Homepage/Reincarnation of Center Empire Princess/
20. He Perceive
Farrah //pov
Nakaramdam ako ng init dahil tila'y balot na balot ako sa kumot at parang may mabigat na pumapatong sa'kin.
Idinilat ko ang aking mga mata. Madilim ang paligid ngunit tanaw ko ang isang matangkad na lalaking nakapatong sa'kin. Nakaramdam ako ng kung anong bagay na matulis sa leeg ko.
"Kamahalan." Rinig ko ang panggigigil sa kanyang boses. Boses ni Fergus.
"Fergus." Sambit ko. Pinigilan ko ang aking sarili na matakot sa kanyang ginagawa.
"Hindi..." Usal n'ya.
Kinapa ko s'ya hanggang makarating ang palad ko sa kanyang pisnge, "kumalma ka..." Sambit ko.
Kinapa ko ang tabi ng kama kung may lampara at hinila ko ang tali nito upang bumukas ang ilaw. Tiningnan ko ang kabuuan n'ya at umiiyak pala s'ya.
"A-Anong problema?" Pagtataka ko.
Pinunasan n'ya ang kanyang luha at umupo sa gilid ng kama. Hawak n'ya pa rin ang kutsilyo ngunit tila'y wala na s'yang lakas ng loob na gawin ang kanyang binabalak.
Napagtanto ko rin na wala na ako sa kwarto ni Liam.
"Fergus, anong problema?" Tanong ko ulit. Tumayo ako mula sa kama at pumuntang bintana upang buksan ang kurtina. Paangat na ang araw.
"Hindi ikaw ang prinsesa." Anito. Nagulantang ako. Paano n'ya nalaman?
Nakatalikod ako kaya hindi n'ya makikita ang reaksyon ko. Naiyukom ko ang aking kamao. Wala na akong magagawa kundi umamin, ayoko ring mag-sinungaling at mamuhay na may pag-sisisi sa mundong 'to.
Huminga ako nang malalim dahil parang luluha na ako. Paano kung paslangin nila ako kapag nalaman nila 'yon?
Humarap ako sa kanya. Tumango ako, "oo, hindi ako ang prinsesa."
Tumayo s'ya at lumapit sa'kin na agad kong ikinaatras dahil may hawak s'yang matalim na bagay na nakatutok sa'kin, "kung gayon, nasaan ang tunay na prinsesa?" Seryosong tanong nya.
"H-hindi ko alam, hindi ko nga rin alam kung bakit naririto ako sa katawan nito." Kako.
Ibinaba n'ya ang hawak n'yang patalim, "nag-sagawa siya ng pag-lipat ng kaluluwa." Anito.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Kamahalan, ang lahat ng libro mo sa kwarto ay puro tungkol sa muling pagkakatawang tao at sa pag-lipat ng kaluluwa." Paliwanag n'ya.
"Sinabi ko na sa'yo hindi nga ako ang prinsesa kaya hindi ko alam 'yan. Tsaka, paano mo ba nalaman na hindi ako ang prinsesa? I mean, ginawa ko naman lahat para hindi ako mahalata..." Pagtataka ko.
"Nanibago lamang ako, dahil sa palasyo noong mga nakaraang araw ay hindi mo ako pinapansin o napapansin. Ni-hindi mo ako napansin na sumama rito. Noong mag-kita tayo sa ibaba ng palasyo ay dapat pinarusahan mo na ako no'n dahil sa pag-hawak ko sa'yo na walang permiso." Mahabang sabi n'ya.
Aa, yung muntik na akong malaglag sa hagdan dahil sa katangahan ko.
"Dahil lang doon?" Tanong ko ulit.
Tumango s'ya, "kailan man ay hinding-hindi mag-aalala ang isang Prinsesa Farrah sa mga ordinaryong tao." Anito.
"Sa tingin ko bibitayin na ako ng iba kapag nalaman nila ang pagkatao ko." Napanghilamos ko ang aking palad.
"Hindi 'yan, tutulungan kita." Sabi n'ya.
"Talaga? maalam ka ba sa prinsesa na 'to?" Tanong ko.
Tumango s'ya, "Sobrang layo ng ugali mo kaysa sa kan'ya. Literal na sobrang layo, siguro mula silangang emperyo hanggang ehipto."
"Ay grabe, ang sakit sa atay." Biro ko.
"Mag-simula na nga tayo. Una, ayusin mo ang iyong pustura." Anito at lumapit sa'kin. Idineretso n'ya ang katawan ko upang maayos ang aking pustura, "wag mo ibaba ang iyong baba, harapin mo ang mundo Prinsesa Farrah." Nakahawak s'ya sa aking baba.
Sinulyapan ko ang kanyang mga mata na nakatingin sa aking labi, "may trabaho kang ginagawa, 'wag magambala." Kako.
"M-Masusunod. Pangalawa, magaling gumamit ng espada ang Prinsesa Farrah at ayaw n'yang gumamit ng pana." Sabi n'ya.
"E-e? Hindi ako marunong mag-espada ngunit magaling ako gumamit ng pana." Sabi ko.
"Wag kang mag-alala, mahaba pa naman ang araw ngayon kaya pwede pa tayo mag-ensayo. Marunong ka mag-espada dahil kaluluwa mo lang naman ang nasa loob at tiyak na kabisado pa ng katawan ng prinsesa kung paano ang mga galawan." Paliwanag n'ya kaya tumango na lamang ako kahit wala akong maintindihan.
"Ang pangatlo?" Tanong ko.
"Maging matalino ka. Sa panahon ngayon, ranggo na ang pinag-aagawan sa emperyo kaya kung maaari 'wag kang madadala sa paninirang-puri ng iba dahil ang prinsesa ay hindi nagpapatalo. Nananahimik ang prinsesa kapag may nagrereklamo sa harapan n'ya para pagmukhain itong tanga." Paliwanag n'ya ulit.
"Tiyak akong pumapatay din ang prinsesa..." Usal ko at tumango s'ya.
"Pang-apat, kailangan mong mamili ng utusan. Bawat myembro ng makahan sa emperyo ay kailangan mayroong siyam na utusan." Paliwanag n'ya. Ito ata ang lady-in-waiting anila.
"Mahirap ata maghanap ng gano'n." Sabi ko.
"Tiyak, ayaw kasi ng Prinsesa Farrah na may umaaligid sa kwarto n'ya." Anito.
"A, kasi gusto n'ya lalaki?" Biro ko at natawa pa. Mabilis s'yang tumango, "oo, bakit ka natatawa?"
"Ay we? seryoso?" Gulantang ko.
"Hindi ka nga talaga ang prinsesa." Pag-iwas n'ya ng tingin, "kinamumuhian n'yang tumawa, lalo na ako." Dugtong n'ya pa.
"Patawad." Aniko. Hindi ko naman alam na grabe pala ang prinsesa na 'to.
"H-hindi, 'wag ka humingi ng tawad. Mas gusto ko nga ang prinsesa ngayon." Pag-ngiti n'ya.
Ngingiti na sana ako nang bigla itong napawi nung mag-salita s'ya, "ngunit! marami ka pang dapat matutunan, prinsesa." Ngisi n'ya.
Napanguso ako, "sige, basta kailangan ikaw ang magtuturo lahat!"
Tumango s'ya, "simulan natin sa sayaw? magaling sumayaw ang prinsesa at ayaw n'yang nagkakamali ang ka-sayaw n'ya."
"Ako nga yung magkakamali." Pag-irap ko.
Lumapit s'ya at inilahad ang kanyang palad, "maaari ka bang yayain na sumama sa'kin, kamahalan?" Magalang na kanyang pag-anyaya.
Malugod kong tinanggap ang kanyang kamay, "ikinagagalak ko, Fergus."
Pagtanggap ko ng kanyang kamay ay hinila n'ya ako patungo sa pinto, "handa ka na ba sa mapanganib na pag-lalakbay, aking kamahalan?" Kanyang kapilyuhan.
Bumungisngis ako, "anong pinagsasabi mo?"
Binuksan n'ya ako at malumanay na hinila patakbo, "bilisan mo naman kamahalan!" Anito habang tumatakbo kami.
Napatawa na lamang ako sa kanya nang bitawan n'ya ako, "oo ito na nga!"
Paangat pa lamang ang sinag ng araw kaya may kadiliman pa sa pasilyo.
Sana nga hindi namin ma-istorbo ang iba dahil sa aming kaingayan. Paliko na kami ng pasilyo nang mabunggo ni Fergus si Efrail, "oh, napaaga ata ang gising nyo't naghahabulan kayo sa pasilyo, kamahalan." Anito at inalalayan si Fergus bago yumuko sa'kin.
Marahan akong tumawa, "magandang umaga Efrail. Napaaga ka rin ata sa pagpapatrol." Kako.
"Tulog pa ang aking prinsesa kaya na-isipan kong mag-libot-libot sa kaharian, kamahalan." Anito at nginitian ako.
"Mauuna na pala kami Efrail, maglilibot din kami." Aniko at nilagpasan s'ya kasama si Fergus.
"Nga pala-"
Naputol ang sasabihin ni Efrail nang humarang sa harap ko si Fergus, "wala sa kondisyon ang kamahalan upang makipagtalik ngayon kaya tigilan mo na ang prinsesa."
Nagulantang ako sa tono ni Fergus. Seryoso s'ya na tila'y wala nang magtatangkang makipagbiruan sa kanya. Iba ang tono n'ya ngayon kaysa sa tuwing kausap ko s'ya.
"A-Anong pinagsasabi mo?" Bulong ko kay Fergus.
"Ang Prinsesa Farrah lamang ang tanging makakasagot n'yan at hindi ang isang ordinaryong tao lamang." Anito. Bumaling ang tingin ko kay Efrail, nakaramdam ako ng inis.
"Efrail, 'wag mong pagsalitaan ang isang taong naglilingkod sa'kin dahil kaya kong kitilin ang buhay mo nang walang bakas." Seryosong sambit ko.
Nanlaki ang mga mata ni Efrail nang tumingin sa'kin. Yumuko si Efrail, "patawad kamahalan. Ipinapangako ko na hindi na mauulit ang ganitong insidente."
"Tara na." Pagyaya ko kay Fergus.
"Hindi pa nag-sisimula ang ensayo ngunit tila'y kaya mong matuto mag-isa, kamahalan." Palalo ang kanyang tono na ikinatawa ko.
"Nga pala, alam mo ba na may ensayo kami ng hari ngayon? tiyak na inaabangan n'ya kung gaano kagaling ang prinsesa sa pag-gamit ng espada." Sabi ko.
"Wag kang mag-alala, madali ka na lang matututo." Usal n'ya. Napatigil s'ya sa paglalakad, "bakit ka nga ba nagalit kanina, kamahalan? Ni-hindi mo 'ko hinayaang mag-salita sa harapan ng kabalyero na 'yon." Anito.
"Bigla lamang akong nainis nang sabihin n'ya na isa ka lamang ordinaryong tao." Sambit ko. Oo, totoo 'yon, gusto na nga ng kamao ko na suntukin si Efrail. Hindi ko alam kung bakit ako nagalit, I mean nakakainis nga naman ang sinabi n'ya pero what the heck did I do that?! binantaan ko pa s'ya!
"Gusto mo ba maging isang kabalyero, Fergus?" Tanong ko.
Nabigla s'ya sa sinabi ko, "ikinalulugod kong maging iyong isang kabalyero, kamahalan." Pag-luhod n'ya at hinalikan ang likuran ng aking palad.
"Hindi pwede maging kabalyero ang nasa mababang antas ng makahan. Mali, hindi s'ya pwede maging kabalyero sapagkat wala naman s'yang papel sa emperyo."
"Aifrel." Saway ko at pinanlakihan s'ya ng mata.
"Bakit? hindi ba totoo?" Sarkastikong tanong n'ya.
"Alam ko ang aking kinatatayuan, kamahalan." Pag-yuko ni Fergus sa binata, "Ngunit, kung kinakailangan ako ng Prinsesa Farrah, handa kong i-alay ang sarili kong buhay para lamang sa kanya."
Lumapit si Aifrel kay Fergus at may binulong sa kanya. Hindi ko narinig ngunit alam kong pagbabanta nanaman n'yan.
"Masusunod, kamahalan." Saad ni Fergus.
"Sige, mauuna na ako Farrah." Pag-kaway ni Aifrel at lumisan na.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Fergus kaya tinanong ko s'ya tungkol sa binulong ni Aifrel sa kanya.
"Sinabihan n'ya ako na iiwas ka kay Theo." Sagot n'ya. Ang lalaking talagang 'yon, hindi maka-move on.
"Nga pala, seryoso ka talaga sa sinabi mo kanina?" Tanong ko. Tumango s'ya, "kailangan ko rin na mapalapit sa'yo para mabantayan ka." Sagot n'ya.
"May iba pa bang nakakaalam sa katauhan mo?" Tanong n'ya at tumango ako, "Si Julia." Sagot ko.
Nakalabas na kami ng kaharian, "halata rin naman na pinagkakatiwalaan mo s'ya. Hindi alam ni Theo?" Tanong n'ya at tumango ako.
Nilagpasan namin ang hardin at dumeretso sa malapad na damuhan, "Tiyak na sa mga kasiyahan ay walang maglalakas ng loob upang isayaw ka." Anito. Inilahad n'ya ang kamay n'ya.
"Maaari ka bang maisayaw, kamahalan?" Luhod n'ya.
"Oo naman-"
"Mali." Pag-irap n'ya.
"Hindi kasasagot sa kanila, nasa iyo kung tatanggapin mo ang kamay nila o maglalakad ka paalis. Iyon ang ginagawa ng kamahalan." Paliwanag n'ya.
"Kaya naman pala walang nag-aayang sumayaw sa kanya, so sino na ba ang mga nasayaw n'ya?" Tanong ko.
"Hindi ko alam pero gano'n ang gagawin mo, maliwanag?"
Tumango na lamang ako bilang sang-ayon bago namin simulan ang aming ensayo.
"Sumayaw ka lamang na parang napakagaan ng iyong kasuotan." He advice.
"P-Paano? Hinihingal na ako sa kasuotan na ito! Tsaka bakit ba pag-sayaw lamang ang itinuturo mo? Dapat paghawak ng espada dahil may ensayo kami ng hari mamaya." Sabi ko.
"Sinabi ko na sa'yo, kung kaya ng kamahalan humawak ng espada, kaya mo rin." Anito.
I whined, "Hindi ko nga kaya! ang kulit mo."
Tumigil muna ako at umupo sa damuhan, "ang hirap naman nito, pwede bang postponed muna ang ensayo? hinay-hinay lang muna, taympers ba taympers." Kapilyahan ko. Gusto ko ng tubig, tulong.
"Kamahalan!" May isang kawal na papunta sa'min.
"Anong meron?" Tanong ni Fergus at humarang sa harapan ko.
"Patungo rito ang mahal na hari." Balita n'ya.
Inalalayan ako ni Fergus makatayo, "yumuko ka sa hari at batiin mo." Bulong n'ya kaya sumang-ayon ako.
Palakad na ang hari papunta rito kasama ang mga kawa n'ya. Ang isang kawal n'ya ay may hawak na kahoy na espada, "tiyak na inabangan talaga ng hari ang ensayo na ito." Pilit pa akong tumawa.
"Magandang umaga Prinsesa Farrah." Pagyuko ng hari. Yumuko rin ako, "magandang umaga, kamahalan." pag-galang ko.
"Maiwan n'yo muna kami." Sabi ng hari kaya lumayo ang mga kawal kasama si Fergus. Sinulyapan ko pa si Fergus na tumango sa'kin.
"Nag-almusal ka na ba, prinsesa?" Tanong ng hari.
Umiling ako, "balak ko sanang mag-ensayo mag-isa upang paghandaan ang laban natin, kamahalan." Kako.
Naglakad-lakad kami ng hari, "wala pa rin bang balita sa reyna? Ilang buwan na s'yang walang paramdam sa soberano." Anito. Umiling ako, malamang ni-hindi ko nga kilala ang reyna.
"Kamahalan, maaari ko bang malaman kung sino ang mga pupunta rito ngayon?" Tanong ko.
Tumango s'ya, "mamaya, ibibigay ko ang papel sa'yo na naglalaman ng mga pangalan ng taong paparito."
"Salamat, kamahalan." Pag-yuko ko.
"Maliit na bagay." Bahagya ang kanyang pagyuko.
"Ang kaso ng bayan ni Kai, kumusta naman?" Tanong n'ya. Napasinghap ako, "wala pa rin akong sapat na ebidensya ngunit kung hindi mahuhuli ang nanghimasok sa bayan ni Kai...maghahanap ako ng paraan upang maging maayos muli ang kanyang bayan." Paliwanag ko.
"Napakabuti mo, kamahalan. Tiyak na mali ang sabi-sabi ng mga katulong sa palasyo na isang hitad ang prinsesa ng gitnang emperyo." Pag-ngiti ng hari sa'kin.
Napatigil ako sa pag-lalakad at lumingon sa hari, "tiyak na hindi alam ng mga kawani kung paano itikom ang kanilang mga bibig."
Tumawa ang hari, "iyang-iyan."
"Magandang umaga kamahalan. Paumanhin sa pag-abala ng inyong usapan ngunit oras na po ng inyong almusal." Pag-bati ni Dom sa'min nang makalapit s'ya sa aming pwesto.
"Mukhang hindi matutuloy ang ating ensayo." Sambit ng hari.
Marahan akong tumawa, "maaari pa naman tayong makapag-ensayo kapag may libreng oras tayo, kamahalan." Sabi ko at yumuko habang lumilisan ang kamahalan.
Tumatakbong pumunta sa'kin si Fergus, "Oh, kumusta?" Tanong n'ya.
Nakahinga ako nang maluwag, "Nanginginig ako sobra." Sabi ko.
Marahan s'yang tumaya, "ipagpatuloy mo lang, ayos ang simulang ito."
Julia
"Asan ba kasi ang kwarto ng babaeng 'yon?" Pag-kamot ko sa aking batok habang naglalakad sa pasilyo. Hinahanap ko ang kwarto ng Prinsesa Farrah. Nakakahiya ba naman mag-tanong sa mga katulong kasi iniirapan nila ako.
Kung pwede ko lang sakmalin leeg nila ginawa ko na. Bwisit.
Paliko na ako ng pasilyo nang mabunggo ko ang isang lalaking tumatakbo, parang tanga.
"ANO BA?! HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN MO?" Inis na sigaw n'ya. Tumitingin malamang, nakita nga kitang hayop ka.
"Patawad, may hinahanap lamang ako." Pag-yuko ko.
"Bakit ba nakakalat ang mga hindi maharlikang mga tao rito sa loob ng kaharian..." Singhap n'ya at nilagpasan ako.
Ang kapal naman ng mukha ng bwesit na 'to.
Nilingon ko pa s'ya. Nakasulyap s'ya sa'kin, nakangisi.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
19/12/2024
0yvucygub
15/12/2024
0kkkk
09/10/2024
0Tingnan Lahat