Arthur's POV Nandito ako ngayon sa tapat ng ICU habang nakasilip sa glass window kung nasaan si Amanda. I still can't believe na magagawa nyang saluhin ang baseball bat para sakin. Hindi nya na kailangang gawin yun dahil kaya nga ako nagpabugbug to protect her. Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko, napaka-dami ng problema ni Amanda pagkatapos ay nangyari pa ito sa kanya. Ano pa ang mukang ihaharap ko sa kanya pag nagising sya? "I knew you're here." Rinig kong sabi ni Dr. Vasquez. Tumakas lang kasi ako sa kwarto ko kanina habang tulog sina Mommy. I don't know, parang wala pakong ganang harapin sila. I just want to see Amanda, only Amanda. "What happened?" Seryosong tanong ko kay Dr. Vasquez habang seryoso pading nakatingin kay Amanda mula sa loob ng ICU na ngayon ay walang malay. Madami ding mga makina ang nakatabi sa kanya. "Traumatic Brain Injury." Seryosong sagot naman ni Doc. Doctor Vasquez is now seriously looking at Amanda habang naka cross arms. "You mean TBI?" I asked. "Yes. Mr. Buenavista, people with TBI may not remember the injury itself. In this case, the brain has not stored the injury as a memory or series of memories. People may remain confused and unable to store memories for some time after the injury. The loss of memory from the moment of TBI onward is called post-traumatic amnesia. Ito sana ang gusto kong sabihin sa Lolo ni Amanda. But i guess wala pa syang balak dalawin ang apo nya." Doctor Vasquez said. "Kung alam nyo lang po ang pinag-gagagawa ni Lolo Esteban siguradong hindi nyo sya gugustuhing makaharap." I said. "I know. Kaya sa ngayon ako muna ang magsisilbing guardian ni Amanda. As her guardian i will make sure her safety. At ayoko nadin syang masaktan mentally and physically. There's something i want to ask you Arthur." Sabi ni Doc. Nagtataka man at sumang-ayon na lamang din ako sa kanya. Alam ko din naman na wala ng ibang pamilya si Amanda na makakatulong sa kanya, kaya hahayaan ko nalang ang Ninong nya. Sigurado din naman ako na maganda ang kalooban ni Dr. Vasquez lalo na ng asawa nya kaya alam kong hindi nila papabayaan si Amanda. Pinasunod ako ni Dr. Vasquez sa opisina nya. "Here's the thing Arthur. Ayon sa brain examination namin kay Amanda, ay meron syang 99% na magkaroon ng amnesia dahil ito sa blood clut na cause ng pagpokpok ng matigas na bagay sa ulo nya. Do you know anything about that?" Dr. Vasquez asked. Napayuko ako ng biglang pumasok sa ala-ala ko ang nangyari. Malabo man ang paningin ko non, dala ng dugo na tumutulo galing sa gilid ng mata ko ay kitang-kita ko padin kung paano tumakbo si Amanda para saluhin ang pagpalo ng baseball bat. Kitang-kita ko din kung paano ito tumama sa ulo nya at kung paano sya tumumba papunta sa pool. Lahat ng iyon nakita ko, pero wala akong nagawa. Tuluyan na akong nawalan ng malay. Thanks to Christian, Lorenz, Mika and Amara na kaagad na dumating sa lugar dahil sigurado ako kung hindi sila dumating may mas hindi magandang nangyari. Sisiguraduhin ko na pagbabayaran ni Death ang ginawa nya. Hindi ko hahayaang makawala sya sa ginawa nya kay Amanda. Tangina mamatay na syang hayop sya. "Arthur you're their with Amanda. Anong nangyari?" Tanong ni Doc. "Amanda has been kidnapped by my number one rival Death Castillo. Alam kong sila ang kumuha kay Amanda because they sent me letters. Mabilis akong pumunta sa hideout nila at pinapasok nila ako but soon after pinokpok nila ako sa ulo kaya nawalan ako ng malay. Pagkatapos ay dinala nila ako sa pool side, dumating si Death and he started hurting me. F*ck okay lang sana kung ako lang yung nasasaktan niya, pero inaalala ko si Amanda. Ipinakita nila sakin si Amanda, mula sa itaas na terrace. She's safe wala syang galos at mukang hindi naman sya sinaktan that time. Sinasaktan nila ako at pilit iyong pinapakita kay Amanda. Then soon after dumating ang asawa ata ni Death yun i guess, she stopped Death pero bago siya pakinggan ni Death ay dumampot muna sya ng baseball bat at akmang ipopokpok sakin but Amanda run towards me at niyakap ako kaya sa kanya tumama ang pag-palo. Then natumba sya sa pool, at hindi ko na alam ang nga sumunod na nangyari dahil nawalan nako ng malay." "I think kung pinokpok lang si Amanda pwede pang hindi sya ma-coma pero lumala ng nalaglag sya sa pool at muntik ng malunod. Thanks to your friends dahil segundo nalang sana ang buhay ni Amanda kung hindi sya naligtas." Doc Vasquez said. "Ano na pong mangyayari kay Amanda?" "That's what i want to talk about Arthur. We need to make her safe and at peace. " Seryosong sabi ni Doc. "How?" I asked. -- "We need to pretend na si Matthew ay hindi nya nakilala, we need to pretend na walang problema between Amanda and Lolo Esteban. We need to pretend na walang mga masasamang ala-ala from her past. We need to make her mentality at peace. It's for her own peace and safety. Ito na ang pagkakataon natin para pasayahin si Amanda, this is her second life and we're going to make her second life perfect." Seryosong sabi ni Arthur. Naka-upo si Arthur sa pinaka-dulong lamesa ng isang long table kung saan kasama nya sina Mika, Amara, Ethan, Christian, Karlo at Doctor Vasquez. "Magsisinungaling tayo kay Amanda?" Tanong ni Mika. "No we're not going to lie. We're just going to hide her past, we are going to keep it a secret." Sagot naman ni Doctor Vasquez. "I can't do it." Naiiyak na sabi ni Amara. "Amara it's for Amanda. You want her to be happy right?" Tanong ulit ni Doctor Vasquez. "Yes i want her to be happy. But i can't look at her and pretend like nothing happened. Alam nyong lahat kung gaano kamahal ni Amanda si Matthew. For him she risk it all, tapos ipapakalimot natin sya sa kanya? Matthew is part of Amandas life. Kahit gaano pa ka-komplikado ang relasyon na meron sila, it is still Amandas life. At bakit natin itatago sa kanya, kung ano talagang buhay ang meron sya? " Tanong ni Amara. Amara is now in vain of anger. Gusto nyang makitang masaya ang kaibigan pero ang itago dito ang totoong pagkatao nito ay hindi nya magagawa. "Amara, alam mo rin kung ano ang mga kayang gawin ni Amanda kapag inaatake sya ng depression nya. Yun ang pinaka ayaw kong maramdaman nya ulit. Atsaka yung lalaking yun? Yung lalaking minahal nya ng sobra pero iniwan sya, hindi nya na talaga dapat maalala pa ang tungkol sa kanya. Nung araw na iniwan nya si Amanda ay yun din mismo ang araw na inabandona nya ito. Alam nating lahat kung gaano nasasaktan si Amanda kada iiwan sya and i don't want her to feel that again. We're now here to make her happy. We're going to make her happy." Arthur said. Masakit man para sa mga kaibigan ni Amanda ang itago ang totoo, isa lang din naman ang gusto nila. At yun ay ang maging masaya si Amanda. Without hatred, without tears, without depression and without pain. To be continued...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Love the novel! Highly recommended ....
21/05/2022
0good
28/10/2024
0like your story but not really
25/10/2024
0Tingnan Lahat