"Dad! Dad!" Hila ang kwelyo ko. "Oo, nakikita ko." Ang lakas ng sapak nitong anak ko pinagsuot ba naman ako ng gaya sa suot niya. Jacket na may hood, sunglass, mask daig namin nitong riding in tandem, at kulang na lang ng motor. "Ang ganda nga niya sa personal. Uhm, sana siya nga si Mommy Kelly." Malungkot nitong wika. "Don't be sad darling." "Gusto ko siya maka-usap." Ang bilis nito makakilos para makalapit kina Kelly este Zoe. "Lira, bumalik ka rito." "Mommy! Mommy! I miss you so much mom." Nalintikan na nagawa nitong yakapin si Zoe. Ang nakakagulat wala man lang sinabi ang Zoe na yon. "Ms.?" Nakangiting taka nito kay Lira. Hinablot ko kaagad ang anak ko. "S-sorry, nagkamali lang ang anak ko. M--may pagkakahawig kasi kayo ng dati kong asawa." Tumingin muna ito sa kasama niyang lalaki bago sa akin tumanaw kasunod nang pagngiti. "It's okay, I have to go. Lets go, honey?" Lumayo na sila. "Mom, please kausapin mo ako." Pagmamakaawa ng anak ko. Lumingon lamang si Zoe ngunit kaagad din umiwas ng tingin. "Dad." Yakap ako habang umiiyak. "Lira." Hindi ko maiwasan mangilid ang luha dahil sa nararamdaman nito. Ganito ang feeling kapag nakikita mo nahihirapan ang anak mo mas gugustuhin mo na lang na ikaw ang makaramdam ng sakit. "Tahan na sabi ko naman sa iyo di ba H hindi siya ang mommy mo. Mahirap man paniwalaan pero dapat tanggapin natin." "I really miss her, kulang ako sa kalinga ng isang ina hinahanap-hanap ko 'yon dahil hindi naman niya na ibigay." "Sshh...nagkulang man sa iyo ang mommy mo, nandito si daddy para tumbasan ang pagkukulang niya." "But dad, do you remember what he said? alam kong naaalala mo pa ang ex-boyfriend ko. Hiniwalayan ako dahil hindi tayo buo, dahil sanay ang pamilya niya sa buong pamilya. Dad, pati ako damay dito." "Hindi mo kasalanan." " I know because kasalanan niyong dalawa kundi lang kayo nagpataasan ng oride baka ngayon ay masaya ako sa feeling mo at ni Mommy Kelly." "Pero heto na ang lumabas na resulta wala na akong magawa." "May magagawa ka pa noon pero naging duwag ka lang." Masama niyang tingin sa akin bago ako iwan mag-isa. Kasalanan ko ito, at tama ang anak ko. Bakit hindi ko pa nasabi ang totoong alam ko? Bakit hindi ko kaagad sinabing mahal na mahal ko pa rin siya? Bakit may pa-tama na please pa ako noong kasama ko pa siya? Matindi nga ba ang tama ko sa ulo kaya kahit simpleng problema pinatindi ko ang sitwasyon? **** "Excuse me," someone said from my back. Nandito ako ngayon sa isang local bar na hindi gaano kilala pero masasabing maganda ang lugar. Tumigil ang mundo ko nang muli makaharap ang taong matagal kong hinanap. "Ikaw yong lalaki sa airport, right?" "Yes." Anong ginagawa niya rito? Kasama kaya niya ang boyfriend niya? "Can I?" Pakiusap nito bago maupo sa bakanteng upuan. I nodded na lang bago ubusin ang brandy sa baso. Saglit kami nagtitigan. "Sino kasama mo? Ah, sorry kinakausap kita kahit hindi tayo magkakilala." Muli sana akong magsasalin ng brandy sa baso ng magsalita ito, "Kumusta na?" "Sorry?" Baka nabibingi lang ako dahil sa kalasingan. Suminghap muna bago kunin ang hawak kong baso sabay tungga. "Miss na miss ko na si Lira, at kung alam mo lang na dudurog ang puso ko, nasaktan ang damdamin kong makita siyang dalaga na." Nagsalubong ang kilay ko. "S-sorry, sorry dahil nagtago ako ng ilang taon.Sorry dah-----" hinawakan ko ang kamay nya natigilan kami pareho tila wala kaming naririnig na ingay mula sa lugar na ito. Nagising na lang ako sa katotohanan na hinahalikan ko na siya. "Dad? Dad, gising na." Nabigat ang buong katawan ko feeling ko ay napasabak ako sa giyera. "Good morning, darling." Bati ko habang hinihilot ang sariling batok. "Dad? Kumain ka na bagluto ako ng breakfast. Ano nga pala oras ka naka-uwi?" habang tinitiklop ang kumot. Ah, hindi ko matandaan wala na ako maalala sa mga nangyari ang tanging pumasok lang sa isip ko nakasama ko si Kelly sa bar at nag-kiss kami. "Paano ka nakauwi mag-isa? Nakapag-drive ka pa ng lagay na 'yan samantalang parang lasing na lasing ka." May naalala akong konti. ❤❤Flashback❤❤ Dahil wala ako sa katinuan pinilit niya kong ipagdrive at habang papauwi hindi ko maiwasan mangiti dahil kasama ko ang minamahal kong asawa. Kung tutuusin dapat akong magalit pero ano ba mapapala ko kung magalit ako? Handa akong makinig, handa ko siyang patawarin kung sakaling mayroon itong maganda dahilan. Mahal na mahal ko pa si Kelly, hindi ko hahayaan na umalis na naman siya na walang paalam. Inalalayan ako makapasok sa bahay, ramdam kong hirap na hirap ito dahil sa bigat ko ngunit balewala ito sa kanya, nais niyang itanong sa akin ang kuwarto ko ngunit kaagad kong itinuro ang isang pinto. "Nasaan si Lira?" "Sa bahay nila mama." "Kayo lang ba ang nakatira rito?" "O-oo --- Ahmmm--" Hiniga ako sa kama tinanggal ang sapatos, hinubad ang coat. "Hindi kita iiwan hanggat gising ka pa." "Mabuti pa-- kailangan ko ang paliwanag mo sa lahat ng nangyari sa atin." "Huwag ngayon dahil hindi tayo magkakaunawaan kung ganyan ka." Sumubsob ako sa kutson. "Ang tagal kitang hinintay." Ayokong umiyak hanggat maaari ay pipigilan ko ito. "Sorry," "Kahit kaonting dahilan lang para makatulog ako." Bumangon ako para maki-usap. Lumapit ito pagkatapos ay umupo sa tabi ko nang dahan-dahan at inihiga ang ulo sa kanyang magkatabing hita. "Ano man ang sabihin ko sana ay matanggap mo." Marahang hinaplos ang noo at nakaramdam ako ng antok dahil dito. "Handa akong makinig." ❤❤End of flashback.❤❤ Iyon lang talaga na alala ko kagabi. "May naghatid sa iyo kagabi, dad?" "Wala ako lang." "Ilang ulit ko ba sasabihin sa iyong huwag na huwag kang magdrive ng lasing." "Sorry na po hindi na mauulit." "Para kang abnormal na surot." "Ano?!" hindi ako galit sa sinabi nito pero nabigla ako dahil ganyan na ganyan ang tawag sa akin ni Kelly. "Sabi ng classmate ko, tawag daw sa taong ayaw makinig sa payo ay abnormal na surot." Humalakhak ako sabay cross arm, "May trivia ako sa iyo." "Ano? Anong premyo?" "Bakit may premyo?" "Para maiba naman, ano nga yun?" "Alam mo ba ang tawag sa akin ng Mommy Kelly mo ay surot?" "SUROT?! HAHAHAHAHA." Muling nag-flashback sa akin isipan ang boses ni Kelly. "HOY! HARI NG ENGKANTO NA ASUNGOT! SUROT NA BUBUNTOT BUNTOT !! puwede ba lubayan mo nga ang pangalan ko. Hindi mo ba alam na ang lola ko pa nag pangalan sa akin niyan kaya kaonting respeto naman baka gusto mong dalawin ka no'n!" May ngiti sa labi akong humarap sa anak ko kahit saan anggulo mukha ni Kelly ang nakikita ko sa kanya. "Dad? Bakit surot ang tinawag niya sa iyo? Ibig sabihin noon pa man ay matigas na ang ulo mo? Hindi ka marunong makinig?" "Ganoon na nga." "Sabi mo sa akin dati crush na crush mo si mommy nang unang kita mo pa lamang sa kanya pero umamin kaagad ba sa kanya?" "Uhm, oo kaya lang---" "Kaya lang ano?" "Hindi naniwala, eh." "Tama ang predict ko." "Na?" "Hindi ka niya paniniwalaan dahil mukhang nagbibiro ka lang na i-kwento sa akin ni Tita Beth ang mga kalokohan mo dati." "Huwag mo na lang sana akong gayahin sa mga kalokohan ko dati." "Hindi ko maipapangako." Sabay kindat. "Ang kulit mo." "Mana lang sa iyo." "Lumabas ka na nga maliligo lang ako para pagkatapos kumain ihahatid muna kita sa school mo." "Okay dad, muwah love you." "Love you too, Lira." Mahal ko rin ang Mommy Kelly mo sana lang ay maging maayos pa ang pamilya natin bago mahuli ang lahat. "Dad, may banner ngayon inilagay sa Bloodstone University." "Tungkol saan?" Tugon ko habang nginunguya ang hotdog. "Tree planting parang ganoon pero hindi lang mga estudyante ang kailangan." "Sino pa?" "Mga pioneer students daw, maybe mga piling pioneer lang yun." Nag-nod na lang ako sabay inom ng kape. "Bilisan mo na riyan baka malate ka pa." Nag-nod din bago tumayo at kunin ang bag. "I'm ready." Hinatid ko siya gaya ng sabi ko. I just dropped her across the gate before I left school. Gaya noon ay mas nag improve ang Bloodstone magaling ang namamahalang Principal dito tulad ni mama. Akala namin ay hindi bibitawan ni Mama ang kanyang tungkulin ngunit dahil sa pagiging makulit ni daddy ay napapayag niya si mama magtrabaho para sa kompanya nang mawala ako ay si Ate beth lang ang nagpagod para tulungan si dad,marahil naawa ang mama namin kaya ayun nagtulong-tulong sila upang mas mapalago pa ang negosyong hawak namin. I had no regrets when I was lost because it was better for my family. I can't imagine leaving Paris at work, as it is for my daughter so I can improve it further. I immediately answered the caller from my wireless bluetooth headset. "Yes." Napa upo ako ng maayos, "What time? Okay, magkita tayo." nawala kaagad ang kausap ko sa kabilang linya. Nakapagtataka kung paano niya nalaman ang number ko. Wala pa ilang minuto narating ko ang lugar na sinabi niya sa akin. Napaka blooming nitong tingnan. "Kumusta? Wala ka na ba hangover?" Kung titingnan wala pa rin nagbago sa kanya gumanda ito lalo dahil sa curly hair na noon pa man ganyan ang ayos. "Okay na." "Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo kagabi bigla dumating si Lira nagtago muna ako para hindi niya makita." "Bakit hindi ka nagpakita kaagad?" "Not this time, kailangan muna natin mag-usap." "Tama ka," Humingi ako ng menu, "Kumain muna tayo." Habang pumipili kami ng order. Pareho kami tahimik habang pumipili ng makakain hanggang sa dumating ang order ay nanatili kami walang kibo. Wala ako dapat sabihin dahil siya naman itong tumawag para mag-usap kami at isa pa marami ito dapat ipaliwanag. "Nahihiya akong makipag-usap sa iyo." Bulaslas nito na seryoso nakatingin sa malayo. "Ngayon pa ba? Napakarami kong tanong na hindi ko mabigyan ng sagot. Ngayong kaharap na kita siguro naman ipapaliwanag mo na sa akin ang lahat ng nangyari sa iyo." Tumango, "Hindi kita masisisi kung magalit ka sa akin at hanggang ngayon ay naghahanap ka pa rin ng kasagutan." "Ang kailangan ko yung paliwanag mo. Bakit nawala ka ng ganoon kahabang panahon? Bakit hindi ka nakabalik dito sa Pilipinas noong sinabi mong na uuwi ka na? Ano ba talaga ang nangyari?" "Nakabalik kami sa Pilipinas ni Ferd tulad ng huli natin pag-uusap. Sobrang nasaktan ako noon dahil akala ko magiging maayos pa tayo, akala ko babalik na tayo sa dati, pero hindi sobra mo akong nasaktan Jeron." Kung alam mo lang Kelly, mas nasaktan ako dahil bakit ka pumayag, bakit hindi mo ako pinaglaban. "Nang makabalik kami rito hindi kaagad kami tumuloy sa mga pamilya namin. May natanggap kaming invitation mula kay Harvey nang una nagdadalawang isip kami pero ng sabihin ni Harvey na pupunta rin kayo ay hindi na kami nagtanong pa." Sabi ko na nga ba si Harvey ang dahilan ng lahat na ito, nakakagigil. "Pero mali kami," natigilan ako sa muli niyang sabi, "Kami lang pala ang imbitado sa torture party na yun." "Torture party?" Tumango bago muli akong magsalita, "Ang ibig sabihin ba nito pinahirapan kayo ni Harvey? " "Tangka niyang pahirapan kami pero matinik si Ferd nakatakas kami ngunit nagkahiwalay din. Pinilit kong hanapin siya pero wala na akong malay ng masagasaan ako." "Nasagasaan ka." "Oo, doon ko nakilala ang nagpapakilalang boyfriend ko ngayon. Sobrang dami nangyari noong makalayo ako sa Harvey na yun." "Hindi mo man lang inalam kung ano lagay ni Ferd nang oras na yun?" "Alam kong nakatakas siya." "Pero hindi." Mariin kong siwalat. Nagsalubong ang kilay nito, "Paanong hindi?" Buntong-hininga, "Wala na siya pinatay siya ni Harvey." "H-ha? Hindi, paano? Nakatakas siya kaya tingin ko hindi siya mapapatay ni Harvey." Inilabas ko ang cellphone at pinakita sa kanya ang mga pictures ni Ferd noong nasa crime scene ang katawan nito hanggang sa burol at libing panay ito iling na tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. "Hindi siya yan sinasabi kong hindi si Ferd ang nakita niyo." Pamimilit niya. "Magkasabwat silang dalawa pero dahil tuso si Harvey at para masolo ka niya ay pinatay niya si Ferd." "Hindi!" Tumayo, "Hindi gagawin ni Ferd sa akin ito pinagkatiwalaan ko siya at hindi niya gagawin ang bagay na ikapapahamak ko." "Yun ang totoo." Sumenyas akong maupo siyang muli, "Ginamit niya ang kahinaan ni Ferd nangako siya na kapag hawak ka na nila ay ibibigay ka niya sa kanya pero ang totoo, qko ang kailangan ni Harvey, para mas madali ikaw ang kinuha niya at ginamit si Ferd para----" "Hindi ko maunawaan na guguluhan ako." Buntong-hininga ko siyang tinitigan. "Galit pa rin ang pamilya ni Harvey sa pamilya ko. Kung tutuusin dapat ay noon pa tapos ito pero dahil ayaw magpatalo ang angkan nila, minabuti nilang ikaw ang puntiryahin ng sa ganoon ay masaktan nila ako emotionally. Nilapitan nila si Ferd, alam ni Harvey na gustong-gusto ka pa rin niya, lahat ibinigay nila rito at nangako na kapag hawak ka na nila at nakaganti na sila sa akin ay ibibigay ka nila kay Ferd. Hangal si Harvey ito na yata ang pinaka magandang planong ginawa niya." "Hindi na sa akin bago ito pero ang sabihin mong patay na si Ferd hindi ko masasabi na totoo." Kinuha ang tablet na hawak, "Magkasama kami noong isang araw." Kumalabog ang puso ko sa mga nakita. Kamukhang-kamukha nito si Ferd. Gusto kong maniwala pero feeling ko ay nasa bingit na naman kami ng panganib marahil ay hindi ito magandang pangitain. Gumagawa na naman ng kagaguhan itong si Harvey at kailangan kong malaman kung paano ko siya mahuhuli. Naki-usap ako sa kanya na makipagkita siya kay Ferd para malaman kung totoo nga. Sinabi ko na huwag sabihin dito na alam kong buhay nga siya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat