "Huwag mo sabihin wala kang dalang bimpo?" Lumapit at pilit pupunasan ang likod ko. "Huwag na Kelly ayos lang." Pigil ko. "Masama kapag natuyuan ka ng pawis, bebeboy huwag na maarte." Gusto ko sana matawa kaso ang gagung Felix panay asar sa akin. "Felix, puwede lumayo ka muna baka hindi kita matantiya!" Bubulong-bulong lumayo si Felix. "Mukhang hindi maganda gising mo?" "Hindi talaga kahapon pa," Bulong ko. "Anong sabi mo?" "Wala, masama lang pakiramdam ko kaya nagpapawis na lang baka sakali mawala itong nararamdaman ko." "Masama pala pakiramdam mo tapos hinahayaan mo lang na matuyuan ka ng pawis." "Hindi mo ako kargo kung may mangyari sa akin." "Bebeboy kita." Ngumuso tapos tumabi sabay yakap sa braso ko, "Ikaw makakasama ko sa Korea syempre dapat mabait ako sa iyo 'di ba?" "Oo nga," "Eh bakit parang hindi ka masaya na ako ang makakasama mo?" Kung alam mo lang Kelly. "Itong mukha na ito kailan ba hindi naging happy?" Turo-turo ko ang mukha ko."Ikaw pa ba?Eh kapag kasama kita masaya na ako." Ngayon lang hindi dahil kayo na ni Ferd. "Yon naman pala. So, sabay na tayo pumasok mamaya?" "Okay palagi naman." "Ayaw mo na ba sa akin?" Nanlaki mata ko sa tanong niya, "Parang hindi ka naman happy kasama ako, ano ba problema mo?" ngunguso-nguso na naman. "Wala akong problema happy nga ako dahil tayo ang nanalo." "Parang hindi pero maiba tayo hindi mo ba napapansin si Claire?" "Hindi ko pa napapansin, bakit?" "Parang nawala siya noong umalis ka kagabi 'di ba kayo ang magkasama?" "Oo..." Nag-isip ako, "Pero iniwan din niya ako dahil masama raw pakiramdam niya." "Okay tapos na ba kayo maglaro?" "Hindi pa," "Mauna na bumalik sa unit, video call pa kami nila mom..." Pinigilan ko, "Bakit?" "Masaya ako..."ngumiti sya, "Pinuntahan ka ng parents mo kagabi, salamat may Ferd kang makakasama mo at tingin ko nga mahal na mahal niyo ang isat-isa." Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko, "At thank you din bebeboy." Kunot-noo ako, "Thank you." "Bakit?" hindi ko naiwasan na magtanong. "Basta thank you at tanggapin mo na lang. Sana palagi kang nandiyan for me kahit may boyfriend na ako." mapait akong ngumiti, "Mauna na ako ha?" "Ingat ka." Hinatid ko siya gamit ang magaganda kong mata. Sa buong klase hindi ko napansin si Ferd ang sabi ni Kelly may practice ito ng swimming kaya habang wala ito ako muna ang sumama sa kanya. Palagi ko naman ginagawa ito eh sanay na ako kapag wala si Ferd nandito ako para kay Kelly. Hanggang doon lang walang pag-asa kahit ano gawin ko. Break time muna kami tapos next is last subject na pinatawag ako sa PTA hall dahil may mga announcement ang PTA officers. Pagkatapos hinanap ko kagad si Kelly para samahan siya dahil pupunta raw itong oval pero hindi ko naman ito makita. Tinawagan ko muna si Felix na baka sakaling makita niya si Kelly tawagan din niya ako. "Hello bestfriend! Nakita ko na si Kelly bilisan mong magpunta rito sa tabi ng library room rumesbak na naman ang kaibigan ni Iris." Hindi ko na pinatapos kaagad kong pinatay ang kabilang linya at tumakbo papunta sa library room. Nadatnan ko sa labas ang mga estudyante na parang nanunuod ng sabong. Nakita kong hawak si Kelly ng dalawang babae sa magkabilang braso nito habang ang isang babae ay sunod-sunod na pinagsasampal ito na halos dumugo ang labi nito. "Bitch! Ito para sa akin!" Sinampal muli si bebegirl "At ito naman para kay IRIS..." bago pa man niya gawin 'yon ay napigilan ko ang kamay nito. "Baka gusto mong pumutok yang nguso mo gamit ang kamao ko!!" Matapang kong pananakot sa kanya "Je-jeronn...puwede ba huwag kang makialam isusumbong kita kay tita!" "Gusto mo samahan pa kita? Alam kong kayo ang nanguna rito kaya hanggat napipigilan ko pa sarili ko bitawan niyo si Kelly at umalis na kayo." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Binitawan ko na ito at sinamaan muna ng tingin si Kelly bago magsi-alis ang mga loko. "Bebegirl..." Niyakap ko kaagad, "Bakit hindi man lang kayo umawat ha!" Sigaw ko sa mga nakiki-isyuso pero mga nagbulungan lang ang mga ito, "Tara sa clinic tayo." Habang patungo kami sa clinic hawak ang kanyang kamay hindi ko maiwasan na mainis. Sinasabi na nga ba may binabalak na naman si Iris. "Aray!" Reklamo nito habang ginagamot ng nurse. "Bakit kasi nakipag-away ka? Kakapanalo mo pa lang sa pageant sinira mo kaagad ang mukha mo." basag ng nurse. "So, kasalanan ko pa ba ito? Sila na una at ano bang laban ko sa mga kaibigan ni Iris na yon...araaaayyy! Kung isa lang siya malamang nakipagsuntukan ako!" "Ayan, nagamot ko na sa susunod kasi unahan mo na kung sakali man masira mukha mo at least pareho kayong nandito sa clinic." matawa-tawa ako nang lumabas ang nurse. "Anong tinatawa-tawa mo riyan?" Natigilan ako. Nakaupo ito sa higaan nang lumapit ako, "Tandaan mo ang advice ng nurse ha?" "Sus, mga duwag kamo sila bakit kailangan pa humanap ng kakampi. Kung ako kay iris dapat hinarap niya ako kaysa sa mga duwag niyang barkada." inis niyang sabi habang hawak ang pisngi at labi. "Patingin nga." "Aray..." Sama ng tingin sa akin. "Gagaling din yan." "Thank you." "Para saan?" "Dahil palagi kang sumusulpot kapag nasa alanganin ako. Ikaw siguro ang Knight in shining armor ko." Natatawa pa nitong sabi. "Ganoon ba? Parang hindi naman." Namulsa ako. "Thank you talaga kung hindi ka dumating malamang hindi lang ito ang inabot ko." "Kaya sa susunod lumaban ka hindi na bale maguidance ang importante nakaganti ka." "Baka lalo pa magalit at hindi ako tigilan kapag pinatulan ko." Ngingisi-ngisi kami ng kumalabog ang pintuan ng clinic. "KELLY." ops, nandiyan na po ang original. Umatras ako habang naka halukipkip sabay upo sa isa pa na kama pinagmasdan ko lamang ang mga ito. "Okay ka na? Ano masakit sa iyo??" Hawak ang isang kamay ni Kelly. "Medyo masakit pa pero nilagyan na rin ng betadine don't worry." "Anong don't worry? Ha...nasaktan ka oh? Hindi ko yata kayang hindi mag worry saka sabi na may kinalaman si Iris dito." "Hayaan mo na sa susunod lalaban na talaga ako." "Hindi yon ang solusyon dapat sa kanila mapatawag sa guidance." "Hamo na mabuti na lang dumating si Jeron." Tumingin sa akin si Kelly sunod si Ferd, "Kung hindi malamang sa malamang sabog mukha ko." Hindi pa rin inaalis sa akin ang tingin ni Ferd, "Salamat Jeron, salamat." "Wala yon kaibigan ko si Kelly kaya natural ipagtatanggol ko siya." Awts..sige lang Jeron ang plastic mo sobra! "Hihingi ako ng pabor sa iyo." Lumapit, "Habang busy ako dito sa swimming lesson sana lagi mong tiyakin na nasa mabuting kalagayan si Kelly ikaw lang naman ang pinagkakatiwalaan ko." "Walang problema kahit hindi mo sabihin handa ko siyang alagaan dahil kaibigan ko siya at ayoko sa mga kaibigan ko na may nasasaktan." Tinapik niya ang balikat ko at muling bumalik kay Kelly. "Tara na sa room late na tayong tatlo." Inalalayan niya si Kelly at kasunod lamang akong naglalakad. "Ano ba dapat kong gawin para makaganti kina Iris?" Bulaslas ni Ferd. "Yung tigilan lang nila ako okay na sa akin." Mahinang sagot nito. "Napakasama niya, " inakbayan si Kelly. "Ferd!" Tawag ng coach niya. "Sandali lang lapitan ko si Coach." Paalam niya kay Kelly. "Dapat pala bago mo siya sinagot inisip mo kaagad na isa si Iris sa mga magpapahirap sa iyo." Natigilan siya sa mga sinabi ko umiwas ako ng tingin, "Pero mahal mo eh wala naman akong karapatan para pigilan ka kahit ikapahamak mo pa," Muli akong namulsa at dahan-dahang lumayo. "Jeron..." "Mauna na kayo pumasok may pupuntahan pa ako." Pagkatapos non ay hindi ko na siya nilingon pangmuli. Sobrang hirap kasi na makita siyang nasasaktan ng dahil sa lintik na pagmamahal na yan. Kung ako na lang sana minahal niya hinding-hindi nito mararanasan masaktan sa piling ko. Kaya lang hindi ako. Hindi ako ang nilalaman at tinitibok ng kanyang puso. Sino ba naman ako para i-treat ng ganito? Hamak na kaibigan lang ang turing niya sa isang tulad ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat