Second Chance

Kinagabihan ay nagkuwentuhan ulit sila nila Gab at Natasia. Sinabi niya sa mga ito ang sitwasyon nila ni Jake tutal ay wala naman siyang inililihim sa mga ito.
“Mawawasak niyan si ate J, iniwan siya dito sa Manila at ikaw ang sinundan diyan. Ganda mo talaga girl! Sinundan ka diyan sa Cebu! Ayyyyy!” pangangantiyaw ni Gab sa kaniya.
Gusto niyang matawa sa sinabi nito pero nababahala siya kapag naiisip si Jane. Saka ko nalang po-problemahin, hindi ko pa naman siya makakaharap pag-aalo niya sa sarili.
“Anna, I’m happy for you. Magkita naman tayo mga minsan, madami kami ni Gab kwento sayo,” sagot naman ni Natasia.
“Sabihin nyo na kaya ngayon!”
“Huwag dito. Confidential eh,” sagot ulit ni Natasia. Nagtataka man ay hindi na niya ito pinilit.
Kinabukasan ng pumasok si Anna sa opisina ay napasimangot siya sa bisita na dumating. Talagang hindi pala nito mapapalampas ang pag-agaw ko kay Jake at hinanap pa ako ng isang ito ah.
“Well, well! Tama nga ako! Sinasabi ko nanga ba at familiar sakin ang mukha mo eh!”
Napalingon sila ni May at Nakita niya si Celeste na nakatayo di-kalayuan sa table niya. Nakatingin ito sa kaniya at halata ang disgusto sa mga mata nito. Agad nakuha nito ang atensyon ng mga katrabaho niya. Natahimik ang mga ito na nagmamasid sa kanila. Naglakad si Celeste papalapit sa kaniya. Talagang umeksena ito sa office nila dahil lang kay Jake? May ganoon pala talagang babae!
“Where is your boss? I want to talk to him!” mataray na tanong sa kaniya ni Celeste at padabog na ipinatong nito sa table niya ang designer bag na bitbit. Sa dinami-dami nila sa opisina na iyon ay sa table pa niya ang napili nitong pagtanungan. Alam niyang ipinapamukha lang nito ang layo ng antas ng kanilang pamumuhay. Naramdaman agad ni May at ng mga kasamahan ang pagtataray nito. Mabuti na lang at nagkataon na wala ang boss niya ng araw na iyon dahil may conference ito na pinuntahan.
“I’m sorry Miss, but he is not here yet,” pormal at walang expression na sagot niya dito.
Bakas ang pagkairita sa mukha nito. “You know what? I was amazed to learn that you are tito Monching’s employee. Don’t you know me? My father is his client. At ang kapal ng mukha mong kalabanin ako sa party pa mismo ng boss mo!” pataas ng pataas ang boses nito at nabigla ang mga kasamahan niya sa sinabi nito.
“Miss hindi mo naman kailangang gumawa ng eksena dito,” kalmado parin na tugon niya dito ngunit pinutol nito ang sasabihin niya.
“Why not? Para hindi ka mapahiya? Para hindi nila malaman na malandi ka?” mataray na sagot nito.
Narinig niyang napasinghap si May at nagkatinginan naman ang ilan pang kasamahan niya sa opisina.
“What? I’m sorry—“
“Sorry? Matapos ang lahat? Siguro type na type mo din si Jake. Ang landi landi mo!” hindi na ito nahiyang ipaglakasan sa lahat ng naroon ang dahilan ng ikinagagalit nito.
“Ano bang ginawa ko sayo?” hindi na niya napigilan ang galit. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman niya inagaw si Jake dito. “I already said I’m sorry what do you want me to--” blanko ang expression na sagot niya dito.
“Youre going to regret everything. I’ll make sure of it!” banta sa kaniya ng dalaga at saka marahas na dinampot ang bag at nagmartsa papalabas ng opisina nila. Napabuntong hininga siya pagkalabas nito.
“Ano daw ‘yun?” nagtatakang tanong ni May sa kaniya. Nagkibit-balikat nalang siya sa mga ito. Eto na naman siya at nadadawit sa kung ano-anong gulo.
Kinahapunan ay sinundo siya ni Jake sa opisina at nakakailang buntong-hininga na siya ng magtanong ito. “May problema ka ba?”
“Hmp! Kasalanan mo kapag nawalan ako ng trabaho” sagot niya.
“Ha? Anong ginawa ko?” nagtatakang tanong nito.
“Pinuntahan lang naman ako ng Celeste na iyon kanina sa office”
“Anong ginawa niya? Tell me,” tila galit na tanong nito. Nag-alangan siya bigla na nagkuwento pa siya dahil sa nakita niyang expression nito.
“W-wala naman,” bigla ay nagbago ang isip niya. Hindi na sumagot si Jake at nakatuon lang ang atensyon nito sa pagda-drive. Nang makarating sa tinutuloyan ay pinagtaasan niya ito ng kilay ng dire-diretso din itong pumasok sa loob. “At sinong nagsabing welcome ka dito?” kunwari ay nagtataray na tanong niya.
“Nagugutom na ako, hindi ka pa ba magluluto?” pagbabalewala nito sa sinabi niya at naupo ito sa sofa niya.
Inirapan niya ito ngunit nagtungo na siya sa kusina para magluto. Sinulyapan niya ito at nakita niyang busy ito sa laptop nito at may mga kausap pa ito sa cellphone. Gusto niyang mag-alala para dito, baka napapabayaan na nito ang trabaho. Kumakain sila ng ibalita niya dito ang balak ni Natasia at Stephen na pagbisita. Madami pa silang napagkwentuhan at muli ay sobra na naman ang kaligayahan niya sa piling nito. Lahat ng alalahanin niya ay nawawala tuwing kasama niya ito.
Sabado noon at bumalik si Jake sa hotel na tinutuloyan nito. Nakasalang ang mga labahin niya sa washing machine ng mag-ring ang cellphone niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng makita na si Alex ang tumatawag sa kaniya. Ilang araw na niya itong hindi nakakausap.
“H-hello?” nag-aalangang sagot niya.
“Anna,” tila nag-alangan muna ito bago sinundan ang sasabihin. “Aayain sana kitang lumabas?”
Matagal bago siya nakasagot. Kakausapin narin niya ang binata, ayaw niyang maging unfair dito at sasabihin na niya ang sitwasyon sa ngayon. “Okay, anong oras ba?”
Matapos maglaba at kumain ng lunch ay pumunta na siya sa isang mall kung saan sila ni Alex magkikita. Nagtext lang siya kay Jake na lalabas siya.
“Anna!” sinalubong siya nito.
“Kanina ka pa ba?” tanong niya dito. Napansin niyang bakas sa mukha nito ang lungkot. Wala naman sila masyadong ginawa ng binata. Namasyal lang sila at ng mapagod ay nagmerienda.
“Anna, kumusta na kayo ni sir Jake?” tanong ni Alex habang kumakain sila.
Nasamid siya bigla sa iniinom na juice dahil sa biglaang pagtatanong nito. Ang plano niya ay kakausapin na ito tungkol sa kanila ni Jake ngunit naunahan siya nito magtanong. “Ahh Alex,” simula niya ng makabawi. “Iyon nga sana ang gusto kong sabihin sayo.”
Bumuntong-hininga muna ito. “Parang alam ko na ang sasabihin mo Anna,” malungkot na sagot nito.
“Alex, I’m sorry.” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin para maalis ang lungkot nito.
“Anna, I know. You don’t have to say sorry,” medyo tumawa ito at kahit papaano ay naibsan ang guilt niya. “Nandito ba siya dahil sayo? Siya parin ba Anna?” tanong nito. Marahan siyang tumango at hinawakan nito ang kamay niya. “Okay lang Anna, wala ka namang kasalanan para mag-sorry. Ako ang humingi sayo ng chance na manligaw. Masaya na ako na nakilala kita.”
“Thank you, Alex.” Tila nawala ang bigat na nararamdaman niya ng oras na iyon. Nanatiling maayos ang pag-uusap nila ng binata. Hapon ng magpasiya na silang umuwi. Gusto pa sana nitong ihatid siya pero tumanggi siya dahil ang sabi ni Jake ay susunduin siya nito. Kinuha niya ang cellphone at nagtext kay Jake kung nasaan siya.
Nang tumigil ang ang sasakyan ng binata sa harapan niya ay agad siyang sumakay. Pagkaupo palang niya ay pinagmasdan agad niya ang binata habang nagmamaneho.
Jake, bakit ba mahal na mahal kita? Totoo na napakasakit ng iwanan mo ako, pero kahit anong gawin ko ay ikaw parin. Hindi na yata titibok ang pusong ito sa iba, sayo lang bulong niya sa sarili.

Komento sa Aklat (359)

  • avatar
    PalomarJessa

    i love the story it reflect me for who i am ..

    03/08/2022

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer ang Ganda Ng story

    09/09/2025

      0
  • avatar
    KaeShi

    i love it

    05/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata