logo text

Chapter XLVII | The nerd Gomez is gone

Amara's POV
Inihiga namin si Amanda sa isang malambot na foam dito na sa resthouse ng royals. Ang resthouse na ito ay nakatayo katabi ng isang cliff kung saan tanaw na tanaw ang napakalawak na asul na karagatan.
Binuksan ni Mika ang kurtina at ang glass window kaya naman agad na pumasok ang sariwang hangin mula sa labas.
Kasalukuyan kong nililinisan si Amanda gamit ang isang face towel na basa. Habang ginagamot naman ni Mika ang sugat sa noo niya.
I feel sorry for Amanda, dahil kung nalaman lang sana namin kaagad hindi na sana humantong pa sa ganito. Sa napakadaming mga nangyaring gulo na sa buhay namin at lalo na sa buhay ni Amanda ay hindi ko na alam kung ano ba ang tama o maling desisyon ang nagagawa namin.
Noong mga panahon na nagtanan si Matthew at Amanda ay ikinulong kami ng kanya-kanya naming magulang. Nag home school lang kami at wala na kaming mga komunikasyon sa isat isa. Parusa daw ito dahil naki-alam kami sa pamilyang Marquez. Pero ng isang araw nagawa kong makatakas ay nagawa kong puntahan si Ethan, tumakas kaming dalawa at kaagad naming pinuntahan si Mika. Pinuntahan din namin si Arthur at Lorenz at nalaman nga namin mula sa kanila ang mga nangyari kay Matthew at sa lola niya. Kaya ng malaman namin na aalis na si Matthew ng bansa ay nagtaka kami, kung bakit magagawang iwan ni Matthew si Amanda. Nagalit kami sa kaniya and then the accident happened sa kanila Arthur and Amanda. At halos nito lang din nalaman na ang lahat ng nangyari ay isa lamang napakalaking palabas.
Pinlano ni Arthur ang kunwaring pag kidnap kay Amanda at ang kunwaring palabas niya na nag-aalala siya kay Amanda. Fuck bakit ngayon lang kasi namin nalaman ang lahat ngayon pang nauto na niya si Amanda. Hindi din totoo na nagka amnesia si Amanda dahil sa pagpok-pok sa kanya ng baseball bat dahil ang tunay na dahilan nito ay ang mga tinuturok na gamot ni Doc Vasquez na kaniyang mga iniimbento pa lamang.
Kay Amanda niya tinurok ang gamot na iniimbento niya para gawin siyang test subject. Fuck them mamatay na silang dalawa ni Arthur.
"Don't worry Amanda is going to be alright." Naka-ngiting sabi ni Mika sabay pisil sa kamay ko na hawak niya.
Ngumiti lang din ako sa kanya bago ko punasan ang mga luha ko.
"Ma'am Amara and Ma'am Mika nasa ibaba na po ang bisita niyo." Sabi ng care taker nitong rest house.
"Salamat, pakitawag po muna si Nurse Jane para mabantayan si Amanda." Sabi ni Mika.
Pagkarating ni Nurse Jane dito sa kwarto ay bumaba na kaagad kami ni Mika. My mouth formed an 'o' when I saw Matthew Gomez looking so fine in his dark red dress shirt folded to his elbows. He fixed his hair, too! He looked so handsome in his semi-formal attire. Pero ang mas ikinagulat ko ay wala na ang makapal niyang salamin sa mata.
"Where is the Nerdy Matthew Gomez we know?" Bulong ko kay Mika.
"Stop it Amara he can hear you." Seryosong sabi ni Mika sabay kurot sa tagiliran ko.
"Okay, okay. Stop pinching me, you fatty." Pang-aasar ko pa sa kanya.
Hindi niya na ako pinansin sa halip ay tinungo na niya si Matthew na ngayon ay seryosong nakaharap sa asul na dagat mula sa terrace.
"Good afternoon Atty. Gomez." Naka-ngiting sabi ni Mika dahilan para agad na mapalingon si Matthew sa gilid niya kung nasaan kami.
Kagaya ng inaasahan ko, muka nga talagang problemadong problemado ngayon si Matthew, i can see it on his eyes. Malamlam ito at kahit na anong oras ay maiiyak na siya. Pero hindi ko din talaga maitatago na malaki na ang pinagbago ni Matthew, he became a very fine men.
"Hi." Naka-ngiting bati niya.
"How is she?" Tanong niya.
Kasalukuyan na kaming umiinom ng kape dito sa terrace. Nakaupo kami sa isang circle table habang nakaharap sa isat isa.
"She's fine now, inaantay nalang namin siyang magising after siyang turukan ni Mika ng pampatulog. And Nurse Jane is with her now." Sabi ko.
Agad na lumawak ang ngiti ni Matthew.
"I'm glad to hear that." Sabi niya pa.
Why do i have this strange feeling na ayoko siyang kausapin. Maybe because sa tagal na naming hindi nagkita at sa mga dami nading nangyari and also maybe because nakita ko kung paano niya iniwan ang nakaluhod na si Amanda.
"I heard the story from Cheska, is that true?" Tanong ni Mika.
Ang tinutukoy niya ay ang nalaman nga naming plano ni Arthur at Doc Vasquez mula kay Cheska. This is the first time kasing makakausap ulit namin si Matthew dahil si Cheska ang pumunta dito para maghatid ng message.
"Yes it's all true. Nung una ay hindi din ako makapaniwala. I trust Arthur pero ginago niya lang yung tiwala ko. Kung hindi pako kumilos para mag-imbestiga, baka tuluyan ng nawala ang ala-ala ni Amanda." Nang-gigigil na sabi ni Matthew.
"What kind of drug is that?" Tanong ko.
"Isa iyong inimbentong gamot ni Doc Vasquez kung saan ipapakalimot sa pasyente ang lahat ng ala-ala tungkol sa isang taong nanakit sa kalooban niya. And in Amandas case, sigurado akong nakalimutan na niya ako. I hurt her so much kaya I'm sure na wala na ako sa ala-ala niya." May bahid ng lungkot na sabi ni Matthew.
"As usual, she kneel and she pleased you but still iniwan mo padin siya. Nagtaka ka pa noh?" I said sarcastically.
Kaagad akong sinamaan ng tingin ni Mika but i don't care.
It's not even my fault, I'm just stating the facts.
"I know kaya nga gusto kong bumawi. You know i love her." Sagot niya.
"You love her? But you live her? You don't know how much pain you cause her. Alam mo bang gusto kitang patayin ngayon at ipaanod jan sa dagat hah?!" Sabi ko at medyo napalakas na nga ang boses ko dahil sa galit.
"Lahat ng ginawa ko para sa kanya, wala kang alam." Walang emosyong sabi niya.
"You can fight with her beside you pero hindi eh. Selfish ka, iniwan mo siya dahil nagagalit ka sa pamilya niya. And now na okay na sayo ang lahat, babalik ka at sasabihing mahal mo pa siya? Putangina mo pala eh!" Sigaw ko.
Napatayo na ako sa lamesa habang tinititigan siya ng matalim, habang si Mika naman ay nakaupo lang at pinagmamasdan lang kaming dalawa.
"Answer me! Totoo diba?! Iniwan mo siya dahil galit ka sa lolo niya at nasasaktan ka kapag nakikita mo siya." Sigaw ko.
"Stop this nonsense Amara. You know nothing." Sigaw niya.
"Putcha. Answer me!!"
"J-Just because i let her go, it does not mean that i wanted to!" Sigaw niya.
I don't know what to say. I left stunned. Hindi iyon ang inaasahan kong isagot niya.
"Are you guys done?" Tanong ni Mika with a bored voice.
Huminga muna ako ng malalim bago ako bumalik sa kinauupuan ko. Ramdam ko ang mga titig ni Matthew pero wala akong balak na salubungin ito. I can feel his anger and its giving me chills.
"Matthew what is the plan?" Mika asked.
Narinig ko ang paghingang malalim ni Matthew bago siya sumagot sa tanong ni Mika.
"Wala tayong sapat na evidence para idiin si Esteban Marquez tungkol sa pagkamatay ng Lola ko. But we have our ace, dahil sa pag-iimbestiga ko and my team, nalaman namin ang baho niya. He is one of the top leader ng mga smuggling dito sa pilipinas, pero nakatago siya sa pangalan na The anonymous. Kasabwat niya ang ilang mga senador at kilalang mga tycoons pero ang mas ikinababahala ko ay kasabwat niya ang parents mo Mika. They're smuggling tobacco, Luxury Cars and firearms. I'm saying this to you para mabalaan mo ang parents mo, sabihin mo sa kanila na ngayon palang ay talikuran na nila ang masamang gawain nila. Because I'm telling you Mika lahat ng kasabwat ni Esteban Marquez ay madadamay sa kagagawan niya. Alam kong hindi ito ginusto ng parents mo, dahil tinakot lamang sila ni Esteban Marquez na papabagsakin niya ang negosyo niyo kung hindi sila sumali sa smuggling na nangyayari, so please tell to your parents. They have nothing to worry, mabubulok si Esteban Marquez sa kulungan at pandidirian siya ng mga tao sa paligid niya to the point na kahit makalaya pa sya sa kulungan ay hindi na niya magagawang makabangon pang muli." Matthew seriously said.
--
Matthew's POV
Nakaupo ako ngayon sa isang kahoy na upuan habang hawak-hawak ang magkabilang kamay ni Amanda. Mahimbing itong natutulog at kitang kita ko ang pinagbago sa itsura niya. Pumayat siya at may malaking eyebags sa ilalim ng kanyang mata. She looked so stress but she's is still the most beautiful girl I've ever seen.
"I'm sorry." Sabi ko habang nagpapaunahan ang mga luha ko sa pag-agos.
"Forgive me for living you, I'm sorry for being selfish Amanda. I just want to tell you na, hindj kita iniwan because of hatred. Iniwan kita because i think it's for the best. But i was wrong. Living you is the wrong decision ever. But all i want to do is to make you happy even without me while. I'm still healing my self, dahil alam ko sa sarili ko na mapapabayaan lang kita kung pipilitin kong makasama ka kahit sirang sira nako. I'm sorry." Lumuluhang sabi ko sabay halik sa likod ng kamay niya.
Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko ng makita ko ang bahagyang paggalaw ng daliri ni Amanda.
"Amanda please wake up na. Masyado ka ng mahabang magpahinga." Pabirong bulong ko sa kanya.
Hinipo ko ang pisngi niya at tinaniman ng halik ang kanyang noo.
"I love you." Bulong ko pa sa kanya.
"May aaaikasuhin lang ako saglit pero babalik din kaagad ako. Make sure na gising ka na pagdating ko bukas. I miss you a lot Babe. I really do."
Tuluyan na akong nagpaalam sa kanila at sinabing babalik din kaagad kapag naisa-ayos ko na ang lahat.
"Good luck Matthew. See you in court." Naka-ngiting paalam sakin ni Mika.
"Good luck, stay safe." Paalam din sakin ni Amara.
"Please take care of her. Thank you." Naka-ngiting sabi ko bago ko tuluyang ipaharurut paalis ang sasakyan ko.
To be continued...

Komento sa Aklat (95)

  • avatar
    j******5@gmail.com

    Love the novel! Highly recommended ....

    21/05/2022

      0
  • avatar
    SalvadorJeschrel

    good

    28/10/2024

      0
  • avatar
    Shamy

    like your story but not really

    25/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata