Homepage/Reincarnation of Center Empire Princess/
26. Dilemma
Farrah//pov
Sila ama at ang kapatid ko lamang ang naghatid sa bagon namin dahil ayaw kong maraming tao. Wala si Theo dahil hinatid n'ya ang mensahe ko para sa duke ng Killaro na hindi ko naman kilala. Sana maging maayos ang kalalabasan ng mensahe.
Si Liam naman ay hindi pinalabas ng ama n'ya sa kwarto n'ya dahil nga pinagalitan s'ya. Nakapagpaalam naman na ang Haring Grover sa'kin kanina sa loob ng palasyo.
Hindi ko na pinaalam sa iba ang paglisan ko dahil tiyak na tatahol nanaman ang iba. Joke lang.
"Paalam."
Nginitian ko ang Haring Solomon at Prinsipe Aifrel. Malungkot ang mga mukha nila nang lumapit sila sa'kin at niyakap ako.
"Wag ka nga magpaalam na para bang mamamatay ka na." Biro ni Aifrel. Hindi ko alam kung biro ba 'to o sarkastiko lang talaga s'ya.
"Babalik din kami agad, kailangan talaga naming sumama sa paglalakbay." Sabi ni ama.
Bahagya akong nagulat kasi hindi ko naman alam. Hindi nasabi ni Liam ang parte na 'to.
"Pati kayo kasama?" Pagtataka ko at tumango si ama nang kumawala kami mula sa pagkakayakap.
"Kanina lamang binalita ng hari kaya maging kami ay nagulat din, mukhang mararanasan din naman ni Aifrel ang paglalakbay kaya ayos na iyon." Pag-ngiti ng hari.
"Aw, 'wag ka na malungkot, babalik kami agad... kailangan may halik ako sa pisnge." Sabi ni Aifrel. Ito naman parang timang.
"Oo naman, kung nakakabit pa yung ulo mo sa pag-balik mo." Biro ko.
"Farrah naman!" He sulked.
Napatawa naman kami ni ama sa kanya.
"Kamahalan, maayos na ang sasakyan natin... maaari na kayong pumasok." Pag-lapit sa'kin ni Fergus.
"Saglit lamang..." Tugon ko.
Napabuga ako ng hangin at tiningnan ang kabuuan ng dalawang lalaking katapat ko. Alam kong saglit lang kami magkakahiwalay pero mamimiss ko ang dalawang 'to. Lalo na si ama na kakarating lamang kahapon.
Niyakap ko sila, "ito na talaga, paalam na."
Pagkatapos ng pagyayakapan na iyon ay hinatid na ako ni Julia at Fergus sa loob ng bagon
"Sandali!"
Napatingin ako sa bintana ng bagon upang makita ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Si Liam?
Nakasuot s'ya ng puting poet shirt na naka-tuck in sa itim na pantalon n'ya. Ang gwapo talaga ng lalaking 'to.
Napatawa ako nang tumakbo s'ya papasok sa bagon, "bigyan n'yo muna kami ng oras." Sabi ko sa dalawa na tumango naman.
"Diba pinagbawalan ka na lumabas?" Pagtataka ko.
Ngumiti lamang ang loko at itinaas-baba ang kilay na animo'y alam ko na ang ibig n'yang sabihin.
"Don't tell me na tumalon ka sa bintana mo nanaman?" Gulantang ko at tumango s'ya! Seryoso?!
Napabuntong hininga ako, "malalagot ka talaga."
Marahan s'yang tumawa at niyakap ako, "paalam."
"Bye-bye." Paalam ko rin, "ingat kayo sa paglalakbay." Dugtong ko pa.
Muntik na ako mawalan ng balanse nang bigla n'ya akong yapusin ng yakap, "L-Liam, hindi ako makahinga."
Agad din naman s'yang kumawala, "sorry." Tumawa pa ang loko.
"Bumalik ka na nga roon at baka mahuli ka pa ng ama mo." Sabi ko at marahan s'yang tinaboy.
"Oo na, paalam ulit." Sambit n'ya at hinalikan ako sa pisnge.
Bahagya akong napatawa bago s'ya pinanood lumabas ng bagon. Sa paglabas ni Liam ay natanaw ko naman si Penelope hindi kalayuan.
May mga kasama s'yang mga tao... karamihan ay mga kabalyero at may hawak s'yang papel habang papalapit dito.
'Ano nanaman kailangan ng babaitang 'to?'
Balak ko sanang lumabas nang iharang ni Liam ang kamay n'ya sa pinto ng bagon, "manatili ka lamang d'yan." Seryosong sambit n'ya.
"Binabati ko ang pag-lisan ng prinsesa ngunit hindi n'ya maaaring takasan ang kanyang kasalanan." Itinaas ni Penelope ang isang kamay n'ya. Isang kontrata.
"Hulihin ang prinsesa." Biglaang utos ni Penelope.
Humarang ang mga kasama ko sa bagon, "respeto naman sa Haring Solomon." Sabi ni Liam.
"Bakit huhulihin ang Prinsesa Farrah nang biglaan? Hindi kaya't ginagawa mo lamang 'to upang siraan ang prinsesa?" Tanong ni ama. Hindi lang pala ang Haring Grover ang may sarkastikong ugali. ;-;
"Kamahalan, may proweba na... kung gusto n'yo ay magkita-kita na lamang tayo sa hukuman, hindi lang naman ito ang mga nilabag ng prinsesa." Ngumisi si Penelope.
Bumaba ako ng bagon at hinarap s'ya, "sige, mag-kita-kita tayo sa hukuman."
"Prinsesa..." Usal ng mga nasa likuran ko.
'Tiyak na matutuloy na ang pag-alis ko sa pwesto, magandang opportunity 'to upang makaalis sa emperyo.'
"Paalam prinsesa."
'Taas ng ngisi, bangasan ko mukha mong t*ngina ka e.'
Bahagya akong yumuko at bumalik sa bagon, "umalis na kayo at baka magkagulo pa." Bilin ni ama.
Napalingon ako kay Aifrel na halos patayin na ng tingin si Penelope. Nakayukom ang kamao, salubong ang kilay... gritting his teeth? Isn't obvious that he's ready to peel some human flesh diba?
Inilabas ko ang kamay ko mula sa bintana ng bagon upang tapikin ang balikat n'ya, "kalma, hindi pa oras para simulan ang digmaan. Ngunit kung dumating man ang digmaan na iyon... hindi na kita pipigilan, lalo na 'pag s'ya ang katapat mo."
"Sige na, umalis na kayo." Seryosong sabi ni ama.
"Paalam..." Sabi ko kay Liam.
Nataranta ang kilos n'ya na para bang hindi alam ang gagawin n'ya, "bahala na." Anito at pumasok sa loob.
"K-kamahalan—"
"Sige na alis na." Anito. Parang tanga.
Umandar na ang bagon. Actually mabilis nga ang patakbo.
"Dumaan ka sa ruta ng bayan." Utos ni Liam at tumango naman ang nagmamaneho. Magkatabi kami ni Liam at katapat namin si Fergus at Julia.
"Ano ang dahilan... kung bakit ka sumama, kamahalan?" Pagtataka ni Fergus.
"Baka raw mamiss nila ang isa't isa, diba kamahalan?" Pag-ngiti sa'min ni Julia at inilipat-lipat pa ang tingin sa'min ni Liam.
'Si Julia talaga parang nasa modern lang na mundo, kaya ayaw ko s'yang turuan ng ibang lenggwahe haha! Ang bilis n'ya matutunan.'
"Sumagot kayo, mamimilipit ako ng leeg—"
"Julia." Saway ni Fergus sa kanya.
"Biro lang naman, masyado kasi kayong seryoso..." Sambit n'ya.
"Tama naman s'ya, maaari ba tayong dumaan muna sa bayan, mahal na prinsesa?" Tanong ni Liam. Wow good mood si loko, lagot ka sa ama mo mamaya.
"Oo naman." Sagot ko.
"Yun naman pala!" Masayang sambit ni Julia at inakbayan si Fergus.
"Nga pala, matanong ko lamang kamahalan... anong plano n'yo sa hukuman?" Tanong ni Fergus.
May punto s'ya sa kanyang katanungan... ngunit buo na ang desisyon ko. Mapapatalsik lang naman ako sa emperyo. Mabuti nga kung papaalisin na ako sa lahat ng emperyo like super far away na so I can live peacefully na.
"Ano nga ba, kamahalan?" Baling sa'kin ni Liam.
Natauhan naman agad ako, "w-wala pa akong plano, pero handa naman ako sa hukuman na iyon."
"Hindi lamang ang prinsesa ang maghahanda, maging kayong dalawa rin." Baling ni Liam sa kanila, "hindi porket napatalsik si Farrah sa pwesto n'ya ay ibig-sabihin tapos na ang gulo."
"Nagsisimula pa lamang." Sambit ni Fergus.
'Wow, intense'
Naririnig ko na ang kasiyahan ng mga tao kaya alam kong dadaan na kami sa bayan. Parang may pista sa dami ng mga tao, tinda, at mga palaruan.
"Tara, bumaba muna tayo." Sabi ni Liam.
Pinasuotan ako nila Julia at Fergus ng cloak upang hindi raw ako masyadong ma-expose sa bayan ng silangan. Anong punto nila? E, gayundin naman si Liam na balot na balot pa nga ang kasuotan, prinsipe naman s'ya rito.
Kinausap pa ni Liam ang nagmamaneho sa bagon kaya naglibot-libot muna kaming tatlo.
Agaw pansin ko ang isang palaruan... palaruan ba tawag dun? Basta may mga laro pero hindi lang naman pambata lahat ng palaruan.
"Ano 'yon?" Lumapit ako kay Fergus at tinuro ang isang stall kung saan may mga maliliit na kutsilyo at parang target na may iba't ibang kulay...
Mga salamin ata iyon kasi nakikita repleksyon mo, makukulay na salamin ganern.
"Suligi Vortuna ang tawag sa larong iyan, kamahalan." Sagot n'ya.
[Suligi Vortuna]
(Dart Fortune) Originally from Eastern Empire. A game where you throw a small knife (instead of dart) to the target (small glasses with different colors; form circle) and it will tell your fortune.
"Gusto mo bang subukan? Tara!" Pag-hila sa'kin ni Julia.
Natuon sa'min ang atensyon ng iba nang makalapit kami sa stall.
"Dayuhan?" Tanong ng lalaking....nagbabantay ng stall? Siguro.
Tumango ang dalawa kaya tumango rin ako, "wag kayong mag-alala, wala namang nangangagat dito." Biro ng lalaki.
"Sige na, bibigyan ko kayo ng libreng subok dahil dayuhan kayo. Ngunit, isang beses lamang bawat isa at may bayad na ang susunod, maliwanag?" Paliwanag ng lalaki at agad naman kaming sumang-ayon, hindi naman pala masama.
"Farrah." Lumapit na si Liam at pinanood kami.
"Ikaw din ba? Ito oh." Binigyan kami ng lalaki ng tig-iisang kutsilyo.
Unang naghagis ng kutsilyo si Liam. Hindi ko nga napansin na ibinato na n'ya ang kutsilyo.
Mayroong limang kulay ang bilog... pula, asul, puti, itim, at berde.
Natamaan ni Liam ang pula na salamin at nabasag ito.
Dapat ba ganoon?
"Maayos ba?" Tanong ng lalaki sa kanya at tumango si Liam.
"Paano iyon?" Tanong ko ulit kay Fergus.
Bahagya s'yang tumawa, "kamahalan, subukan mo na upang malaman mo."
Inihanda ko ang kamay ko hawak ang kutsilyo at ibinato doon sa target.
Yung itim natamaan ko.
Bahagya akong nagulat nang may malamig na hanging dumampi sa pisnge ko kasabay ng boses ng isang babaeng bumulong sa aking tainga.
"Ang iyong kahinaan at kabiguan ay malapit nang maging matagumpay na kasakiman."
"Ano kamahalan? Ayos ba?" Tanong ni Fergus at nakangiti sila sa'kin na para bang aliw na aliw sa naging reaksyon ko.
"A-astig..." Usal ko. Palaisipan pa rin ang katagang iyon.
'Ang kahinaan at kabiguan ay malapit nang maging matagumpay na... kasakiman?'
Nakasubok din naman si Fergus at gayundin si Julia na aliw na aliw sa paglaro ng iyon.
Nilingon ko si Liam upang tingnan din sana ang reaksyon n'ya nang mapansin ko ang kilos n'yang aligaga sa paligid.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Sinundan kasi tayo ng mga kawal kaya sinisigurado ko lamang na nailigaw natin sila." Sabi n'ya.
"Ayos na siguro? Tara na kaya?" Aya ko.
"Tara na." Sang-ayon n'ya at hinawakan ang pulsuhan ko.
"Pupunta naman ang prinsesa sa hukuman, hindi na nila kailangang bantayan." Iritang sambit ni Fergus.
"Kilala mo naman ang mga mokong na iyan, sinusunod nila ang pinuno nila." Sabi ni Julia.
"Si Penelope?" Pagtataka ko.
"Malamang, sino pa ba?" May halong inis na tanong ni Liam.
"Malay ko bang ikaw yun." Iyan ang kumawala sa bibig ko at nag-bibiro lang naman ako.
Malayo pa ang nilakad namin dahil nasa labasan na pala ng bayan ang bagon.
'Agh! Kapagod.'
Halos gumapang na ako papasok ng bagon pero dapat chill lang. Mahina endurance ko, ok?
Seriously, kailan pa ba matatapos 'to? Kailan ba ako magiging slacker? Can I be slacker po ba?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
19/12/2024
0yvucygub
15/12/2024
0kkkk
09/10/2024
0Tingnan Lahat