FERD'S POINT OF VIEW SI CLAIRE ang dahilan ng lahat kung paano kami nagkaayos ni Kelly. Gusto raw niya maging okay kami at talagang nakakapanibago ito. Siya rin ang dahilan kung paano ko nalaman kompletong address nito. Hindi ba masyadong obvious? Ginagawa niya ito para magkalayo sina Kelly at Jeron. Sino hindi makakahalata at kung hindi mo pansin tanga ka. Ang taba ng utak niya. Inutusan ko ang Personal Assistance ko upang bumili ng teddy bear dahil ito ang ibibigay ko sa kanya, at ilalagay ko sa kanyang kwarto. Pangalawang pagkikita ko na ito sa kanyang parents. Noong una sa school at pangalawa sa bahay nila. Ang bait nila sa akin parang sinasabi nilang sana ako na lang makatuluyan ng kanilang anak. Tinulungan ako ni tita mag-ayos sa kuwarto ng girlfriend ko. Noong una akala ko hindi siya papayag sa pakulo ko dahil kung kwarto na pag-uusapan mahigpit ang parents niya rito sigurado. "Maiwan na kita riyan Ferd ha? Kailangan ko na pumasok sa trabaho." Paalam ni tita. "Okay po, salamat po tita sa tulong." "Wala yun, sige, kanina pa tawag nang tawag ang daddy mo." Nahiya ito ng banggitin ang tito. "Okay lang po tita dahil soon magiging mommy kita at daddy ko na rin si tito kaya okay lang yun." Malugod ko ito hinatid sa sala nila. "Pasensiya kung wala rito ngayon si Kelly doon kasi siya nakitulog sa kaibigan niya so paano I have to go." "Okay po tita take care." Pagkalabas lumapit sa akin ang isang matandang babae siya ang tinatawag na mamang ni Kelly. "Hello po." "Hi Ferd, tapos ka na ba sa ginagawa mo?" "Opo, yung usapan po natin, ah?" "Oo naman." Pagkasabi nito may narinig kaming busina sa labas. "Mukhang siya na yun magtago ka na muna." Mabilis akong nagtago kung saan at mula sa kinatataguan ko ay nakikita ko itong pumapasok sa loob ng bahay nila. Nagyakapan sila ni mamang bago mag-usap. "Good morning mamang. Ang dami ninyong niluto ah pero nakaalis na sina mommy?" "Sina Ate Sydney at Peel na lang nandito pero tulog pa yata." "Ganoon po ba pero bakit po ang dami nito? May bisita ka po ba?" "Naku, wala naisip ko lang na sulitin ang paghahanda ng food mo hanggang bukas ka na lang kasi rito." "Ang sweet talaga ng mamang ko pa-kiss nga po." "Namiss lang kita." "Namiss din po kita, mamang. Hayaan mo kapag ako nagkaroon na nang sariling pamilya kukunin kita gusto ko ikaw ang mag-alaga sa magiging mga anak ko." "Naku, maaabutan ko pa ba yon? Ang tanda ko na mabuti sana kung ngayong taon ka na ikasal puwede pa," rinig kong tawanan nila. "Si mamang talaga, pareho lang kayo ni daddy ayaw niyo na ba sa akin?" "Baka gusto lang nila na makita kaagad ang magiging apo nila kaya ganoon." "Hayaan niyo muna na si Peel ang apo niyo o di kaya sundan na nila si Peel para naman lalo kayo maging masaya kahit wala ko rito di ba saka mamang naman, wala pa nga kong 18 years old tapos ipinagtutulakan niyo ako mag-asawa kaagad." "Binibiro ka lang, enjoyin mo ang yong pagkadalaga dahil kapag nagkaroon ka na ng sariling pamilya sigurado na hindi lang sarili mo ang intindihin mo kundi priority mo pati sila." Inakbayan niya ito, "Ah basta mamang kapag ako nagkaroon ng anak ikaw ang mag-aalaga. Gusto ko kung paano niyo ko napalaki ng ganito ay ganoon din ang mga magiging anak ko. Mabuti kayong tao at kahit na kailan tatanawin ko yon ng napaka laking utang na loob ." "Sige at magbihis ka na para makapag-almusal." Nagpaalam na ito para umakyat at magpalit ng damit. Lumabas na ako sa kinatataguan. "Pasensiya ka na sa amin masyadong sweet kasi ang alaga ko." Matamis na ngiti ang sinagot ko sa kanya bago namin narinig ang tili at sigaw ni Kelly. "Mukhang kailangan mong magpakita." Natatawang utos. "Palagay ko nga po." Umakyat na kami sa taas at nang makita namin si Kelly ay nakahiga sa maraming teddy bear habang pagulong-gulong. Tinapik ako ni Manang saka lumabas. Natigilan si Kelly ng marinig nagsara ang pinto at nakita ako. "Babe?" "Yes, babe?" "Ikaw may gawa nito?" "Yes, babe, mahal kita kaya kahit na ano gagawin ko para sa iyo." Lumundag siya sa akin dahilan pareho kaming bumuwal sa kama niya na puno ng teddy bear. "Kung puwede lang na dalhin ito sa school ginawa ko na." "Hindi pwede." "Ang daya mo kaya pala hindi ka nag message o tumawag sa akin kagabi dahil balak mong surpresahin ako. Ang daya mo talaga!" Mahina niyang hinampas hampas ang dibdib ko. "Ganyan talaga magmahal si Ferd Chavez Cruz, MATINDI." "Oo na." "Babe, tumayo ka na ang bigat mo, eh." "Ay, sorry, sorry!!" "Hayaan mo na lang na ganyan yan Babe para kapag nandito ka ako ang maaalala mo." "Palagay ko nga itong kwarto ko ang magiging play room ni Peel." "Palagay ko nga." "Wow!! Ang daming teddy, mommy!!!" Nagulat kami dahil lumitaw si Peel. Niyakap niya isa-isa ang mga bears. "Anak, careful, kay Tita Bettina mo yan." Awat ng hipag niya. "Okay lang Ate Sydney hayaan mo siya." Wika ni babe. "Mommy, mommy gusto ko rin nito bili niyo ako ni daddy." Pangungulit ni Peel. "Baby, no, madami ka na toys saka ang dami mo na rin na ganyan." "No, mommy I want this ohh..." itinuro ang isang bear na kulay violet. "Baby, violet? Are you sure?" "Yes mommy, I want like that!" "Okay baby, bibili tayo sa mall." "No, mommy." "Hayaan mo na Ate Sydney ibibigay ko na lang kay Peel ang gusto niya."Tumingin sa akin, "Okay lang ba babe?" "Sure, maliit na bagay. Ibigay mo na kay Peel para makakain na rin siya ng breakfast." Masaya kong wika. "Yehey! Thank you Tito Ferd! Muah ..." Pinugpog niya ako ng halik. "Let's go to your room para ilagay yan sa loob." Utos ng hipag niya. "Sige na Peel sabay na rin tayo mag-breakfast." Ani ko. "Sige po tito, salamat po!" Natatawa akong niyakap ni babe. "Nainggit ka ba?" "Ako? Kanino?" "Kay Peel baka kako na inggit ka dahil hinalik-halikan niya ako. Puwede mo naman ako halikan." "Ikaw talaga," Hampas na naman sa dibdib ko, "Baka pumasok sila rito tara na sa labas." Pinigilan ko ito at kaagad hinalikan walang paalam. "Salamat." "Anong salamat?" "Dahil hindi ka na galit. Kahit ang dami kong kasalanan pinatawad mo pa rin ako. Kahit bago pa lang relasyon natin hindi mo ako iniwan at pinili mo pa rin na manatili sa akin." "Mahal kita Ferd kahit gaano kasakit ang ginawa mo handa akong magpakatanga." Humawak ako sa kanyang baba, "Hindi tanga tawag doon, kundi pagmamahal. Mahal na mahal din kita Kelly, mananatili ako sa iyo, pangako yan." "Masaya ako dahil nakilala kita." Hindi ko napigilan kiligin sa sinabi nito. "Ako rin. Sana huwag ka na masyado maging malapit kay Jeron ha nakaka selos, eh." "Wala ka dapat ika-selos dahil magkaibigan lang kami." Niyugyog nito ang aking balikat kahit sa tangkad kong ito. "Alam ko pero siya ba? Kaibigan nga ba turing sa iyo? Alam naman natin na may gusto siya 'di ba?" "Pero binawi na rin naman niya yun. Mahilig lang talaga magbiro si Jeron. Dapat nga ikaw ang nakakakilala sa kanya dahil kayo ang mas matagal nagsama." Eh, kaya nga takot ako. Nakakapagselos dahil kilalang mapagbiro si Jeron pero this time pakiramdam ko kay Kelly siya mas naging seryoso. Ito ang totoo. Providers say the fit is true, so, I'm annoyed because they saw it overly seriously. Hindi ko na iwasan matuwa habang kumakain kami magkakasama. May ikinuwento si mamang noong bata si Kelly. "Ibig niyo po sabihin, may pagka-tomboy po itong alaga niyo dati?" "Ganoon na nga, kapag hindi siya pinapayagan ng mommy at daddy niya tatakas yan tapos aakyat ng bakod." "Mamang naman, eh." "At least, babe may mga magaganda kang ala-ala noong kabataan mo pa. Sa akin, hindi, walang masaya." Natahimik kaming lahat. Hanggang sa may nag door bell. Patayo na sana si Ate Sydney pero ako na lang nagbukas ng pinto. "Anong ginagawa mo rito?' Iritableng tanong ko. "Dinadalaw si Kelly." Imbis nakatingin sa akin sa kabuuan ng bahay nakatanaw. "Walang sakit si Kelly." Sabi ko nang makalapit ako ng husto sa kanya. Pilit kong isinasara pinto pero pinipigilan. "Ang point ko ay puntahan siya may sakit man o wala." Naikuyom ko kamao. "Bakit pati rito sa bahay sinusundan mo siya?" Hindi ko maiwasan ipakitang na iinis ako sa kanya. Nakapamulsa itong lumapit sabay ngisi, "Ano naman sayo? Boyfriend ka lang niya, at wala kang karapatan na pagbawalan siyang makipagkaibigan sa iba." "Pwes, that's my policy." Pagmamayabang ko. "That same policy case for that thing I decided to tighten. When strict interesting strangulation." Masamang tingin ang ginawa sa akin. "Talaga ba? Hindi ako mahigpit sa kanya dahil payag naman akong makipagkaibigan siya sa iba pero hindi sa iyo." "Do you say bitter foam filled that huh?" "Not, say that we are more intelligent and handsome but you still win when heart decision and you, you should know where you are." "At talaga bang nakaka sigurado ka na ikaw talaga mahal ka niya? Marami ng tao na nabubuhay sa kasinungalingan kaya ingat ka ha baka sabihin mo hindi kita pinayuhan." Tinapik-tapik balikat ko, "Puwede na ba pumasok?" Nag paalam pa pero dumiretso naman itong pumasok. "Bebeboy?!" gulat na gulat na sabi ng babe ko. "Yes, pinaka gwapo mong KAIBIGAN." dinilatan niya ako matapos sabihin ang salitang KAIBIGAN. "Sira, pero teka paano nalaman bahay namin? Kumain ka na ba?" Walang pakundangan naupo sa tabi ng girlfriend ko, ang kapal ng mukha. "Buong pilit kong inalam kay mama ang bahay niyo." Lumingon sa akin mula rito sa pintuan. "Babe, tapusin mo na kinakain mo huwag ka na mahiya kay Jeron." "Mukhang hindi naman mahiyain si Ferd." Sabat ng ate niya. "Kung hindi po ako nagkakamali kayo ang asawa ni Kuya Benjie?" Titig na titig tanong ni Jeron Kay Ate Sydney. Bumalik ako sa kinauupuan kanina habang pinapanuod ang kumakain na si Peel. "Ako nga, madalas ka sa akin i-kuwento ni Benjie. Nakakatuwa ka nga raw at palagay ko tama nga siya." Tumayo ate ni Kelly kaagad binuhat si Peel. "Enjoy your breakfast, Jeron and Ferd." Huling sulyap sa akin bago umakyat ng kuwarto nila. Kunot noo kaming nakatingin kay Ate Sydney habang papalayo sa amin. "May problema ba?" Bulong ni Jeron kay babe ko. "Okay naman siya kanina, eh." "Baka ayaw niya sa iyo. Sinabi lang ni Ate Sydney na natutuwa siya pero ang totoo naiinis ito dahil makapal mukha mo." Tahasan kong sabi. "Babe, bakit ganyan ka magsalita kay Jeron." Masamang nakatingin sila sa akin. Hinawakan niya kamay ng gunggong na 'yun. "Pasensya na, kakausapin ko na lang si Ate Sydney, kumain lang kayo diyan." Naiwan kaming dalawa. Kunwari busy ako kumain upang wala kami mapag-usapan. "Galit ka ba sa akin?" Pagbasag niya ng katahimikan, "Wala akong ginawa na bagay na ikakagalit mo." "Wala nga kaya lang feeling ko inaagaw mo atensyon niya sa akin." Matapat kong tugon. "Wala akong inaagaw, alam ko kung saan ako lulugar." "Yon naman pala kaya sana kaonting distansiya sa GIRLFRIEND KO." Tumayo ako upang sundan sina Kelly. Alam daw niya lugar niya pero kung magpapansin sa girlfriend ko sobra. "Mas mainam siguro kung iwasan mo na siya." Natigilan ako ng sabihin ni Ate Sydney 'yun kay Kelly. "Bakit ate, ano bang ginawa ni Jeron sa iyo?" "Wala." "Wala, pero bakit mo ako pinaiiwas sa kanya? Anong rason?" "Kelly, makinig ka na lang sa akin." "Ate, ikaw ang makinig sa akin hindi ko gagawin yang iniuutos mo hanggat wala kang magandang rason. Bakit si kuya gustong-gusto si Jeron para maging kaibigan." "Dahil magkaiba kami ng pananaw. Sundin mo na lang ako bilang nakakatanda sa iyo." "Iyan ba pananaw mo sa buhay ang iiwasan mo ang taong wala naman ginawang masama? Unbelievable! Baka dahil lang kay Jeron kaya tayo hindi nagkakaunawaan." Hindi kaagad ako nakapagtago dahilan para makita ako ni Kelly nang iwan si Ate Sydney. Masama siyang nakatingin sa akin kasabay ng pag isnob. Sinilip ko Si Ate Sydney na umiiyak. Pumasok ako sa kuwarto nila kahit wala akong karapatan manghimasok sa problema ng pamilya nila. "Ate Sydney," "Ferd, ikaw pala." Pinapahid ang mga luha. "May problema ba?" Noong una nag-aalangan ito magtapat pero onti-onti kong na uunawaan kung bakit at paano naging ganito ang sitwasyon nila. Ipinagtapat niya sa akin ang buong katotohanan sa likod nito. Ngayon alam ko na kung bakit. At kung ako man din ang tatanungin, sana nga ay iwasan na niya si Jeron alang-ala sa Ate Sydney at Kuya Benjie.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat