logo text

WEIRD ATMOSPHERE Part 1

Natapos ang unang araw ng klase at thankful ako na nakahinga ako ng maayos ngayong afternoon class. Bumalik na rin ako sa tabi ni Quin para hindi siya mag-isip ng kung ano-ano. Hindi rin naman niya ako iniinis kaya maayos na ang daloy ng aking hapon pero napapansin ko pa rin na napapatingin siya sa ’kin.
So weird talaga.
“Good afternoon, class,” pagbati ni Ma’am Claud na kakarating lamang. Hinintay pa namin siyang lahat dahil may sasabihin daw siya.
Nagsi-upo ang lahat at tumahimik bago muling magsalita si Ma’am Claud.
“Class, alam na ba ninyo ang papasukan ninyong club?” tanong sa ’min ni Ma’am kaya muling nag-ingay ang buong klase. May mga na-excite at nagsabihan ng club. May mga isinisigaw din ang kanilang club para ang iba ay pumasok.
Dito kasi sa aming school, Howard Academy, puwede kang magpalipat-lipat ng club kung saan mo gusto. Every school year lang puwedeng magpalit kasi once na registered ka na sa isang club ay hindi ka na puwedeng magdalawang isip pa.
Sa pagkakatanda ko no’ng Grade 7 ako, nasa Literature Club ako pero na-bored ako dahil sa wala namang halos ginagawa. That time, same club kami ni Hazel at si Maxien naman ay nasa Arts Club.
Nang tumungtong kami ng Grade 8, saka kami nagpalit. That time, nakilala ko si Ten kaya napunta ako sa Music Club as a Representative pa lamang. No’ng grade 9 lang ako naging Secretary at ngayon gano’n pa rin.
“Okay. Okay. Quite!” napasigaw si Ma’am pero hindi naman sa galit. Aba, first day lang naman ngayon.
“The major clubs are now going to have a registrations for their new members,” panimula ni Ma’am at may nagbulungan na naman. Buti na lang wala akong pakialam. “Hindi ko lang tanda ang specific clubs na nasa Gymnasium, school ground at Hall. I just want to say na once na registered na kayo ay wala nang atrasan.”
“Maaari na kayong pumunta sa mga specific na lugar for registration,” pagtatapos ni Ma’am bago lumabas ng room. Kinuha ko na rin ang bag ko at kinausap sila Maxien at Hazel.
“Saan kayo?” tanong ko sa kanila at sabay-sabay naming tinahak ang daan palabas ng room.
“Sa gym ako pupunta kaya sabay na tayo,” sabi ni Maxien at hinawakan ako sa braso.
“Sa hall ako pupunta kaya, gotta go!” Dumaan si Hazel sa ibang direksiyon para makarating sa Hall. Magkalayo kasi ang pupuntahan namin.
“Anong club ang nasa school ground?” tanong ko kay Maxien na kumakain ng candy.
“Well, doon din sana kami ngayon kaso nagtext ang Vice President na sa gym na lang kami. Sakop iyon ngayon ng sports club. Naawa rin si Pres namin kaya sa gym kami.” Sabagay, malawak ang school ground at kasya ang lahat doon para sa mga gaganaping Sports registration.
“Mauna ka na roon, may dadaanan lang ako sa club room.”
Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. “What club?” tanong niya.
“Photography,” maikling sagot ko sa kanya bago ako lumiko papunta sa club room at iniwan na siya. Kaya na niya sarili niya. Hindi na siya bata.
Malapit pa lang ako sa room nang mapansin kong bukas ang pinto nito. Ha? Sa pagkakaalam ko, ako lang ang may hawak ng susi nito at wala namang nanghihiram sa ’kin.
Tsinek ko ang aking mga susi dahil sa pagaakalang nalaglag ko ang susi ng club room pero nandito pa naman ito kasamahan ng susi ng kuwarto ko, main locker ko at locker ko sa Music club. I wish may susi ako ng sarili kong sasakyan.
Muli akong napatingin sa nakabukas na pinto. Bumuntong-hininga ako bago lumapit sa Photography Club room. Nang masilip ko ang loob nito ay may nakatalikod na lalaki sa pintuan. Nakaupo siya sa table opposite side ng table ko rito.
“Hey. Who are you? Hindi pa ngayon ang registration ng club na ito,” nasabi ko na lang bago pumasok sa loob. Inilagay ko ang bag ko sa ibabaw ng table ko. Baka kasi napapag-akala niya dahil may sign na rin ito sa pinto.
Napansin ko naman na gumalaw ang lalaki at lumingon sa gawi ko. Tinignan ko na rin siya. Lalo akong nagtaka, na may halong gulat, nang makita ko kung sino ito.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” sabay naming tanong sa isa’t isa.
“To answer your question, I’m the President of this Club.”
“Pleasure to meet you Ms. President. I’m the Vice President,” sagot niya at saka siya ngumiti sa ’kin na parang nang-aasar.
“At paano naman nangyari iyon?” tanong ko sa kanya. May kinuha naman siya sa kanyang bulsa na itim na cellphone at nagkalikot doon. Pagkatapos ay iniharap niya ito sa akin.
Nilapitan ko siya para tignan kung ano ang mayroon doon. Nakalagay doon ang isang text message.
“Hi Quin! Puwede ka bang pumunta rito sa school? We’re going to talk about the Photography Club.”
Tinignan ko naman ang phone ko at tinignan ang message ni Tita Fel no’ng nalaman ko ang club. Tumingin ulit ako sa phone niya at napansin na parehas ang date kung kailan ito sinend pero mas maaga ang oras ng kanya.
Tumango-tango ako bago ko itago ang aking phone. “Okay. Medyo convinced.”
“Bakit medyo lang?” tanong niya bago tumayo sa lamesang inuupuan niya. Pinili ko na lamang hindi sagutin ang tanong niya at umupo na lamang ako sa aking upuan.
“Hmm, whether you like it or not, makakasama mo ko rito. We’re going to make this club work,” dugtong niya sa sinabi niya pero inirapan ko na lang siya. Duh, as if namang may magagawa pa ako?
Biglang tumahimik sa pagitan naming dalawa. Ang pinunta ko talaga rito ay yung camera ko. Dalawa kasi ito, nasa bahay ang isa. Tsine-check ko ito ngayon para mapagdesisyunan ko kung iiwan na lang sa Music club. Wala kasing locker dito, eh. Puro mahahabang lamesa lang.
“I thought you are going to your another club?” biglang tanong ni Quin na nakaupo sa kanyang puwesto. Akala ko nakaalis na siya dahil biglang tumahimik.
“Bakit ba ang daldal mo?” tanong ko at humarap sa kanya. Tinapat ko din ang camera ko.
“Wala lang. Siguro para mawala ang tensyon sa pagitan natin.” Ngumiti siya sabay click ko ng camera.
“Why bother?” tanong ko bago tumayo. Isinabit ko sa leeg ko ang camera ko at binitbit ko na rin ang bag ko. “Lalayas na ako. Paki-lock na rin ng pintuan,” sabi ko at lumabas ng room nang maramdaman kong sumunod siya.
“Wait! Sabay na ako,” sabi niya at ni-lock ang pinto bago ako sabayan sa paglalakad.
“Pahiram,” sabi niya at tinuro ang cam ko. Napataas ang aking kilay pero binigay ko pa rin. What’s so into him? He’s so weird.
Malapit na kami sa school ground at nakikita ko na ang mga naglalaro nang bigla niya akong kulbitin. “Clea! Tingin ka!”
Lumingon ako sa kanya sabay click nya sa camera. Nagulat ako pero hindi na ako naka-react nang bigla niyang binigay ang cam ko at tumakbo. “Huwag mo ide-delete iyan!” sigaw nya bago umalis sa tabi ko.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at tinignan ang picture. Buti na lang hindi ako mukhang haggard o nakasimangot.
Nang makarating ako sa gym, nasalubong ko ang maraming estudyante. Maingay ang buong gym. Pumunta na lang ako sa puwesto ng Music Club.
“Yow. What’s up, Dyis,” pagsalubong ko kay Ten na nagaasikaso ng ibang nagpapalista sa aming club.
“Yow. Okay naman,” sagot niya nang hindi lumilingon.
“What can I do?” I ask him para naman may magawa ako. Secretary lang ako pero kailangang maging responsible pa rin ako.
“Hmm, paayos na lang nitong ibang profiles. Tapos isulat mo do’n sa blank page,” sabi niya kahit hindi nakatingin. Kagaling talagang kausap nitong ni President. “Ah! Paki-arrange na rin on what are they performing.” Patalikod na ako nang bigla niyang dagdagan ang utos niya. Dapat pala umuwi na lang ako.
Binigay niya sa akin ang mga papel na finill up ng mga estudyante na gustong pumasok sa aming club. Umupo ako sa katabi niyang upuan. Inayos ko ang mga files bago isulat sa bagong papel. Naging half-half ang mga naayos ko. Ang iba kasi marunong lang gumamit ng instruments ang the rest ay singing. Gosh. Mahirap sa singing!
Parang audition kapag mga major clubs. Kung hindi ka makakapasok, daretso ka muna sa minor clubs. Pero may requirements din. Kung ayaw mo, okay lang na walang club na salihan.
When I’m was entering this club, nilagay ko doon sa form ay pagtugtog ng piano. Mas sanay kasi ako doon at well trained ako dahil sa bahay namin, may music room. Mahilig din kasi si mama na mag-play ng kahit anong instruments. Well, marunong din naman ako kumanta.
At dahil kumpleto ang school sa mga instruments or equipments hindi ko na kailangang magdala ng keyboard. Jusko. Mabigat iyon, mga besh.
I played classical music no’ng recruiting. Nang marinig iyon ng teacher na naghahandle sa club, which is si Ma’am Vic, ay napasali agad ako. Siyempre as a representative muna. And now, Secretary na. Achieve!
“Pareng Ten, ano’ng plano ng club ngayon?” tanong ko sa kanya dahil wala naman na siyang ginagawa. Unti-unti na ring umaalis ang mga estudyante dito sa gymnasium.
“Sabi ni Ma’am V., bubuo na raw ng choir. It’s been years naman na no’ng nabuo iyon. Then, may pa-contest din like Battle of the Bands. Lastly, pag may mga program dito sa school, weeks or days man ang itagal tayo ang open and close performers,” paliwanag niya sa ’kin habang nakatingin sa kung saan.
“Wow.” Hindi ko maiwasang humanga sa mga gagawin ng club ngayon. Pero naiiyak din ako kasi bakit ang dami?
“Astig ba?” tanong niya sa ’kin. Saan ba ito nakatingin?
Sinundan ko ang tingin niya sa kung saan. Napangisi ako ng wala sa oras. “Mas astig ka,” sagot ko at bahagyang natawa.
Alam ko na kung sino tinitignan niya. Oo, ’sino’ talaga!
It was his crush. Oh gosh. Pano ko nakilala? Siyempre madaldal ito kapag nasa club room. No’ng tinanong ko siya kung sino ang crush niya, hindi niya namalayan na nabanggit na niya si Bianca Suarez na Vice President sa Dance Club. And another gosh. Kasi namula siya after that!
Tumayo ako at lalapit sana sa katapat naming club kung nasaan si April, ang Dance Club. Nakita ko rin na parang nagulat si Ten sa pagtayo ko kaya napatayo rin siya. Alam na niya yata ang gagawin ko.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata