Ilang buwan ang lumipas at sa wakas naka-graduate nadin ako. Ilang taon kong inantay ang panahon na ito dahil ito nadin ang panahon para pabagsakin ka Esteban Marquez. Pinirmahan ko na ang mga papel na naglalaman ng mga will of testament kung saan nakasulat na ipinamamana na sa akin ng aking tiya ang kalahati ng mga nai-pundar nila. Hindi man ganoon kalaki pero magagamit ko na ito para makapagsimula at magamit para sa hustisya na gusto kong ibigay noon pa man sa lola ko. Nakatakda na ang pag-uwi ko sa pilipinas, kinakabahan man ay kailangan ko ng magsimula. Matatapos ko din ito at babalikan ko ulit si Amanda. " Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 4B7 with service from Canada to Manila, Philippines. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Rise Airlines. Enjoy your flight." Inayos ko na ang aking mga bagahe at umupo nadin ako ng maayos sa seat ko. Thank god hindi ako sa tabi ng bintana. Nahihilo ako kapag nasa tabi ako ng bintana i don't know why, siguro duwag lang talaga ako, just like before. Pero madami ng bagay ang nag-iba sakin yesterday me is still me and today me is also me just a little wiser and stronger. Ganon naman talaga dapat, ang kalabanin natin ay ang mga kahinaan natin sa nakaraan, we need the improvement we can't stay sucks forever. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumipad na ang sinasakyan kong eroplano. Pangalawang beses na akong naka-sakay sa eroplano pero hindi parin mawala ang nerbyos ko pakiramdam ko nahihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. "Are you all right sir?" Tanong ng isang stewardess. Pamilyar ang boses nya kaya agad akong napalingon sa kanya. "Cheska Fuentavilla?" Tanong ko. Agad niya akong nginitian. "Oh my god Matthew? Hindi kita agad nakilala you look hot na ngayon ah. " Tuwang-tuwang sabi ni Cheska. "Oo iska. Kamusta ka na? Anong nangyari akala ko gusto mo mag police?" Tanong ko. "Napilitan lang. Pero okay nadin kung hindi ako nag stewardess hindi ko siya makikilala." Sabi ni Cheska. Bakas na bakas sa mukha ni Cheska ang saya kaya hindi ko din mapigilan ang ngiti ko. Naging kaibigan ko si Cheska at palagi syang nag oopen sakin ng mga problema nya, lalo na sa pamilya niya. Naghiwalay ang parents niya kaya ako ang nasasandalan niya. Sinasaktan siya ng kuya niya kaya lumayas sya sa kanila, hindi niya nadin nagawang magpaalam sakin pero nagpadala nalang din naman siya ng liham sa bahay. At sabi niya sumama na siya sa pinsan niya sa ibang bansa at doon na siya mag-aaral. Kaya naman masaya ako ngayong nakikita syang masaya. "Kamusta naman buhay mo ngayon?" Tanong ko. Ngumiti sya at ipinakita niya saakin ang kamay niya at daliring may sing-sing. "Kasal ka na? Kanino? Mabait naman ba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Yes I'm married. Actually siya ang piloto ngayon nitong sinasakyan natin." Naka-ngiting sabi niya. "Wow, congratulations." Yun lamang ang aking nasabi sa pagka-bigla. Kasal nadin sana ako ngayon eh, kaso madamot si lord haha. "Wait me mamaya sa lobby ng airport. Let's have a cup of tea, i have so many things to tell you." Naka-ngiting sabi niya bago sya maglakad palayo habang tulak-tulak ang isang cart. Masaya ako para kay Chesla dahil sa wakas naging masaya nadin sya at may tamang tao na siyang masasandalan. Medyo matagal ang biyahe at wala akong ibang ginawa kundi matulog, magbasa at kumain. Nag announce na ang piloto ng eroplano na malapit na kaming bumaba kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko. At sa wakas pagkalipas ng ilang minuto ay tuluyan na kaming nakalapag sa Manila Airport. Nakababa na ako ng eroplano habang hila-hila ang maleta ko. Tinaggal ko muna ang suot kong coat kaya naman ang kulay cream na turtle neck nalang ang natirang suot ko pang-itaas. Nakaka-miss talaga ang klima dito sa pilipinas nakakainis man minsan kapag sobrang init pero iba parin kapag alam mong nasa sarili kang bansa. Like what cheska said, nag-antay ako sa lobby ng airport ng mga ilang minuto bago siya tuluyang dumating. May kasama pa siyang isang lalaki na naka uniporme na pang piloto kaya alam ko na kaagad na ito ang asawa ni Cheska. Maputi, Matangkad at mukang may lahing amerikano ang napang-asawa ni Cheska. Muka naman itong maginoo at talagang naka-alalay siya kay Cheska. Kumaway ako sa kanila para mapansin nila ako. Ng makalapit sila sakin ay tumayo ako para magbigay galang. "Heinz this is Matthew my high school friend and Matt this is Heinz my husband." Pagpapakilala ni Cheska. "Hi, my name is Heinz Forger Cheskas husband." Naka-ngiting sabi nito habang nakikipagkamay sakin. "Pleasure to meet you Mr. Forger my name is Matthew Gomez." May paggalang na sabi ko. "Nice to meet you Mr. Gomez i loved to stay and talk some things with you, but i have some important meetings to join so i better be going. You guys enjoy." Pagpaalam nito. Ngumiti lang ako at tumango siya naman ay humalik muna sa kanyang asawa bago tuluyang umalis. "He's nice." Sabi ko. "Yes he is." "So bakit ka galing sa Canada? Huling sulat mo sakin sabi mo itatanan mo na si Amanda." Tanong ni Cheska. We are currently having a cup of coffee sa isang coffee shop dito sa Manila at masasabi ko talagang nakaka miss ang kape dito sa pilipinas. "Madaming nangyari Chesk napaka-habang kwento." Sabi ko. "What a pity sana pala inagawa nalang talaga kita kay Amanda noon kung alam ko lang din na hindi kayo maglakatuluyan." Tumatawang sabi ni Cheska. "Magkakatuluyan kami Chesk hindi pa tapos ang lahat. Tsaka woi may asawa ka na baka nakakalimutan mo." Natatawang sabi ko. "Naghahanap pa nga ako ng pangalawa eh, gusto mo mag apply?" Pagbibiro niya. "Hoy mandiri ka nga sa sinasabi mo. Seryoso ako Chesk. I need your help." Seryosong sabi ko. "Anything Mister Gomez." Sagot ni Cheska. -- With Cheskas help at mga iba ko pang tauhan ay nagawa na naming tapusin ang plano para mapabagsak si Esteban Marquez. Gagawin namin ang plano ngayon ding araw na ito. Humingi ako ng tulong sa mga taong madalas makasalamuha ni Esteban. Tago ang mga masasamang gawain ni Esteban Marquez at malinis siyang gumawa kaya naman nahirapan kaming hanapan siya ng butas. Sa tulong ng mga dati niyang tauhan ay napagtagpi-tagpi namin ang mga masamang gawain niya. Hindi din ako makapaniwala na magagawa niya ang mga bagay na ito dahil minsan ko nadin siyang kinilala bilang karespe-respetong tao. Pero ngayon nagsisimula ng umalingasaw ang baho niya. At ngayon na magsisimula ang tunay na laban. To be continued...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Love the novel! Highly recommended ....
21/05/2022
0good
28/10/2024
0like your story but not really
25/10/2024
0Tingnan Lahat