Homepage/Reincarnation of Center Empire Princess/
63. Thief's Pulchritude
Farrah POV
"Mag-usap nga tayo."
Pigil ni Fergus nang palabas na ako ng kwarto.
"Ano pa ang dapat pag-usapan?" Tanong ko.
"H-Hindi ko lamang maintindihan... nag-sinungaling ka? Binilog mo ang buong emperyo? Ano ang balak mo, Hana?" Tinutukan niya ako ng espada kaysa balutin ng benda ang mata niya.
"Hindi naman sa binilog ko... at isa pa..." lumapit ako sa kaniya upang bumulong, "kapag nakarating ito kahit kanino ay hindi lamang tenga, mata, at dila ang aalis sa katawan mo. Naiintindihan mo ba?"
Hindi ko narinig ang kaniyang kasagutan kaya't hinila ko ang buhok niya at ibinagsak sa sahig, "NAIINTINDIHAN MO BA?"
"N-Naiintindihan... kamahalan." Yukod niya.
"Good." Winika ko bago lumabas ng kwarto.
Nag-simula akong mag-lakad patungo sa silid ni ina, hindi pa tapos ang trabaho ko bago umalis sa impyernong lugar na ito. Kahit nagawan ng paraan ni Liam ang gulo ni Farrah, aalis at aalis pa rin ako rito. Kailangan ni Farrah na mabura sa publiko, pansamantala.
Napadaan ako sa naka-uwang na kwarto ni Leonor, nadatnan ko ang magnanakaw na nanghahalukat ng mga alahas ng madrasta. Tinulak ko ang pinto at sumandal doon at pinanood siya, "nasa ilalim ng unan niya." Sambit ko.
Mabilis niya akong nilingon dahil sa kaniyang gulantang. Kitang-kita ko ang mga mata niyang nanliit kahit nakaharang ang balabal sa kalahati ng kaniyang mukha.
Pagkatapos ng kaniyang balak ay lumabas na siya at walang alinlangang binangga pa ang balikat ko. May kalakihan ang katawan niya. Sinundan ko siya hanggang makarating sa daanan niya palabas ng palasyo, "be my guest, thief."
Napatigil siya nang mapagtanto niyang nakasunod pala ako sa kaniya. Nakakaintindi siya ng salitang Ingles, hindi siya alipin mula sa bayan.
"Ano ang gusto mong ipahiwatig, prinsesa?" Iritang tanong niya.
"An—"
"Tantanan mo na agad ako." Mabilis na putol niya sa aking sasabihin at naglakad paalis.
Mukhang wala naman akong gagawin sa araw na ito kaya bibisitahin ko lamang ang iba't ibang bahagi ng emperyo. Sumunod ako sa kaniya nang medyo nakalayo-layo siya.
"Saan ba ang diretso ng lalaking 'to?" Usal ko habang tinatahak ang gubat dahil dito siya dumaan, hanggang ngayon naman ay tanaw ko pa rin siya kaya hindi ako maliligaw.
Lumingon siya sa gawi ko kaya agad akong nag-tago sa likuran ng puno, "hindi ba't pinag-sabihan na kitang tantanan ako?" Hiyaw niya.
"Gusto ko lang naman makita ang kalagayan sa bayan!" Hiyaw ko pabalik.
Lumapit siya sa gawi ko at tinapunan ako ng lupa at putik, "para saan naman 'to?!" Iritang sigaw ko sa kaniya.
"Sa tingin mo hindi ka pagkakaguluhan kung kilala ka nila? Tanga." Sabi nito sa'kin. Talagang ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to.
"Bagay ka talaga maging alalay ko." Sarkastikong sabi ko.
Bumuntong hininga ito at naunang naglakad. "Hoy!" Pahabol ko pa.
"Ingat sa daan, may malaking bato riyan." Anito.
"Nag-aalala na ba ang isang suwail?" Pabirong tanong ko.
"Hindi, madudumihan mo yung bato." Usal niya.
Tingnan mo 'tong lalaking ito, parang hindi prinsesa ang katapat niya. Ilang sandali lamang na paglalakad ay sumalubong na ang isang bayan, "wow."
"Bahala ka na rito." Sambit ng suwail at iniwan na ako. Pinanood ko lamang siyang umalis bago ako nag-libot-libot sa paligid.
Parang sa silangan, masigla ang mga tao at maraming mga paninda at palaro sa paligid. Parang araw-araw ay may pista.
"Nagugutom nanaman ako..." Agad akong lumapit sa unang kainan nang maamoy ko ang pancake na may saging na ginagawa nila.
Agad akong nag-bayad at tinanggap ang pagkain. Kinain ko ito habang naglilibot sa paligid. Isang batang babae ang pumigil sa'kin nang bigla siyang madapa sa harapan ko.
May humahabol pala sa kaniyang mga naglalakihang mga lalaki, may mga patpat pa itong mga dala. Mabilis na tumayo ang batang babae at nagtago sa aking likuran, "t-tulong, kamahalan..."
Nakilala ako ng bata?
Gulantang akong sumulyap sa paslit na nakatingin pabalik sa'kin. Humawak siya sa aking bisig nang mahigpit.
"Mukhang maganda ang kasama mo ngayon, kayong dalawa na lang—"
Bago pa man makalapit ang lalaki sa'kin ay napugutan na ito ng ulo at agad na nagtakbuhan ang kaniyang mga kasama.
"Kamahalan, nabahidan ka ba ng dugo?" Si Theo at ang mga kawal ng palasyo, lumuhod siya sa tapat ko pagkatapos pugutan ang lalaki.
Nakatakip naman ang palad ko sa mata ng batang babae, "huwag ka munang tumingin." Bilin ko.
"Theo, ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ko. Akala ko naman ay nasa timog ang lalaking ito.
"Tapos na ang labanan sa timog kaya nakabalik na ako. May gusto sana akong sabihin, maaari ba tayong mag-usap, mahal na prinsesa?" Winika niya.
Pagkatapos ligpitin ng mga kawal ang patay na katawan ay binitawan ko na ang batang babae, "ayos ka lang ba?" Tanong ko.
Umiling siya sabay akap sa akin. Bumaling ang mga mata ko sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. T*ngina.
"Mamaya na tayo mag-usap, Theo. Maaari bang ipahanap mo sa kawal ang mga kasama ng mga bwesit na iyan at idedesenyo ko pa sa tapat ng palasyo ang mga ulo nila." Iritang ani ko. Akala ko pasa lamang ang nasa leeg ng bata. T*ngina.
"Ano ang pangalan mo?" Kalmado naman ang tono ko nang bumaling ako sa paslit.
"Lili." Sagot niya.
"Lili... sino ang mga lalaking 'yon?" Tanong ko.
"M-May utang po kasi si papa sa kanila. Wala na po si papa kaya ako po ang sinisingil nila." Sagot niya.
Huminga ako nang malalim upang mapigilang magalit, "makinig ka, hindi ikaw ang aako ng ganitong problema, maliwanag? Wala kang aakuhing kahit ano." Sambit ko.
"Magagalit kaya sila dahil tumakas ako, kamahalan?" Wika niya at humagulgol ng iyak.
Bumalot sa katawan ng paslit ang coat na suot ni Theo.
"Tumuloy muna kayo rito, kamahalan." May nag-lakas loob na patuluyin kami sa kanilang bahay.
Agad akong sumang-ayon at inalalayan ang bata.
"Salamat." Sambit ko.
Ngumiti ang matandang babae, "walang anuman, may karamdaman ba ang paslit, kamahalan? Nang matingnan ko siya."
"Hindi pa ba sapat ang pasasalamat ko nang manahimik ka?" Ngiti ko pabalik sa kaniya. Wala akong pinagkakatiwalaan, alam kong nakita nilang nagtatatakbo 'tong paslit at ni-isa sa kanila ay walang tumulong. Tsaka sila tutulong dahil nakita nila ang prinsesa?
"P-Patawad, kamahalan." Aniya sabay yuko. Tahimik niya naman kaming hinatid sa isang bakanteng kwarto.
Pinigilan ko si Theo na pumasok sa loob, "dito ka lamang, ayoko ng dagang umaaligid o makikinig sa usapan namin, maliwanag?" Bulong ko.
Yumukod ito bilang paggalang, "masusunod, kamahalan."
Sinamahan ko sa kwarto ang paslit at kinausap ito, "gusto mo manatili sa palasyo? Tiyak akong may magiging kaibigan ka roon." Sambit ko.
"Maraming salamat, kamahalan." Malambing na wika niya at yumakap sa'kin. Agad din siyang kumawala, "ngunit, hindi ko na muling makikita ang matalik kong kaibigan..."
Bigla namang kumatok si Theo, "kamahalan, maaari ba kitang makausap?"
Napatingin ako kay Lili, "ngunit—"
"Narito si Aida, kamahalan." Dugtong ni Theo.
Bumuntong hininga ako bago tumungo sa pinto, "maiiwan muna kita Lili, babalik agad ako." Paalam ko.
Hinayaan ko munang pumasok si Aida sa kwarto bago kausapin si Theo, "ano ang problema?"
"Gusto mo bang mag-bihis ng kasuotan, kamahalan? Nag-dala si Aida ng mga maaari mong kasuotan." Anito habang hawak ang patong-patong na kasuotan.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ang dami rin kasing nilagay na putik sa bestida ko. Tinanggap ko ang mga kasuotan at tumungo sa banyo ng bahay.
Agad akong nag-buhos ng malamig na tubig. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, "impyerno na sa loob ng palasyo, pati ba naman ang labas nito."
"Tsk, dapat lang na isabit ang mga ulo nila sa tapat ng palasyo." Usal ko bago nag-patuloy sa aking ginagawa. Pagkatapos kong maligo ay nag-suot ako ng long sleeve na top na naka-tuck in sa pang-ibaba kong pantalon. Sinuot ko na rin ang boots na dala ni Aida.
"Ihanda ang iyong kabayo, may pupuntahan lamang ako." Bilin ko kay Theo pagkalabas ko ng banyo.
Yumukod siya, "masusunod." Anito at lumisan.
Pumasok ako sa kwarto kung nasaan si Aida at Lili. Nadatnan ko silang nagt-tawanan habang nagk-kwentuhan. Bagong ayos na rin ang paslit at ngayon ay sinusuklayan ni Aida ang kaniyang buhok, "maligayang pagbabalik, kamahalan." Bati ni Aida at tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.
Umupo ako sa tabi ni Lili at sinimulan namang ayusin ni Aida ang buhok ko, "suklayin mo na lamang." Bilin ko.
"Kamahalan, gusto ko sanang magpaalam sa matalik kong kaibigan bago lumisan sa lugar na ito." Hiling ng paslit at mabilis naman akong tumango, "sasamahan kita, handa ka na ba?"
Masigla itong tumango. Sabay kaming lumabas ng kwarto at pinangunahan naman kami ni Theo upang ihatid sa kaniyang kabayo.
"Sigurado ka na kaya mo nang mag-isa, kamahalan?" Pag-aalala naman nito. Tumango ako, "Maraming nagkakalat na kawal sa paligid, tiyak na magiging maayos lamang kami, huwag kang mag-alala."
Tinaklob ko sa aking ulo ang kapuisa at sinasakay si Lili sa aking harapan, "Mauuna na kami." Paalam ko bago patakbuhin ang kabayo.
"Saan tayo, Lili?" Tanong ko. Tinuro niya naman ang kaliwa kaya iniliko ko rin ang kabayo hanggang kami ay makarating sa iisang bahay na nakahiwalay sa bayan, ang bakuran nito ay puro bulaklak, "Narito na ba tayo?" Tanong ko.
Tumango ang paslit, "Salamat, kamahalan."
Nauna akong bumaba atsaka ko siya inalalayan pababa, "Kaze!" Hiyaw ng paslit at tumakbo papunta sa bahay. Itinali ko naman ang kabayo sa malapit na bakod at medyo tago naman. Nakaramdam ako ng kaba, medyo may kalayuan ang bahay na ito mula sa bayan at hindi sakop ng mga kawal ang pag-inspeksyon dito.
Nilingon ko si Lili na nawala sa paningin ko, "Lili?! LILI!" Pagtawag ko sa paslit at tumakbo sa paligid ng bahay, baka sakaling nag-libot-libot lamang ito. Dumeretso ako sa pintuan ng bahay nang biglang may humila sa akin papasok, naka-hagip ang kaliwang kamay nito sa aking bewang at ang kanang kamay niya naman ay naka-takip sa aking bibig, "tumahimik ka muna." Bulong ng lalaki.
"Inspeksyunin niyo ang paligid, baka may makita kayong hindi katiwa-tiwalang tao." Boses iyon ng isa sa mga kawal mula sa labas ng bahay.
"Malinaw! Walang tayo rito, tiyak na nasa bayan ang mga taong nakatira sa bahay." Sabi naman ng isa habang naka-silip sa bintana na katabi lamang namin.
Nang makaalis ang mga kawal at pumiglas ako sa lalaki sabay tutok sa kaniya ng kutsilyo ko, "pasensya na po kamahalan kung pinag-alala kita." Mahina ang boses ni Lili na lumabas mula sa ilalim ng lamesa.
"Bakit ka nagtatago? mga kawal lamang iyon." Pinagsabihan ko siya, "Isa po sa kanila ay miyembro ng mga masasamang tao na gustong humuli sa kaniya." Mahinang sabi naman ng isang batang babae. Ito ata ang kaibigan na tinutukoy ni Lili.
"Sino naman 'to?" Baling ko sa matangkad na lalaki na humagip sa'kin. Alam kong ito ang magnanakaw, gusto ko lamang itong inisin. Hindi niya pa rin inaalis ang balabal mula sa kaniyang mukha kaya agad ko siyang nakilala.
"Kukuhaan muna kita ng makakain, kamahalan... Maupo muna kayo ni kuya kung may pag-uusapan kayo." Sambit ng batang babae na kaibigan ni Lili. Sumabat naman si Lili, "nga pala kamahalan, ito nga po pala si Kaze at iyan po ang nakatatanda niyang kapatid na si Elias."
"So you're Elias... the thief--"
"You might want to shut up, your majesty." Iritang anito sabay preskong umupo sa upuan. Umupo naman ako sa kaniyang tapat at humalakhak, "Ang tulis talaga ng dila mo, ano?"
Bumuntong hininga siya at sumandal sa kaniyang upuan, "Ano bang ginagawa mo rito?"
"Sinamahan ko lang naman si Lili, bakit ba ang init nanaman ng ulo mo? At isa pa, bakit ayaw mong tanggalin ang balabal sa mukha mo?" Iritang tanong ko.
"Ano ba ang paki-alam mo?" Galit itong lumabas ng pinto.
Lumapit naman ang dalawang paslit sa'kin at binigyan ako ng biskwit at juice. Inilapag nila ito sa lamesa at umupo sila sa tapat ko, "Bakit nagalit iyon?" Tanong ni Lili.
"Hindi ko kasi binigyan ng kendi." Biro ko. Iniba ko ang usapan upang hindi na sila masyadong mag-isip about sa galit ng lalaking iyon, "so, paano nabuo ang pagkakaibigan niyo?"
"Isang beses na po akong naligtas ni Kuya Elias noong hinabol din po ako sa talipapa at simula noon ay pinatuloy na po nila ako dito pero meron kasing pagkakataon na nahuhuli ako ng masasamang tao nang mapalayo lamang ako saglit kay Kaze at hindi na po nila ako pinakawalan noon maliban na lamang kanina. Salamat ulit sa tulong niyo, kamahalan." Ngumiti si Lili at niyakap ako.
"Salamat po sa pag-alaga sa kaniya, kamahalan." Ngumiti rin si Kaze.
Bumaling ako kay Kaze at tinanong siya tungkol sa kaniyang kapatid, "Nga pala, bakit nakatakip palagi yung mukha ng kapatid mo? May sugat ba siya?"
Umiling ang paslit at bumulong, "Pinaalis po kasi siya sa silangan kaya po ayaw niya magpakita sa mga tao dahil nakikilala siya."
Hindi na ulit ako nagtanong baka kasi isipin ng mga ito ay may gusto ako sa lalaking iyon. At isa pa, baka magmukha akong stalker dito. kumain na lamang ako ng biskwit at uminom ng juice.
"Alam niyo po ba, kamahalan! gustong-gusto ko maging katulad ni kuya!"
Halos maibuga ko ang ininom na juice nang biglang sabihin iyon ni Kaze, 'MAGING MAGNANAKAW? NO WAY!' Ano ba ang mga tinuturo ng lalaking iyon sa kapatid niyang babae?!
Pinunasan ko ang bibig ko, "M-maging katulad ni Elias?" Pagtataka ko.
"Kawal po siya ng Prinsipe Liam! Diba po nakakamangha? gusto ko rin po manilbihan sa silangan, mababait daw po ang mga tao roon. Maliban na lamang po ata sa prinsipe." Hagikgik ni Kaze.
Kawal? Dating kawal ang lalaking iyon?
"Pupuntahan ko muna siya, kumain muna kayo rito." Paalam ko bago lumabas ng pinto. Nadatnan ko siyang naka-upo sa damuhan habang pinapanood ang mga bulaklak. Tinabihan ko siya, "so, kawal ka pala dati?"
"Ano nanaman?" Nagsimula nanaman itong mairita.
"Nagtatanong lang naman." Ngumuso ako sabay tingin sa kaniya, "So bakit ka inalis ni Liam?" Pagtataka ko.
"Dahil sa kaguwapuhan ko." Kasagutan niya. Hindi lang pala ignorante ang lalaking ito, mahangin din pala. Pinanliitan ko ito ng mata.
"Diba, hindi kapanipaniwala." Pag-irap niya.
Napatawa ako, "patunayan mo nga."
Dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang balabal at lumapit sa'kin, "m-masyado kang malapit." Ani ko pero parang hinihipnotismo ako ng mala-karagatan niyang mga mata. Parang katulad kay Fergus, "May lahi ka bang Romani?" Tinutukoy ko ang mga taga-Romanus katulad ni Fergus.
Umiling siya at lumayo mula sa'kin, "dahil sa mukhang 'to kaya ako pinaalis ng prinsipe."
"Dahil ba sa atensyon ng mga taong natutuon sa iyo at hindi sa kaniya?" Biro ko at tumango naman siya na ikinagulat ko, "Mukhang hindi ka nga talaga nagbibiro."
"Wala akong intensyon na ganoon, gusto ko lamang manilbihan sa silangan." Anito.
"Manilbihan ka na lamang sa'kin." Suhestiyon ko.
Pinanliitan niya ako ng tingin, "tapos ano? bibilugin mo 'ko para maging kerida mo? patayin mo na lang ako, Farrah."
Kita mo talaga ugali nito napaka-hambog. Pinitik ko ang noo niya, "Hindi ko gagawin iyon. At isa pa, kaya kitang bayaran ng mas mataas sa ninanakaw mo sa kwarto ng madrasta ng aking ama." Sabi ko.
Tumingala siya sa kalangitan upang makapag-isip, "Hmm, ano kaya ang magagawa ko sa isang prinsesa?" Tanong nito.
"Mag-iisip pa ako. Pero sa ngayon, mananatili muna kayo sa palasyo upang ligtas kayo. Lalo na ang dalawang paslit. Delikado rito." Saad ko.
He scoffs, "At natitiyak mong mas ligtas sa kaharian? E, puro daga ang naroroon."
"Alam ko, at kailangan ko rin ng maninilbihang daga para sa'kin at ikaw ang napili kong gagawa ng bagay na iyon." I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
19/12/2024
0yvucygub
15/12/2024
0kkkk
09/10/2024
0Tingnan Lahat