"Amanda, nandito na tayo. Good job!" Masayang sabi ni Ethan habang inaalalayan akong bumaba ng cart. Nilibot ko ang mata ko sa paligid nasa garden pala kami, sa likod ng venue ng debut at engagement namin ni Arthur. Madilim ang paligid at tanging mga street light lang na kulay dilaw ang nagbibigay liwanag sa paligid. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang pinapag-pagan ang damit ko. "Hindi tayo, kayo lang." Naka-ngiti nyang sabi sabay turo sa likod ko. Nakita ko dun ang imahe ni Matthew na nakaupo sa isang bench. Alam ko'ng sya yun dahil nadin sa liwanag mula sa street light na nasa ibabaw nya. "Sige na, sumama ka na sa kanya. Kanina ka pa nya inaantay. " Biglang sabi ni Arthur na kakadating lang. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa sabay isa-isang niyakap. "Maraming salamat. Hindi ko kayo makakalimutan." Tuwang-tuwang sabi ko habang pinipigil ang namumuong luha sa mata ko. "Mag-iingat kayo ahh. Hayaan nyo, kapag may oras ay dadalawin ko kayo. " Sabi ni Arthur habang pinupunasan ang tumutulo na nyang luha. Bago ako tuluyang makalayo sa kanila ay kumaway muna ako bilang huling paalam. Tumango lang sila habang nakangiti. Nagsimula na akong maglakad palapit kay Matthew kasunod nito ang buhos ng malakas na ulan at tunog ng kampana bilang hudyat na alas-dose na ng gabi. Palakas ng palakas ang ulan pati nadin ang tunog ng kampana kaya mas binilisan ko na ang takbo ko. Ilang metro nalang ang layo ko kay Matthew ng marinig ko ang sigaw ni Lolo dahilan para mapatigil ako sa takbo... "Amanda! " Umalingaw-ngaw ang malakas na sigaw ni lolo, habang bumubuhos ang malakas na ulan. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. At doon parang biglang nabiak ang puso ko ng makita ko si lolo na nakaluhod habang nagmamakaawa saakin. Inaalalayan na syang tumayo nina Arthur at Ethan ngunit ayaw nyang magpatinag. Sunod namang dumating ang parents ni Arthur. "Amanda, apo pakiusap! Wag mo akong pabayaan!" Sigaw pa ni lolo na ngayon ay nakaluhod at tumatangis. Parang biglang bumalik ang mga ala-ala ko noon habang si lolo ang kasama ko sa lahat ng bagay. Noong mga panahon na si lolo ang nagtuturo saaking bumasa at magsulat dahil nasa ospital si mommy dahil sa sakit nya sa puso, habang si daddy naman ay inaasikaso ang negosyo namin. Tapos ang ate ko, na hindi na namin alam kung nasasaan. Actually she's my step sister, anak sya ni mommy sa pagka-dalaga. Si Lolo lang ang nag abalang paghandaan ako tuwing birthday ko. Si lolo lang din yung nag stay sa tabi ko nung mga oras na lahat iniiwan na ako, nung mga panahon na mas pinili ni daddy ang kabit nya kesa saamin ni mom na sarili nyang pamilya. Hanggang pati si mom iniwan nadin ako, sumama na sya kay lord. Ito din namang ate ko na akala ko masasandalan ko sa lahat ng bagay iniwan din ako. Kesyo sawa na daw sya sa pamilya namin and she's tired. Ngayon ko lang din sya naintindihan kung bakit. I know im being too selfish. Ibinigay sakin ni lolo ang lahat but i refuse to help him. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag sumama ako kay Matthew ay papabayaan ko na ang kompanya. I'll still help silently. I have source kaya hindi ako mahihirapan. "Amanda, umalis na kayo!" Rinig kong sigaw ni Amara. "Amanda, please umalis na kayo. Ako na ang bahala sa lahat! " Sigaw naman ni Arthur. "Amanda don't live me like this please." Pag-mamakawa ni lolo. I smiled weakly ngayon ko lang napagtanto. Panahon na para sarili ko naman ang isipin ko... Sarili ko na kinawawa ko nung mga panahong wasak na wasak ako dahil sa sariling kong pamilya. "Im sorry. " Pabulong na sabi ko sabay punas sa luhang tumutulo galing sa mata ko. Tumalikod na'ko sa kanila at nagsimulang maglakad palapit kay Matthew. Na ngayon ay sinasalubong nadin ako ng takbo. "Amanda!!" Sigaw pa ni Lolo. Hindi lang kayo ang nahihirapan, hirap nadin ako. Kung hindi kayo ako ang masasaktan. Kaya hayaan nyo nalang akong maging masaya sa unang pagkakataon. Nang makalapit kami sa isa't isa ay di ko napigilang hindi mapayakap sa kanya sabay bulong. "I'm tired. " Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. Mabilis nya akong binuhat hanggang sa marating namin ang parking space. "Iwanan na natin ang lahat ng masasakit na ala-ala sa lugar na ito, mahal ko. " Sabi nya sabay halik sa aking noo. At doon na ako tuluyang kinain ng pagod sa lahat ng problema. "Get rest. " Sabi nya pa. Matthew's POV Nakatingin lang ako sa natutulog na prinsesa sa tabi ko. Inabot ng apat na oras ang byahe namin papunta sa Batangas kung saan kami dati naninirahan ng lola ko. Dito muna kami pansamantala maninirahan habang komplikado pa ang lahat. Inihabilin ko na sa tiya ko at kay Ethan ang pag-aalaga sa aking lolo pansamantala. Ang totoo nyan hindi ko talaga kayang iwan si lola, pero gusto kong pawiin na lahat ng sakit na dinadala ni Amanda mula sa pamilya nya. At isa pa dahil mahal ko sya, mahal na mahal. Hindi ko masasabi kung hanggang kailan kami magsasama ng masaya pero ang gusto ko sulitin ang natitirang oras naming magkasama. "Hmmmm..." Ungot ni Amanda, dahilan para mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Good morning mi'amor..." Naka-ngiting sabi nya. "Good morning my love. " Sabi ko sabay halik sa noo nya. Ngumiti lang naman sya sabay yakap sakin. "Nasaan na tayo? " Tanong nya, habang nag-uunat at nahikab. "Nandito na tayo sa Batangas, dito muna tayo pansamantalang titira. " Sabi ko habang pinagbubuksan sya ng pinto. "Bakit pansamantala lang? Diba pwedeng pang matagalan?" Nagtatampong tanong nya na nagpangiti sakin. Mabilis kong ginulo ang buhok nya na ikina simangot nya lalo. "Syempre pang matagalan den.... Welcome sa ating bahay. " Naka-ngiting sabi ko pagkabukas ko sa pintuan ng luma naming bahay. "Matthew ang ganda." Manghang-manghang sabi nya sabay dere-deretsong pumasok sa loob. Hindi kalakihan ang bahay namin at wala din itong magarang palamuti. Kulay puti ang dingding samantalang ang bintana ay gawa pa sa capiz. Sabi ng aking lola mahigit limang dekada na daw itong bahay namin. "Mahal ko, sa lugar na ito ko gugustuhing magka-pamilya." Naka ngiting sabi nya habang hawak hawak ang magkabila kong kamay. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong init sa hangin akong naramdaman. Hinimas ko ng marahan ang pisngi ni Amanda sabay hawi sa buhok nya na naka-harang sa kanyang mukha. "I love you Amanda." Sabi ko sabay titig sa kanyang mata, pababa sa kanyang mga labi. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya at sabay naming ipinikit ang aming mga mata kasunod ng paglapat ng aming mga labi. Mabagal lamang ang paggalaw ng aming mga labi hanggang sa bumilis na ito at kapwa habol na namin ang aming hininga. "I love you too matt. " Naka-pikit at hinihingal na sabi ni Amanda habang magka dikit ang aming noo. Ngumiti ako at muli syang hinalikan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya binuhat ko sya sa pagitan ng aming mga halik papunta sa kwarto namin at doon nangyari ang hindi namin inaasahan. Kinabukasan nagpunta kami sa pamilihang bayan para mamili ng mga stock naming pagkain. Nakapag apply nadin ako ng trabaho bilang driver sa kilalang pamilya dito lang din sa lugar namin. Sa tulong ni tiya Cecilia na kaibigan ng aking lola. "Mahal gusto ko ding magtrabaho--" Naka-simangot na sabi nya habang yakap yakap ang aking braso. Naglalakad kaming dalawa pauwi sa bahay. Kanina nya pa ako pinipilit na gusto nyang magtrabaho dahil may nakita syang karatula sa kanto na naghahanap ng kasambahay. Kesyo gusto nya naman daw maranasan ang maging kasambahay kahit saglit lang. "Sa bahay nalang natin pag-usapan mahal. Sa ngayon tulungan mo muna akong magbitbit nito.. Ambigat ehh. " Natatawang sabi ko sa kanya sabay abot sa kanya ng supot na puno ng mansanas. Tumawa lang naman sya. Pagkadating namin sa bahay ay nilagay na namin sa cabinet ang aming mga pinamili. Napag isipan naming maglinis ng bahay kaya naglalaba ako ngayon ng mga kurtina at kumot na matagal ng nakatambak sa mga aparador. Ako ang taga laba at si amanda naman ang taga sampay. "Tulungan na kita jan." Sabi ni amanda ng mapansin nyang nahihirapan ako sa pag piga ng kumot dahil may kahabaan. "Wag na jan ka-- sige bahala ka." Malumanay na pag pigil ko sa kanya pero as usual hindi sya nakinig. Hawak namin ang magkabilang dulo ng kumot habang pinipiga. Natatawa pa si Amanda dahil nakaka enjoy daw. Natatawa din sya sa mga bula na nalalaglag sa sahig mula sa kumot na pinipiga namin. Di ko inakala na magiging masaya si Amanda sa simpleng buhay. Dahil alam ko naman na pinalaki talaga sya sa marangyang buhay. "Tumakbo ka na!" Sigaw nya habang tumatawa ng parang baliw. May hawak ang magka bila nyang kamay ng kumpol ng bula at alam ko ang binabalak nya, kaya mabilis akong tumakbo na lalo nyang ikinatawa. Mabilis nya'kong nahabol kaya kinuskus nya sa mukha ko yung kamay nyang may bula. Agad ko din naman syang ginantihan ng hose ng tubig kaya pareho kaming basang basa. Tawa lang kami ng tawa at kapwa basang basa na. Nang hiningal kami ay humilata kami sa damuhan sa may likod bahay kung saan nalilimliman ng puno ng mangga. Naka-unan si amanda sa braso ko habang nakatingin sa kalangitan. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na oras pero isa lang ang alam ko... Mahal ko si Amanda. 3 months had passed "Matthew.. Mahal! May sulat ka dito sa ibaba!. " Sigaw ko habang iniisa isa ang mga sulat galing sa mail box. Walang para sa akin lahat ay para kay matthew. "Nandyan na! " Sigaw nya pabalik. Kasalukuyan syang naghahanda ng sarili dahil may pasok sya ngayong araw. "Iiwan ko dito sa ibabaw ng lamesa!" Sigaw ko sabay dumiretso na sa kusina para kunin ang naka salang kong sinigang. Pagkababa ni Matthew ay agad siyang dumiretso sakin para batiin ako ng magandang umaga sabay halik nya sa pisngi ko. Napatalon ako sa gulat ng makadinig ako ng malakas na kalabog mula sa salas kung nasaan si Matthew. Mabilis akong pumunta doon. Halos kurutin ang puso ko ng makita ko si Matthew na naka-luhod sa sahig habang hawak hawak ang isang sulat, lukot na lukot na ito dahil sa higpit ng hawak nya. "Anong nangyayari? " Kinakabahang tanong ko sabay luhod sa harap nya para mapantayan sya. Tumitig sya sa mga mata ko, at kasunod nito ang sunod sunod na patak ng luha nya. "I'm sorry Amanda. I need to live you, but i promise I'll be back." Pabulong na sabi nya sa pagitan ng bawat paghikbi. Natulala lang ako sa mga sunod nyang ginawa. Mabilis syang lumabas at pinaharurut ang kotse palayo. Nanghihina ko syang hinabol palabas. "Matthew! " Sigaw ko habang tumatakbo para habulin sya. Nagsimula nading magpaunahan ang luha ko. Hingal na hingal akong napasalampak sa kalsada habang nakatingin sa kanya na palayo ng palayo. Why did he leave me?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Love the novel! Highly recommended ....
21/05/2022
0good
28/10/2024
0like your story but not really
25/10/2024
0Tingnan Lahat