JERON'S POINT OF VIEW ILANG ARAW akong hindi nagpakita sa kanya. Kung sa inyo ba sinabi yun siguro magagalit din kayo. Kaibigan ko si Felix at kilalang-kilala ko na ang ugali nito "Pre, gabing-gabi na ah?" "Katulong ako ng mga guard." "Ganun ba?" Hindi makatingin ng diretso sa akin. "Ikaw, bakit nandito ka pa sa labas?" "Galing ako sa gym katatapos lang namin maglinis ni Kelly." Magkasama nga pala sila, "Ganoon ba? Sa susunod magsasabi ka sa akin kapag wala kang stock." "Okay lang 'yun ang pagkakamali ko rin hindi ko kaagad nasabi." "Kumusta si Kelly?" "Parang hirap na hirap nakakaawa siya." "Mga pasaway kasi kayo huwag niyo nang uulitin sa susunod." "Masusunod. So, paano mauna na ako sa unit." Tinapik balikat ko bago umalis. Hindi ko alam o sadya nga ba nagkataon ang ibinibintang ni Kelly sa kaibigan ko. Pareho sila nasa labas nang gabing 'yun. So, maaari si Felix narinig niya. Palihim kong sinundan kung sa unit talaga ito uuwi. Noong una mabagal maglakad sunod ay pabilis na nang pabilis. Hindi siya sa building patungo kundi dumiretso sa gitna ng Bloodstone. Gusto kong kutuban pero palagi sumasagi sa isip kong ang tagal ko na itong kaibigan. Madalas kami magkasama. Kahit saan siya pupunta sasabihin niya. Kaya, paano? Mula pagtulog at paggising ay yun pa rin ang gumugulo sa isipan ko na paano nangyari yon? Gusto ko siya tanungin pero paano ako magkakaroon ng tiwala sa kanya? Niloko niya ko, na bestfriend niya. Handa ko ng kausapin si Kelly upang humingi pa ng mga detalye ukol sa mga nalalaman pa niya alam ko naman na nagmamanman ito ngayong palagi sila magkasama. Umaga pa lang hinahanap ko na si Kelly. Wala na siya sa unit sinubukan kong hanapin sa field pero wala rin. Desidido kong pinuntahan ito sa gym at magbabakasaling nandoon na siya. Bago mangyaring makalapit sa labas ng gym ay nakita kong humahangos ang Math palapit sa mga guard. Hindi ko maunawaan kung ano pinag-uusapan nila pero natitiyak kong may nangyayaring gulo sa loob ng gym. Marahan akong lumapit sa mga tao. "Kawawa si Kelly pinagtulungan na naman ng mga kaibigan ni Iris." Hindi ko na pigilan hawakan sa balikat ang isang lalaki "Ano kamo sabi mo tungkol kay Kelly?" Ikinagulat nito ang pagtatanong ko. "Mga barkada ni Iris binugbog si Ms Bloodstone." may sasabihin pa sana pero nauna akong tumakbo papasok sa gym. Nagkalat ang mga basura sa sahig ng gym. Pansin kong nawalan ng malay tao ito ng tingnan niya ako. Inalalayan ito ng mga guard habang ang Math ay galit na galit pinagbabato ang mga kalat sa barkada ni Iris. Tinanaw ko lang ang mga guard bago nila ibigay sa akin at buhatin pero bago iyon ay sinamaan ko silang lahat ng tingin. "MALALAGOT LAHAT SA AKIN ANG MAY KINALAMAN DITO." tahimik silang lahat bago kami umalis patungong clinic. Gulat na gulat ang nurse sa itsura ni Kelly habang ang MATH ikinukuwento ang nangyari. Hindi ko mapigilan na titigan si Kelly habang wala pangmalay. "Nakaka gigil talaga kitang-kita ko kung paano nila bugbugin si Ms .Kelly!" Ani Merlyn. "Bakit wala kang ginawa?" Usisa ni Thelma. "Haler! Ang dami nila eh di dalawa na kami ni Kelly na nandito sa clinic." Depensa nito. "Kahit na, kaibigan natin si Kelly." Ani naman ni Alma. Then sa wakas nagka dialogue rin. "Puwede ba humingi ng pabor Math." Natigilan sila, "Ipatawag niyo lahat ng mga kaibigan ni Iris sa Guidance office. Alam na rin ni mommy ang nangyari." Tahimik silang umalis at tila susundin ang utos ko. "Tss,tss, tss, ang dami niyang sugat ano ba nangyari rito?" Ani ng nurse. "Binugbog na naman." Tiim bagang kong sagot. "Sobra na sila dapat diyan paalisin sa University." Nagpipigil lamang ako ng galit pero sa totoo lang gusto kong magwala. "Nurse, puwede ba bantayan nkyo muna si Kell may kailangan lang akong tapusin." "Sige, walang problema pero hindi ko muna siya paaalisin dito ha marami pa kong lilinisin na sugat, eh." "Okay lang, alam mo naman cellphone number ko 'di ba call ka kapag nagising na siya." "Okay." Hinawakan ko muna kamay Kelly bago lumabas mula sa clinic gusto ko muna maharap ang mga barkada ni Iris. "Lahat kayo hindi man lang naawa kay Kelly!" Bulyaw ko ng makarating sa Guidance office. Pigil hininga ang lahat ng makitang galit na galit ako. "Ikaw!" Turo ko kay Vanessa bff ni Iris, "Baka gusto mong papuntahin dito ang kaibigan mo dahil alam kong may kinalaman siya rito!" Masama niya kong tiningnan sunod ang pag ngisi, "Wala siyang alam dito." "Really?? Aw! Lokohin mo na lahat pero ako hindi mo kayang lokohin! Call her!" "Nasa practice yon huwag ka ngang istorbo!" Lumapit ako nang malapit na malapit. "Gagawin mo ba ang inuutos ko o kakalimutan kong pinsan kita?" Tumingin si Vanessa kay mama,"Tita, ano ito dahil lang sa Kelly na yan babastusin ako ng anak mo?" "Huwag ka ngang magsumbong mali ka, maling-mali!" Bulyaw ko muli. "Tumigil na kayo!" Sigaw ni Mama, "Vanessa iharap niyo sa akin ngayon si Iris at lahat kayo dapat humingi ng sorry kay Kelly." "What??? No way!" Sigaw ni Vanessa. "No way? Sige, lahat kayo kick out sa University. Simulan niyo na mag-impake ng mga damit at gamit." Alam kong inis na rin si mama kaya hinawakan ko kamay ni Vanessa ng mahigpit. "Awst! Jeron ! Ano ba! Pinsan mo ako 'di ba?!" "Pinsan? Oo, pinsan nga kita ang kaso yung ginagawa mo kay Kelly ay sobrang mali. Alam nang magulang ni Kelly sa nangyari sa anak nila kaya hintayin niyo na magkaharap-harap kayo!" Nag walk out ako saka diretso sa oval para hanapin si Iris. Nandoon nga siya kasama si Ferd. Hindi ko alam kung bakit nagtatawanan sila samantalang ng girlfriend niya nandoon sa clinic. "Iris, pinapatawag ka sa Guidance office...right now..." Bossy na utos ko. "At bakit?" Pagtataray niya. Tumingin ako kay Ferd na hindi makatingin. "Bakit? Baka siguro alam mo na pinagtulungan na naman ng mga barkada mo si Kelly!" Bulyaw ko sa kanya sunod tingin ako kay Ferd, "Nakukuha mo pa makipagtawanan sa iba samantalang yung girlfriend mo puno ng sugat dahil sa kagagawan ng Iris na yan!" Takang-taka ito tumingin sa akin, "Si Kelly?" tumingin siya kay Iris, "Iris, what is the meaning of this? Akala ko ba titigilan mo na siya once na mapatawad kita?" "Tigilan nga ba? Eh yung mga kaibigan naman niya yung gumawa ng paraan at nag pauto ka na naman." Sarcastic kong wika. "Pupuntahan ko siya." Bulong nito at kinuha ang bag. "No."pigil ni Iris ang braso nito, "May practice pa tayo Ferd." "Kailangan ako ng girlfriend ko." Tumakbo na itong lumayo sa amin "At ikaw? Sumunod ka kailangan mo managot." Namulsa ako palayo sa kanya. "Bakit ba palagi mo pinagtatanggol si Kelly? Huwag mo sabihin na pati ikaw nahuhumaling sa Kelly na yon? Ghast!" Putak niya habang kasunod ko, "Ewan ko na lang kung manatili sa inyo si Kelly I can sure you----" Hinarang ko sa inis. "You can sure? Halatang inggit ka sa kanya. Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin na mas maganda siya sa iyo." Ka-imbyerna itong isa na 'to. Mabuti na lang pinaalis kaagad ako ni mama nang matapos kausapin sina Iris. Dumiretso na ko ng clinic. "Gising na siya kanina pa." Bungad ng nurse "Nandiyan pa ba si Ferd?" "Umalis kaagad. Oo nga pala kanina pa ganyan yan." Pareho kami bumaling kay Kelly. Nakalugay ang buhok habang tulala. "Pinakakain ko ayaw para makainom na rin sana ng gamot kaso hindi ko mapilit eh." "Ako na po bahala." inabot ko ang isang papel kay nurse tapos lumabas na rin ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya parang hindi nga niya ako nakita na lumalapit. "Iuwi mo na ako, gusto ko nang magpahinga." Mahina niyang tono at wala siyang ganang magsalita kaya tumango na lang ako inalalayan siya tumayo. Ang tahimik niya sobrang nakakapanibago dahil hindi ako sanay promise. Nasasaktan siya dahil sa mga nangyari or may iba pang dahilan? gusto ko sana magtanong kaso baka hindi rin niya aminin. Mabuti na lang tumahimik. Habang naglalakad kami nakita namin sina Ferd at Iris na magkasama muli. Tulala lamang si Kelly sa dalawa na tila walang pakialam o sanay na sa mga nakikita. Nakakapit si Iris sa braso nito at pinapakitang sweet sila sa isa't-isa. "Gusto ko na talaga magpahinga." Nanginginig ang kamay nito ng kumapit sa akin. Sa palagay ko, may problema ang dalawa. Hindi na bale bebegirl nandito si bebeboy para samahan ka, nandito lang ako. "Salamat sa paghatid papasok na ako." Mapaklang ngiti bago buksan ang pintuan. "Bebegirl, wala akong gagawin gusto mo ba bantayan kita?" Ngumiti man pero halatang pilit lang. "Hindi na gusto ko na kasi magpahinga." Nakapasok na, isasara ang pinto ng pigilan ko. "Hindi ka okay, gets ko kung bakit ganyan ka. Sana hayaan mong samahan kita. Mahirap itago ang mga bagay na nakakapagpasakit sa dibdib mo." Pinatuloy ako matapos ko magsalita. Nahiga ito sa kuwarto habang nasa pintuan ako. Nalulungkot din ang puso ko sa nakikita. "Magpahinga ka lang bebegirl ipagluluto kita," "Salamat." Walang lakas nitong sabi. Ipinagluto ko ito ng makakain. Since nandito na rin ako. Hay, kahit paano magkaibigan kami ni bebegirl kaya gagawin ko ito. In the first place kahit hindi ako ang dapat mag-alaga sa kanya. Pagkatapos ko magluto kumatok ako sa kwarto niya ngunit hindi ito sumagot kaya pumasok na ako "Kaya mo bang tumayo?" Ani ko. Mabagal itong bumangon at tinitigan ako, "Oo." "Pumayag si mama na huwag ka nang maglinis bukas sa gym mainam na rin yun para makapagpahinga ka nang husto." Tumayo na ito pero parang mabubuwal kaya inalalayan ko, "Sure ka ba na kaya mo dadalhin ko na lang yung food." Iniupo ko ulit sa kama at kinuha ang pagkain na niluto ko para rito. "Susubuan kita para sure na kakain ka." Itinapat ko ang kutsara sa bibig nito. "Para naman akong bata, eh." Reklamo niya. "Okay lang yon." Mahal naman kita kaya kahit isipin mong bata ka ang importante maaalagaan kita. Mabuti naubos niya pero nasalat kong may sinat ito at pinainom ko kaagad ng gamot. "Salamat sa pag-aalaga mo sa akin bebeboy." Niyakap ako. Nadama ko kung paano siya masaya na nandito ako ngayon. Kahit ako naman ay masaya na kasama siya iyon nga lang ayoko na may sakit ito. Panira ng moment ang kumakatok. Pinahaba ko ang nguso bago buksan ang pinto. Sumimangot ng tuluyan ang mukha ko ng makita si Ferd. Dapat inaasahan ko na ito pero hindi pa rin ako masanay-sanay. "Okay na ba si Kelly puwede ba pumasok?" Hindi kaso mas may karapatan ka naman sa kanya kaya pwede ka na pumasok! Diretso kaagad ito sa kuwarto. "Kelly, sorry promise, aalagaan kita ngayon." Yakap niya ito ng madatnan ko. "Bukas na laban mo hindi ka puwede magpuyat kaya ko naman, eh." "Gusto ko bumawi kaya pagbigyan mo na ko sweetheart. Gustong gusto kitang lapitan kanina kaso mahirap magpaalam kaagad ako kay coach na pupuntahan kita para makabawi." Tumingin ang dalawa ng mapansin na nakatayo ako malapit sa pintuan. "Pre, salamat ha puwede ka na umuwi, kaya ko na ito." Aba ganun-ganun na lang yon? PAGTABUYAN DAW BA!! "Okay na ako kahit si bebeboy na lang ang sumama sa akin." Mahinang wika ng bebegirl ko. Hindi ko napigilan na mangiti. "Hindi na! Ako na lang..."lumapit sa akin, "Bakit ba ganyan tawagan niyo nakakainis."sinamaan ako ng tingin. Kung gaano kabilis na mapangiti ako ni Bebegirl siya namang pawi nito ng angasan ako ni Ferd. Hindi ko gusto yang pinupunto niya. Seloso. "Sweetheart..." Sabay kami tumingin sa mahal namin. "Huwag mo ganyanin si Bebeboy. Its just a call signs only huwag mo na bigyan ng ibang meaning." "O-----" ani ko pero sumabat pa rin si Ferd. "Kahit na..." Masama na naman tumingin, "Eh, parang mas sweet pa kasi call sign niyo kaysa sa atin." Hindi ko inaasahan na tatawa nang malakas si bebegirl. "Nagseselos ka ba parang kuya ko na rin Jeron, eh." "Anong kuya? Hoy, magka-edad lang tayo kung maka-kuya ka!" Singhal ko. "Eh di parang...." Nagkatitigan kami. "Tigilan niyo nga yan sige na Jeron puwede ka na umalis." Patuloy ni Ferd na tumango ako at tumalikod, "Jeron..." Tumigil ako, "Thank you for take care of my girlfriend tatanawin ko ng napakalaking utang na loob ito." Ngumiti ako ng peke upang hindi nila matanaw kung gaano ako nasasaktan ngayon. Magkasama na sila habang ako ay papaalis. Paalis kung gaano kabilis na naging sila, samatalang ako nagmamahal din sa kanya pero hindi man lang naranasan na maging akin siya. Ganoon ba talaga? pala biro lang ako kaso pagdating sa usapang pag-ibig hindi ko magagawang magloko o magbiro at yon ang naging problema kay Kelly she didn't know what I love her so much because Ferd is always be there.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat