13. Prince from the East

Farrah//pov
Nagising na lamang ako kinaumagahan sa isang hindi pamilyar na kwarto. Malapad ang kwarto at iba-iba ang mga disenyo ng kisame.
May benda na rin ang braso at binti ko. Pilit kong bumangon dahil napanaginipan ko nanaman kagabi ang pangyayari na nasa hospital ako.
Seryoso, hindi ko maalala ang pangalan ko. Ang pangalan ko lamang ang aking nakalimutan ngunit alam kong may mundo pa akong babalikan.
"Magandang umaga kamahalan." May isang matandang lalaki ang pumasok sa silid na may dalang tray ng pag-kain.
"Kumain muna kayo upang lumakas ang iyong katawan." Sabi n'ya. Inilapag n'ya sa kama ang pagkain at tiningnan ko lamang 'yun.
"Benedict Leon, mayordomo ng emperyong silangan kamahalan. Tawagin n'yo na lamang ako kapag may gusto kayong ipag-uutos." Yumuko s'ya at lumisan.
Sinuri ko ang pagkain at may nakita akong dahon kasama sa tubig. Tiyak na yan ang pain reliever dahil sino naman ang tangang maglalagay ng lason na kitang-kita.
Kumain ako at hindi naman masama ang lasa ng dinurog na patatas. Uminom rin ako ng tsaa na nasa tray, "Bwisit, 'yung bayan ni pinuno.." Usal ko at bumangon.
Sinuot ko ang maduming cloak at tumungo sa bintana. Mabuti na lamang ay nasa ibaba lang ang silid na ito.
Lumabas ako ng bintana at sinuri ang paligid, "Saan ang punta mo kamahalan?" Sinalubong ako ni Liam.
"Ano ba ang paki-alam mo Liam?" Inis na tanong ko.
Huminga s'ya ng malalim, "Sa bayan ba ni Kai, kamahalan?" Tanong n'ya at marahan akong tinulak upang ikorner sa bintana.
Tumango ako, "Hindi ko alam kung ano pinaplano mo Liam pero—"
"Wala akong pinaplano, kamahalan." Pagputol n'ya sa kan'yang sasabihin.
"Nakakapagtaka, ano ang ginagawa mo ngayon—"
"Hindi ba't dahil pumapag-ibig lamang ako sa isang tulad mo?" Itinaas n'ya ang aking baba para tumitig sa malamig n'yang titig.
"Hindi ka pumapag-ibig, nahihibang ka na." Inis na sambit ko at tiningnan s'ya ng masama.
Mas lalo pa s'yang lumapit, "maganda ka pala sa malapitan, Farrah."
Mabilis n'yang tinagilid and ulo ko at hinalikan ang aking leeg. Nanigas ang buong katawan ko pagkatapos n'yang gawin iyon. Agad akong nagpumiglas at hinawakan siya sa kwelyo, "ano ba ang kailangan mo, Liam?" Iritableng tanong ko.
"Nanginginig ka kamahalan..." Sarkastikong saad n'ya. Alangan, nanggigigil ako sa mukha mo.
"Tsk, hayaan mo na lamang akong lumisan dahil wala naman akong mapapala kung makikipag-usap pa ako sayo." Inirapan ko s'ya bago lagpasan.
Pinigilan n'ya ako at hinawakan ang aking braso, "Hindi ka aalis sa teritoryo ko hangga't hindi ko sinasabi."
"Ano ba?!" Inis na tanong ko.
Hinila niya ako upang ikorner ulit sa bintana, "hindi mo 'ko ma-uuto sa mga kilos mo." Iritang sambit ko at sinipa ang kanyang paa. Bida-bida ang g*go, pa-korner-korner pa sa bintana! Hmp! 
Tsk, g*go.
Nilagpasan ko siya ulit upang lumabas ng gate nang bigla na lamang n'ya akong hinabol at binuhat na parang sako, "a-ano ba?! Ibaba mo nga ako!" Inis na sigaw ko habang hinahampas ang likuran n'ya. 
"Kamahalan, katulad ng sinabi ko ay hindi ka makakalabas sa teritoryo ko hangga't wala ang permiso ko." Sabi n'ya. 
Tsk, wala akong panahon sa mga kalokohan ng lalaking ito.
Tanaw ko sk Prinsesa Penelope na parating sa gate. Anong ginagawa n'ya rito?
Tinuhod ko ang dibdib ng prinsipe para makababa ako, "Patawad, ngunit wala akong panahon upang makipag-laro sa iyo, prinsipe."
Bahagya pa s'yang tumawa, "ang tigas talaga ng ulo mo, kamahalan..."
Nakita ko ang aking kabayo na nasa malapad na damuhan kaya agad akong lumapit roon upang makaalis na agad sa lugar na ito. Nakapagtataka na maayos na agad ang lagay nito mula kagabi.
Sinabi na ni Julia ang mapa ng limang emperyo kaya alam ko na ang papunta sa gitnang emperyo.
Dumeretso ako sa bayan ng pinuno, "pinuno?" Pagpasok ko sa bahay niya ngunit walang tao at halatang nasunog ang paligid.
Ang mapaglaro na prinsipe na iyon. Tsk, kahit naiinis ako sa kanya ay kailangan ko pa ring kontrolin ang lahat dahil katapusan na ng emperyo kapag kinalaban ko s'ya. 
"Ate–"
"Put– jusko ginulat mo ako..." Nilingon ko ang batang humawak sa bestida ko.
"Ate, pupunta ka ba roon?" Pag-turo niya sa kabilang bayan, "bakit?" Pagtataka ko.
"Naroon po kasi si mama." Sagot n'ya at binuhat ang dalang tuta. Ang cute naman ng aso.
"Ibig-sabihin naroon silang lahat? A-At naiwan ka rito?" Tanong ko at mabilis naman itong tumango.
"Pinagalitan po kasi ako ni mama kagabi kaya hindi po ako umuwi sa bahay. Ate, nagagalit pa siya sa'kin..." Anito.
Umupo ako upang magkatapat kami ng batang lalaki at sinuri ang kanyang braso na puro pasa at gasgas, "ginawa niya ito sa'yo?" Tanong ko at tumango s'ya. 
"Tara na." Sabi ko at binuhat s'ya pasakay sa kabayo kasama ang aso n'ya. Sunod din naman akong sumakay at pinatakbo na ang kabayo.
"Ate, ayoko nang bumalik kay mama." Anito.
"A-Ano? Bakit?" Pagtataka ko.
"Sasaktan niya lang po ulit ako." Sabi n'ya. Bumuntong hininga ako, "kay pinuno ka lumapit, maliwana?"
Tumango na lamang s'ya, "Ate anong pangalan mo?"
"Farrah." Sagot ko. Tumingin s'ya sa'kin,  "Prinsesa Farrah?"
Tumango ako sa kanyang katanungan.
"Mabait po pala kayo, sabi ni kuya at ng iba ay hindi raw po kayo mabait." Sabi n'ya. Well, ewan ko ba sa prinsesa na ito.
"Depende, mabait ako sa mabait at galit ako sa galit." Sabi ko.
"Kapag galit po ako ay magagalit ka rin?" Tanong n'ya at tumango ako.
"Ate, anong nangyari sa pisnge mo? Bakit po may sugat?" Tanong n'ya. Well, hindi naman natin masisisi ang mga bata kung tanong sila nang tanong. They want to explore the real world, let them taste the reality.
"Kilala mo ba ang prinsipe ng silangan? Oo, nanggigigil ako sa kanya." Sagot ko.
"Nag-away po kayo?" Tanong n'ya ulit.
Tumango ako, "basta ayaw ko sa kanya dahil nananakit s'ya at siya rin ang may dahilan ng pag-sunog sa bayan niyo." Paninisi ko kahit hindi ko naman alam ang tunay na sanhi. Hindi ko alam kung si Liam ang may gawa ng pagkasunog sa bayan, gusto ko lang talaga siya sisihin.
Umiling s'ya, "nakita ko po na babae ang may pasimuno. Pumunta po kasi sila kanina sa bayan at 'yunging damit po ng babae parang katulad sa'yo pero mas mahaba po ang buhok n'ya." Paliwanag ng paslit.
Babae? Si Penelope ba ang tinutukoy n'ya?
"Ano ang mga sinabi n'ya? May sinabi ba s'ya na narinig mo?" Tanong ko.
"Iisa-isahin n'ya po ang mga bayan at sinabi niya na sisirain nila ang gitnang emperyo." Sagot n'ya. 

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Felizardo Francisco

    nice

    19/12/2024

      0
  • avatar
    Tareko Pomuy

    yvucygub

    15/12/2024

      0
  • avatar
    Tristan Jacob

    kkkk

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata