12. In-love

Farrah//pov
"Paalam."
"Salamat sa pag-dalo."
"Hanggang sa muli kamahalan." Yumuko ako sa hari bago lumisan ng palasyo. Kakatapos lamang ng kasiyahan at kahit may kaunting kaguluhan kanina ay nagpatuloy pa rin sila sa pag-saya.
Ako din naman nagsimula ng gulo. -,-
Pagkapasok namin sa kalesa ay agad akong tumingin sa mag-pinsan, "So Julia anong nangyari kanina?" Taas kilay kong tanong.
Pasimple n'yang siniko si Tristan, "A-Ano kasi, kamahalan.." Kamot batok na saad ni Tristan. 
Huminga ng malalim si Julia bago mag-salita, "May babae kasi na natumba sa harapan ni insan tapos tinulungan n'ya at nung ngumiti yung maganda at cute na dalaga ay bigla na lamang nagbanyo 'to." Baling n'ya kay Tristan.
"Sensitive." Sabi ko.
"Agree." Sang-ayon ni Julia. 
"W-Wag nga kayo magsalita ng ganyang lenggwahe, hindi ko kayo maintindihan." Sabi ni Tristan. 
Tumawa si Julia, "Sabi sa'yo insan humanap ka na ng mapapangasawa mo, sige ka paglagpas mo ng bente singko gurang ka na." 
"Nga pala, Julia ilang taon na si Farrah?" Bulong ko.
"Dalawampu', kamahalan." Sagot n'ya. 
Tumango-tango ako, "Ikaw at si Tristan?" Tanong ko ulit.
"Bente dos at bente kwatro." Sagot n'ya. 
"Ikaw Julia, kailan ka maghahanap ng nobyo mo?" Tanong ko naman. Natahimik si Julia, "Hindi pa nga ako sigurado kung lalaki aasawahin ko." Kamot batok n'yang sagot.
Nanlaki ang aking mga matang napatingin sa kanya at napatawa, "Kung saan ka masaya." Sabi ko.
"Pero, hindi na rin pala masama ang mag-suot ng bestida at humawak ng espada." Sabi n'ya. 
"Kasi kung hindi mo pa alam, kamahalan. Hindi pwede humawak ng espada o makipaglaban ang mga babae. Kaya ayun, gusto ko makipaglaban kaya ako nag-aastang lalaki." Tumawa s'ya pagkatapos bigkasin ang huling salita.
"Sabagay, kapag talaga abala ka sa gusto mong matupad makakalimutan mo talaga maghanap ng kukumpleto sa buhay mo." Sabi ko.
"Ikaw naman kamahalan, may napupusuan ka na ba?" Tanong ni Tristan.
Umiling ako, "Wala ngayon pero baka magkakaroon din." 
"At kamahalan, napansin ko lang na halos ikaw ang bukambibig ng mga binatang kabalyero sa palasyo na 'yun kanina." Sabi ni Julia.
Bumuntong hininga ako, "Parang ngayon lang nakalabas si Farrah." Bulong ko.
Tumawa s'ya, "Tuwing kasiyahan kasi, lalaki lang hanap ng dating prinsesa." Sagot n'ya. 
"Ang importante, pumapag-ibig na si Tristan." Pag-iiba ko ng usapan. Baka marinig ni Tristan bulungan namin e.
"B-Bakit napunta naman sa'kin 'yung usapan?" Pag-iwas n'ya ng tingin sa bintana ng kalesa.
"Kunyari ka pa, sino ba 'yun insan? Mukhang bigatin yun tapos maganda." Panunukso ni Julia.
"Parang munting dukesa 'ata ang nahumaling mo insan. Naks, ang gwapo naman n'yan." Pagpatuloy pa ni Julia.
"A-Ano ba, para kang timang." Pagsaway naman sa kanya ng kanyang pinsan.
Hindi ko mapigilang matawa sa ginagawa nila, "Ganito pala kayo mag-tuksuhan."
"Ang Prinsesa namin nag-iisa nanaman." Biro ni Julia, "Mahal na Prinsesa pwede ba kaming bumisita ulit sa palasyo mo?" Dugtong n'ya. 
"Bakit hindi? Mukhang maganda naman ang naisip mo." Sang-ayon ko.
"Nga pala Tristan, ano ang pakiramdam?" Pagbaling naman ni Julia sa pinsan n'ya. 
"Anong pakiramdam?" Pagtataka ni Tristan. 
"Anong pakiramdam ng pumapag-ibig?" Ngumiti ng nakaka-asar si Julia. Hindi n'ya talaga titigilan si Tristan haha!
"K-Kumakabog lang 'yung p-puso ko." Sagot ni Tristan. 
"Tapos?" Interesadong tanong ni Julia.
"Kakabahan ka ng sobra at halos hindi ka makapagsalita sa harap n'ya, b-basta ganu'n." Sabi ni Tristan.
Nakarating na ako sa palasyo, "Ipapahatid ko na lamang kayo sa bayan para ligtas kayo." Sabi ko bago ako bumaba.
"Mag-iingat ka, kamahalan." Sabi ni Julia.
"Kayo rin." Pag-tango ko. Pinanood ko lamang ang pag-alis nila at pumasok din sa palasyo.
Agad akong umakyat sa kwarto at ibinagsak sa kama ang aking katawan, "Nakakapagod.." Buntong hininga ko.
"In love...." Hmm, mararanasan ko din kaya 'yun? Pero bago ako, gusto ko maranasan ni Julia 'yun dahil gusto ko makita ang reaksyon n'ya na in-love.
Hinayaan kong magpahinga ang aking sarili habang nag-iisip ng kung ano-ano.
.
.
"D-Doc, gising na ang pasyente." Iminulat ko ang aking mga mata. Nakabalik na ba ako?
Lumapit si papa sa'kin habang kinakausap ako. Gusto kong magsalita pero hindi ko maibuka ang aking labi kahit lumikha ng tunog ay nananatiling manhid ang aking mga labi.
Papa? 
Ano nga ulit ang pangalan ko? Farrah?
Hindi maaari...
Hindi ko maaaring kalimutan ang pangalan ko.
.
.
Naghabol ako ng pag-hinga kasabay ng pag-bangon sa kama at paghawak sa aking dibdib, "A-Ano ang totoong pangalan ko?" 
Tumingin ako sa bintana dahil parang ang liwanag dun. Naglakad ako patungo sa bintana at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang bayan sa kalayuan na nagliliwanag sa apoy.
"A-Anong nangyayari?" Tanong ko sa aking sarili.
Sinuot ko ang cloak at nagdala ng espada bago lumisan ng silid, "K-Kamahalan, ang bayan—"
"Alam ko, kaya ako pupunta roon." Sagot ko at lumabas ng palasyo.
"Kamahalan, delikado kung pupunta ka roon." Sabi ng katulong.
Inihanda ko an aking kabayo, "Hindi ko kayang matulog ng mahimbing habang sila ay gumagawa ng paraan para maapula ang apoy." Sabi ko at pinatakbo na ang kabayo.
"Kai, be safe.." Usal ko.
Lumihis ako ng daan para mas madaling makarating sa bayan ngunit may bigla na lamang pumana sa kabayong sinasakyan ko kaya ako tumilapon sa lupa, "Ackk.." T-ngina nabali ko ata ang kaliwang braso at binti ko. 
"Kamahalan." Nakatingin sa'kin ang mga mata ni Liam na nagliliyab sa galit. Nilabanan ko ang kan'yang tingin, "Ano bang ginagawa mo Liam?!"
Umupo s'ya sa tapat ko, "May pag-tingin ka sa pinuno?" 
Sinampal ko s'ya, "Ikaw ang may kagagawan?" Tanong ko.
Marahan s'yang tumawa, "Ginawa ko lamang 'yun para sa iyong ikakabuti, kamahalan."
"Mas ikakabuti ko kung hindi ka makiki-alam sa emperyo kahit isa ka pa sa mga prinsipe." Galit na sambit ko.
Binuhat n'ya ako, "Kamahalan, kumalma ka na lamang at itikom mo ang iyong bibig—"
Ibinaba ko ang aking mga paa dahil nagagalaw ko naman ito kahit papano, "Liam umalis ka na." Utos ko at pinulot ang espada ko.
Tinapat ko 'yun sa kanya ngunit agad ko ring ibinaba dahil sa sakit ng braso ko. Nakahawak lamang ako sa aking kaliwang braso habang nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko na natulungan ang kabayo dahil nakahiga na ito, "Kamahalan!" Pagtawag ni Liam at hindi ako lumingon.
Itinukod ko sa lupa ang espada nang manghina ang aking mga tuhod, "Liam."
"Naririto na kamahalan, patawad." Pag-alalay n'ya sa'kin bago dumilim ang aking paningin.

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Felizardo Francisco

    nice

    19/12/2024

      0
  • avatar
    Tareko Pomuy

    yvucygub

    15/12/2024

      0
  • avatar
    Tristan Jacob

    kkkk

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata