68. Retraction

"Napakaganda naman ng babaeng ito. Nga pala, nakahanda na yung trono mo, naroon na rin ang mga regalo galing sa mga bisita."
Kasalukuyang inaayusan ako ng mga katulong nang pumasok ang kapatid ko upang ibalita iyon, "makakadalo si Julia?' Tanong ko.
"Oo naman, narito naman ako at si Fergus aalalay din naman sa kaniya." Sambit ni Aifrel at lumapit sa'kin, "bagay na bagay talaga ang pula sa'yo. Dadalo ba ang kasintahan mo?"
Napabuntong hininga ako, "wala akong balita kay Liam. Ngunit, nagpadala na ako ng mensahe sa silangan."
"Mabuti naman, baka sakaling makahabol ka... hindi imbitado ang silangan sa kaarawan mo tiyak na alam ni ama ang namamagitan sa inyo." Sabi niya.
"Tiyak, nakakainis lamang na kailangan kong sundin ang lahat ng habilin niya kahit kaya ko naman palakasin ang gitnang emperyo nang hindi nakikipag-isang dibdib sa iba't ibang lalaki." Makahulugang ani ako. 
Pagkatapos akong ayusan ay sabay-sabay na kaming lumabas ng silid kung saan sinalubong ako ng mga kabalyero upang ligtas akong makarating sa kasiyahan. Inaasahan ko talagang makakadalo si Liam ngunit mukhang hindi ito mangyayari sa ngayon.
"Maligayang kaarawan."
"Maligayang kaarawan, kamahalan."
"Maligayang kaarawan, mahal na prinsesa."
Pagdating sa kasiyahan ay ngiti ng mga tao ang bumungad sa'kin, kilalang mga tao kumbaga. Pinanood nila akong umakyat sa hagdan hanggang sa makaupo ako sa trono na pinapalibutan ng mga regalo mula sa kanila, "ikinalulugod kong makita kayong lahat sa aking kaarawan." Saad ko.
Lumapit ang hari sa'kin, "simulan na ang kasiyahan!" Hiyaw niya para sa mga tao kaya nagsimula na silang mag-saya. 
"Ikaw din, mahal na prinsesa. Samahan mo na roon ang reyna." Nginitian ako ni Jace habang katabi niya si ama. Bumaba ako ng hagdan upang sumama sa kasiyahan. Sinimulan na rin ni Theo ang mga palaro na nirequest ko kaya ako na lamang ang nanood.
Habang nanonood kami ng palaro ay napansin ko ang kasuotan ni Leonor na sobrang daming diyamante sa buong bestida, "Anong klaseng kasuotan iyan?"
"Dinaig pa ang kung sinong may kaarawan." Uminom ng wine si Aifrel at siniko naman siya ni Julia.
"Hindi niya ba alam na kaarawan mo ang ganap at hindi kapaskuhan." Sambit ni Chrishen na ikinatawa ng lahat. Natawa rin naman ako sa biro niya.
Pagkatapos ng mga laro ay lumapit si Theo sa'kin na ikinagulat ko, "magsisimula na ang talimuwang mangingibig." Anito.
"B-Bakit ako?" Gulantang ko na ikinatawa niya, "dahil kaarawan mo, kamahalan." 
Iniwan niya ako nang makatayo lamang ako roon sa gitna at pinalibutan ako ng mga lalaking naka-maskara.
May unang lumapit upang isayaw ako, "maligayang kaarawan, kamahalan." Anito. Pamilyar ang boses niya kaya tinanaw ko ang kaniyang labi.
"S-Sebastian?" Napangiti ako nang makasayaw ko ang duke ng Asther, "ano ang ginagawa mo rito? Dapat ikaw ang sinasayaw at hindi yung ikaw ang mananayaw."
Napatawa siya, "kung maaari lamang maging malaya, bakit hindi?"
"Kasama mo ba ang iyong kasintahan?" Bulong ko.
Marahan siyang tumango kaya napangiti ako, "kasama ko rin si Doña Cintia, siya ang naghahanda ng magandang kwalidad ng inumin sa iyong kasiyahan."
"Maraming salamat at nakadalo kayo, mukhang may susunod nang mananayaw." Ani ko.
Nakalahad ang kamay ng isang mananayaw kaya tinanggap ko ito. Hindi naman kami masyadong nakapag-usap dahil hindi naman siya nag-salita, ngunit ang ingat niyang humawak sa'kin kaya walang naging problema.
Nagpatuloy lamang ang pag-sayaw namin hanggang sa matapos ang limang binata. Pagod lang naman ang naramdaman ko kaya bumalik na ako sa itaas ng hagdan upang maka-upo sa trono.
Habang nirerelax ko ang aking sarili ay inaya naman ako ni ama upang kausapin. Umakyat pa siya sa pwesto ko para lamang kausapin ako ngunit ayon sa ekspresyon niya, mukhang tungkol nanaman ito sa kapakanan ko.
Kasama niya si Jace ngunit wala naman itong magagawa kung si ama na ang katapat namin. This king is such a d*ck.
"Kung tungkol nanaman ito sa kasalan, uunahan na kita ama... may kasintahan na ako." I firmly said. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko, "Susundin mo ang balak ko sa ayaw o sa gusto mo."
Hinawi ko ang kamay niya, "ayoko nga!"
Itinaas ni ama ang kaniyang kamay at matapang ko naman siyang hinarap, tumayo pa ako mula sa kinauupuan, "sige subukan mo, hindi naman ako ang mapapahiya kundi ikaw, kamahalan." Dinuro ko siya upang magbigay ng kawalang galang. 
"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo ngunit matagal na natin itong pinagkasunduan." Anito. 
"Bakit ayaw ko? Dahil sila ang kasabwat ng kanluran na sumira sa dalawang bayan ng gitnang emperyo, tapos inimbita mo pa sila? nakikita mo ba talaga ang katotohanan o nagbubulag-bulagan ka, kamahalan? Hayaan mo naman ako mag-saya sa kaarawan ko, puro ka na lang reponsibilidad." I confronted him, dinuro ko pa ito. Sa sobrang inis ko ay bumaba ako ng hagdan para lumisan ngunit nakasalubong ko naman si Penelope sa hagdan.
"Tila'y wala ka sa kondisyon, kamahalan? Maligayang kaarawan." Bati niya sabay buhos ng pulang wine sa gown ko. Walang alinlangan ko siyang tinulak dahil sa nararamdaman kong inis. Ang resulta ay nalaglag siya sa hagdan na ikinadugo ng kaniyang ibaba.
Hindi ako nakaramdam ng awa o pagsisisi. Dahil sa totoo lamang ay kulang pa ang ginawa ko para sa hustisya ng mga pinatay nila. Humiyaw ng iyak si Penelope habang pinapanood ko siyang magdusa. Nilapitan siya ng lahat dahil nakita nila ang pangyayari.
"B-Bakit mo ba ito ginagawa, mahal na prinsesa?" Lakas loob pa niyang katanungan.
Umiwas ako ng tingin mula sa mga tao ngunit siya naman itong nagpatuloy sa pagsasalita, "kung g-ginagawa mo 'to dahil ayaw mong malaman nila ang sikreto mo, nakikiusap akong tumigil ka na dahil tiyak naman na malalaman ng lahat."
"Same line here. Ginagawa mo rin 'to dahil ayaw mong malaman nila ang sikreto mo."
"P-Prinsipe..." Gulantang ni Penelope. Nagulat din si Shin sa inakto ng kapatid, "Ano ang ginagawa mo?" Rinig ko pang sinabi niya sabay hawak sa braso ng kapatid. "Kung ayaw mong makunan ang babaeng iyan, lubayan niyo ang prinsesa."
"Sino ang ama ng dinadala mo?" Katanungan ko.
Namuo ang katahimikan sa paligid bago siya tumugon, "ang prinsipe ng silangan." Tugon niya. Talaga nga palang sikat ang prinsipe ko at nagagamit ang pangalan niya sa mga ganitong uri ng pangyayari.
Umupo ako sa kaniyang tapat upang mas malapitan siya, "sino ang ama?"
Tila'y naputulan siya ng dila nang bigla na lamang siyang tumahimik at iniwasan ako ng tingin. Nagsisinungaling siya, ibig-sabihin narito lang sa paligid ang ama ng batang ito. Ganoon pala...
Napuno ng bulungan ang paligid dahil sa sinabi ng prinsesa at kami naman ay natahimik lamang. Lumapit ang Prinsipe Haru sa'kin, "labis akong nanlulumo sa klase ng pag-bati ko sa'yo kanina, kamahalan at ito lamang ang paraan upang makahingi ako ng tawad."
Umiwas ako ng tingin, hindi ko kailangan ng tulong nito pero I'm glad he did. Ikinagulat ko nang hawakan niya ang aking pulsuhan at hinila ako pababa, "Haru." Sambit ni ama na ikinatigil niya.
"Patawad kamahalan, ngunit parang nasasakal ang dalaga mo sa mga bisita. Hayaan niyo muna siyang makahinga nang maluwag." Tugon ni Haru bago ako tuluyang hinila paalis. 
Tinahak namin ang kadiliman sa pasilyo ng palasyo, nang makalayo kami ay tsaka ko hinila ang kamay ko mula sa kaniya, "wala na akong pakialam sa nangyari kaninang umaga ngunit salamat sa lakas ng loob mo kahit hindi ko naman hiniling na tulungan mo ako sa mga oras na iyon."
"Ikinagagalak ko, kamahalan." Marahan niya akong tinulak sa kalamigan ng pader. Itinaas niya ang magkabila kong pulsuhan at tinulak sa pader gamit ang kaliwang kamay niya, "ang lambing talaga ng mga mata mo, Farrah. Hindi na nakapagtataka na kahit sino mahuhumaling sa'yo." Anito bago ako hinagkan sa labi.
Dahil sa galit at poot kong nararamdaman ay hindi ko na nagawang mag-pumiglas bagkus hindi ako tumugon sa kaniyang halik. He scoffs, "ang sakit mong mahalin." Sambit niya, lumuwag ang pagkakahawak niya. 
Ako naman ang tumulak sa kaniya at ipinagpalit ang aming pwesto. Hinila ko ang kwelyuhan niya at mapusok siyang hinalikan, "talagang masasaktan ka." Inilabas ko ang kutsilyo mula sa aking kasuotan at itinangala ang kaniyang ulo bago sugatan ang kaniyang leeg, "ack.." Usal niya.
Agad kong idinampi ang labi ko habang dumudugo ang kaniyang leeg, "Iligtas mo 'ko mula sa kanila, Haru..." Bulong ko at inilubog ang mukha ko sa kaniyang dibdib. 
"Kung iyan ang iyong kagustuhan, kamahalan." 
Napangisi ako sa kaniyang tugon. Tiyak na mababago nanaman ang plano ko.

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Felizardo Francisco

    nice

    19/12/2024

      0
  • avatar
    Tareko Pomuy

    yvucygub

    15/12/2024

      0
  • avatar
    Tristan Jacob

    kkkk

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata