PARTNER

MAXIEN’S P.O.V.
Lumabas ako ng aking kuwarto at pinuntahan ang aking kapatid na kanina pang hindi lumalabas ng sariling kuwarto. Well, that’s our differences. She’s always inside her room.
Ako nang gala! Gosh.
Hindi na ako kumatok pa at binuksan na ang pinto ng kanyang kuwarto. I’m was about to shout her name nang makita ko siyang nakadapa sa kaniyang kama. Nang lapitan ko siya ay saka ko lang napagtanto na nasa mahimbing siyang pagkakatulog. OMG.
Nasapo ko na lang ang aking noo bago maupo sa kaniyang kama. Hmm... ano kaya ang puwedeng gawin para magising siya?
Napangisi ako at muling tumayo. Bahagya akong lumayo sa kaniyang kama at saka bumwelo nang pagtakbo sabay sigaw nang, “Fire ball!”
“What the hell?”
Natawa ako ng malakas nang saktong pagtalon ko ay nadaganan ko siya. Inis na inis naman siyang tinutulak ako para umalis sa kaniyang ibabaw.
“Ang sakit ng likod ko, Maxien! Alis diyan!” naiiyak niyang sigaw habang tinutulak pa din ako. Natatawa pa din akong sinunod siya.
Nakangiti akong umupo sa kaniyang higaan habang pinapanood siyang unti-unting bumabangon. Natawa ako ng mahina nang tignan niya ako ng masama.
“Why did you do that?” inis niyang tanong. Marahan siyang nag-stretch ng katawan niya na mukhang masakit talaga ang ginawa ko.
Nag-peace sign ako. “Sorry, sister. I’m just excited sa party mamaya. OMG! Can you imagine?” tanong ko at biglang lumapit sa kaniya.
Nilayo niya ang mukha ko gamit ang kanyang dalawang daliri. “I can imagine na masaya ka nga sa party. Pero huwag mo na akong idamay diyan.”
“At bakit?” Nag-cross arms ako at tinaasan siya ng kilay.
Pumikit siya at muli nahiga sa kaniyang kama. “I have no plans to attend that party. What I’ve plan is to sleep here all night. I’m so sleepy.”
“No way.”
Idinilat niya ang isa niyang mata. “What ’no way’?”
Napairap ako at napailing. Umalis ako sa kanyang kama at tumayo sa kaniyang tabi. Kinuha ko ang kanyang kamay at buong lakas ko siyang itinulak.
Hinila niya ako pabalik. “Maxien, ayaw ko ngang um-attend, okay?”
“Maxine, gusto kong um-attend ka. Ano bang problema? Wala kang partner, ano?” pang-aasar ko sa kanya. Agad kong napansin ang pamumula ng pisngi niya. “Aha! Sino yang partner mo?” tanong kong muli habang sinusundot siya sa tagiliran.
Hinampas niya ang kamay ko at binitawan ang isa pa. Napakamot siya sa kaniyang ulo at tuluyan nang bumangon. Nakapikit siyang naglakad at nauna na sa paglabas. Napailing na lang ako. Sa akin pa nahiya.
Nakangisi akong sinundan siya na pababa sa hagdan. Dumaretso siya sa kitchen at binuksan ang refrigerator. Naupo naman ako sa dining table at hinintay siyang lumapit.
“Kakain ka pa?” tanong ko nang mapansin ang hawak niyang grapes at apple.
“So?” mataray niyang sabi bago kumagat sa kanyang apple.
Umiling ako. “Wala lang naman. After you eat, maghahanda na tayo para sa party.”
“Why do I have to attend that party?”
“Dahil gusto kong maranasan mo din ang maging masaya kasama ko.”
“Ahuh? As if namang maiiwan mo ang boyfriend mo?”
Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Well, my partner should always be in my side. Kung saan ko trip pumunta dapat nandoon siya. Selfish partner.
Ahem, speaking of the word partner.
“Sino ba ang partner mo?” tanong ko at nakiagaw na sa kaniyang ubas.
“Wala akong partner,” sabi niya pero nakaiwas ang tingin. Wala ba talaga?
Nagkibit-balikat na lang ako at kumain na lang din. Pero agad din akong napahinto nang makita ang kaniyang cellphone na mabuhay at mukhang may natawag pa. Bago pa niya ito makuha at inunahan ko na siya.
“What the hell? Give me my phone!”
Agad ko siyang itinuro. “Padalawa mo na ’yon. Bawal kang mag-shopping ng tatlong araw!”
“What? Ikaw ba ang may hawak ng allowance ko?” tanong niya na nanlalaki ang mata.
“Hindi!” agad kong sagot sa kaniya. Pero agad ko itomg dinugtungan. “Pero isusumbing kita kay Mommy na nagmumura ka! Ayaw pa naman niya ng gano’n!”
“What the—I hate you, Maxien!”
“I hate you, too.” Kinindatan ko siya sabay sagot sa phone niya na kanina pa nagri-ring. Tinapat ko ito sa aking tenga habang nakatingin sa kaniya. “Hello?”
“Maxine? Is that you?”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ng caller. Napataas naman ang kilay ni Maxine habang nakatingin sa akin. “OMG. Maxine, is this...”
Agad na nanlaki ang mata niya at mabilis na tumayo para kuhanin sa akin ang kaniyang phone. Hindi ko na siya napigilan dahil gulat pa din ako sa boses ng caller niya.
“OMG, Maxine. Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
Mabilis ko siyang hinampas sa kaniyang braso lalo na nang mapansin kong pinatay niya ang tawag. Ibinulsa niya ito bago humarap sa akin para irapan ako. Naglakad siya palabas ng kitchen.
Sinundan ko siya na papunta sa kaniyang kuwarto pero agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak at paghila sa kaniyang kamay. “Maxine, maghanda ka na. Hindi mo dapat pinapalagpas ang partner mo.”
“Bakit parang sure ka na siya ang partner ko? Narinig mo lang naman ang boses niya? Malay mo may kailangan lang sa akin?”
Hinarap ko siya nang makapasok kami sa aking kuwarto kung nasaan ang mga gagamitin namin sa party, including the dress and the make up. I’m so excited kaya ako na ang mag-aayos sa aming dalawa. Wala si Mommy, eh.
“Alam ko na ang tawag na gano’n, Maxine. Lalo na ngayong may event sa school? Huwag ako, Maxine.” Pumunta ako sa kaniyang likod at tinulak siya papunta sa banyo. “Maligo ka na lang at huwag puro tanong.”
Sinarado ko ang pinto ng banyo nang makapasok siya, para sure na liligo siya. Alangan namang ako pa ang magpaligo sa kaniya? Kumpleto naman na din ang gamit sa CR.
Napangiti ako at lumapit sa susuotin naming dress. Parehas black ang kulay, dahil iyon ang required, at ako mismo ang pumili ng design. Siyempre, sarili kong design. That’s my specialty. No one knows, kayo palang.
Napatingin ako sa aking phone na nasa table nang bigla itong tumunog. Nilapitan ko ito at sinagot ang tawag na mula sa aking lovable partner. Ang sweet.
“Are you ready?” bungad na tanong niya nang sagutin ko ang tawag.
“Not yet. May inaasikaso pa kasi ako. Baka matagalan?”
“Ayaw ko nang late, Maxien.”
Napa-pout ako sa sinabi niya. “Hindi naman siguro ako male-late. Tapos na siguro akong maghanda before 7.”
“That’s nice. And, oh, another thing, Maxien. Huwag mong sobrahan ang make up mo kung ayaw mong ako ang magbura niyan.”
“Gano’n? Fine. Light make up lang ang ilalagay ko. Another reminder? Meron pa?”
“Kiss me later, that’s all. Bye.”
Natawa ako ng malakas nang marinig ang kaniyang huling reminder. Sayang at hindi niya narinig ang pagtawa ko dahil pinatay na niya ang tawag. Adik talaga ng lalaking iyon.
“Ang saya mo, sister.”
Napalingon ako sa banyo nang marinig ang boses ng aking kambal na kakalabas lang. Naka-robe siya at may towel sa ulo. Nagkibit-balikat na lang ako. Nakakabaliw kasi.
Nilapitan ko siya at tinapik sa kaniyang balikat. “Ayusin mo na sarili mo, ha?” Tumango na lang siya at ako naman ang pumasok sa banyo.
Binilisan ko ang pagligo dahil takot akong ma-late sa party ngayon. Buti sana kung katulad lang no’ng dati na puro pagkain ang aatupagin ko. Ngayon, May partner na ako na ayaw sa mga late.
Bumungad ang nakahalumbabang si Maxine sa tapat ng aking study table, kung nasaan ang make up kit, nang lumabas ako ng banyo. Napailing na lang ako. She didn’t even move her hair.
“Maxine, I’m not your mother. I’m just your sister.” Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat. Tinignan ko siya sa pamamagitan ng salamin. “Kinakabahan ka ba?”
“Medyo? Kasi....”
“Hindi mo kilala partner mo? Na nababaguhan ka?”
Marahan siyang tumango. “Hindi ko alam kung ano ang meron sa ganyang mga event. Parang nangangapa pa ako sa bagong buhay ko ngayon.”
Napabuntong-hininga ako at tinanggal ang towel sa kaniyang ulo. Kinuha ko ang suklay para maayos ito. “Kaya nga kita isasama, hindi ba? Huwag kang mag-alala, sasabihan ko ang partner mo na huwag kang iwan.”
Nginitian ko siya at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa kaniya. Nilagyan ko na din ng make up ang kaniyang mukha bago ko asikasuhin ang sarili ko.
Yes, mataray siya. Siguro nasa lahi na namin iyon. Pero kahit na ganoon ay handa akong gabayan siya sa bagong buhay na sinasabi niya bilang kapatid. Hindi ko siya pababayaan.
Matagal man nang panahon kung kailan ko hiniling na magkaroon ng kapatid, masaya pa rin ako. Sobrang saya ko to the point na gagawin ko ang lahat para maging masaya siya.
“Maxien, hindi ko maabot yung zipper.” Napatigil ako sa paglalagay ng lipstick nang magsalita si Maxine. Natawa ako ng mahina habang tinitignan siyang abutin ang zipper. Lumingon siya sa akin. “Tinatawanan mo ako.”
Tinapos ko ang paglalagay ng lipstick ko bago lumapit sa kaniya para tulungan siya sa kaniyang zipper. Napaharap ako sa salamin kung saan, nakatingin din siya.
“Kambal nga tayo,” natatawa niyang sabi habang nakatingin sa salamin.
Natawa ako ng mahina. “Picture tayo?” Agad kong kinuha ang aking cellphone para hindi na siya makatanggi. Nang itapat ko ang camera sa aming dalawa ay agad akong ngumiti, gano’n din siya.
Nauna na akong lumabas sa aming kuwarto dahil hindi pa pala niya nasusuot ang kaniyang sandals. Ayaw niya sa heels, eh.
Pumunta ako sa salas kung saan may nakita akong lalaking nakaupo sa sofa. Agad akong nilingon ng lalaking halatang kinakabahan. Nakasuot ng black suit.
Tumayo siya at tinanguan ako. “Maxien.”
“Oh, how did you know?” Naupo ako sa katapat niyang sofa. Muli siyang naupo.
“May nunal si Maxine sa pisngi, ikaw wala.”
“Kilalang-kilala mo ang kapatid ko, ah?”
Agad niyang iniiwas ang kaniyang tingin. “Medyo lang.”
“Nga pala, ikaw ba ang partner niya?” Napansin ko kasing wala pa siyang necktie at nandito din siya, so I assume na...
“Yes.”
Napangiti ako sa kaniyang naging sagot. “As her sister, I’m happy for the both of you. Nga pala, medyo kinakabahan daw kasi siya. Sana naman ay hindi mo siya iwan?”
Natatawa siyang lumingon sa akin. “Baka nga ako pa ang iwan, eh.”
“No, I won’t.”
Napatingin ako sa kakababang si Maxine. Napangiti ako bago lumingon kay Noah na natulala na sa papalapit na si Maxine. Saka pa lang siya tumayo nang nasa tapat na niya ito.
“M-Maxine.”
“What?”
Dinukot ni Maxine ang isang maliit na kahon sa kaniyang pouch bago ito ilapag sa sofa. Hinawakan niya ang collar ng damit ni Noah at nilagay ang necktie nito.
Habang pinapanood ko sila ay biglang may humalik sa pisngi ko. Paglingon ko sa kanan ay wala namang tao. Pero pagtingin ko sa kaliwa ay agad na may sumalubong sa labi ko.
Agad akong lumayo para tignan ang humalik sa akin. Nanlaki ang mata ko. “Ikaw pala ’yan, Love.”
Tinuro niya sina Maxine at Noah na medyo nag-uusap na saka niya hinawakan ang kamay ko at pinatayo. Tahimik kaming lumabas ng bahay para hindi sila maabala.
“Where’s mine?” tanong niya pagkarating namin sa kaniyang kotse.
Napangiti ako at kinuha ang isang necktie sa aking pouch. Agad ko itong nilagay sa kanyang leeg habang nakatingin sa mga mata niya.
Nang matapos ko itong ilagay ay agad niya akong hinawakan sa balikat at isinandal sa kaniyang kotse. Hindi na ako nagpumiglas pa hanggang sa unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin para...
HAZEL’S P.O.V.
Padabog kong isinara ang pinto ng kotse ko pagkababa ko dito. Agad kong inilibot ang tingin ko para tignan ang paligid. Hanggang sa dumapo ang tingin ko sa dalawang tao na nakatayo malapit sa puno.
Aba’t! May paghampas pa sa braso?
Naikuyom ko ang mga kamay ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking sling bag. Magkasalubong ang mga kilay ko at mabibigat ang mga hakbang na nilapitan ko sila.
Tumingin sa akin ang babae at agad akong itinuro. Natawa pa siya ng mahina nang lingunin ako ng kausap niya. Mabilis ko siyang sinapak nang makita ko ang ngiti niya.
Buwisit!
“What was that for, babe?” gulat niyang tanong habang hawak ang kanyang ulo.
Muli ko siyang hinampas sa braso na may halong panggigigil. “Nakakainis! Hindi mo ako sinundo para makipagtawanan ka sa babae mo? Ano’ng tingin mo sa akin?”
Inayos niya ang kaniyang buhok at pumunta sa likod ko. Napairap na lang ako nang yakapin niya ako mula doon. Natawa siya ng mahina dahilan para mas mainis ako.
“Babe, hindi ko siya babae okay? Wala akong gano’n. Ikaw lang at si mommy, pati na rin ang mom mo ang mga babae sa buhay ko. Damay ko na din ang mga girl best friends mo.”
Tinuro ko ang babaeng natatawa sa harapan namin. “Sino siya?” kalmadong tanong ko sa kaniya. Subukan niya lang magsinungaling, sasapakin ko ulit siya.
“I’m Dia,” sagot ng babae sa akin at naglahad ng kamay.
Sa halip na tanggapin ang kamay niya ay agad kong siniko si Dariel na nasa likod ko pa din. “Buwisit ka! Hahanap ka na nga lang ng iba, Dia pa ang pangalan! Hoy! May parang second name ko iyon, eh!”
“Babe, naman. Huwag kang maging sadista. Nasasaktan ako,” sabi niya at inihilig ang ulo sa balikat ko. Hinigpitan niya din ang pagkakayakap sa akin. Kainis!
“Hey, Hazel. Hindi ako babae ni Dariel, okay? May boyfriend na ako at hindi siya iyon,” nataraqang sabi ni Dia kaya napalingon ako sa kaniya.
“Bakit ba kayo nag-uusap?” tanong ko habang nakataas ang kilay at naka-cross arms.
“Tinatanong ko kasi sa kaniya ang mga requirements sa Sports Club. Club mate niya kasi ako at na-assign ako sa volleyball girls.”
Tumango-tango ako, trying to convince myself. Muli akong humarap sa kaniya. “Bakit kayo nagtatawanan?”
“Joker kasi boyfriend mo.”
Muli kong siniko si Dariel dahil sa sinabi ni Dia. Napaatras siya at mas isiniksik ang ulo sa leeg ko. “Babe, naman! Ang kulit mo. Hindi ko naman yun matatanggal sa akin, eh!”
Natawa ng mahina si Dia. “By the way, I have to go. Baka hinihintay na ako ng partner ko.” Bago siya tumalikod ay may sinasabi siyang muli. “Hazel, kilala ko si Dariel. Hindi ka niya ipagpapalit sa kahit ano o kanino.” Kinindatan niya ako at naglakad na palayo.
Napabuntong-hininga na lang ako at muling siniko si Dariel, pero mahina na lang. “Alis na diyan.”
Marahan niyang tinanggal ang pagkakayakap sa akin bago pumunta sa harapan ko. Nakatungo siya na parang batang pinagalitan ng ina.
Aishh, erase. Pinagalitan ng girlfriend.
“Bakit hindi mo ako nasundo?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
Marahan niya akong sinilip pero muli siyang tumingin sa lupa. “Kasi nasira ang kotse ko sa daan. Kaya sinabi kong hindi kita masusundo. Pinapaayos na ito ni Kuya Nash ngayon.”
“Ano’ng sinakyan mo papunta dito?”
“Taxi.”
“Bakit hindi ka man lang dumaan sa bahay namin?”
“Kasi nahihiya ako sa parents mo na ako pa ang makikisabay.”
Nasapo ko na lang ang aking noo at napailing. Jusko. Nauna pa niyang isipin iyon at hindi ang magagalit na girlfriend? Kung alam lang niya na umalis ang parents ko dahil sa urgent meeting.
Nang may maalala ako ay muli akong tumingin sa kaniya. Inayos ko ang sling bag ko sa aking balikat at humakbang ng isa para magkalapit kami. Agad kong hinawakan ang magkabila niyang braso dahilan para magulat siya.
“May itatanong ka pa? Punta na lang tayo sa school ground para sa party,” sabi niya nang hindi ako tinitignan.
“Eyes on me, Dariel.” Dahan-dahan niyang sinalubong ng tingin ang mata ko. Napangisi ako. “Ano ang sinabi ko sa ’yo nang maging tayo?”
“I love you?”
Napairap ako at hinampas ang isa niyang braso. Agad niya ito hinawakan at lumayo sa akin. “Sumosobra ka na.”
“Wow. Ako pa? But you let that girl, touch you!”
Siya naman ang nang-irap. “Your being a possessive girlfriend again, Hazel.” Tinignan niya ako at nginisihan. “Are you going to bite me again, huh?”
Napakagat ako sa aking labi nang masilayan ang maganda pero mapang-asar niyang ngiti. “How did you know?”
Nagkibit-balikat siya. “Because you’re my girlfriend.” Hinawakan niya ang isa kong kamay at marahan akong hinila. “Sa kotse mo na lang.”
“Pervert!”
Mabilis kong hinampas ang kanyang kamay para bitawan niya ang kamay ko. Natawa naman siya ng malakas dahilan para mapailing ako. Fine. Joker nga siguro ang boyfriend kong ito.
“Hey! Hazel!” Napalingon ako sa harapan at nakita ko si Maxien, kasama si Dylan, na papalapit sa amin. “Why is he laughing?” tanong niya nang makalapit sa akin, tinutukoy si Dariel.
“Huwag mo nang tanungin, Maxien. Sasakit lang ang ulo mo.” Nag-pout siya at hinampas ako ng mahina sa braso.
“Baliw ka.” Napatingin kami kay Dylan na katabi na ngayon ni Dariel. Natatawa pa rin habang naka-akbay dito.
“Did he say something?” tanong ko kay Dylan.
Tumango siya dahilan para mamula ang pisngi ko. “I can say, you’re a different kind of couple.”
“We’re unique!”
“Shut up, Dariel!”
Natawang muli ng malakas si Dariel kaya napailing na lang si Dylan. Nilayuan niya ito at nilapitan ang kaniyang girlfriend na naguguluhan sa tabi ko. “Iwan na natin sila?”
“Bakit different kind of couple?” naguguluhang tanong ni Maxien.
Tinignan ko si Dylan at tinuro siya. “Don’t you dare to say it to her. Kawawa ka sa akin.”
Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na parang sumusuko bago akbayan si Maxien. “Sure. I just want to have fun with my girl.”
Hinila na niya si Maxien papunta sa open ground kung saan gaganapin ang party. School anniversary naman kasi ang gaganapin kaya napiling dito na lang sa school ganapin. Well, much better.
“Babe, hindi mo pa nabibigay ang necktie ko.”
Humarap akong muli kay Dariel at tinaasan siya ng kilay. “Do I have to?”
Natatawa siyang umiling at nilapitan ako. Hinawakan niya ako baywang at nilapit ang mukha para halikan ako sa aking kanang pisngi. “Sorry na,” sabi niya at hinalikan naman ako sa kaliwa. “Sorry.”
“Fine, babe.”
Napangiti siya at hinalikan naman ako sa aking noo. Napangisi na lang ako at kinuha ang necktie niya, na katerno ng dress ko, para isuot sa kaniya. Tinali ko ito sa kanyang leeg bago siya hawakan sa balikat.
“Dadaretso pa ba tayo sa school ground?” tanong ko habang pinipisil ang balikat niya, pababa sa kanyang braso.
“Kung gusto mo, sa kotse mo na lang tayo. Hindi ako magagalit,” sagot niya at kinindatan ako.
Napailing na lang ako at hinawakan ang kamay niya para tanggalin ito sa baywang ko. Sunod kong ginawa ay hinawakan siya sa kaniyang braso. Natawa siya ng mahina nang ihilig ko ang ulo ko sa kaniyang balikat bago maglakad.
Sinalubong kami ng malakas na music na nagmumula sa Music Club at hired DJ’s nang marating namin ang school ground. Marami ding nagkalat na estudyante sa paligid.
Ang mga lamesa nasa mga tabi para mabigyan ng space sa pagsayaw ang mga students. May mga pagkain din kung saan nakita ko na agad doon si Maxien at Dylan. Wow, gutom.
“Tara do’n. Nakita ko si Kyle, eh.”
Tumango ako kay Dariel at sinundan siya sa paglalakad hanggang sa makita ko si Kyle na mag-isa sa isang round table. Pinaghila niya ako ng upuan para makaupo ako bago ako tabihan.
Napatingin sa amin si Kyle na abala sa phone at ngumisi. “Plano sigurong palibutan ako ng couples?”
“Hindi naman,” natatawang sabi ni Dariel na naka-akbay sa akin.
“Dito din ba uupo sina Maxien?” Tumango siya bilang sagot. “Nasaan ang iba?”
Umayos ng pagkakaupo si Kyle at kinuha ang wine glass. Mabilis niyang ininom ang laman nito bago ako sagutin. “Nasa mga partner nila. Hiwa-hiwalay sila at nagkalat diyan.”
Napailing na lang ako bago humarap kay Dariel. “Can you get me some food?”
“Dadamihan ko?” Agad ko siyang kinurot sa kaniyang tagiliran dahil sa kaniyang birom. “Joke lang, eh.” Tumayo siya at lumapit sa kung saan nakapuwesto ang mga pagkain. Susunod naman pala, hindi agad.
Tumabi sa akin si Maxien na dala ang mga pagkain niya. Tinabihan siya ni Dylan na naiiling habang pinapanood ang kanyang girlfriend na kumain. Ang takaw kasi.
Dumating na din si Dariel dala ang pagkain na pinakuha ko. Buti na lang at hindi sobrang dami. Makakatay ko talaga siya at siya ang kakagatin ko.
“Sayang at hindi makakapunta si Clea, ano?” Napatingin ako kay Maxien nang bigla siyang magsalita.
Kinuha ko ang isang baso pero agad akong napatigil nang maramdaman ko ang kamay ni Dariel sa kamay ko. Inilayo niya ang nahawakan kong baso at pinalitan ito ng iba na may lamang orange juice. “Alcohol is not allowed.”
“Oh. Hindi ko naman alam na iyon ang makukuha ko.” Nginitian ko siya at ininom ang juice na binigay niya. Muli akong humarap kay Maxien. “Natawagan mo ba?”
Umiling siya. “Baka hindi ko mapigilan na inggitin siya.” Natawa kami ng mahina sa sinabi niya. Luka-luka talaga itong si Maxien.
“Eh, si Joaquin? Nakita mo na?” tanong ni Dariel kay Kyle.
“Oo. Lonely cat tulad ko. Pagala-gala,” sabi niya at natawa ng malakas. Abot pa sa kabilang table. Tuwang-tuwa, eh.
Official na nagsimula ang party nang magsalita na ang may-ari ng school na nandito din. Kaunting pasasalamat ang naganap at ang pagpapasabog ng fireworks dahilan para magliwanag ang kalangitan.
“Tonight, we have a very special guest!”
Agad kaming nagtinginan sa stage dahil sa sinabi niyang iyon. Lahat ay namangha nang makita ang isang babae na naglalakad paakyat sa stage. Nakaputing dress at kumikinang pa. Kinuha niya ang mic kay Miss at ngumiti ng malaki.
“Good evening, Howard Academy.”
Nakangiti kong binalingan ang kaibigan ko. “Your partner is here.”

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata