"Saan tayo magde-date?" Usisa ko rito habang pantay na kaming maglakad. "Napuntahan mo na ba rito ang Canal Saint-Martin?" "Hindi pa." "Doon tayo." Inilahad nito ang kamay nais niyang maglakad kami habang magkahawak kamay. Buong tuwa kong tinanggap ang kamay niya at masayang pinuntahan ang Canal Saint-martin. Yakap ko ang aking mga braso habang tinatanaw ang Canal Saint-Martin malakas din ang ihip ng hangin dito. "Pizza delivery." Wika mula sa aking likuran. Isang delivery boy na naka pink na bike, suot din nito na black and pink, at inabot nito ang pizza kay Jeron kasama ang tatlong pink na lobo. Ngumiti akong tumango ang delivery boy saka tuluyang umalis. "Pizza? Balloon?" Alok sa akin. Naupo kami sa pinaka huling dulo ng canal at doon namin inilaylay ang mga paa. "Marunong din pala mag-english ang mga French?" "Nabibilang lang." "Masarap ito, ah?" Sabi ko nang aking tikman ang pizza. "Pink Flamingo, sikat 'yan dito. Perfect kasi dahil marami rin nagde-date rito." Inilibot namin ang paningin sa paligid. "Oo nga ang dami nga." Natatawa kong sabi. Saglit kaming tumahimik habang ninanamnam ang pizza. "I-kwento mo naman ang nakaraan natin." Sabay lingon ko sa sinabi niya. "Kung paano tayo nagkakilala." Tumingin ako sa buong canal yumuko at sabay ngiti na rin. "Tingin ko maganda ang unang pagkikita natin." Nakangiti niyang sabi. "Actually, hindi naalala ko lang ang pagtataray ko sa iyo noon." "Tinarayan mo ako?" "Ang kulit mo kasi." Inirapan ko habang nakangiti, "Biruin mo sa unang pasok ko sa Section Emerald kinukulit mo kaagad ako at pagkatapos ay sunod ka nang sunod." "Ganoon? Makulit pala ako dati." Natawa niyang sabi. "Tama, nakaka miss nga, eh." Tila nagkahiyaan pa kaming dalawa. "Ang ibig kong sabihin 'yong dating Jeron." Dumiretso siyang tingin sa Canal. "Sorry, na miss mo tuloy ako." "Ganoon talaga matanda ka na kasi." "Ako?? Matanda?" Tumango ako, "Oo, high school pa naman tayo unang nagkakilala saka matagal na rin 'yon, sobrang nakakalungkot nga, eh." "Paumanhin kung hindi man lang kita madamayan sa kalungkutan mo sapagkat ako ang dahilan kung kaya hindi ko alam kung anong gagawin." Totoo 'yan Jeron pero may magagawa ka pa naman kapag bumalik na ulit ang ala-ala mo. **** "Okay na ba sa iyo itong kuwarto?" Usisa sakin habang nakasandal sa hamba ng pinto. "Malawak naman, ilan ba kuwarto rito sa unit mo?" Sinilip silip ko ang labas ng kuwarto dahilan para magkahulihan kami ng tingin. "Dalawa lang, malawak lang tingnan dahil may sariling dining at kitchen." Nakahalukipkip pa rin sa harapan ko. "Sanay ako sa ganito tara tulog na tayo?" Ngumiti siya saka pumasok sa kuwarto at dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Napalunok ako dahil sa walang palya niyang paninitig. "Matulog ka na lalabas na ako." Ngumisi siya, kumurap-kurap ako. "May gagawin ka pa ba sa labas? Kahit dito ka na gumawa hindi naman ako maingay matulog." Ayt! Bluff. "Sa kabilang kuwarto ako matutulog." Marahan niyang wika. "Ha?" "Para maging panatag ang pagtulog mo hindi kita tatabihan nirerespeto kita bilang asawa ko." Napahiya ako roon at baka isipin niyang gusto ko siyang makatabi. "Okay." Sabay lahad ko sa kamay para lumabas na ito. Nahinga akong maluwag dahil kaagad siyang lumabas. Naupo ako sa kama, niyakap ko ang dalawang binti ko habang nakatanaw sa bintana. Tanaw dito ang kumukuti-kutitap na mga ilaw ng mga building at ibang establishment. Kung tutuusin dapat ay sinasabi ko sa kanya ang totoo kong nadarama. Asawa ko pa rin siya at karapatan niyang malaman ang totoo. Kahit sabihin wala pa itong maalala sa nakaraan namin. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit sa amin pa nangyari ito. Ang ipinagtataka ko lang ay iyong paano niya nakasama si Sitti? May alam kaya siya sa pagkaka aksidente ni Jeron? Hindi ko magawa ang mga hakbang sapagkat hindi naman kami close ni Sitti baka nga awayin pa ako kung magkita kami. Kaagad kong binuksan ang pinto ng makarinig ako ng katok. "May kailangan ka pa ba?" May dala itong dalawang baso may lamang gatas. Marahan niyang inupuan ang kama at inabot sa akin. "Baka kailangan mo, baka manibago ka sa tutulugan mo." Nakangiti. "Salamat," Sabay kong inom dito. "May kailangan ka pa ba? Baka naman maistobo kita ha? Marami ka pang gagawin bukas." "Kwentuhan mo naman ako." Siya nga talaga si Jeron parang bata kung kumilos at magsalita. "Tungkol saan ang kuwento, kay Snow white, cinderella, o sleeping beauty?" Natawa siya sa biro ko. Nagtama ang aming mga paningin kasunod no'n ay ngumiti. "Sino ba sa amin ni Mr. Cruz ang mas minahal mo noon?" seryoso ba ito sa tanong niya? "Pareho lang." "Tingin ko hindi, ano ba kuwentong pag-ibig natin?" Huminga ko nang malalim bago ibuga. Saan ba ako magsisimula ng magkuwento? "Si Ferd ang una kong nagustuhan pero dahil sa ang daming nangyaring hindi maganda between sa amin dalawa ay unti-onting nahulog ang loob ko sa iyo." "You mean, na in-love ka sa akin?" "Ganoon na nga. Ikaw ang unang umamin sa nararamdaman pero ayokong maniwala dahil mahilig kang magbiro, eh." Muling nagkatamaan kami ng tingin. Miss ko na siya, miss ko kung paano niya ako kulitin, at miss ko na kung saan kami nagsimula. Ang lahat ng ala-alang iyon ay nagbibigay sa aking ng matinding kalungkutan. At kung bakit ako lamang ang naiwan na nagdudusa dahil sa nakaraan. "Kelly?" Dinig kong tawag. Bumuntong - hininga, "Magpapakatotoo ako, hindi ako makapaghintay na dumating ang araw na babalik ka sa amin ni Lira. Jeron, kahit ngayon na kasama kita hindi ko pa rin maiwasang masaktan nang dahil sa iyo. Ikaw ba, hindi ka nasasaktan sa tuwing may katanungan riyan sa isipan mo? Kung iisa-isahin ko ba ang lahat na nag daan sa atin maalala mo ba kaagad-agad? Hindi naman di ba dahil ala-ala ang nawala, ala-ala." "Tama ka, ala-ala ang nawala pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi titibok itong puso ko. Wala akong maunawaan dito sa nararamdaman ko para sa iyo. May kapirasong ala-ala hindi ko naman malutas. But what if, what if may ginawa pala akong kasalanan kaya kita iniwan? What if hindi pala ikaw ang mahal ko?" Dugtong niya. Ang sakit marinig mula sa kanya ang mga salitang ayokong marinig. What if, Sa what if na iyon, paano nga kung tama ang hinala niya. Paano nga kung umalis siya dahil hindi na niya ako mahal. "Kelly, kaya kita sinama rito dahil ayokong usigin ng konsensiya kung tama nga itong hinala ko. Gusto kong tulungan kita at gusto ko rin na tulungan mo ako. Kung ikaw feeling mo ay nangungulila ka at sa akin naman ay parang may kulang. Bakit hindi na lang tayo magtulungan?" "Sa huli ba nito ay ako pa rin ang talo?" Tanging lumabas lang sa aking bibig. "Hindi ko alam, if you want samahan mo ako kay Sitti baka siya ang may alam ng lahat. Siya lang naman ang kasakasama ko noong nasa hospital ako, at baka siya ang sagot sa lahat." May dalawang bagay lang ang maaaring mangyari kapag kinausap namin itong si Sitti. Maaaring magsabi siya nang totoo pero maaari rin hindi. Kahit isang beses ko pa lang nakita noon si Sitti ay alam ko kung gaano siya ka linta este ka mahal niya si Jeron. Si Sitti hindi ordinaryong babae, maganda siya at mukhang artista. Sa pormahan pa lamang niya ay nasa kanya ang kapangyarihan ng lahat. What if plano talaga ni Sitti paghiwalayin kami ni Jeron. Wala siyang ugnayan sa amin pero bakit ganito na lang kompyansa ng isipan kong may kinalaman siya sa lahat. Paranoid na ba ako masyado? KINABUKASAN. Hindi kami nag atubiling makipag kita kay Sitti. Kahapon lang ito nakarating mula Sydney, maraming bumabagabag sa aking puso't-isipan. Marami rin pumipigil na huwag na namin itong ituloy dahil baka hindi ko rin kayanin ang mga sasabihin nila. Baka nga hindi niya ako maalala dahil sa tagal nang una naming pagkikita at sobrang saglit lang din naman iyon. Panay pakawala ako nang hangin sa bibig. Hindi ko siya na pansin sapagkat kinakabahan ako. Mabuti na lang at hinawakan ni Jeron ang kamay ko upang mabawasan kahit paano itong panginginig ng aking kamay. "Relax lang, mabait si Sitti. Hindi naman siguro siya magagalit t kung kasama kita." Panimula nito. "Sana hindi niya ako maalala." Hindi na lang ito nagsalita bagkus ay inilabas nito ang cellphone. "Malapit na raw siya, ako muna ang magsasalita kapag kaharap na natin ang girlfriend ko." "Uhm, washroom lang ako ha." Paalam ko bago ito tumango. "Relax Kelly, hoo... kaya mo 'yan!" Pagpapalakas loob ko habang nakaharap sa malaking salamin. Inilabas ko ang powder, lipstick at eyeliner. Kailangan mukhang presentable ang itsura ko sa harap ng babaeng iyon. At pagkatapos lumabas ako pero hindi ko inaasahan na nasa pwesto na namin si Sitti, lalong naging kaakit-akit ang tulad niya wala kang makitang kapintasan dahil sa sobrang perfect. Marahan kong nilapitan ang table namin sabay silang tumingin. "Kilala ko siya." Inirapan ako. "Maupo ka." Utos ni Jeron sa kanya pa rin tumabi. "Gaya nang sinabi ko love, siya si Kelly ang asawa ko." "Dito pa pala kayo magkikita ang tadhana nga naman talaga." Titig na titig sa akin. "Kung ganoon, bakit wala ka man lang sinabi sa akin?" Nagtatakang usisa nito sa girlfriend. "Para saan? Para paasahin siyang na may babalik pa sa kanya? Jeron, please ...makinig ka sa akin. Tumingin ka, nagsasabi ako nang totoo ikaw mismo ang sumama sa akin noong araw na iyon. Sinabi mo pa sa aking sawa ka nang pakisamahan ang babaeng 'yan." Tama nga hinala ko mukhang hindi magiging maganda ang pag-uusap namin. Tumingin sa akin si Jeron na malungkot. "Kung totoo 'yang sinasabi mo bakit naglihim ka? Bakit?" "Dahil ayoko dumating sa puntong iwan mo ako, at baka sumama ka na naman sa kanya kahit sinabi mo sa aking hindi mo na siya mahal." Maniniwala ba ako? dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi niya? Hindi na ako mahal ni Jeron pero bakit? "Please, magsabi ka nang totoo love kailangan ko ang tulong mo. Natatakot ka ba na iwan kita? Huwag mong isipin 'yon dahil ikaw pa rin naman ang pipiliin ko." Ano? Para saan ba at bakit nag-uusap kami kung si Sitti din ang pipiliin. Parang sinasaktan ko ang sarili sa bagay na hindi maaari. Nagsasabi nga ba siya nang totoo? Paano pala kung oo? Paano kung hindi na talaga ako minamahal ng lalaking minamahal ko? *** "Hintayin mo ako Kelly." "Saka na tayo mag-usap." Walang gana kong sabi kay Jeron. Hinawakan niya ang kanang braso ko. "Umamin siya sa atin di ba pero bakit hindi ko makumbinsi ang sarili ko na nagsasabi siya nang totoo?" Kahit ako man hindi makumbinsi pero dapat natin respetuhin ang sinabi niya. Malay ba natin na totoo pala ang lahat ng yun? Paano nga kung iniwan mo na nga talaga ako para sumama sa kanya? "Unahin mo muna siya huwag kang mag-alala, hindi pa naman nagbabago ang isip ko hindi pa ako aalis sa bahay mo." "Kelly." Malungkot niyang tawag muli. "Magkita na lang tayo mamaya." Paalam kong muli. Wala na siyang nagawa kung hindi pagmasdan ako papalayo sa restaurant. Marahil naguguluhan din siya sa nangyayari pero wala rin akong magagawa rito. "Dalawa lang ang maaaring tama riyan, maybe nagsasabi siya ng totoo or maybe nagsisinungaling siya." Siwalat ni Ferd matapos kong sabihin ang mga nangyari at dito muna ako makikitulog sa unit nito. "Yun nga, kaya lang wala talaga ako makitang sagot." "Ano kaya kung mag-usap kayo mismo ni Sitti iyong kayo lang baka sakaling...alam mo na." "Puwede kaya yun?" "Malay natin." Lumipas ang ilang oras nakatulog na si Ferd ngunit ako ay nanatiling mulat dahil hindi ko alam kung paano ko mareresolba ang problema na ito. Paano ko ba siya makakausap? Paano ko siya mapapa amin. Tumatawag si Jeron sa phone ko. [ "Nasaan ka?" ] ["Nandito lang sa unit ni Ferd."] [ "Bakit nandiyan ka?" ] Lumakas ang tono nang kanyang boses. [ "Dito na muna ako matutulog." ] [ "Umuwi ka na." ] [ "Bukas na lang baka ayaw ng girlfriend mong nandiyan ako."] ["Uuwi ka o ako mismo pupunta riyan para sunduin ka?"] Natigilan ako. ["Late na masyado, huwag kang mag-alala hindi kami magtatabi matulog."] ["Bakit dumedepensa ka kaagad? Wala pa naman akong iniisip na ganyan. Ang gusto ko lang naman ay yung umuwi ka rito para makapag-usap tayo."] ["Hindi ba puwede ipagpabukas?"] ["Hintayin mo ko riyan."] Mabilis nawala ang kausap ko sa kabilang linya. Susunduin niya ako para magka-usap kami parang naduduwag pa ako sa mangyayari sa aming tatlo. Hindi nagtagal at tumunog ang door bell binuksan ko kaagad ang pinto baka magising pa si Ferd. "Nasaan siya?" "Tulog na." "Tara na hindi magandang tingnan sa ibang kuwarto ka makikitulog." "Gigisingin ko lang siya para magpaalam baka mag-alala yun." Hinatak ako. "Puwede mo siyang tawagan o di kaya i-text. Tara na bago pa ako magalit nang husto sa iyo." Tiim bagang niyang wika. Hindi na lang din ako nagsalita pa baka mag-away kami. Tahimik lang kami nagtungo sa bahay niya hinanap ko kaagad si Sitti pero hindi ko naman ito nakita. "Nasaan si Sitti?" "Umuwi kaagad may tatapusin lang daw siya pero babalik din." Nagsasalin ito ng vodka sa baso. "Ah." "Vodka?" Abot niya sa akin ang isang baso na may laman na vodka. Hindi ko ito tinanggihan. "Nag-aalala ako sa iyo, bakit sa kanya ka pa nagpunta? Puwede naman sa akin di ba?" "Gusto ko lang makapag-iip ng maigi." "Makakapag-isip ka kung kakausapin mo ko. Hindi ba para mas mapapanatag ka kung akong asawa mo ang kakausapin mo sa ganyang bagay?" "Pero..." "Wala nang pero pero kung gusto mo ng kasagutan nandito lang ako di ba?" "Eh wala nga sa iyo di ba? Wala ka ngang maalala." "Malay mo kung naghihintayan lang pala tayong magkaintindihan." "Ano?" Dahan-dahan niya akong nilapitan sa table hinawakan ang kamay kong may hawak na baso saka inilapag ito sa ibabaw ng lamesa. Habang ginagawa niyang alalayan ang kamay ko ang mata nito matamang nakatitig sa aking mga mata. Yung araw-araw iniisip kong sana bumalik kami sa dati, sana magbago ang lahat para makita ko siyang muli. Napakahirap lang na habang nakatingin siya sa akin hindi niya ako magawang mahalin dahil sa nawalan ito ng ala-ala. Gamit ang kamay nito hinaplos niya ang likod ng ulo ko at dahan-dahan niyang inilalapit sa kanyang mukha. "Baka naman dito tayo magka-intindihan." Bulong niya. Umiwas ako, "Jeron, huwag may girlfriend ka." "Pero asawa mo ako mas mataas ang rank mo kaysa sa kanya." "Mahal mo ba ako?" Mabilis kong tanong, "Kung mahal mo ako papayag ako sa gusto mong mangyari pero kung---" hindi niya hinintay ang mga sasabihin ko. Kaagad niya ko dinampian sa labi nang mapusok na halik. Tila tinatangay din ako ng kanyang impluwensya. Tila ako pa yata itong nananabik kasama siya ng matagal. "Uhh." Ungol ko nang ibinaba niya ang damit kong off- shoulder. "Kelly ..." Tawag niya na sadyang ikinataas ng balahibo ko sa batok hanggang braso. Marahas ngunit may parteng hindi ko maiwasang masarapan sa ginagawa niya sa aking katawan. Bumabalik na naman, Nandiyan na naman ang isang Jeron Cortez na alam kung paano ako bibigay. Kung paano niya ako makukuha sa paraang alam niyang umpisahan. Malawak ang kabuuan ng kanyang kuwarto iyun ang tangi ko na lang natatandaan simula ng pangkuhin niya ko. Siguro, nadadala ako sa mga maiinit niyang haplos, nalalasing ako sa bawat kanyang ngiti at nahuhulog sa bawat titig. "Mahal kita." Muling sambit nito bago ako hubaran. Napaisip ako habang hinahalikan. Paano nga ba siya nakaka sigurong mahal niya ko ni wala nga siyang maalala 'di ba? "Jeron ... Ohhhhhh..." Nadala ako sa mga simpleng haplos niya sa dibdib ko pababa sa aking beywang. Hindi pa nga ako nasisiyahan nang husto ng bigla siyang tumayo habang hawak-hawak ang kanyang ulo. "Ahhhhhhh ....." Nabuwal siya hawak ang ulo. "Jeron!" Tawag ko rito. Bumangon ako para lapitan siya pero nakiusap itong huwag akong lumapit. Nagmadaling nagbihis ako at inintindi ang nararamdaman niya. "Please Kelly, huwag ka sana magalit sa akin kung malaman natin ang buong katotohanan. Sorry kung gusto kong may mangyari sa atin kahit wala pa naman ang tamang sagot. Dito ko lang din naisip na sobra mong minamahal ang isang Jeron. Hindi ko lang ito maitago itong nararamdaman kong mahal nga kita pero hindi ko rin talaga alam." Naguguluhan man ako sa mga sinabi niya ay pilit akong kumalma. *** "Good morning." Bumalikwas ako ng maramdaman ang kanyang labi sa aking tainga, "Aalis ka na ba kaagad?" Usisa niya habang pinupulot ko ang mga damit sa lapag. "Dito ka na muna , Please..." Hinatak ako pahiga sa kama. Hindi ako naging handa dahil sa ginawa niyang pag-ibabaw sa akin. "Jeron please rin, may pupuntahan ako." "Saan? Sino? Si Ferd? Huwag mo sabihin na may nangyari na nga sa atin siya pa rin ang pupuntahan mo para sabihan ng problema? Kelly, look tayong dalawa rito ang may problema di ba? Tayo na lang, tayo na lang mag-usap huwag ka na mandamay ng iba." "Ang dami mong sinabi baka nakakalimutan mo anim na buwan lang ako rito. Kailangan ko ayusin ang mga gamit ko." Saglit siyang nag-isip. "Ilan buwan ka na ba rito? Wala pa naman anim ah?" "Wala pa nga pero na pag-isip isip kong umuwi na lang din." "Nang ganoon kadali?" "Oo." "Hindi mo man lang ba aalamin ang lahat? Bakit nawawalan ka ba ng pag-asang bumalik tayo sa dati?" Kusang kumuyom ang kamao ko. "Hindi ka naman si Jeron." "Ano?!" "Hindi ikaw ang Jeron na nakilala ko, hindi ikaw ang asawa ko na ever akong ginanito." "Hindi ---" "Hindi mo ako maunawaan? Si Jeron kasi yung lalaking never akong sinaktan simula't-sapol. Si Jeron, na ako lang ang mahal. Si Jeron na hindi ako iniwan. Siguro nga tama mga sinabi ni Sitti kaya ka nawala ng ilang taon dahil sa aksidenteng yun, nagmamadali kang humabol sa kanya papuntang Sydney pero yun nga na aksidente ka at tuluyan nawalan nang ala-ala, at napag-isip-isip ko ito habang natutulog ka." "For the second time, iiwan mo na naman ako. Ganyan na lang ba kadali para sa iyo ang lahat? Asawa kita Kelly!!" "Yun nga eh! Asawa mo ako may karapatan kang gawin kung anong gusto mo pero kung hindi mo naman kayang magpanggap huwag na lang. Jeron please rin, ako ang mas nahihirapan sa ating dalawa. Umaasa kasi ako, umaasa na baka sakali isang araw bumalik ang mga ala-ala mo. Kaya lang, pinagdasal ko na sana huwag na lang dahil ayoko na naman kasi masaktan, ayoko na naman umasa na magiging akin ka ulit." Hinatak ako na may galit sa kaniyang mukha. "Ano ba gusto mong gawin ko?! Iwanan ko si Sitti ?! Hindi ko kaya yun!" "Ano ba mayroon dyan sa utak mo? Gulong-gulo ako sa iyo! Gusto mo maalala ang tungkol sa akin pero bakit ginagawa mo sa akin ito?!" Lumabo ang mga paningin ko dahil sa mga luhang na ipon. Binitawan ako kaagad iniiwasan ang bawat tingin ko. "Bakit mo ba sa akin ginagawa ito? Ano ba kasalanan ko sa iyo? Ang sabi mo gusto mo ko maalala pero bakit ngayong nandito na si Sitti saka mo ako iiwan ulit. Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin na iwan nang lalaking minamahal ko? Ilang taon akong nalungkot, ilan taon akong nag-isip kung nasaan ka na, kung okay ka pa ba, at kung buhay ka pa. Araw-araw hinahanap ka ng anak natin tinatanong kung may daddy ba talaga siya o wala. Gusto ko na lang sana siyang tawanan eh pero di ko magawa. Ang pag-iyak lang sa harapan niya ang nagagawa ko para ibsan ang sakit na ito." Nanginginig ang buo kong kalamnan sa galit. "Siguro dapat nga talagang umalis na ako kung wala na nga naman akong hihintay pa." Pumasok ako sa cr para magbihis ng damit. Nagawa ko siyang iwan ng ganoon lang kadali. Gusto ko sisihin ang sarili. Bakit kasi umasa pa ako? Di ba nga galit ako? Di ba nga sinisisi ko siya kung bakit naging misirable ang buhay ko? "Kelly!" Habol niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Hanggang sa umabot kami sa labas nandoon pa rin pero hindi ko na tinangkang lingunin pa. Kasi kung lilingunin ko pa siya parang tanga lang ako. Mababalewala lang lahat nang masasakit na sinabi ko sa kanya kanina, at magiging marupok na naman ako sa mga sandaling yun. Umasa kasi akong magiging maayos din ang lahat. Okay na sana eh pero bakit may Sitti pa? Bakit palagi na lang kami binibiro ng tadhana.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat