67. Twisted Scheme

"Kamahalan, nariyan na ang mga bisita..."
Kasalukuyang nasa throne hall kaming pamilya nang biglang pumasok ang mayordomo ng gitnang emperyo.
Hindi pa kami nag-kausap ni ama kaya halata naman na may samaan pa kami ng loob.
"Papasukin." Utos ng hari.
Tumayo ako mula sa trono, "pupuntahan ko lamang ang silid ng sayawan." Paalam ko.
"Manatili ka lamang diyan hangga't wala pa rito ang kanang kamay kong pinuruhan mo." Pinagsabihan niya ako.
"Kasalanan ko bang walang kakayahan ang kabalyero mo." Usal ko at siniko naman agad ako ni Aifrel dahil sa aking sinabi.
Pumasok sa silid ang hari mula sa kanluran at ang anak nito kasama naman nila ang mga taga-timog. Talagang magkakampi ang dalawang demonyong ito.
"Maligayang kaarawan, kamahalan." Pagbati ni Shin. May katabi siya, isang lalaking hindi pamilyar sa aking mga mata. Parang wala naman akong nabasa na may kapatid si Shin. 
"Sino ang lalaking iyan?" Tanong ko sa katabi ko.
"Isa sa mga prinsipe ng timog. Ang panganay ng Haring Bhen, si Haru." Bulong niya pabalik sa akin.
Naiyukom ko ang aking kamao. Hindi ko nga kilala ang lalaking ito, hindi ko siya maaaring lapitan. Tsk, Paanong hindi ko kilala ang kapatid ni Shin pero ang sikretong prinsipe ng Karucia alam ko.  
"Mauuna na ako. Kailangan ko pang ayusin ang sarili ko para sa mga bisita ng hari." Sambit ko sabay lingon kay ama. Iinisin ko talaga ang hari na ito hanggang sa mapikon siya, "pahintulot na makaalis, mahal na hari." Pagyukod ko.
Bumuntong hininga ito, "maaari ka nang umalis."
"Saan ka patungo?" Nakasalubong ko si Jace na pabalik sa tabi ni ama. Hinila ko naman siya paalis doon, "bantayan mo 'ko."
"Kailangan ako ng hari ngayon. At isa pa, tatlo ang kabalyero mo." Pigil niya.
Bumuntong hininga ako, "sabagay..." Usal ko at nauna nang maglakad. Sinulyapan ko pa itong nagmadali na pumunta sa hall bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Ayoko munang maka-usap si Penelope kaya kahit nakita ko siya kanina roon sa hall ay wala akong paki-alam, akala niya ba nakalimutan ko 'yang mga ginawa nila sa bayan, mga walang awa.
"Ramdam na ramdam ko pagdadabog mo mula rito." Nakasalubong ko si Elias. Yumukod siya sa tapat ko at hinalikan ang likuran ng aking palad, "napakaganda mo sa pula, kamahalan."
"Salamat, ihatid mo ako ngayon sa silid kung saan gaganapin ang kasiyahan, gusto ko masiguradong maayos ang lahat." Ani ko. 
"Masusunod, kamahalan." Anito at nag-simula nang maglakad.
May katahimikan naman sa pasilyo na tinatahak namin kaya kinausap ko siya, "narito na ang prinsesa ng kanluran, hindi ko matanaw sa kaniyang mata ang kasiyahan na gusto kong makita."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Pagtataka ni Elias.
"Inaasahan ko ang matatalim niyang mata katulad nang kinumpronta niya ako noong nasa silangan kami. Tila ngayo'y may kaba sa kaniyang mga mata, parang may tinatagong sikreto na ayaw niyang malaman ko." Paliwanag ko sa kaniya.
Napangisi siya at marahang tumawa, "malaking kasiyahan at rebelasyon ang magaganap mamaya. Aabangan ko ito." 
"At isa pa, narito ang dalawang prinsipe ng timog. Si Shin lang naman ang inimbita ko pero inimbita ata ng hari ang panganay na prinsipe." Pagsabi ko sa kaniya. Halos bumagal siya sa paglalakad ngunit agad din na sumabay sa'kin.
"Kaya pala narinig ko sa mga katulong ng palasyo na hinahangaan nila ang pisikal na anyo ng lalaking iyon, narito pala siya. Narinig ko rin na siya ang ipinagkasundo sa'yo noon pa." Paliwanag niya.
Napatigil ako sa paglalakad, "a-ano? sh*t."
"Gusto mo bang hanapan ko ng mali ang lalaking iyon?" Tanong niya.
"F*ck, no, Elias... yung prinsipe na iyon." Napahawak ako sa aking ulo. Hindi maaari, mababago nanaman ang plano ko. Aalis na dapat ako ngayong araw, ngunit hindi pa maaaring mangyari kung sasapaw ang kasunduang ito.
"Kamahalan-"
"Siguraduhin mong maayos ang kasiyahan mamaya, may aasikasuhin lamang ako." Tapik ko sa kaniyang balikat at nagmadaling maglakad paalis sa pasilyo. Dumeretso ako sa kwarto at kinuha ang lahat ng mensahe na ginawa ko kagabi.
"Tsk." Sambit ko at sinunog iyon isa-isa habang nasa terasa ako. Habang pinapanood kong hanginin ang mga abo mula sa mga papel na sinunog ko ay nagkatagpo ang mga mata namin ni Haru sa ibaba ng terasa, wala siyang kasama kundi siya lamang mag-isa.
"Kamahalan, nakahanda na po ang iyong susuotin." Kumatok si Aida sa pinto. Binigyan ko ito ng permiso na pumasok. Pumasok sila kasama ang iba pang katulong upang ihanda ang kagamitan na gagamitin nila sa akin.
"Magsisimula na ba?" Tanong ko.
"H-Hindi pa naman kamahalan, ngunit hinanda lamang namin at baka magbago ang isip mo sa iyong susuotin at baka may gusto kang dagdagan na disenyo o tanggalin." Aniya.
"Naiintindihan ko, maiiwan ko muna kayo rito... gusto ko lamang magpahangin." Ani ko.
"Gusto mo ba na magpasama, kamahalan?" Katanungan ni Aida at tumango ako. May sumamang dalawang katulong sa akin palabas ng kwarto. Habang naglalakad kami sa pasilyo hindi ko maiwasang mag-isip patungkol sa maaaring mangyari mamaya.
Dumeretso ako sa hardin upang makapagpahangin, kung saan ako dinala ni Theo kanina tiyak na nakagiginhawa ng pakiramdam dito lalo na ang sariwang hangin at ang halimuyak ng bulaklak, "Napakaganda..." Usal ko at umupo sa bench at idinuyan ang sarili.
"Maaari bang kumuha ang isa sa inyo ng makakain at maiinom ko?" Suyo ko. Lumapit ang isa sa'kin at tinanong kung ano ang gusto kong kainin at inumin.
"Presa at tsaa." Sabi ko. 
Ang isang katulong naman ay nasa tabi ko lamang habang binabantayan ako, "may gusto ka bang sabihin?" Tanong ko. Biro ko lamang iyon ngunit tumugon din naman siya.
"N-Napakaganda mo lamang, kamahalan." nauutal na aniya at binigyan ako ng pitas na bulaklak. 
"Salamat." Usal ko at tinanggap ito, "sa susunod ay huwag ka nang pumitas diyan, malalanta lamang ito sa kwarto ko." Pinagsabihan ko siya.
"M-Masusunod, patawad." Pagyuko niya.
"Ayos lang, mukhang mas bagay naman ito sa'yo." Lumapit ako sa kaniya at inipit ito sa likuran ng kaniyang tenga, "diba? napakaganda?"
"Napakaganda nga, kamahalan." Nilingon ko si Shin nang magsalita ito. Kasama niya ang kaniyang dama at mabuti na lamang ay wala ang kaniyang kapatid.
"Dito lang pala kita matatagpuan, gusto ka nga pala makita ng kapatid ko. Mukhang galak na galak na makita ka ulit." Anito.
"Pwes, ako hindi." Sambit ko at nginitian siya. Lumapit ako sa kaniya upang yakapin siya, "maligayang pagdating ulit sa kaharian."
"Isa pang kalokohan ang balak niyong gawin sa'kin, titiyakin kong lalamugin sa loob ang dinadala ni Prinsesa Penelope." Bulong ko at pinaramdam sa tagiliran niya ang kutsilyo ko.
Habang kaakap siya ay natanaw ko na sa hindi kalayuan si Penelope kasama si Haru. May kasama rin silang dama at kabalyero na nagbabantay sa kanila. Umatras ako at nilapitan ang katulong ko, "Tawagin mo ang mga kabalyero ko, paki-sabi na nanganganib ang buhay ko." Bulong ko. Agad siyang kumaripas ng takbo paalis.
"Ikinagagalak ko na makita kayo, kamahalan." Nginitian ko ang dalawa na kakarating lamang. Yumukod sila bilang paggalang, "maligayang kaarawan, kamahalan."
"Kumusta ka nga pala, Prinsesa Farrah? Nabalitaan ko ang nangyari sa bayan, nakakalungkot." Sambit ni Penelope na animo'y naaawa. Huminga ako nang malalim upang pigilan ang aking gigil, "Ngayon ko lamang nalaman na mahilig ka pala sa sorpresa, mahal na prinsesa. Ginulat mo talaga ako sa ginawa mo." Sarkastikong sabi ko, "kaya rin pala kitang sorpresahin-" 
Lalapit sana ako kay Penelope ngunit hinarangan ako ni Shin, "Anong meron, Shin? kukunsultahin ko lang naman ang prinsesa." Nginitian ko siya, "tama na, Farrah." He firmly said at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"A-Aray, a-ano ba Shin... nasasaktan ako." Sambit ko kahit hindi naman totoo.
Nilapitan ako ni Haru at hinawi ang kamay ng kapatid niya mula sa akin, "Shin." Ani ng kapatid nito at niyakap ako. Ngisi ang iginanti ko kay Shin nang umatras ito, "kung sorpresa naman ang pag-uusapan, may sorpresa rin ako sa'yo, kamahalan." Lumapit si Penelope at pinakita ang kontrata na sisirain na dapat ni Liam.
Nagulantang ako at kumawala mula sa pagkakayakap ni Haru, "p-paano napunta sa iyo iyan?"
"Inaamin mo ba na ninakaw mo ito mula sa akin para pagtakpan ang ginawa mo? Hinding-hindi ka makakatakas sa krimen mo, Farrah." Lumapad ang ngiti ni Penelope.
"H-Hindi totoo 'yan..." Usal ko, marahang nanghina ang mga tuhod. Agad akong inalalayan ni Haru, "Maaari bang huwag ka munang gumawa ng iskandalo sa mismong kaarawan ng prinsesa? Nakakahiya, Penelope." Sambit ni Haru.
"Shin, bumalik na muna kayo roon." Suyo niya sa dalawa. 
Hindi nagpatinag si Penelope, "hindi, hindi pa ako tapos... mahal na prinsipe."
"Kailangan nang mag-handa ng mahal na prinsesa para sa kaniyang kaarawan, maaari bang bumalik na rin kayo?" Dumating si Jace, kasama ang mga kabalyero ko. Una siyang lumapit sa'kin at inagaw ako mula kay Haru.
"Huwag kang mag-alala, trabaho namin ang umalalay sa prinsesa, kamahalan." Tugon niya kay Haru upang hindi na ito makapagsalita. 
Mabuti na lamang ay narito siya, dahil inatasan siya ng hari na protektahan ako kahit kanino. May karapatan siyang makipag-sagutan sa mga matataas at kilalang mga tao katulad ng mga bwesit na ito.
"Maayos lamang ako, tiyak akong ang utak ng isa riyan ay hindi." Pagpaparinig ko kay Penelope. Dinambahan pa ako nito upang makalapit pero pinigilan siya ni Shin at hinila siya paalis.
Yumuko naman sa tapat ko si Haru, "patawad sa kahangalan ng kapatid ko at ang mahal na Prinsesa Penelope, kamahalan."
"Huwag kang mag-alala, hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob. Tinatanggap ko ang pag-hingi mo ng tawad." Saad ko. Iniangat niya ang kaniyang paningin kaya nginitian ko siya. Marahan akong yumuko at hinaplos ang kanang pisnge niya bago halikan ang kaliwang pisnge niya naman.
"Magkita ulit tayo mamaya sa kasiyahan, mahal na prinsipe." Sambit ko bago siya lagpasan. Naglaho ang ngiti ko sa labi at pinunasan pa ang bibig ko tanda ng pandidiri, "kailangan ko nang makapag-ayos."
"K-Kamahalan, patawad kung nahuli ako." Sambit ng katulong na may dala ng pagkain, "Huwag kang mag-alala, maaari kang sumabay sa'kin pabalik sa kwarto at doon ko na lamang iyan kakainin." Sabi ko.
"Paano ka nga pala nakasunod?" Tanong ko kay Jace.
"Kasama ko ang iyong mga kabalyero na tumingin sa mga dekorasyon para sa iyong kaarawan at dumating ang katulong mo, kamahalan." Tugon nito. "Nasabi rin kanina ni Elias na tila'y hindi ka mapakali kaya sumunod na ako." Pahabol pa niya.
Sinulyapan ko si Elias at sinamaan siya ng tingin. He grinned, "Ano? nag-aalala lang naman ako."
Tumigil sila sa paglalakad at sinamaan ng tingin si Elias dahil sa kaniyang tono, "k-kamahalan, nag-aalala lang naman ako." Pagtatama niya sa kaniyang sinabi. Napangiti ako sa munting interaksyon nila bago nagpatuloy sa paglalakad."Kamahalan, nariyan na ang mga bisita..."

Tumigil sila sa paglalakad at sinamaan ng tingin si Elias dahil sa kaniyang tono, "k-kamahalan, nag-aalala lang naman ako." Pagtatama niya sa kaniyang sinabi. Napangiti ako sa munting interaksyon nila bago nagpatuloy sa paglalakad.

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Felizardo Francisco

    nice

    19/12/2024

      0
  • avatar
    Tareko Pomuy

    yvucygub

    15/12/2024

      0
  • avatar
    Tristan Jacob

    kkkk

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata